Tatlong linggo matapos ng aking pagdalaw, iyon ang naging balita sa akin ni Denver. Hindi ako makakain nang maayos. Ni hindi ako nakapunta sa birthday ni Julia. Para akong lutang at wala sa sarili. At mas lalo akong nahihirapan dahil hindi ko man lang siya magawang dalawin sakaniyang burol dahil sa galit ni Minerva. Isang araw nang naglakas-loob akong magpunta roon ay alam ko na talagang maling desisyon ngunit nilubayan ko muna ang takot.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kulay gintong tinutulugan ng ama ko nang makita na ako ni Minerva.
"Talaga nga namang makapal ang pagmumukha mo para magpakita rito! Wala kang respeto!" Sigaw niya sa akin.
Lumunok ako at lumingon sa paligid. Kitang-kita ko ang mapanuring mga mata ng mga naroon. Ang iba ay nagbubulungan. Ang iba ay nakakunot ang noo. Ang iba ay umiiling.
Nanlamig ang buong pagkatao ko.
Ang kasama kong si Neal ay hinawi ako sakaniyang likod, tila ba pinoprotektahan ako sa posibleng pagbuga ng apoy ni Minerva.
"Tita, can you atleast give Marwa a chance to see her father? Kahit ngayon lang. Kahit ngayong araw lang. Hindi kami magtatagal dito," aniya sa kalmado ngunit may diin na tono.
Tila sa sinabi ni Neal ay mas lalong umapaw ang galit ni Minerva.
"Hindi! Hindi kailanman, Neal! Ilabas mo na ang babaeng iyan dito! Pakiusap! Ilayo mo na!" Kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha. Ang nakaitim na longsleeves dress na si Zanila ay pagod ang mga mata habang tinitignan ako. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang awa. Nanatili lamang siyang nakahawak sa braso ng kaniyang nanggagalaiting ina.
Naroon ang tatlong kapatid ni Mr. Albarenzo, pinapanood kami. Hindi ko alam kung ano na ba ang tumatakbo sa isip nila. Nakita ko ang pagbulong ni Mr. Fred kay Zanila. Tumango lamang ito at hinaplos ang braso ni Minerva.
Natanaw ko ang paghakbang papalapit ni Mrs. Dranela sa banda namin. Diretso ang titig niya sa akin. Seryoso lamang siya at nakahalukipkip.
"Hijo, please. Nang matapos na ang pag-e-eskandalo ni Minerva. Ilayo mo na muna rito si Marwa." Umiling siya.
Tulala lamang ako habang pinagmamasdan sila. Pakiramdam ko ay pinagkakaisahan nila ako. Hindi ko magawang gumalaw. Nag-ugat ang mga paa ko sa sahig. Para akong namamanhid dahil sa nangyayari.
Lahat sila ay nakaitim. Tulad ng suot kong bestida. Simbolo ng kalungkutan, paghihinagpis at paghihirap. Ganito na lang siguro talaga ang buhay ko. Wala ng liwanag. Palagi na lang nasa dilim. Hindi ko alam kung dapat ko bang kwestiyunin ang buhay na ito. Sino pa ang lalapitan ko? Sino pa ang mga taong nariyan para sa akin? Ni hindi na nagpapakita sa akin ang tiyahin ko. Ni hindi man lang niya ako nagawang kumustahin kung maayos ba ako nang mamatay ang ama ko. Sigurado akong alam niya ang balitang iyon. Kahit sana man lang na tinawagan niya ako sa telepono. Maayos na ako roon. Kahit papaano ay mararamdaman ko na may taong umaalala sa akin.
Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na si Mrs. Filomena. Nababasa ko sa mga mata niya ang simpatya para sa akin.
"Hija, I'm sorry for this trouble. As much as I want you to stay here-"
"Filomena, paalisin mo na ang estupidang bastardang iyan! Bago pa maputol ang pasensiya ko at baka masaktan ko siya nang tuluyan!"
