Share

Chapter 7

Author: LadyinRed
last update Last Updated: 2025-04-13 15:43:24

Nagkakagulo na ang buong ospital dahil kay Aaliyah, ngunit blanko ang isipan ni Isabella. Maliban sa mga sigaw at yapak ng mga paa, wala siyang naririnig na kahit ano.

"Ayos ka lang ba, Miss Russo?"

Iwinagayway ng doktor ang kanyang kamay sa harapan ni Isabella.

Tumingin si Isabella sa doktor nang siya'y makabalik sa ulirat. Biglang nagbalik ang kanyang katinuan.

“Kumusta ang anak ko?”

“Sa ngayon ay ligtas na siya, pero bigla ang paglala ng kanyang kondisyon. Kailangan niyang manatili sa ICU. Seryoso na ang kanyang lagay. Saka lang natin malalaman kung posible ang operasyon kapag naging maayos ang kanyang vital signs.”

“Ms. Russo, ang kailangan sa kondisyon ng bata ngayon ay operasyon…”

Hindi na natuloy ng doktor ang sasabihin pa—alam na ni Isabella ang ibig niyang ipahiwatig. Wala rin itong saysay. Lalo lamang itong magiging pahirap para kay Aaliyah.

Hindi niya matatanggap na ganoon na lang ang katapusan. Kahit na pinakamaliit na pag-asa, hindi niya ito susukuan. Hindi niya kayang mawala na lang ng ganoon ang kanyang pinakamamahal na anak.

“Naiintindihan ko, Dok. Salamat.”

Biglang bumagsak ang luha ni Isabella nang siya’y lumingon. Agad niya rin itong pinunasan, ngunit mas lalo lamang siyang umiyak. Lumuhod siya nang dahan-dahan at niyakap ang sarili. Saka lang niya tunay na naramdaman ang sakit at kawalan ng pag-asa.

Nakasuot siya ng sterile suit at umupo sa tabi ng kanyang anak. Walang sigla ang maputlang mukha ni Aaliyah. Ramdam na ramdam ni Isabella ang unti-unting paglisan ng kanyang anak kahit na maraming tubo ang nakakabit sa katawan nito.

“Anak… Aaliyah, patawad. Kasalanan ko ang lahat. Naging maayos sana ang lahat kung hindi ko minahal ang ama mo.”

Puno ng panghihinayang ang kanyang puso habang inaalala ang nakaraan.

Kung hindi si Adam ang kanyang minahal, magiging masaya kaya si Aaliyah?

Tiyak na mamahalin ng isang ama ang isang mabuting bata tulad ni Aaliyah.

Ngunit maling tao ang kanyang minahal. Sa maikling panahon ng kanyang buhay ay nagdusa si Aaliyah dahil sa maling desisyong iyon.

Marahan niyang hinawakan ang maliit na kamay ng kanyang anak. Ramdam niyang anumang sandali ay maaaring mawala ito. Ang sakit na nadarama ni Isabella ay hindi niya kayang ipaliwanag.

Biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone. Nag-aalangan pa siyang tumayo, ngunit kinuha niya ito at lumabas ng ICU.

Paglabas niya, isang lalaking nakasuot ng itim na suit ang kanyang nakita. Biglang dumilim ang kanyang mukha. Kilala niya ito—siya ang legal officer ng kompanya ni Adam at isa sa pinakamagaling na abogado.

"Attorney Santos, ano ang sadya mo?"

Pilit niyang pinakalma ang kanyang boses upang hindi mahalatang nanginginig siya.

“Inutusan ako ni Boss Kingsley upang pag-usapan ang mga kondisyon ng inyong divorce. Walang bisa ang mga kondisyon mo noon dahil ilegal ito. Ngayon ang panahon para kanselahin iyon.”

Agad na inilabas ni Attorney Santos ang hinandang kasunduan sa diborsyo.

