LIHIM na pinagmamasdan ni Andrea si Lorelei. The woman was stunningly beautiful in her royal blue cocktail dress. Ayaw man niyang aminin pero maganda ang babae. Hindi talaga niya masisisi si Andrei kung nabaliw ito noon sa babae.
She looks innocent and pure. Of course, sa mga taong hindi ito lubusang kilala. Because behind that innocent face was an evil woman that hurt her brother. Hindi man niya alam ang buong kuwento ng mga ito pero alam niya na ito ang dahilan kaya naaksidente noon si Andrei sa Prague. “Stop murdering her in your thought, Addie.” Bulong na saway sa kaniya ni Karenina. Ngunit hindi pa rin siya natinag. Nakatitig pa rin siya sa babae. “How I wished my eyes could throw a dagger,” pabulong din niyang sabi kay Karenina. Suminghap si Karenina na ikinalingon naman ni Miss Navarre sa kanila. Malamig na sinalubong naman niya ang mga mata nito. Hindi rin ito nakatagal at iniwas din agad sa kaniya ang mga mata. But there’s something in her. Hindi lang niya matukoy kung ano, pero pakiramdam niya, she’s beyond of what she thought of her. “Mr. Del Rio, totoo ba na bababa ka na sa puwesto bilang CEO and President ng Impero Del Rio Associatti?” Agad nabaling ang tingin niya sa babaeng reporter na nagtanong sa kaniyang ama. Nasa harap na ang ama, nakatayo sa harap ng platform. Sina Andrei at Mr. Sanford ay nandoon na rin, magkatabing nakaupo sa harap ng long table. “Yes.” Dhie answered. “Totoo rin ba na naghihirap ngayon ang kompanya dahil sa nangyari noon sa anak niyong si Andrei?” tanong naman ng lalaking reporter. She frowned and shifted her seat. Bumaling ang tingin niya kay Andrei kung naapektuhan ba ito sa tanong na iyon ng reporter, pero mukhang hindi naman. He remained stoic. "I know this wasn't the right time for me to retire considering the crisis that the Impero was facing now, but I trust my son, Andrei, as the new CEO of the company and Mr. Brixton Alessandro Sanford as the new President." Saglit na nilingon ni Dhie sina Andrei at Mr. Sanford, at muli ring ibinalik ang tingin nito sa mga reporter na inimbita sa on-air merging na ito. “I trust that together they will overcome whatever crisis the company is facing today. At malaki ang tiwala ko na mas lalago pa ang Impero sa pamumuno nilang dalawa.” Napangiti siya sa sinabi ng ama. She too, malaki rin ang tiwala niya kay Andrei. Pero kay Mr. Sanford? Nabaling ang tingin niya sa lalaki. She doubted him. Nawala ang ngiti niya. She didn’t know why she suddenly felt this way. Siguro dahil hindi maganda ang unang impression niya noon sa lalaki. Or maybe it’s because he is with the woman she hates. At kailangan niyang kausapin ang ama tungkol dito. Nang matapos magsalita ang ama ay tumayo si Mr. Sanford. Nagsalita ito patungkol din sa merging ng dalawang kompanya pero dahil okupado ang isip niya sa kung ano ang relasyon nito at ng ex-girlfriend ni Andrei ay hindi na niya masyadong naririnig ang sinasabi nito. Natapos din agad ang pagsasalita nito at bumalik ito sa upuan nito. Nakita niyang si Andrei naman ang tumayo at naglakad papunta sa harap ng platform. “Our company, Impero Del Rio Associatti, is merging with L.A. Corporation to create a stronger, more dynamic organization. We believe that change can be both exhilarating and challenging. However, rest assured, we are fully committed to making this transition as seamless as possible.” Andrei said, confidently. Muli naman siyang napangiti. Sa