Pumikit ako nang mariin at lumunok.
Naramdaman ko ang kamay ni Neal sa aking baywang. Yumuko siya sa akin at bumulong.
"Let's go, Marwa. Don't worry, narito ako," aniya habang mapupungay ang mga matang nakatitig sa akin.
Habang tinitignan siya ay hindi ko namalayan na kanina pa bumubuhos ang mga luha ko. Ni hindi ko naramdaman. Si Neal. Si Neal ang mayroon ako. Si Neal na lang ang taong totoong nagmamahal sa akin. Si Neal lang...
Pinilit kong maging normal ang mga araw ko. Hindi ko alam kung paano ko iyon nagawa. Ni hindi ko namamalayan ang paglipas ng mga araw.
"Bakit ba palingon-lingon dito 'yang Trevan na iyan?" iritadong sinabi ni Sania.
Nakaupo kaming dalawa dito sa may open field ng eskwelahan. Mayroon ditong mga batong mesa at upuan. May ilang kumakain at ang ilan naman ay nagkwe-kwentuhan lang at nagtatawanan. Kinokopya ko ang lecture ni Sania dahil hindi kumpleto ang lecture ko para sa isang subject. Kailangan iyon kung hindi ay hindi mapipirmahan ang clearance.
Ngumuso ako at nag-angat ng tingin sakaniya. Umirap siya habang nakatingin sa kung saan. Kumunot ang noo ko at tumingin sa linya ng kaniyang tinitignan. Natanaw ko si Trevan, isang varsity player. Ang alam ko ay psychology student siya. Kasama niya ang ilang mga lalaking kaibigan. Ngumiti siya nang magtagpo ang tingin namin.
Tipid akong gumanti ng ngiti at nagsulat ulit. Dinig ko ang tunog ng malutong na chips na kinakain ni Sania. Dumampot ako ng isang piraso ng chips bago magsulat ulit.
"Type ka nga yata ni Trevan, Marwa. Maraming nagsasabi. Sinusulyapan ka niya," ani Sania.
Kumunot ang noo ko at tumingin ulit sa banda nina Trevan. Nakikipagtawanan siya sa mga kasamahan at sumulyap ulit siya dito habang natatawa. Napalitan ang tawa niya ng ngiti.
"Kita mo? Hindi siya nahihiyang tumingin sa iyo! Nginingitian ka pa!" May iritasyon sa tono ni Sania.
"Hayaan mo na. Huwag mo silang tignan. Nakakahiya baka kung anong isipin nila," wika ko habang nagsusulat.
Tinanong ko sakaniya ang isang salita na hindi ko maintindihan sakaniyang sulat. Binasa niya iyon at natawa dahil hindi rin daw niya maintindihan.
Ngumiwi ako at natawa na lang din.
"Tangina, Marwa. Papunta dito si Trevan!" bulong ni Sania.
"Huh?" Hindi ko nilingon kung anuman ang tinitignan niya sa likod ko.
Ilang sandali pa nang maramdaman kong may presensiya sa aking gilid. Nag-angat ako ng tingin kay Trevan na ngayo'y nakangiti sa akin.
"Pwede ba akong makiupo?" aniya at hindi na hinintay pa ang sagot namin. Umupo siya sa tabi ko at nagpangalumbaba habang tinatanaw ako.
Naamoy ko ang kaniyang pabango. Hindi 'yon masakit sa ilong. Naasiwa ako sa titig niya kaya naman inabala ko na lang ulit ang sarili ko sa sinusulat.
Pasimple kong nilingon si Sania na ngayo'y hindi maitago ang iritasyon sa mukha habang nakatingin kay Trevan.
"Bakit ka narito, Trevan? Baka makita ka ng girlfriend mo at mag-eskandalo pa iyon," singhal niya.
Medyo nagulat ako sa narinig. Hindi ko alam na may girlfriend itong si Trevan. Kaya pala iritado si Sania sakaniya. Bakit pa ito lumalapit kung may girlfriend naman pala?