“Ang ibig sabihin ni Mr. Kingsley ay maaari nating pag-usapan ang mga kondisyon. Umaasa siyang hindi magiging matigas ang ulo mo.”

Matigas ang ulo? Ayaw magsisi?

Biglang natawa ng mapait si Isabella. Sa lahat ng taon, hindi ba siya ang naging matigas?

Kung hindi siya naging ganoon, hindi sana nauwi sa ganito ang lahat. Mula pa noong simula, isang trahedya na ang pagmamahal niya kay Adam—isang malaking pagkakamali.

“Maliban sa mga kondisyon ko, wala na akong ibang gusto. Pakisabi na lang sa kanya.”

“Iyon ang sabihin mo pagbalik mo sa kanya.”

“Ngayon, kung hindi niya kayang gawin, patatagalin na lang namin ito. Dahil hinding-hindi ako papayag sa divorce.”

Pinigilan niya ang lahat ng emosyon bago matigas na tumingin sa abogado.

Habang si Attorney Santos naman ay seryosong nagsalita, kunot-noo:

“Wala itong ibang kahulugan, Miss Russo. From a professional perspective, the divorce terms given to you by Mr. Kingsley are very generous. Walang saysay ang kasal kung wala itong pagmamahal.”

Sa mata ng lahat, ito ay tama. Nararapat lamang ang nangyayari kay Isabella—halos lahat ay alam na hindi siya mahal ni Adam.

Pero ngayon, hindi na mahalaga kung mahal siya ni Adam o hindi. Ang nais niya lamang ay magpakita si Adam ng kahit kaunting pagmamahal para sa kanilang anak sa huling sandali… kahit kunwari lang.

Ngunit tila hindi matutupad ang munting kahilingan ni Aaliyah.

“Malinaw ang paninindigan ko, Attorney. Pasensya na, abala ako. Aalis na ako.”

Tumalikod si Isabella at bumalik sa ICU.

Patuloy na lumalaban si Aaliyah sa pagitan ng buhay at kamatayan. Ngunit ang kanyang ama ay mas iniisip ang agarang divorce upang makalaya. Siya lang ang mahalaga kay Adam. Dahil para kay Adam, hindi sapat ang kanyang naging asawa upang pantayan si Bree Morgan.

Lalong humapdi ang puso ni Isabella. Tahimik niyang tinitigan ang kanyang anak habang unti-unting pumapatak ang kanyang luha.

Samantala, mabilis na nag-ulat si Attorney Santos kay Adam.

“Alam ko nang hindi siya papayag nang basta-basta,” malamig na tugon ni Adam, bakas sa kanyang mga mata ang matinding pagkamuhi.

Dumating si Secretary Dimagiba at nag-ulat:

“Sir, si Esmael Russo ay muling nagpakita. Mukhang nanghihingi siya ng pera kay Miss Russo.”

“Pera? In his dreams. Ipahinto agad ang lahat ng bank account ni Isabella. Gusto kong makita kung paano pa siya makakagawa ng gulo sa akin kapag wala na siyang pera.”

Payapa ang mukha ni Adam, tila para lamang siyang nag-uutos tungkol sa hapunan.

Tutal, isa lang naman siyang babaeng mukhang pera. Kapag wala na siyang maasahan, siguradong papayag din siyang makipag-divorce.

Wala siyang kahit katiting na awa para sa isang babaeng tulad niya.

Samantala, nananatiling kritikal ang kalagayan ni Aaliyah. Ayon sa doktor, kung hindi siya maoperahan agad, baka hindi na siya umabot hanggang bukas.

“Itutuloy niyo ang operasyon!”

