I TRANSMIGRATED INTO HIS HATED WIFE

I TRANSMIGRATED INTO HIS HATED WIFE

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-11-22
Oleh:  Mr. YumBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
5Bab
5Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Paano kung isang araw, magising ka na lamang sa katawan ng kontrabida sa nobelang binasa mo? Iyon ang nangyari sa kaniya nang mapunta siya sa katawan ni Seraphina Vaughn, ang babaeng nakatakdang mamatay sa kamay ng tadhana. Mayaman, maganda, at asawa ng isang bilyonaryong nagngangalang Damien Vaughn. Ngunit sa kabila ng lahat ng mayroon siya, hindi niya kailanman nakuha ang pagmamahal ng kaniyang asawa dahil ang puso nito ay pag-aari ng una nitong pag-ibig na si Celeste Laurent. Sa orihinal na kuwento, namatay si Seraphina matapos ang sunod-sunod na pagkakamali at pagtataksil. Ngunit paano kung ang bagong Seraphina ay hindi na interesadong habulin ang kaniyang asawa? Paano kung ang gusto na lamang niya ay makipagdiborsiyo, lumayo sa lahat, at mabuhay nang tahimik? Madali sanang baguhin ang kaniyang kapalaran kung hindi niya matutuklasang may nagplano pala ng pagkamatay ng orihinal na Seraphina. Sino ang tunay na nasa likod ng aksidente? Bakit tila may itinatago si Damien? At bakit ang lalaking dating walang pakialam sa kaniya ay biglang ayaw siyang pakawalan? Akala niya, sapat nang baguhin ang kuwento para makaligtas. Pero paano kung ang tunay na panganib ay hindi nagmumula sa orihinal na kuwento, kundi sa mga taong nakapaligid sa kaniya? Handa kaya siyang gawin ang lahat para mabuhay. Kahit pa kailangan niyang baguhin ang kapalaran ng lahat ng tauhan sa nobelang pinasok niya?

Lihat lebih banyak

Bab 1

CHAPTER 1 – I WOKE UP AS THE VILLAINESS

"Don't you dare touch her!"

Iyon ang unang narinig ko nang imulat ko ang aking mga mata. Masakit ang ulo ko. Mabigat ang buong katawan ko, at halos hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Ilang segundo akong nakatitig sa puting kisame bago ko napansing hindi pamilyar ang silid na kinaroroonan ko.

Nasaan ako?

Bakit amoy ospital ang paligid?

"Seraphina! Can you hear me?"

Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa tabi ng kama. Matangkad siya, malapad ang balikat, at nakasuot ng mamahaling itim na suit. Gwapo siya, walang duda. Pero mas nangingibabaw ang malamig niyang ekspresyon kaysa sa hitsura niya.

Hindi ko siya kilala. "Who are you?" mahinang tanong ko.

Agad siyang napakunot-noo.

"What?"

Sinubukan kong bumangon, pero biglang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako sa sentido nang sunod-sunod na kakaibang alaala ang pumasok sa isip ko. Isang malaking mansiyon. sang marangyang kasal. Isang lalaking malamig ang pakikitungo sa asawa niya. At isang babaeng umiiyak habang nakatingin sa kanila.

Isa-isa namang rumehistro sa utak ko ang kanilang mga pangalan. 

Seraphina Vaughn.

Damien Vaughn.

Celeste Laurent.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi maaari.Kilala ko ang mga pangalang iyon. The Villainess Must Die.

Iyon ang pamagat ng romance novel na binasa ko kagabi bago ako nakatulog. Isang kuwentong tungkol sa isang babaeng nagpakasal sa lalaking hindi naman siya mahal.

Si Seraphina Vaughn ang kontrabida sa nobela. Mayaman, maganda, at nagmula sa isang makapangyarihang angkan. Ngunit sa kabila ng lahat ng mayroon siya, hindi niya nakuha ang pagmamahal ng kaniyang asawa.

Dahil ang puso ni Damien Vaughn ay nakalaan sa first love nitong si Celeste Laurent. Dahil sa sobrang selos at obsession, ginawa ni Seraphina ang lahat para paghiwalayin ang dalawa. Sinira niya ang reputasyon ni Celeste, nagpakalat ng mga kasinungalingan, at paulit-ulit na gumawa ng gulo.

