Nananatili sina Isabella Russo at Adam Kingsley sa kanilang limang taong pagsasama bilang mag-asawa ngunit nagsanhi ito ng pagyurak sa kanilang dignidad. Naisip ni Isabella na kahit walang pagmamahal sa isa't isa ay sapat na ang mahalin na lamang ang kanilang anak. Hanggang sa dumating ang araw. Sabay-sabay na lumabas ang balitang may malubhang sakit ang kanilang nag-iisang anak at ang balita tungkol sa paggastos ni Adam ng malaking halaga para kay Bree Morgan. Hindi na kailangang magpanggap bilang Mrs. Kingsley si Isabella. Gayunpaman, may isang lalaki binili ang lahat ng media entertainment at lumuhod sa kanya na nangungusap ang mga mata at nagmamakaawa na bumalik siya sa piling niya. Nagkataong lumitaw si Isabella na hawak ang kamay ng isa pang lalaki. Ang kanyang bagong pag-ibig ay ipinagsigawan niya sa mundo.
View More“Ah… Ms. Isabella, ang iyong anak ay nagdurusa sa sakit na hereditary bone cancer. May taning na rin siya—dalawang buwan na lang ang itatagal ng kanyang buhay.”
Paliwanag ng doktor habang seryoso itong humarap sa kanya matapos suriin ang vital signs ng bata. “Ang pagkakaalala ko, namatay din ang iyong ina dahil sa malubhang sakit na ito. Maaaring namana ito ng iyong anak.” May awa sa tinig ng doktor habang hinawakan nito ang kanyang braso—kita ang pag-aalala sa mga mata nito bago muling nagsalita. “Ang payo ko sa’yo, Ms. Isabella, ay magpa-general check-up ka rin sa lalong madaling panahon upang matiyak ang iyong kalusugan.” Tila naubusan ng lakas si Isabella Russo—biglang nanlambot ang kanyang mga tuhod sa mga salitang binitiwan ng doktor. Sana siya na lamang ang nagmana ng sakit ng kanyang ina. Ilang minuto na ang lumipas mula nang umalis ang doktor, ngunit hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang mga sinabi nito. Nanginginig ang kanyang katawan at hindi niya ito mapigilan. “Mommy, may nangyari po ba sa’yo?” tanong ni Aaliyah sa kanyang ina nang mapansing tila malungkot ito. Puno ng pag-aalala ang mahinang boses ng bata, halatang may karamdaman. “May mali po ba akong nagawa, Mommy? Kaya hindi ka masaya?” Tiningnan ni Isabella ang kanyang anak na nakahiga sa hospital bed. Mahina ito, payat at maputla. Sa maliit nitong mukha ay mababakas ang guilt. “Pwede po ba akong humingi ng tawad kung may nagawa po akong kasalanan?” Pilit ang ngiti ng bata matapos magsalita. Tila durog ang puso ni Isabella. Hindi siya makapaniwala na dalawang buwan na lamang ang itatagal ng buhay ng kanyang anak. Ulila na siyang lubos—wala nang pamilya, at ang kasal na pinanghahawakan niya ay matagal nang nawalan ng saysay. Tanging si Aaliyah na lang ang kanyang dahilan upang mabuhay at lumaban. Ngunit ngayon, unti-unti na rin itong inaagaw sa kanya. Pinilit niyang pigilan ang luha. "Hindi ako malungkot, anak. Masayang-masaya nga ako kasi malapit ka nang gumaling sa sakit mo.” Nagliwanag ang mga mata ng bata. “Talaga po? Si Dad… makakapunta po ba si Daddy para makita niya ako ngayon, Mommy?” Napuno ng pag-asa ang madilim na mga mata ng bata, ngunit mabilis din naglaho ang ningning nito. Tila nawalan ng lakas ng loob na umasa. Ang mga salitang iyon ay mas masakit pa kaysa sa pinakamalupit