BROKEN LOVE C7 3RD POV “Hindi siya kasali Lola.” Sagot niya sa lola niya. “Lumabas kana.” Utos niya kay Mia, kaya dali-dali itong umalis. “Umupo po muna kayo Lola.” Yaya niya habang inalalayan itong umupo. “Ipaliwanag mo nga ang nangyari rito Apo? Alam mo mabuti nalang pala at pumunta ako ngayon dito.” Wika ng kanyang lola sa kanya. “Naisip ko kasing silipin ang monitor ko at nakita kung naka-asa lang ang mga katulong dito kay Mia. Alam niyo po bang lahat ng gawain dito ay siya ang gumagawa Lola, tapos hinihintay pa niya ako sa pag-uwi ko.” Sagot niya sa kanyang lola. “Bakit po?” Taka na tanong niya rito, nang makitang nakatitig ito sa kanya. “Para mo pala siyang asawa.” Nailing siya, dahil sa kanyang narinig. “Lola naman, bakit asawa?” Hindi napigilan ng kanyang lola Aveline ang matawa, dahil sa reaksyon niya. “Kasi sino ba namang katulong ang matiyaga na maghihintay sa ‘yo ‘di ba?” Sagot nito sa kanya. “Isa pa, mukha naman siyang mabait Apo at maganda pa.” “Lola, hindi s
BROKEN LOVE C6 3RD POV Nang makarating sa opisina ay agad niyang binuksan ang kanyang monitor, para tingnan ang documents na pinasa ng secretary niya. Pino-forward niya rin dito ang ibang files na tapos na niyang basahin, at ‘yong nalagyan na niya ng sign. Lumipas ang ilang oras ay nakaramdam siya ng pagod, kaya naisipan niya muna ang humiga sa sofa. Naalimpungatan si Lukas at agad na napabalikwas, napatingin siya sa kanyang orasan at nakitang madaling araw na, kaya agad niyang pinatay ang kanyang monitor. Nang lumabas siya sa kanyang opisina ay agad na sumunod sa kanya ang kanyang mga tauhan. “Pumunta muna tayo sa isang coffee shop.” Wika niya sa kanyang driver. Nang makarating sa coffee shop ay inutusan niya ang tauhan niya na mag-order, gusto niya rin na mag-take-out nalang sila, dahil inaantok pa rin siya. Nang makarating ang tauhan niya ay agad niyang pinabigay ang mga kape sa kanila. Hindi na rin siya uminom, dahil gusto niyang makatulog agad pagdating sa bahay. “Sir..
BROKEN LOVE C5 3RD POV “Kuya, bakit ba kasi hindi nalang ikaw ‘yong nag-drive?” Tanong sa kanya ng kapatid niyang si Violet. “Malayo ang pupuntahan natin, kaya hindi ako pwedeng mag-drive.” Sagot niya sa kapatid niya. “Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo at sumama ka?” Tanong niya rito. “Kuya, gusto ko lang naman malaman ang tungkol sa negosyo natin.” Sagot nito sa kanya. “Pero dapat hindi ka muna sumama sa akin sa mga malalayong lugar na pinupuntahan ko.” Wika niya, habang kunot-noo siyang tiningnan nito. “Kuya naman, ito nga ang gusto ko.” Maktol na sagot nito, kaya pinili niya nalang ang manahimik. Nang makarating sa mall ay nag-ikot muna siya bago siya pumunta ng meeting, tinitingnan niya rin kung wala ba silang dapat baguhin sa mall, habang ang kapatid niya ay pinabantayan niya sa mga tauhan nila. ‘Sandali lang.. B-bakit parang kilala ko ‘yon?’ “Sir..” Sambit ng director ng mall, kaya napatingin siya rito. Agad naman siyang naglalakad at hindi na pinansin ang babaeng na