Walang pag-aalinlangang nagpasya si Isabella. Hindi niya alam kung hanggang kailan mabubuhay si Aaliyah pagkatapos ng operasyon, pero bilang isang ina, hindi niya kayang hayaan na lang mamatay ang kanyang anak.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 8

    “Bakit ganito?!”Sigaw ni Isabella kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha. Tila may bumara sa kanyang puso na siyang nagpahirap sa kanyang paghinga.Alam niyang bumalik na sa langit si Aaliyah.Dumating si Aaliyah sa mundong ito, nakita niya ito, ngunit hindi niya nagustuhan at nadismaya siya sa kanila. Kaya bumalik na siya, at hinding-hindi na muling babalik.“Aaliyah, patawarin mo ako. Patawarin mo ako!”Nanginginig ang boses ni Isabella habang mahigpit na yakap ang anak. Hinalikan niya ito nang paulit-ulit habang hawak ang malamig na mukha ni Aaliyah gamit ang nanginginig niyang kamay.Masyado siyang naging matigas ang ulo, ipinilit ang sarili kay Adam. Kasalanan niya ang lahat ng ito. Hindi siya karapat-dapat na maging ina ni Aaliyah. Hinding-hindi na babalik ang kanyang anak!Kalmado na si Isabella. Siya mismo ang naghugas at nagbihis kay Aaliyah ng paboritong rosas na damit nitong pang-prinsesa. Nais niyang lumisan ang anak sa mundong ito na maganda ang anyo. Ibibigay niya ang

    Last Updated : 2025-04-14
  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 9

    "Bree, anong nangyayari sa'yo? Nasaan ka?"“Adam, hindi ko hahayaan na malusutan mo ang pananakit mo sa pamangkin ko. Hindi mo malulusutan ang kasalanan mo nang gano'n na lang. Kung hindi na mahalaga sa'yo ang babaeng ito, eh 'di maghintay ka na lang para kunin ang bangkay niya rito!”Umaalingawngaw ang boses ni Ismael sa kabilang linya—galit na galit.“Wag kang magpadalos-dalos!” sabi ni Adam.Halatang natatakot si Adam dahil sa panginginig ng kanyang boses.Kahit arogante siya, kapag tungkol na kay Bree, saka lang siya kinakabahan at natataranta.“Pumunta ka rito kung ayaw mong mamatay ang babaeng ito!”Matigas na wika ni Ismael Russo bago ibinaba ang tawag. Ilang sandali pa, nakatanggap na ng address si Adam.Habang si Ismael ay galit na tumingin kay Bree, matalim ang mga mata nito nang magsalita.“Dahil sa'yo, nasira ang isang pamilya. Isa kang walang hiya at makapal ang mukha—kabit!”“Hindi 'yan totoo! Una kong nakasama si Adam!” napailing si Bree at mariing itinanggi ang pagigin

    Last Updated : 2025-04-16
  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 10

    Ang ngiti ni Isabella ay nagdulot ng kaba kay Adam—isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Para bang may mahalagang bagay na unti-unting nawawala mula sa kanyang mga kamay.“Adam… pumayag na siya sa inyong divorce. Nakapirma na siya.”Hawak ni Bree ang divorce paper. Nagsalita siya na may pagtataka, ngunit may nakatagong ngiti—isang ngiting bumalikwas sa ulirat ni Adam.Nagulat siya. Hindi niya inaasahan na pipirmahan iyon ni Isabella. Akala niya’y isa lamang itong panlilinlang.Agad niyang kinuha ang dokumento, ngunit ang matapang at buo ang loob na lagda ni Isabella ay tila kirot sa kanyang damdamin.Talaga bang handa na siyang bumitaw nang gano’n kadali?“Adam, ikaw ang pinakamalupit na taong nakilala ko,” ani Ismael, habang nakatitig sa kanya ng matalim.“Sampung milyon. Tawagan mo ako agad,” dagdag pa nito.Nakaramdam ng pagkasuklam si Ismael nang makita ang dalawang magkayakap. Umalis siyang malamig ang ekspresyon, bahagyang umiiling.Pakiramdam ni Adam ay may galit at kaku

    Last Updated : 2025-04-20
  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 11