na sakit na naranasan ni Isabella. Pilit na pinigilan ni Isabella ang kanyang puso sa panginginig at nagkunwaring masaya. “Opo. Pupuntahan ka ng Daddy mo, ipinapangako ko, anak.” Pilit siyang ngumiti sa kanyang anak. “Talaga po?” Mahina at walang kumpiyansang tanong ni Aaliyah. Nauunawaan ni Isabella ang kawalan ng tiwala ng bata. Ang ama nito—ang taong dapat unang magmahal sa kanya—ay kailanman ay hindi nagpakita ng malasakit. Ang masalimuot na relasyon ng magulang ay hindi pa mauunawaan ng isang apat na taong gulang. Ang alam lang ng bata, gusto niyang maramdaman ang pagmamahal ng kanyang ama at magkaroon ng normal na pamilya. Ngunit mamamatay na ang kanyang anak. At wala siyang magawa upang ibigay ang tanging hiling nito. “Aaliyah, anak… pangako ko sa’yo ngayon, dadalhin ko rito ang Daddy mo. Kahit ano pa ang mangyari. Happy birthday.” Marahan niyang hinaplos ang ulo ng anak at hinalikan ito habang pinipigilang pumatak ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata. Isang masayang ngiti ang lumitaw sa mukha ng bata habang nagliliwanag ang kanyang mga mata. Nang makumbinsi ni Isabella na matulog na ang bata, agad siyang tumawag kay Secretary Lyra Dimagiba, ang sekretarya ng kanyang asawa. Mahigpit niyang hinawakan ang telepono at huminga ng malalim. “Si Adam Kingsley. Nasaan siya? Pakisabi na may mahalaga akong kailangang sabihin sa kanya.” Diretso at walang paligoy-ligoy ang kanyang tono. Isang segundo ng katahimikan bago sumagot ang sekretarya. “Ah… e, Miss Isabella Russo, umalis po kasi si Mr. Adam Kingsley. Kaarawan po ni Miss Morgan ngayon at kasalukuyan nila itong ipinagdiriwang. Kung may gusto po kayong sabihin, bukas ko na lamang ipapaabot kay Mr. Kingsley.” Pagkarinig ng pangalang ‘Miss Morgan,’ nanuyo ang lalamunan ni Isabella. “Sabihin mo sa kanya, ngayon lang. Walang ibang araw kundi ngayon.” Agad niyang ibinaba ang telepono matapos magsalita. Wala pang sampung minuto, muling tumawag si Secretary Lyra at ibinigay ang address. Sa Makati siya pumunta, sa isang sikat na lugar—Hassan Hotel and Restaurant. Pagdating niya roon, sinalubong siya ni Lyra upang ihatid sa kinaroroonan ni Adam. Pagtapat nila sa pintuan ng kwarto, bago pa man siya makapasok, narinig na niya ang tinig mula sa loob. “Kuya Adam, sabihin mo ang totoo sa lahat. Sa harap ng kapatid ko ngayon—si Isabella Russo at ikaw ay ilang taon nang kasal at may anak. Wala ka na bang nararamdaman para sa babaeng ‘yon?” Sandaling namutla si Isabella. Isang mahinang boses, halatang may bahid ng alak, ang sumagot. May lamig sa tinig nito, at biglang tumahimik ang paligid. “Sa tingin mo ba, magugustuhan ko ang isang babaeng may kasuklam-suklam na ugali at maruruming paraan? At tungkol sa batang ‘yon? Hindi pa sigurado kung akin nga siya.” “Huwag mo akong bastusin.” Ang malamig na salitang iyon—walang emosyon ngunit tagos sa puso. Pakiramdam ni Isabella ay libu-libong karayom ang bumaon sa kanyang dibdib. Tanggap niyang kinasusuklaman siya ni Adam, pero ang tawaging ‘bastarda’ ang kanyang anak—hindi niya matatanggap. Inis niyang itinulak ang pinto. Lahat ng nasa loob ay napalingon dahil sa malakas na tunog ng pagbukas