kabila ng lahat ng hamon na kinakaharap nito noong nakaraang taon, heto pa rin ang kapatid niya, taas noong nakaharap sa kanilang lahat. And she hoped that by merging with L.A. Corporation, Impero would rise again and get back on track. Pagkababa nina Andrei at Mr. Sanford mula sa maliit na platform na nasa harap ay agad din ang mga itong sinalubong ng ibang mga businessman at mga board members ng kompanya para batiin. Ipinakilala rin sila ni Lucas ng kanilang ama sa mga kaibigan nitong businessman. Si Mhie naman ay kausap ang mga asawa ng mga board members ng kompanya. Pero hindi rin nagtagal, nagpaalam na si Lucas na mauna na itong umuwi. “You like her,” aniya kay Lucas. Inihatid niya ito sa sasakyan nito. Saka gusto lang din niyang kumpirmahin ang hinala niya na may gusto ito sa kaibigan niya. Natigil ito sa akmang pagbubukas ng pinto ng sasakyan nito at magkasalubong ang dalawang kilay na nilingon siya. Alam niyang naintindihan nito kung sino ang tinutukoy niya pero gusto pa rin niya iyong linawin dito. “You like my best friend.” He just stared at her for a moment, then shook his head. “Go back inside, Ate.” Marahan ang boses na taboy nito sa kaniya. Saka binuksan ang pinto sa may driver seat at pumasok agad ito sa loob. Isasara na sana nito ang pinto nang hawakan niya iyon para pigilan ang pagsara. “She isn’t over with her first love,” aniya. Muli niya itong pinagmasdan sa kung ano ang magiging reaksyon nito sa sinabi niya. Hindi man klaro ang mukha nito dahil sa mapusyaw na ilaw mula sa sasakyan, pero nakita naman niya ang bahagyang pagsalubong na naman ng kilay nito. “I need to go,” malamig nitong sabi. Hinila nito ang pinto pasara. Bumitiw na rin siya sa pagkakahawak sa pinto ng sasakyan nito. Agad na binuhay nito ang makina ng sasakyan at kaagad din na umalis. Naiiling na sinundan na lang niya ng tingin ang papalayo nitong sasakyan. Bumalik siya sa loob ng building nang tuluyan ng nakaalis si Lucas. Palapit na siya sa table nila nang matanaw niya ang kapatid na si Andrei. Nang may dumaang waiter sa harap niya ay kumuha siya ng dalawang red wine sa dala nito. Lalapitan na sana niya ang kapatid nang makitang nilapitan ito ng isang lalaki. Kilala niya ang lalaki. Isa ito sa mga board member ng L.A Corporation, si Mr. Perrocchio. Hindi rin matagal na nag-usap ang dalawa dahil may tumawag kay Mr. Perrocchio sa phone nito at nag-excuse ito sa kapatid niya. Agad na lumapit siya sa kapatid nang mawala na sa harap nito si Mr. Perrocchio. “Congratulations, Kuya,” bati niya rito. Ibinigay niya rito ang isa sa dalawang hawak niyang wine glass na agad naman nitong tinanggap. “Thanks, Addie.” Pinagpingki nila ang hawak nilang wine glass at sabay na ininom ang laman doon. Pero hindi tulad nito, inubos niya agad ang lamang wine sa kaniyang wine glass saka muli itong hinarap. Pero wala na sa kaniya ang buong atensyon nito. His face displayed no emotion, but his eyes were brimming with anger. Nang tingnan niya ang tinitingnan nito, ay agad niyang naunawaan kung bakit biglang nawalan ng emosyon ang mukha ni Andrei. It's Lorelei and Mr. Sanford. They were engrossed in a close conversation. "I don't think this situation is good, Kuya," she said. "Mr. Sanford and Miss Navarre were dating, who knows, kung girlfriend na nga niya ang babaeng iyan, and if she is, we all know how evil she is.” Hindi na rin niya naitago rito ang galit niya sa babae. Kuya