BROKEN LOVE C4 3RD POV “Oo..” Maikling sagot niya. “Tama na po ito Sir.” Nahihiyang wika sa kanya ng babae, kaya tumayo siya at binigyan ng pera ang manager. Mabilis niya silang tinalikuran at agad na sumunod sa kanya ang babae. “A-ang mahal po pala ng mga damit na ‘to Sir.” Wika nito sa kanya. “’Wag po kayong mag-alala Sir, babayaran ko po kayo.” Muling wika nito sa kanya. “’Wag mo na munang isipin ‘yon, ang mahalaga makapag-palit ka.” Sagot niya rito, habang ang tauhan na niya ang inutusan niya sa pag-drive ng kanyang kotse, dahil nakakaramdam na siya ng pagod. “Alam niyo po bang ngayon ko lang naranasan na mabilhan ng mga damit.” Gulat siyang napalingon sa babae, dahil sa sinabi nito sa kanya.“Hindi ba nagtatrabaho ka? Nasaan ang sahod mo?” Tanong niya rito. “Binibigay ko kay Mama..” Mahinang sagot nito sa kanya. “Ano pala ang pangalan mo?” Tanong niya rito.“Mia..” Sagot nito sa kanya, habang sumandal siya sa upuan. Nang makarating sa bahay ay ginising niya ang iba niy
BROKEN LOVE C3 3RD POV Matapos niyang kumain ay nagpaalam na siya sa kanyang mga magulang at sa lolo at lola niya, pati sa lola Viol niya, dahil kailangan niya pang pag-aralan muli ang mga documents sa mall nila, bago niya ito puntahan. Siya na kasi ang pumupunta sa lahat nilang negosyo, dahil minsan lang ang kanyang ama makaka-alis, lalo na at maliit pa ang iba niyang mga kapatid. Habang ang kanyang lolo naman ay matanda na.Habang pasakay sa kanyang kotse ay kinuha niya ang kanyang phone, dahil tumunog ito. “Mama..” Sagot niya sa tawag ni Jona. “Lukas, Anak.. Pwede mo bang puntahan ang restaurant bukas?” Tanong nito sa kanya sa kabilang linya. “Bakit po Mama?” Sagot niya rito. “Hindi kasi ako makakapunta ro’n, ang mama Hilda mo rin ay may pupuntahan, kaya walang makakadalaw do’n.” “Sige po Mama, ako na po ang bahala sa restaurant.” Sagot niya rito.“Salamat Anak.” Wika nito, at agad na nagpaalam. Na-pahinga naman siya nang malalim, dahil tambak pa ang trabaho niya at baka hi
BROKEN LOVE C2 3RD POV “Naroon po siya sa ward Sir, ang sabi ng doctor ayos na siya at kailangan niya lang kumain.” Wika ng kanyang tauhan. “Ang sabi po kasi ng doctor ay hindi siya kumakain.” Muling wika nito sa kanya. “Sige ako na ang bahala sa kanya.” Sagot niya sa kanyang tauhan. Nilapitan niya ito at agad itong nagyuko ng mukha. “Mukhang hindi mo kaya ang trabaho mo.” Wika niya rito.“P-patawarin niyo po ako Sir.. Hindi ko po ‘yon sinasadya, a-at ‘wag niyo po akong tanggalin sa trabaho.” Iyak na wika nito sa kanya. “Sige hindi kita aalisin, pero ‘wag ka nang magtrabaho ro’n, dahil mukhang hindi mo kaya, mas mabuti siguro kung sa bahay ka nalang nagtatrabaho.” Wika niya, habang nag-angat ito ng mukha at tumingin sa kanya. Napa-kunot naman ang noo niya nang makitang medyo bata pa ito at maganda. “Wala kaba talagang pamilya?” Tanong niya rito.“May nanay po ako Sir..” Mahina na sagot nito sa kanya.“Kung ganun, bakit sinabi mo kanina na wala kang pamilya?” “Wala po kasi siya