Share

Chapter 38

Naabutan ko ang dalawang bouncer na hinahawakan ang braso ni Neal. Patuloy siya sa pagpupumiglas at desperadong makawala.

"Neal! Sandali lang po. Bitawan niyo siya," pigil ko.

Nakita ko ang ginhawa sa mukha ni Neal nang makita ako.

"Kilala mo ba ito, Marwa? Lasing siya. Nag-eeskandalo na," sabi ng isang bouncer na may hawak sa kaniya.

"Kilala ko po siya. Pakawalan niyo na po. Ako na pong bahala," sabi ko at mukhang kumbinsido naman ang mga ito. 

Pinakawalan siya ng mga bouncer at mabilis siyang lumapit sa akin. Mahigpit niya akong niyakap at naramdaman ko ang panginginig niya.

"Neal..." Sinubukan kong kumawala sa kaniya ngunit masyadong mahigpit ang kaniyang yakap. Amoy na amoy ko ang alak sa kaniya. 

"Just let me please. Kahit sandali lang..." bulong niya. 

Nagtagal ang kaniyang yakap at hinayaan ko si

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status