Hanggang sa dumating ang araw na tuluyan na siyang tinalikuran ng kaniyang asawa. Sa huli, namatay si Seraphina nang walang sinumang nagluksa sa kaniya.

Napahawak ako sa aking dibdib. Teka, hwag mong sabihin sa akin na...

"Seraphina."

Muli akong napatingin sa lalaki.

"Stop pretending. You know exactly what you did."

Napakunot-noo ako.

"What did I do?"

Napailing siya, halatang nauubos na ang kaniyang pasensiya.

"Because of you, Celeste almost lost her life."

Celeste. Ang first love niya.

Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa likod niya. Maputla ang mukha nito at may benda sa braso. Nakayuko ito habang pinupunasan ang mga luha. Kung tama ang pagkakaalala ko, ito ang babaeng laging pinoprotektahan ni Damien sa nobela.

At ang lalaking kaharap ko?Si Damien Vaughn. Ang asawa ng babaeng kinaroroonan ko ngayon.

Oh, my God. Nag-transmigrated ako! Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Ang huling naaalala ko ay nakahiga ako sa kama habang nagbabasa ng nobela. Pagkatapos noon, wala na.

At ngayon, nasa katawan ako ng isang fictional character. Mas malala pa, ako ang naging kontrabida.

"Damien, please. Huwag mo nang pagalitan si Seraphina. Baka hindi pa maganda ang pakiramdam niya."

Mahinang nagsalita si Celeste.Agad naman itong nilingon ni Damien.

"Don't worry about her. You should be resting."

Napatingin ako sa dalawa. Kahit nasa ospital ang asawa niya, wala siyang ibang inaalala kundi ang babaeng nasa likod niya.

Napapikit ako. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang isa sa mga eksenang nagsimula sa tuluyang pagkasira ng buhay ni Seraphina.

Sa original story, nagwala ang babae nang malaman niyang mas pinili ni Damien na samahan si Celeste kaysa manatili sa tabi niya.

Sinampal niya si Celeste. Nagkaroon ng malaking komosyon. At iyon ang naging dahilan para tuluyan siyang kamuhian ni Damien. Pero hindi ako ang original Seraphina. Wala akong pakialam sa kanilang dalawa.

Gusto ko lang mabuhay.

"Can you both leave?" mahinahon kong tanong.

Napalingon sa akin si Damien.

"What?"

"I said, please leave. I want to rest."

Ilang segundo niya akong tinitigan na para bang hindi niya maintindihan ang sinabi ko. Samantala, bahagyang napahigpit ang pagkakahawak ni Celeste sa braso niya.

"Damien, let's go. Maybe Seraphina needs some time alone."

Tumango ang lalaki. Bago lumabas, muli siyang humarap sa akin.

"Don't think this changes anything between us." Hindi ako sumagot.

Pagkasara ng p***o, saka ako tuluyang napahiga. Napahawak ako sa noo ko.

Ano bang klaseng kamalasan ito? Sa dinamidami ng puwedeng katawan na mapasukan ko, bakit sa babaeng mamamatay sa sarili niyang asawa pa?

Kailangan kong makaalis dito. Kailangan kong baguhin ang kuwento. At higit sa lahat, kailangan kong lumayo kay Damien Vaughn.

—--

KINABUKASAN, saka ko tuluyang nasuri ang sarili kong sitwasyon.

Pagkauwi ko mula sa ospital, agad akong nagtungo sa kuwarto at hinarap ang malaking salamin. Mahaba ang buhok ko, maputi ang balat, matangos ang ilong at maganda ang mukha. Kung tutuusin, napakaganda ni Seraphina.

Sayang nga lang at ginamit niya ang lahat ng iyon para habulin ang lalaking hindi naman siya mahal. Kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng mesa at binuksan ang calendar.

Nanlamig ako nang makita ang petsa.

Tatlong buwan pa lamang mula nang ikasal sina Seraphina at Damien. Ibig sabihin, nasa simula pa lang ako ng kuwento. May panahon pa akong baguhin ang ending. Naupo ako sa gilid ng kama at pilit na inalala ang buong plot ng nobela.

