Home / Romance / Broken Love / CHAPTER 61

Share

CHAPTER 61

Author: Darkshin0415
last update Last Updated: 2025-08-11 14:31:19

BROKEN LOVE C61

3RD POV

“Ano? Bakit siya sumama sa lalaking ‘yon?” Galit na wika niya rito.

“May meeting po kasi sila Sir.” Sagot ng secretary sa kanya.

“Anong meeting? Bakit wala akong alam sa meeting nila?” Inis na wika niya.

“Sabihin mo sa akin kung saang lugar sila pumunta.”

“Alam niyo pong hind-.”

“Sabihin mo na sa akin!” Galit na sigaw niya rito.

Nang makuha niya ang lugar na pinuntahan ni Luna at ni James.

“Mukhang ang saya niyo?” Gulat na napatingin sa kanya si Luna, habang masama niya itong tiningnan.

“Anong ginagawa mo rito Mr. Carter?” Taka na tanong sa kanya ni James.

“Makikinig ako sa pinag-usapan niyo.” Ngiting sagot niya rito, habang umupo sa tabi ni Luna.

“Makinig? Bakit? Sino kaba para pakinggan ang pinag-usapan namin? Hindi ka naman siguro ama ni Abby.” Unti-unti namang nawala ang ngiti ni Matteo, sa kanyang labi, dahil sa narinig niya.

“Matteo, hindi tungkol sa negosyo ang dahilan kung bakit kami nandito ni James. Niyaya niya akong lumabas, kaya ayos lang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Broken Love   CHAPTER 78

    BROKEN LOVE C78 3RD POV “Mommy!!” Iyak na sigaw ni Lukas, habang mahigpit niya itong niyakap. “’Wag kang umiyak Anak, nandito lang si Mommy, hindi ko hahayaan na may mangyari sa ‘yong masama.” Iyak na wika niya sa kanyang anak, dahil ito ang kinatatakot niya, ang madamay ang anak niya sa gulo. Dali-dali na binaril ng ibang tauhan niya ang mga tauhan ni James na naroon sa malaking gate, at nang matumba sila ay agad nilang binuksan ang gate. “Mas mabuti kung hindi tayo dumaan sa daanan Ma’am Abby, dahil tiyak na masusundan agad nila tayo, lalo na at wala tayong dalang sasakyan.” Wika sa kanya ng kanyang tauhan. “Pero hindi natin alam, kung saan ang ibang daanan.” Sagot niya rito. “Pero mas mabuti na rin ‘yon.” Muling wika niya. “Natawagan mo na ba si Daddy?” Tanong niya rito, habang patuloy silang tumatakbo.“Hindi pa Ma’am, bigla kasing nawala kanina ang signal.” Sagot nito, kaya lalo siyang nakaramdam ng galit kay James. ‘Mukhang pina-plano niyo ng husto ang lahat ng ito Jame

  • Broken Love   CHAPTER 77

    BROKEN LOVE C77 3RD POV “Anak? Nagpapatawa kaba Sofia?” Natatawang wika niya rito. “Nakalimutan mo bang nakulong ako Sofia? Isipin mo naman kung paano ako na-buntis sa kulungan.” Iling na wika niya habang binuhat si Lukas. “Mommy, sino ‘yon?” Taka na tanong nito sa kanya. “Kaibigan mo ‘yon Mommy?” Muling tanong nito sa kanya. “Hindi Anak, kaya dapat iwasan mo ‘yon.” Wika niya habang tumango sa kanya si Lukas. Nang mag-umpisa na ang event, ay na-patingin siya sa paligid, lalo na sa mga bisita. Isa-isa rin silang lumapit at nagpakilala sa kanya at ang iba ay gustong magbigay ng business proposal sa kanya. “Bakit gusto ninyong mag-invest si Abby sa inyo?” Wika ni Sofia, habang nasa likuran niya ito. “Hindi niyo ba naririnig ang balitang hindi siya ang tunay na Abby Wilson?” Natatawang wika nito, habang nilapitan sila. “Luna.” Wika ni James dito, pero parang wala itong naririnig. “Ito ang dati niyang picture.” Gulat na na-patingin ang mga taong nasa loob ng banquet, dahil sa pi