    Agad na ibinaba ni Adam ang telepono, walang pag-aalinlangan nang marinig ang sinabi mula sa kabilang linya. Mapangahas na talaga ang mga scam call—nagpanggap pang galing sa punerarya, wala na silang limitasyon!Maayos naman ang kalagayan ng kanyang anak, kaya’t bakit kailangang tumawag ang punerarya dahil kay Aaliyah?Maya-maya’y muling tumunog ang kanyang telepono.“Kami po ay mula sa punerarya. Nais naming ipaalam sa mga magulang ni Aaliyah na maaari na kayong pumunta upang kunin ang death certificate ng bata at ayusin ang proseso ng cremation.”Iyon lang ang sinabi, at agad ding ibinaba ang tawag bago pa tuluyang makasagot si Adam.Sinusubok talaga ang pasensya ni Adam sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng nasa kabilang linya. Sobra na!Talagang kaya ni Isabella gawin ang kahit ano makuha lang ang kanyang atensyon. Baliw na talaga siya… kaya niyang sabihin na patay na ang kanilang anak?! Anong klaseng ina ang kayang gawin ito?"Ah... Adam,"Isang pamilyar na tinig ang narinig ni

    Last Updated : 2025-04-21
  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 12

    Kinaumagahan, nagising si Isabella na basa na naman ang kanyang unan dahil sa pag-iyak. Bumangon siya sa kama at agad niyang naramdaman ang pamamaga ng kanyang mga mata. Kinuha niya ang cellphone at binuksan ito.Dahil sa matinding lungkot, ilang araw niyang binalewala ang kanyang cellphone. Ayaw niyang malaman kung ano ang mga nangyayari sa labas. Pagkabukas pa lang niya nito, agad itong tumunog—may pumasok na mensahe.Galing sa punerarya ang mensahe. Kailangan niyang pumunta roon upang ayusin ang mga papeles ni Aaliyah. Napagtanto niyang kahit nailibing na si Aaliyah, marami pa rin palang kailangang ayusin. Kailangan tapusin ang mga dokumento at proseso.“Okay lang. Makakaalis din ako rito kapag natapos ko na ito,” aniya.“Aaliyah, miss na miss na kita, anak,” saad niya, habang muling naalala ang yumaong anak.Hinawakan niyang muli ang pendant sa kanyang dibdib, at muling bumuhos ang kanyang mga luha.Bago pumanaw ang kanyang mahal na anak, palagi itong nag-aalala para sa kanya. Kay

    Last Updated : 2025-04-24
  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 13

    Ramdam niyang mahihilo na siya sa inis kung patuloy pa niyang titingnan ang lalaking ito. Isa rin itong kawalang-galang kay Aaliyah—ang matagal na pagtitig kay Adam.Sinamantala ni Isabella ang katahimikan ni Adam. Pagbukas niya ng pinto at pagpasok, malakas niya itong isinara upang maramdaman ni Adam ang kanyang pagkainis.Nang maisara na niya ang pinto, lumingon siya sa lamesa at napansin ang isang larawan—itim at puti.Larawan ito ni Aaliyah na nakakurba ang katawan, kita ang maamong kilay at masiglang ngiti. Kuha ito noong bata pa siya, noong araw na nag-perform siya sa kindergarten at nakakuha ng mataas na parangal. Tuwang-tuwa siya noon.Ito ang larawang pinili ni Isabella upang paalalahanan si Aaliyah na lagi siyang maging masaya at masigla.“Bahala na!” sigaw mula sa labas ng pinto.Tila nanghina ang katawan ni Isabella. Dahan-dahan siyang dumausdos pababa sa pinto habang mahigpit na tinatakpan ng kamay ang kanyang bibig. Muli na namang tumulo ang kanyang mga luha.“Isabella,

    Last Updated : 2025-04-30
  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 14