Sa original storyline, ilang beses pagtataksilan ni Damien ang kaniyang asawa. Patuloy naman itong magmamakaawa at gagawa ng gulo dahil sa selos.

Hanggang sa isang araw, masangkot si Seraphina sa isang aksidente. Hindi siya tutulungan ni Damien dahil mas uunahin nito si Celeste. Mamamatay ang babae. At pagkatapos ng ilang buwan, magkakabalikan ang dalawang bida.

Napangiwi ako. What a terrible ending. pero hindi na iyon mangyayari.Hindi ako mamamatay para lang magkaroon ng happy ending ang dalawang taong iyon.

"Ma'am?"

Napalingon ako sa katulong na nakatayo sa may pintuan.

"Yes?"

"Pinapatawag po kayo ni Sir Damien sa study room."

Napabuntong-hininga ako. Ano na naman kaya ang problema ng lalaking iyon? Tumayo ako at inayos ang suot kong damit bago lumabas.

Pagdating sa study room, nadatnan ko siyang nakaupo sa likod ng malaking mesa. May ilang dokumento sa harapan niya. Hindi man lang siya nag-abalang ngumiti nang makita ako.

"Sit down."

Umupo ako sa tapat niya.

"What is it?"

Inilapag niya ang isang dokumento sa mesa.

"I want you to apologize to Celeste."

Napakurap ako.

Seriously?

Hindi pa ba tapos ang eksena nila?

"Why?"

Agad siyang napatingin sa akin.

"Because you caused her trouble."

"Did I?"

"Don't play innocent, Seraphina."

Napatingin ako sa dokumentong nasa harapan ko. Hindi ko na kailangang basahin iyon para malaman kung gaano kaliit ang tingin niya sa kaniyang asawa.

Sa loob ng tatlong buwan nilang pagsasama, hindi man lang nito sinubukang kilalanin ang babaeng pinakasalan niya.

Ang alam lamang niya ay ang mga kasalanan nito. Well, wala na akong balak ipagpatuloy ang lahat ng iyon.

"Fine."

Bahagyang nagtaas ng kilay si Damien.

"Fine?"

"Yes. I'll apologize."

Mukhang hindi siya kumbinsido sa sagot ko. Marahil ay inaasahan niyang magwawala ako o maghahagis ng kung anong bagay sa kaniya. Pero wala akong balak gawin iyon. May mas mahalaga akong aasikasuhin.

"I also have something to discuss with you."

"What is it?"

Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata.

"I want a divorce."

Natahimik ang buong silid. Sa unang pagkakataon mula nang magising ako sa katawan ni Seraphina, nakita kong tuluyang nagbago ang ekspresyon ni Damien Vaughn.

Unti-unti niyang ibinaba ang hawak niyang dokumento.

"What did you just say?"

Huminga ako nang malalim.

"I want to end this marriage."

Tumayo siya mula sa kaniyang upuan.

"Is this another one of your tricks?"

Umiling ako.

"No. I'm serious."

Lumapit siya sa mesa at bahagyang yumuko.

"You know I will never choose you over Celeste, don't you?"

Napangiti ako nang bahagya.

"I know."

"Then why are you asking for a divorce?"

Simple lang ang sagot ko.

"Because I don't want to be your wife anymore."

Hindi siya agad nakapagsalita. At habang nakatingin ako sa lalaking magiging dahilan sana ng kamatayan ko, isang bagay lang ang malinaw sa isip ko. Hindi ko kailangang makuha ang pagmamahal niya. Kailangan ko lang mabuhay. Pero bago pa ako makaalis sa study room, muli siyang nagsalita.

"You're not going anywhere, Seraphina."

Napatingin ako sa kaniya.

"Because whether you like it or not, you're still my wife."

Ngumiti ako.

"Not for long, Damien."

Hindi ko alam kung bakit bigla siyang natahimik. Pero isang bagay ang sigurado ako. Sa pagkakataong ito, hindi na ako ang babaeng magmamak aawa para mahalin niya. At kung kailangan kong sirain ang buong original storyline para lang mabuhay, gagawin ko.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Tidak ada komentar
5 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status