nito. Nakita ng lahat si Isabella na nakatayo sa may pintuan—at agad nagbago ang mga ekspresyon ng bawat isa. Si Adam ay nasa gitna ng atensyon. Nakaupo siya sa pangunahing upuan, ang kanyang mga mata’y malamig at nakatuon kay Isabella. Sa tabi niya ay ang matangkad at kaakit-akit na babae—si Bree Morgan, ang dating kasintahan ni Adam. Bahagyang nanigas si Bree. “Isabella?” gulat niyang tanong. “Bakit ka nandito? At bakit hindi mo sinabi sa akin, Adam?” Alam ng lahat na sina Isabella at Adam ay nasa proseso ng divorce, kaya’t ang tanong ni Bree ay punong-puno ng damdamin, na para bang siya ang tunay na may-ari ng buong kwarto. Bahagyang lumamig ang ekspresyon ni Adam. “Kayong lahat, lumabas muna,” utos niya sa mga panauhin. Ngunit sinalubong ni Isabella ang malamig niyang titig. Mahina ngunit matatag ang kanyang tinig, “Hindi nila kailangang lumabas. Sa pagitan natin, Adam, wala nang dapat itago.” Kung siya pa rin ang Isabella limang taon na ang nakalipas, hindi niya magagawang magsalita ng ganoon. Noon, minahal niya si Adam kahit pa magulo ito. Pero ngayon, tanging realidad na lang ang natira. Ang tanging nasa isip niya ngayon ay ang tuparin ang hiling ng kanyang anak. Kaya kahit ano, gagawin niya. Hinawakan ni Bree ang braso ni Adam, halatang hindi natuwa. Malamig ang mga mata ni Adam nang tumingin kay Isabella. “Katulad pa rin ng dati ang mga kondisyon ko sa ating divorce. May idadagdag ka ba?” Puno ng kapanatagan ang madilim na mga mata ni Isabella. “Simula ngayon, manatili ka kay Aaliyah ng isang buwan bilang ama. ‘Yan lang ang kondisyon ko.” Parang kulog ang pahayag ni Isabella sa gitna ng katahimikan. Galit na sumigaw ang kapatid ni Bree na si Bruce Morgan. “Walang hiya kang babae ka! Alam kong nagpapanggap ka na naman para manggulo kay Kuya Adam! Mang-aagaw!” Naluha si Bree at mabilis na hinawakan ang braso ng kapatid. “Tama na…” Mas lalo lang nagalit si Bruce. “Paanong hindi ako magagalit, Ate? Buong taon mong tiniis ang sakit! At ngayon, magpapaloko ka na naman?” Nagbago ang ekspresyon ni Adam. Itinutok nito ang malamig niyang mga mata kay Isabella. “Kahit kailan, hindi na mangyayari ‘yon.” Isang sagot na matagal nang inaasahan ni Isabella. “Kung ano man ang meron ka, Adam, hindi ko kailangan. Mana o kahit ano pa man. Manatili ka lang bilang ama kay Aaliyah ng isang buwan. ‘Yan lang ang hinihiling ko bago ako pumirma.” Naramdaman ni Isabella ang hapdi sa kanyang puso habang binabanggit ang pangalan ng anak. “Kung ayaw mo sa kondisyon ko, hindi ako papayag sa divorce.” Biglang umalingawngaw ang malakas na tunog ng nabasag na mangkok sa loob ng kwarto. Galit na inihagis ito ni Bruce kay Isabella—nabasag at nagkalat ang bubog. “Wala kang hiya! Magkaroon ka man lang sana ng kaunting kahihiyan!” Tiningnan lang ni Isabella ang bubog na tumama sa kanyang damit. Kalma ngunit matalim ang kanyang tinig. “Ito lang ang paraan, Adam. Kung gusto mong mawala ako sa buhay mo, manatili ka muna sa anak mo. Isang buwan lang. Pagkatapos noon, pipirma ako at kusa akong lalayo.” Dahil sa mga kondisyong iyon, dumilim ang mga mata ni Adam. Huminga ng malalim si Bree at marahang nagsalita. “Adam, nakikiusap