"Si Marwa ang pinunta ko rito, Sania. Hindi ikaw," medyo iritadong tugon ni Trevan.
Nanatili akong tahimik na nagsusulat at binalewala si Trevan sa aking tabi. Narinig ko ang tawanan mula sa mga kasamahan niya. Mas lalo akong naasiwa.
"Tss." May kung anong binubulong si Sania habang kumakain ng chips.
Umusog ako palayo kay Trevan. Gusto kong maramdaman niya na ayaw ko siyang narito.
"Anong sinusulat mo, Marwa?" Umusog din siya palapit hanggang sa masangga niya ang aking hita.
Umusbong ang iritasyon ko. Paano kung makita kami rito ng girlfriend niya na magkadikit? Ayaw kong mag-isip ng kung ano ang girlfriend niya sa akin!
"Uhm, teka lang. Masyado kang malapit," saad ko habang umuusog ulit palayo. Mahaba naman ang batong upuan na ito at hindi ko makuha kung bakit kailangan niyang lumapit nang ganoon.
"Sorry." Humalakhak siya.
Kunot-noo ko siyang tinignan. Maputi si Trevan at ang buhok ay medyo mahaba kumpara sa normal na buhok ng isang lalaki. Gwapo naman siya sa totoo lang kaya hindi na kataka-taka kung bakit maraming babaeng nagpapaloko sakaniya. Titig na titig siya sa akin habang may tipid na ngiti.
Binagsak ko ang tingin ko sa aking notebook at nagsulat na lang ulit.
"Libre ka ba bukas?"
Salubong ang kilay ko nang nilingon siya.
Niyayaya niya ba akong lumabas? Wala na akong makitang dahilan pa kung bakit siya nagtatanong ng ganiyan.
"Marami akong ginagawa." Sumulyap ako kay Sania na tahimik kaming pinagmamasdan.
"Ganoon ba? Sa ibang araw kung ganoon?"
Kitang-kita ko ang pag-irap ni Sania kay Trevan. Ngumuso siya sa akin. Nilingon ko ang katabi ko at kinunotan ng noo.
"Hindi ko alam. Tsaka hindi ako interesado."
"Niyayaya mo siyang lumabas gayong may girlfriend ka, Trevan? Totoo ka ba?" Hindi na maitago ni Sania ang pagkairita. Kung iritado siya kanina, mas iritado na siya ngayon.
"Wala na kami ni Selene. Bakit ba ang napaka pakialamera mo?"
Kitang-kita ko ang iritasyon ni Trevan.
"Anong wala? Nakita ko ko kayo kahapon! Imposibleng wala na kayo. Maghanap ka ng ibang lalandiin mo. Wala ka pa ring pagbabago! Maawa ka kay Selene!"
"Bakit? Ano bang gusto mo? Ikaw pormahan ko? Hindi ka pa talaga nakaka-move on sa akin, Sania? Kaya ka nagkakaganiyan?" Mapang insultong tawa ang pinakawalan ni Trevan.
Namilog ang mga mata ni Sania.
Natulala ako sakanila. Naging sila ba? Bakit hindi ko yata alam iyon?
"Kapal mo! Concern lang ako kay Marwa. Huwag ka ngang feeling."
"Save your ass, Sania. Huwag mo na lang ako pansinin."
Tamad na umirap si Trevan ngunit nakangiti nang lumingon sa akin.
"Oh!" aniya na para bang may naalala. Pinanood ko siya nang may hinugot mula sakaniyang black cross bag. Natanaw ko ang isang pulang pahabang kahon.
Kumunot ang noo ko nang ilahad niya ito sa akin.
"Gusto ko lang ibigay sa'yo ito, Marwa. Graduation gift, perhaps?" maligaya niyang wika.
Nalaglag ang panga ko nang ilabas niya roon ang isang makintab na silver necklace. Nilingon ko si Sania na ngayo'y gulantang din.
