Share

Chapter 17

Author: LadyinRed
last update Huling Na-update: 2025-05-24 02:28:00

“Huwag mong kapalan masyado 'yang pagmumukha mo, Isabella!” saad ni Adam habang nakakunot ang noo. Ang konsensyang naramdaman niya ay nawala sa isang iglap.

Noong una, inakala niyang matalino at kalmado si Isabella. Pero ngayon, tila nawalan na ito ng bait.

“Sino bang makapal ang mukha? Hiwalay na tayo, pero ikaw itong paulit-ulit na nagpapakita sa akin. Ano bang gusto mong mangyari? Napagtanto mo bang mahal mo na pala ako matapos akong mawala? At gusto mo na naman akong makasama? Paano na si Bree mo—na parang isang perlas na pinahahalagahan?” wika ni Isabella sabay tawa nang malakas.

Ang mga mata niya ay puno ng pangungutya at pagkamuhi—parang mga punyal na tumutusok sa puso ni Bree.

“Ah... Adam, kung siya talaga ang gusto mo, handa akong umiwas,” nag-aalanganing sabi ni Bree kay Adam. “Nasa piling mo ako dahil mahal kita, hindi dahil sa iba. Kung ayaw mo na sa akin, sabihin mo na lang nang direkta,” dagdag pa niya, at nagsimulang pumatak ang kanyang mga luha.

Agad niya ring pinuna
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 19

    Nang maramdaman ang malamig na simoy sa kanyang likuran, hindi na ininda ni Isabella ang lahat. Buong lakas siyang nagpumiglas. Sa kanyang pagka taranta, tinadyakan niya si Lucio sa masilang bahagi ng katawan ng isang lalaki. Dahil dito, nagkaroon siya ng pagkakataong makawala. Umakyat siya sa mesa at mabilis na nagtangkang buksan ang pinto para makatakas.Nang bumukas ang pinto, natanaw ni Isabella ang pag-asang makaligtas. Ngunit sa sandaling iyon, parang may humagupit sa kanyang anit at bumagsak ang sampal ni Lucio.“Walang hiya kang malandi ka! Gusto mo talagang mamatay!” Galit na sabi ni Lucio.“Tulong!”“Bitawan mo ako! Huwag mo akong hawakan!”Nakita na ni Isabella ang pag-asa—paanong papayag siyang hilahin pabalik? Kumapit siya ng mahigpit sa hamba ng pinto gamit ang dalawang kamay, ayaw niyang bumitaw.Hindi siya pwedeng basta na lang sumuko. Hindi siya papayag!“Tulong?” Bahagyang nakangiti si Lucio na parang nanghahamak. “Akin ang buong establisyemento na ito. Sino ang tutu

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 18

    Tapos na ang lahat. Wala na si Adam sa buhay ni Isabella, at ang kasal nila ay ganap nang nagwakas. Kaya ayaw na ni Isabella na patuloy pang bitbitin ang sirang alaala ng nakaraan nilang dalawa ni Adam.Hinubad niya ang singsing sa kanyang daliri at kalmadong nagsalita, “Mas mahal pa ito sa isang malaking bahay. Kunin mo na. Ibinta mo kung gusto mo. Basta huwag mo na akong guluhin kailanman.” Saad ni Isabella habang iniaabot ang singsing sa taong kausap niya. Ngumiti lang si Ismael sa kanya, tila ba matagal na niyang hinihintay ang sandaling iyon. “Isay, alam kong ikaw ay masunurin. Ako na lang ang natitira mong kamag-anak sa mundong ito. Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan.” Nakangiti naman na sagot ni Ismael. Napansin niya ang pagkapayat ng dalaga at agad na inalok ito. “Pumayat ka nitong huli. Gusto mo bang lumabas tayo’t kumain?” Saad pa nito. Pagkakita niya sa singsing, tila bumalik ang dating Ismael—masaya, mapag-alaga, parang noong sila’y magkasama pa noong bata si I