ako. Pumayag ka na.” Walang sinuman ang umasa na ganito ang mangyayari. Kanina lang ay masaya ang lahat. “Ate?” gulat na tanong ni Bruce. Mahigpit na hinawakan ni Bree ang kamay ni Adam at malumanay na ngumiti. “Isipin mo na lang na para ito sa ating dalawa. Naniniwala ako sa’yo.”Sa bisperas ng bidding, ang silid ni Isabella sa ospital ay nababalot ng mahinang amoy ng disinfectant, na humahalo sa kalmadong ingay ng lungsod na pumapasok mula sa bintana.Nakaupo si Marco sa gilid ng kama, may hawak na dokumento, at bahagyang nakakunot ang noo—tila malalim ang iniisip.Nakaupo si Isabella habang nakasandal sa headboard. Bagama’t maputla pa rin ang kanyang mukha, maliwanag at matalas ang kanyang mga mata."Isay, ito na ang final na bersyon ng plano. Paki-check mo ulit kung may kailangan pang baguhin."Kinuha ni Isabella ang dokumento at maingat itong binasa."Senior, na-review ko na. Wala akong nakikitang problema." Isinara niya ang dokumento at tumingin kay Marco."Gaano ka ba kasigurado sa bidding na ito?""Isang daang porsyento," walang alinlangang sagot ni Marco."Mas mataas ang kalidad ng solusyon natin kaysa sa mga kakumpitensya—sa teknikal at komersyal na aspeto. Lalo na ‘yung mga mungkahi mong pagbabago, sobrang husay. Para bang likha ng isang henyo."Ngum
Kinabukasan, dumating si Manager Seb sa ospital ayon sa napag-usapan.May dala siyang isang bungkos ng makukulay na rosas at may mapanuksong ngiti sa kanyang labi—tila isang lalaking umiibig.Nakasuot ng hospital gown si Isabella at mahina siyang nakahiga sa kama. Maputla ang kanyang mukha at animo’y napakakawawa ng itsura.Pagkakita niya kay Manager Seb, agad siyang ngumiti nang maliwanag, para bang nakita niya ang kanyang tagapagligtas."Bunso, nandito ka na!" masayang sabi ni Isabella, may halong pananabik at pangungulila ang kanyang boses."Hindi mo alam kung gaano kita na-miss nitong mga araw na 'to."Lumapit si Manager Seb sa kama, iniabot ang mga rosas, at yumuko para halikan siya sa noo."Na-miss din kita, baby."Ang tagpong ito ay nasaksihan ni Adam at Bree na nagtatago sa di-kalayuan.Namuti ang mukha ni Adam sa galit, at mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamao—narinig pa ang langitngit ng kanyang mga buto.Hindi niya kailanman inakalang may relasyon sina Isabella at
Saglit siyang tumigil, at biglang dumilim ang kanyang mukha."Bruce, naaalala mo pa ba kung sino ang nanakit sa’yo noong araw na 'yon?""Siyempre naaalala ko!" galit na sagot ni Bruce habang nakanggigigil."Si Manager Seb! Ang demonyong 'yon, hindi ko siya patatahimikin!""At si Isabella," dagdag ni Bree. "Kung hindi dahil sa kanya, hindi ka sana sinaktan ni Manager Seb.""Ate, anong gusto mong gawin ko?" tanong ni Bruce habang nakatingin sa kanya."Gusto ko..." Lumapit si Bree sa tenga ni Bruce at bumulong ng ilang salita.Pagkarinig nito, biglang nagbago ang ekspresyon ni Bruce."Ate, ito ba ay... ayos lang ba ito?""Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa lahat." Tinapik ni Bree ang balikat ng kapatid."Basta sundin mo lang ang sinabi ko, ipinapangako kong masisira ang buhay ni Isabella!"Nag-alinlangan si Bruce sandali, pero sa huli ay tumango rin."Sige, makikinig ako sa'yo."Ngumiti si Bree, halatang nasiyahan.Pagkatapos ay lumabas siya ng silid at tumawag kay Manager Seb."Hel