Andrei’s jaw clenched, and his eyes darkened even angrier. Alam niyang nakuha kaagad nito ang ibig niyang sabihin. “If you're worried about her doing the same thing again of the company, reassure yourself that it won't happen again.” There is a subtle suggestion of danger in his voice. “I know and I trust you, Andrei. Alam kong hindi mo na hahayaan ang sarili mo na muling maloko ng babaeng ‘yon. But what about Mr. Sanford? He is now the President of Impero Del Rio Associatti. Paano ka nakasisiguro na hindi nga siya maloloko ng babaeng iyon?” she asked, clearly frustrated with the situation. Nakita niya kung paano alagaan ni Mr. Sanford ang babaeng iyon. At nakita rin niya kung paano naapektuhan ang mood ng kapatid niya nang makita nito si Miss Navarre. Kahit nga sina Mhie at Dhie. At ang kaibigan niya. Alam niyang may nararamdaman ito kay Brixton. Shit. This isn’t really good! “Let’s talk with this matter privately, Addie.” “Yeah. We really need to talk about this matter. Kung pwede pa na iatras natin ang merging sa kompanya ni Mr. Sanford, gagawin natin iyon, Kuya.” “That’s impossible, Addie. We already signed the merging contract.” Sabi nito. May diin pa sa boses nito. Ang mga mata ay nasa dalawang tao pa rin na nag-uusap. “So, hahayaan mo na lang? O baka alam mo talaga na girlfriend ni Mr. Sanford ‘yang ex mong manloloko kaya—” “Stop it, Addie.” Mariin na nitong saway sa kaniya. “No, Andrei. Kung may dapat man na pigilan dito, iyang ex-girlfriend—” “Damn it. Stop meddling with this, Andrea. This not your concern anymore.” Muling putol nito sa kaniya, na nagpatigil naman sa kaniya. He looks livid now. Tinitimpi na rin niya ang galit dito. Mukhang may pinaplano rin ito at ayaw siya nitong makialam. Magsasalita pa sana siya nang makitang papalapit na sa kanila ni Andrei sina Dhie, lolo Alexander at lola Annaliese. “Are you two, okay?” tanong ni lola Annaliese. Nagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa kanila ni Andrei. Halata ang concern sa mga mukha. Si Daddy ay nanatiling nakamasid sa kaniya, hindi ito nagtanong pero sa hitsura nito ngayon, may palagay siyang may hinala na itong may pinagtatalunan sila ni Andrei. Andrei sighed. “We’re fine, Lola. Excuse me, I need to talk to someone.” Paalam nito at agad silang iniwan. Naningkit ang mga mata niyang sinundan niya ito ng tingin. Nawala na ex-girlfriend nito sa kinatatayuan nito kanina, kaya duda siyang ito ang hahanapin ni Andrei. “Addie, apo. Nag-away ba kayo ni Andrei?” tanong ni lola Annaliese, kaya muling nabaling ang tingin niya rito. Umiling siya. “Hindi po, Lola.” Ngumiti pa siya rito, to convince her. Lola Annaliese sighed. Nasa mga mata nitong hindi ito naniniwala na hindi sila nag-away ni Andrei. Magsasalita pa sana ito nang akbayan ito ni lolo Alexander. “Hayaan mo na sila, Liese. Malalaki na ang mga apo natin. Kung ano man ang hindi nila pagkakaunawaan ngayon sa isa’t isa, for sure maaayos rin iyan nila,” sabi ni Lolo kay Lola, pagkatapos ay nag-angat ito ng tingin sa kaniya. “Right, Addie?” Napalunok siya. Pagkuwa’y ngumiti at tumango. Nagpaalam na sina lolo at lola na mauuna ng umuwi. Hinatid naman nila ito ni Dhie sa labas. Pagkatapos ay binalikan nila si Mhie na nagpaalam na magbabanyo. “Hanapin ko lang si Karenina, Dhie.” Kanina pa niya hindi makita ang babaeng 'yon. Tumango ito at nagpaalam din na susunduin si Mommy. Nagpalinga-linga siya sa paligid para hanapin si