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 17

    “Huwag mong kapalan masyado 'yang pagmumukha mo, Isabella!” saad ni Adam habang nakakunot ang noo. Ang konsensyang naramdaman niya ay nawala sa isang iglap.Noong una, inakala niyang matalino at kalmado si Isabella. Pero ngayon, tila nawalan na ito ng bait.“Sino bang makapal ang mukha? Hiwalay na tayo, pero ikaw itong paulit-ulit na nagpapakita sa akin. Ano bang gusto mong mangyari? Napagtanto mo bang mahal mo na pala ako matapos akong mawala? At gusto mo na naman akong makasama? Paano na si Bree mo—na parang isang perlas na pinahahalagahan?” wika ni Isabella sabay tawa nang malakas. Ang mga mata niya ay puno ng pangungutya at pagkamuhi—parang mga punyal na tumutusok sa puso ni Bree.“Ah... Adam, kung siya talaga ang gusto mo, handa akong umiwas,” nag-aalanganing sabi ni Bree kay Adam. “Nasa piling mo ako dahil mahal kita, hindi dahil sa iba. Kung ayaw mo na sa akin, sabihin mo na lang nang direkta,” dagdag pa niya, at nagsimulang pumatak ang kanyang mga luha. Agad niya ring pinuna

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 16

    "Ako ang ina ni Aaliyah. Walang ibang nagmamahal sa kanya nang higit pa sa pagmamahal ko. Paano ko siya isusumpa para mamatay?!" Pasigaw ang huling salita ni Isabella dahil sa matinding galit."Mas gugustuhin ko pang ako na lang ang mamatay!" dagdag pa niya.Tawa sa gitna ng galit at kawalan ng pag-asa—ganito na ngayon si Isabella.Marahil ay dahil totoo at lantad ang sakit at pagkabaliw sa kanyang mga mata, samantalang unti-unting nanghihina ang puso ni Adam.“Paano... nangyari ’yon?” tanong ni Adam, may halong pagtataka.“Syempre hindi mo alam! Ano ba ang alam mo? Minahal mo ba si Aaliyah? Pinahalagahan mo ba siya? May bone cancer siya. Bone cancer!” Diniinan pa ni Isabella ang huling dalawang salita.“Tanging hiling lang niya ay makasama ang kanyang ama sa mga huling araw niya, pero anong ginawa mo? Nakikipaglandian ka sa babaeng ’yan!”Tinitigan ni Isabella ang grupo ng mga walang kuwentang tao sa harap niya, umaapaw ang matinding galit sa kanyang mga mata.Kaya niyang tiising maa

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 15

    Halos maubusan na ng lakas si Isabella dahil sa nangyari kanina. Wala na siyang lakas kahit na puno siya ng hinanakit—nawalan na rin siya ng kakayahang lumaban. Maya-maya’y lumapit sa kanya si Zandro at binuhat siya mula sa lupa saka isinakay sa kotse. Hindi na siya nagpumiglas, kahit kaunti. Hindi siya lumaban, at lalong hindi siya sumigaw. Ang tanging nagawa niya ay ang mahigpit na hawakan ang lukot na larawan ng kanyang anak. Ang kanyang anak—nakakaawa—ni hindi man lang nakatanggap ng kahit kaunting pagmamahal mula sa kanyang ama noong nabubuhay pa siya. Kahit isang yakap mula sa ama ay hindi niya naranasan. Ngayon na wala na si Aaliyah, patuloy pa rin siyang hinahamak ng mga taong ito. Sino nga ba ang karapat-dapat tawaging tunay na tao? Samantala, sa loob ng ospital... “Ahm, Adam, ayos lang talaga ako. Kaunting sugat lang naman ito. Umuwi ka na. Pero sa tingin ko, hindi maayos ang pag-iisip ni Isabella ngayon. Kaya medyo nag-aalala ako sa bata,” wika ni Bree. “Dapat hindi na

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 14

    Mabilis na lumapit si Bree upang pigilan si Adam. “Adam, anong ginagawa mo?” agad niyang tanong sa lalaki. Tiningnan siya ni Adam nang may bahagyang paninisi. “Bakit mo ginawa 'yon? Babae pa rin si Isabella sa kabila ng lahat. Paano mo nagawa 'yon sa kanya?” Tiningnan ni Bree si Isabella at yumuko. Sinubukan niyang tulungan si Isabella na makatayo mula sa lupa. Bago mamatay si Aaliyah, ang tanging hiling nito ay makasama ang kanyang ama kahit sa ilang araw lamang. Ngunit laging kasama ni Adam ang babaeng ito na nasa tabi niya. Dinala pa niya ito sa isang engrandeng bulwagan upang ipagdiwang ang kanilang anibersaryo noong gabing naospital si Aaliyah. Tuwing nakikita ni Isabella ang babaeng ito, naaalala niya ang lungkot at sama ng loob ni Aaliyah—at ang gabing iyon nang siya ay pumanaw. Ang gabing gumastos ng limang milyong piso si Adam para sa paputok—para lang kay Bree. Agad na nagdilim ang kanyang paningin. “Huwag mo akong hawakan!” matigas niyang sabi. Pwersahan niyang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status