  • Broken Love   CHAPTER 76

    BROKEN LOVE C76 3RD POV “Sige..” Sagot niya rito. “Talaga! Pumapayag kana?” Wika nito sa natutuwang boses. “Oo, anong oras?” Tanong niya rito. “Susunduin ko nalang kayo sa bahay niyo.” Sagot sa kanya ni James. Nnag ibaba niya ang kanyang phone ay agad siyang lumabas ng kanyang silid at tinungo ang silid ng kanyang mga magulang. Wala kasi ang kanyang lola, dahil nasa ibang bansa ito. “Mommy!” Tawag niya, habang kinatok ang silid nila. “Bakit Anak?” Taka na tanong ng kanyang ina, matapos nitong buksan ang pinto. “Niyaya ako ni James, na pumunta sa opining ng bagong resort niya.” Sagot niya rito. “Alam kung matutuwa si Lukas, kaya pumayag ako.” Napangiti ang kanyang ina, dahil sa kanyang sinabi.“Naku! Tama ka Anak, alam mo bang gusto niya talaga na pumunta sa tabing dagat.” “Kaya balak kung umuwi na muna tayo sa bahay, ayokong malaman niya ang lugar na ‘to Mommy.” Wika niya sa kanyang ina, kaya agad na tumayo ang ama niya na nakahiga sa kama. “Sige Anak, tawagin ko lang ang

  • Broken Love   CHAPTER 75

    BROKEN LOVE C75 3RD POV Gulat siyang na-patingin kay Matteo, nang makita ito sa labas ng kanyang kumpanya. Mabilis itong hinarang ng kanyang mga bodyguard kaya pinigilan niya ito. “Hayaan niyo siya.” Wika niya, dahil gusto niya rin itong makausap. “Itatanong ko lang sana kung ayos ka lang.” Napa-kunot ang noo niya, habang tumingin dito. “Nag-aalala ako, dahil baka pinagalitan ka at gumawa ng paraan ang mga magulang ni Abby, para malaman ang tunay mong pagkatao.” Muling wika nito sa kanya. “Bakit mo ginawa ‘yon?” Tanong niya rito, habang taka itong napatingin sa kanya. “Ang alin?” “Bakit hindi mo sinabi sa harapan ng mga magulang mo ang totoo?” Tanong niya, habang na-pahinga ito nang malalim.“Ayokong mapahamak ka, minsan ko nang ginawa sa ‘yo ‘yon, kaya ayaw ko nang maulit.” Sagot sa kanya ni Matteo, habang tinitigan siya nito. “Kung iniiwasan mo rin ako, dahil inaakala mong pumunta ako rito, dahil sa project na ‘yon, ‘wag kang mag-alala Luna. Wala na akong balak na ituloy pa

  • Broken Love   CHAPTER 74

    BROKEN LOVE C74 3RD POV “Alam mong hindi totoo ‘yan, Luna.” “At ano ang totoo? ‘Wag mong sabihin sa akin na nagsisinungaling ang asawa mo?” Sagot niya kaya natigilan ito. “Tama na Leo, tama na ang pagpapanggap niyo, dahil kahit ano pa ang gawin mo. Hinding-hindi na ako maniniwala pa sa inyo.” Wika niyang muli at akmang puputulin na sana ang tawag. Pero natigilan siya nang marinig ang malakas na halakhak ni Leo. “Ngayon napatunayan kung hindi ka nga tunay na bobo Luna.” Wika nito sa kabilang linya, kaya napakunot lalo ang kanyang noo. “Ang akala ko pa naman, masyado kang bobo, dahil pumayag ka sa lahat ng gusto namin.” Napakuyom ang kanyang kamao, dahil sa narinig niya rito. “Tama ang sinabi mo, ginagamit ka lang namin, at ‘yon naman ang dapat.” “Anong ibig mong sabihin?” “Baka nakalimutan mong kami ang nagpalaki sa ‘yo, binihisan at pina-aral ka namin Luna, kaya ‘wag mong kalimutan ‘yon.” Siya naman ang natawa, dahil sa narinig niya mula rito. “Umaasa pa rin ba kayong tatana

  • Broken Love   CHAPTER 73

    BROKEN LOVE C73 3RD POV “Ano ang ibig mong sabihin Luna?” Galit na wika nito sa kanya, habang mabilis siyang tumayo at pinunasan ang kanyang mga luha. “Sa tingin mo ba hindi ako nakokonsensya sa ginawa ko kay Abby?” Galit na wika niya sa mahina na boses, dahil baka magising si Lukas. “Araw-araw sa tuwing nakikita ko si Lukas, naalala ko ang kanyang ina Matteo, hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko, dahil sa ginawa ko! Kung sana hindi ko sila sinunod... Buhay pa sana ang kanyang ina.” Iyak na wika niyang muli, habang tinitigan si Matteo at umaasa na maniwala ito. “Alam mo bang kung alam ko lang sana ang tungkol sa kanya, sana... Sana pinili ko nalang ang manatili sa kulungan na ‘yon..” Hikbing wika niya, habang narinig niya ang paghinga nito nang malalim. “Kahit sisihin mo pa ang sarili mo, wala na tayong magagawa, nangyari na ang lahat ng ito Luna.” Sagot nito sa kanya. “Hindi mo rin kasalanan ang lahat, kasalanan ‘to ng mga magulang mo at ni Sofia.” “Kung hindi, dahil sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status