K. Pero hindi niya ito makita. Baka lumabas. Pumihit siya at maglakad na sana palabas ng building nang makita niya si Miss Navarre na palabas din ng building. Agad niya itong sinundan. Mabilis ang lakad nito kaya mas binilisan din niya ang paglalakad pero dahil sa taas ng takong sa suot niyang stiletto ay hindi na niya ito naabutan. Tumuloy pa rin siya sa paglabas ng building. Huminto siya sa may parking area, nagpalinga-linga siya sa paligid at baka makita niya ang babae. Hindi niya nakita na may umaatras na sasakyan papunta sa gawi niya pero bago pa man siya mabangga ay may malabakal na kamay na kumapit sa kaniya at hinatak siya. Suminghap siya at namilog ang mga mata nang bumangga siya sa matigas na katawan ng taong humatak sa kaniya. Nang makabawi ay agad niya itong tiningala. Pero mas lalong namilog ang mga mata niya nang makilala niya ang lalaki. The man in the elevator."I know you know that your brother is alive." Namilog ang mga mata ni Andrea. Hindi siya kaagad nakapagsalita, para siyang ipinako sa kinauupuan at nanigas. Ang kanina pang mabilis na tibok ng puso niya dahil sa tensyon sa pagpasok pa lang nila sa kaniyang klinika, ngayon ay parang sasabog na sa dibdib niya. “And I also know that Brixton’s memory was back. He remembers everything—his childhood, his real family. And now, he’s plotting with your family to bring down Conchitta Acosta to her own grieve.” Her teeth gritted. Hindi pa rin siya makapagsalita. Wala siyang masabi. But even if she did speak, even if she denied everything he said, it wouldn't matter. The reaction she had just displayed had already betrayed her. Parang sasabog ang puso niya sa takot sa maaaring mangyari. Pero hindi siya papayag na mabigyan niya ito ng pagkakataon na maninipulahin siya nito. "And you're here, wanting to talk to me just to threaten me," she stated, without any hint of fear. But deep inside, she
Theon's eyes flared with anger. His fists clenched at his sides, his jaw muscles tensed in barely contained fury. Hindi nagpasindak si Andrea. Nanatili siyang nakatayo, kahit na pakiramdam niya nanlambot na ang mga tuhod niya. Sinalubong niya ang mga mata nito, kahit na gusto na niyang iiwas ang tingin dahil sa tindi ng galit na nakikita niya sa mga mata nito. "Exactly what I thought, huh," he said. His voice was cold and distant.Napakurap-kurap siya. So, inaasahan na nito ang pagtanggi niya?Her fists clenched. Hindi naman siya tatanggi kung walang nabuo. She chooses to cling this marriage because of their unborn child. She doesn't want her baby to grow up without a father.Kaya niyang buhayin ang anak niya na mag-isa. Kaya niyang bigyan ng magandang buhay. Pero alam niya na ang pagkakaroon ng ama at kompletong pamilya ang pinaka importante sa lahat.Ayaw niyang maranasan ng anak niya ang naranasan nila noon ng mga kapatid niya na naghahanap ng kalinga ng isang ama. Na laging nai
ANDREA dropped her handbag on the floor. Nanlambot ang mga tuhod niya. Mabilis naman siyang dinaluhan ng lolo Alexander niya at pinaupo sa silyang nasa harap ng desk nito. Mabilis din na nagtawag si lola Annaliese ng kasambahay para magpakuha ng tubig para sa kaniya. Pakiramdam niya ay umikot ang silid at hindi siya makahinga sa halo-halong nararamdaman niya. Buhay si kuya Luke... At si Mr. Sanford... ito ang Kuya Luke niya... pero paano? Hindi ba at kasama itong sumabog noon sa lumang warehouse na pinagdalhan ng mga kidnapper nila noon? May katawan ng kuya niya ang nakuha ng mga otoridad sa pinangyarihan. Pina-DNA at positive iyon, 'di ba? Kaya paanong buhay? "Hija, are you okay?" Lolo Alexander asked, his voice laced with worry. Hindi siya makasagot. Para siyang nalulunod sa maraming katanungang nasa isip niya at sa nararamdaman niya. Lito, gulat at hindi niya alam kung maging masaya ba siya sa nalaman. Lola Annaliese rushed to her side with a glass of water in her ha