"Uhm, T-Trevan..."
"It won't hurt if you will accept it." Tumagilid ang kaniyang ulo.
Nakaawang ang mga labi ko habang tinitignan siya.
Bakit bigla na lang niya ako bibigyan ng kwintas? Para saan? Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o ano. Parang hindi naman yata maganda kung tatanggihan ko ang binibigay niya ngunit may parte sa aking huwag na lang iyon tanggapin ng tuluyan dahil mali! Mali talaga!
"Sa'yo ito, Marwa. Please, tanggapin mo. Just please..." aniya nang mapansin niyang wala akong balak kunin ang kwintas.
Ilang sandali siyang tumitig sa akin bago bumuntong-hininga at nilapag ang pulang kahon sa batong mesa.
"I should go," aniya at mabilis na tumayo.
Sinundan siya ng mga mata ko hanggang sa makihalubilo siya sa mga kasama. Tumawa ang mga 'yon nang salubungin siya ngunit siya ay nanatiling seryoso.
"Oh my god..." Nilingon ko si Sania na ngayo'y hawak na ang kwintas. Laglag ang kaniyang panga habang kinikilatis iyon.
"Mahal 'to, Marwa. Shet, ang ganda."
Ngumuso ako. Pinagmasdan ko siyang namamangha sa kwintas.
"Ex mo ba iyon?" untag ko.
Umirap lang siya at ngumiwi.
"Nag-date kami pero hanggang doon lang. May ibang babae habang dine-date ako! Edi tinigilan ko na."
Lumingon akong muli sa banda nina Trevan. Tumatayo na sila at mukhang paalis na. Bumaling dito si Trevan bago naglakad palayo kasama ang mga kaibigan.
Pinasok ko ang pulang box sa bag ko. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako sa natanggap na regalo. Hindi naman ako pinanganak kahapon upang hindi ko matanto kung ano ang motibo ni Trevan sa pagbibigay nitong kwintas. If he wants to be my friend, there's no need for him to give me such an expensive necklace. Bigla tuloy akong namroblema kung paano ko siya tatanggihan.
"Salamat," Nataschia smiled at me and unbuckled her seatbelt.Lumunok ako habang pinagmamasdan siya."Nataschia..." I trailed off. Sumulyap siya sa akin at nagtaas ng kilay."Hmm?""When... when can I get a kiss?" I whispered softly.Kita kong natigilan siya sa narinig. Napakurap siya."H-Huh?"Dahan-dahan akong nagpakawala ng malalim na hininga. "Kahit sa pisngi lang... please..." Sa rahan ng boses ko ay hindi ko alam kung narinig niya.Bahagyang umawang ang mga labi niya habang nakatulala sa akin.Nag-iwas ako ng tingin, nakaramdam ng hiya."I-It is okay. Forget about it." I tried to sound cool but I failed. Bakas pa rin sa boses ko ang panghihina."Yevros..." may lambing sa kaniyang tono.I glanced at her. "No. It'
"Do not fucking tell me na hindi ka na naman sasama sa amin!" Sigaw ni Harris habang pinapanood akong nagmamadaling ilagay ang mga gamit sa aking bag."Bro? What the fuck? When was the last time na sumama ka sa amin? Two fucking months ago!" This time, it was Dylan.I ignored them. Mabilis kong dinampot ang bag ko at sinampay sa aking balikat."I gotta go," saad ko at lumabas na ng silid. Dinig ko pa ang pagmumura ni Harris at Dylan sa akin ngunit binalewala ko lang sila.I texted Nataschia as I walked down the corridor. Yes. I got her number. Ilang linggo ko rin siyang kinulit para makuha ang number niya. Doon ko talaga napatunayang dapat ay maging makulit lang ako para tuluyan siyang bumigay sa akin.- Baby, my classes are done.Hindi niya naman mababasa 'yon dahil abala na siya sa karenderya.And I know that she doesn't care about it but
Dagsa ang mga tao ngayon sa karenderya. Kahit tapos na akong kumain, ayaw ko pang umalis. I was hoping that I could drive her home, but she never let me. Sa isang buwan kong palaging pagpunta rito, hinihintay ko ang pag-uwi niya. Kahit alam kong hindi siya papayag, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.I watched her as she smiled at their customers while taking their orders. Kahit kita ang pagod sa kaniya, hindi nabubura ang ngiti niya sa mga tao.I heard that her parents are both dead while her brother is in jail because of rape. Ngunit ang sabi ay na-frame up lang daw ang kuya niya. Tatlong taon na raw itong nasa kulungan. Gumagawa na ako ng paraan upang matulungan ang kuya niya na makalabas. May nakausap na akong abogado. I promise that I'll do everything to get her brother out of prison.Napag-alaman ko ring nasa pangangalaga ng kaniyang lola si Nataschia na siyang nagmamay-ari ng karenderyang ito.
