Share

Chapter 101

Walang ibang ginawa si Hayes kundi ang maupo sa tabi ko at sumiksik sa aking leeg. Hindi ko alam kung talaga bang hindi niya napapansin o sadyang wala lang talaga siyang pakealam sa mga matang nakamasid sa amin. May ilan pa akong nakikitang nagbubulungan at kunot ang noo. 

Nakaangat ang kilay ni Asher habang pinapanood kami. Nginuso niya si Hayes na inaamoy ang aking leeg. Umirap siya bago humarap sakaniyang katabi at kinausap iyon. 

"Hayes! I didn't know you're here! What's up?" isang babae ang dumating. Itim na bodycon dress ang suot at ang kaniyang maiksing buhok ay madramang kinulot. 

Umangat ang kilay niya habang nakangiti nang tignan ako. Nanatiling nakapulupot ang braso ni Hayes sa akin. 

"Fine." tipid at tamad na sagot niya. 

"She's my cousin." bulong pa niya sa akin nang mapansin siguro ang pagkunot ng noo ko. Napakurap ako. 

 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status