Maingat na inalalayan ni Marco si Isabella pabalik sa kanyang silid sa ospital, ang bawat kilos ay punô ng pag-iingat, na para bang inaalagaan niya ang isang marupok na yaman.Maingat niyang inayos ang kumot at binuksan ang ilaw sa tabi ng kama. Ang malamlam na liwanag ay tumama sa maputlang mukha ni Isabella, lalo itong nagmukhang marupok.“Ang tigas kasi ng ulo mo,” banayad na saway ni Marco, pero punô ng pag-aalala ang kanyang boses. “Doon sa hayop na si Adam ka pa nagagalit? Hindi siya karapat-dapat.”Pilit na ngumiti si Isabella, pero bakas ang lungkot sa kanyang mga mata: “Senior, ayos lang ako. Huwag kang mag-alala.”Bagama’t sinasabi niyang ayos lang siya, ang mahigpit na pagkakakuyom ng kanyang kamao at ang bahagyang panginginig ng kanyang katawan ang nagpahiwatig ng totoo niyang nararamdaman.Napansin ito ni Marco at tila tinusok ang puso niya sa sakit.Alam niya kung gaano kabigat ang pasanin ni Isabella sa kabila ng kanyang panlabas na katahimikan. Ang katotohanan tungkol
"Anong ibig mong sabihing ayos ka lang? Nawalan ka ng malay sa sobrang sakit!"Tinitigan siya ni Marco na punô ng pag-aalala at sakit ang mukha."Please, huwag mo nang pahirapan ang sarili mo nang ganito. Huwag mo nang gawing mas mahirap pa ang lahat, okay?""Isay, ibibigay ko ang lahat ng gusto mo. Pakiusap, huwag mong saktan ang sarili mo. Hindi lang sarili mo ang pinapahirapan mo, kundi pati rin ako. Kahit anong gawin mong pagpaparusa sa sarili mo, hindi na maibabalik si Aaliyah. Siguradong nasasaktan din siya habang pinapanood ka mula sa langit."Alam ni Marco na hindi na siya iniintindi ni Isabella, at tila nagkakaroon na siya ng ugaling saktan ang sarili.Pakiramdam ni Isabella ay nabigo siya bilang ina, kaya’t nais niyang bayaran iyon sa ganitong paraan.Mas lalong sumakit ang kalooban ni Isabella nang marinig ang sinabi ni Marco:"Si Aaliyah ang pinakamabait na bata sa buong mundo. Anak ko siya, pero bilang ina, nabigo akong protektahan siya.""Bata pa siya, mahal na mahal niy
Matiim na tinitigan ni Isabella si Seb at taos-pusong nagpasalamat.Hindi inakala ni Seb na pagkatapos ng lahat ng maingat niyang pagpaplano sa mahabang panahon, isang simpleng “salamat” lang ang isusukli sa kanya.Napakunot ang kanyang noo habang hindi makapaniwalang tinanong si Isabella,"Talaga bang akala mo ginawa ko ’to para sa’yo?""Wala akong pakialam kung ano ang dahilan mo. Basta salamat dahil sinabi mo sa akin ang totoo," sagot ni Issbella habang nakangiti sa kanya."Alam kong pareho lang tayo. Pareho tayong may malalim na galit sa puso. Ikaw, para sa mga magulang mo. Ako, para sa anak ko. Sa totoo lang, magkapareho tayo. Ang mahalaga, iisa ang kaaway natin."Habang sinasabi niya ito, may bahid na ng pananabik sa tono ni Isabella.Tinitigan siya ni Seb at bigla niyang naramdaman na tama ang taong pinili niya. Paalis na sana siya upang magsalita pa, nang biglang may lumitaw sa pagitan nila.Tumayo si Marco sa gitna nila, tinititigan si Isabella at si Seb nang masama ang timpl
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments