Share

Chapter 39

Tumunganga ako sa aking cellphone. Ang huli niyang mensahe ay kaninang umaga. "Good morning" lang iyon. Nagtataka nga ako kung bakit binabati niya pa ako sa umaga at gabi kung alam naman niya sa kaniyang sarili na hindi na maayos ang lahat. Siya ang sumira nito. Dapat ay alam niya iyon!

Sa loob ng dalawang linggo ay ganoon ang nangyayari. Puro "good morning" hanggang sa "goodnight."

Binasa ko ang mga nakaraang mensahe namin sa isa't isa. 

Hayes:

– Hindi ako makakabisita riyan. I'm sorry. Abala lang sa trabaho. 

– Sige. Naiintindihan ko. 

Hayes:

– Ok. 

Kahapon iyon. Hindi naman siya mahilig sa dalawang letra na iyan noon, eh. Hindi niya pinaparamdam sa akin ang tuyo at malamig na reply. Pero ngayon, ibang iba na. Sobrang tipid. Sobrang tabang. Sobrang sakit. 

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status