"Ang kapal ng mukha mo!" Nanginginig ang boses niyang sigaw. I squeezed my eyes tightly as I felt the pain from the slap slowly subsiding. Girls are crazy. Ngayon ko lang talaga napatunayan. Baliw sila.She threw punches on my chest while crying. Wala akong magawa kundi ang pigilan siya. Paano ko siya aamuhin kung sarili niya mismo ang niloloko niya? She fucking knew that we were just fucking around! We are not kids anymore!Hindi ko talaga maintaindihan kung bakit pinagpipilitan niyang girlfriend ko siya. Malinaw na malinaw sa amin na walang kahulugan ang lahat bago namin napagdesisyunang pasukin ang ganitong setup. Hindi ko siya pinilit na pumayag! Hell! I would never force a woman to enter this kind of arrangement with me. We are both consenting adults. Alam niya ang pinasok niya kaya wala siyang karapatang mag-demand ng kung ano mula sa akin dahil una pa lang ay nilinaw ko na sa kaniya ang lahat.Be
A hard slap across my face made my world shook. I did not even notice the woman who suddenly appeared in front of me. Sa gulat ko ay naalis ko ang pagkaka-akbay ko kay Nikola at nilingon ang babaeng sumampal sa akin.A woman wearing a black tight dress, looking very irresistible, was throwing daggers at me. Her brown hair was slightly disheveled but still, she fucking looked so hot.She looked like an innocent little devil wearing that dress. Napakurap ako at natulala sa kaniyang namumulang pisngi dahil sa galit."You are so disgusting, Verulendez! Napakarumi mo! My best friend is crying right now pero ikaw nandito lang at nakikipaglandian sa babae mo!" Matalim niyang tinapunan ng tingin ang katabi kong si Nikola.I swear, her voice was so sweet. Tila ba hindi siya sanay magtaas ng boses. Ngunit naguguluhan ako. What was she talking about? Sinong best friend ang tinutukoy niya?A
I heaved a deep sigh as I prepared myself. Kinakabahan ako at... natatakot. Pero wala akong balak umatras pa. I prayed countless times before I went here. Alam kong nasa tabi ko lang ang Diyos at gumagabay sa akin.Kinuha ko ang bulaklak na pulang mga rosas sa tabi bago ako muling nagbuga ng hangin. Pinagmasdan ko ang sarili sa rearview mirror. I looked like shit. Kitang-kita ang matinding kaba sa mga mata ko ngunit wala na akong pakialam pa.Mabilis kong binuksan ang pintuan at lumabas na ng sasakyan. I was wearing a semi formal attire. Ayaw kong isipin ng mga magulang ni Sienna na hindi ko pinaghandaan ang pagpunta rito. I already texted Sienna saying that I was on my way. Kahapon ay sinabi ko sa kaniyang haharapin ko ang mga magulang niya upang pormal na magpaalam na ligawan siya.And that woman did not even want to believe me that I was serious about it. Buong akala niya ay walang katotohanan sa mga sinab