"No! Sierah! No, get of me!" Patuloy ang pagpupumiglas ni Andrea na tila ba naroon pa rin siya sa nakaraang iyon ng buhay niya. Her vision blurred, flickering between the reality in front of her and the past she'd fought so hard to escape. Ang mga kamay ng driver na pumipigil sa kaniya ay tila mas dumami pa. Ang ingay sa paligid ay mas lalo pang umingay at tila natataranta. Then, suddenly, she felt strong arms wrapping around her—firm, secure, grounding. Then, a familiar scent filled her senses. Theon... But why would he hug her if what he really wants is revenge on her? "Please, help me save Seirah," umiiyak na pakiusap niya rito. "Save her please, parang awa mo na..." Pero wala siyang narinig mula rito kundi mabibigat na paghinga. Maybe this is also the part of her past. Theon is not here. He is mad at her. He deceived her, for revenge of what happened to his wife, Seirah. "Addie, anak..." Narinig niya ang hikbi ng kaniyang ina. Her heart broke. Ang pagsa
"Go home, brat. I can take care of myself. You don't have to stay and take care of me,"Andrea sighed. Their grandfather, Alexander, wants her to go home and take her residency at Del Rio Medical Center, and she said that to her parents and Andrei in the middle of their dinner.Gusto rin naman niyang sa DRMC magtrabaho kaya lang ang inaalala niya ay si Andrei. Hindi pa tapos ang therapy nito para makapaglakad ulit."Besides, Mhie and Dhie are here too," dugtong pa nito, nang makitang nag-aalangan pa rin siya na umuwi ng Pilipinas."I know, but I want to go home when you fully recover, Kuya."Nag-iwas ito ng tingin sa kaniya. Kapag seryoso siya ay tinatawag talaga niya itong Kuya at mananahimik na ito.Pero wala na siyang nagawa nang sumang-ayon din ang mga magulang nila kaya kinabukasan ay agad na nag-book siya ng ticket pauwi ng Pilipinas."Welcome home, hija. Congratulations on making it to the top two of MLE!" nakangiting sabi ng lolo Alexander niya at niyakap siya.She smiled and t
KUYOM ang mga kamao ni Andrea habang nakatitig sa bahay ni Andrei. Hindi pa rin siya makapaniwala na pinakasalan nito ang babaeng matinding nanakit dito. Na sa kabila ng sakit na ipinaranas dito ng babae...Marahas na bumuntonghininga siya. Kagaya ni Manang Tina, hindi rin siya naniniwala na paghihiganti lang ang gusto ni Andrei kaya nito pinakasalan ang babaeng iyon. Mahal pa rin nito si Lorelei. Maaaring sa ngayon, galit ito at gustong maghiganti kaya nasabi nito iyon kay Mr. Sanford.Nagtanggal siya ng seatbelt at lumabas ng sasakyan. She pressed the doorbell twice before the guard opened the gate for her.Kilala na siya ng guard dito kaya hindi na niya kailangang magpakilala pa."Is my brother's home?""Wala po si Sir Andrei, Ma'am. Dinala niya po ang asawa niya sa ospital kasama ang lolo niyo."Kumunot ang noo niya. Nandito ang abuelo niya?"Why? What happened?"Nakita niya sa mukha ng guard ang pag-aalangan pero sumagot din naman, "Pasensya na po, Ma'am, pero hindi ko po alam ku