    Mabilis na lumapit si Bree upang pigilan si Adam. “Adam, anong ginagawa mo?” agad niyang tanong sa lalaki.Tiningnan siya ni Adam nang may bahagyang paninisi.“Bakit mo ginawa 'yon? Babae pa rin si Isabella sa kabila ng lahat. Paano mo nagawa 'yon sa kanya?”Tiningnan ni Bree si Isabella at yumuko. Sinubukan niyang tulungan si Isabella na makatayo mula sa lupa.Bago mamatay si Aaliyah, ang tanging hiling nito ay makasama ang kanyang ama kahit sa ilang araw lamang. Ngunit laging kasama ni Adam ang babaeng ito na nasa tabi niya. Dinala pa niya ito sa isang engrandeng bulwagan upang ipagdiwang ang kanilang anibersaryo noong gabing naospital si Aaliyah.Tuwing nakikita ni Isabella ang babaeng ito, naaalala niya ang lungkot at sama ng loob ni Aaliyah—at ang gabing iyon nang siya ay pumanaw. Ang gabing gumastos ng limang milyong piso si Adam para sa paputok—para lang kay Bree.Agad na nagdilim ang kanyang paningin. “Huwag mo akong hawakan!” matigas niyang sabi.Pwersahan niyang inalis ang k

    Last Updated : 2025-05-04
  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 15

    Halos maubusan na ng lakas si Isabella dahil sa nangyari kanina. Wala na siyang lakas kahit na puno siya ng hinanakit—nawalan na rin siya ng kakayahang lumaban. Maya-maya’y lumapit sa kanya si Zandro at binuhat siya mula sa lupa saka isinakay sa kotse. Hindi na siya nagpumiglas, kahit kaunti. Hindi siya lumaban, at lalong hindi siya sumigaw. Ang tanging nagawa niya ay ang mahigpit na hawakan ang lukot na larawan ng kanyang anak. Ang kanyang anak—nakakaawa—ni hindi man lang nakatanggap ng kahit kaunting pagmamahal mula sa kanyang ama noong nabubuhay pa siya. Kahit isang yakap mula sa ama ay hindi niya naranasan. Ngayon na wala na si Aaliyah, patuloy pa rin siyang hinahamak ng mga taong ito. Sino nga ba ang karapat-dapat tawaging tunay na tao? Samantala, sa loob ng ospital... “Ahm, Adam, ayos lang talaga ako. Kaunting sugat lang naman ito. Umuwi ka na. Pero sa tingin ko, hindi maayos ang pag-iisip ni Isabella ngayon. Kaya medyo nag-aalala ako sa bata,” wika ni Bree. “Dapat hindi na

    Last Updated : 2025-05-05

Latest chapter

  • Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband   Chapter 7

    Nagkakagulo na ang buong ospital dahil kay Aaliyah, ngunit blanko ang isipan ni Isabella. Maliban sa mga sigaw at yapak ng mga paa, wala siyang naririnig na kahit ano."Ayos ka lang ba, Miss Russo?"Iwinagayway ng doktor ang kanyang kamay sa harapan ni Isabella.Tumingin si Isabella sa doktor nang siya'y makabalik sa ulirat. Biglang nagbalik ang kanyang katinuan.“Kumusta ang anak ko?”“Sa ngayon ay ligtas na siya, pero bigla ang paglala ng kanyang kondisyon. Kailangan niyang manatili sa ICU. Seryoso na ang kanyang lagay. Saka lang natin malalaman kung posible ang operasyon kapag naging maayos ang kanyang vital signs.”“Ms. Russo, ang kailangan sa kondisyon ng bata ngayon ay operasyon…”Hindi na natuloy ng doktor ang sasabihin pa—alam na ni Isabella ang ibig niyang ipahiwatig. Wala rin itong saysay. Lalo lamang itong magiging pahirap para kay Aaliyah.Hindi niya matatanggap na ganoon na lang ang katapusan. Kahit na pinakamaliit na pag-asa, hindi niya ito susukuan. Hindi niya kayang ma

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status