로그인-Ava-Kumislap ang mga mata ko nang makita ang resulta ng magic na mga kamay ni mamang Rosa sa harap ng salamin. Hindi ko akalaing may igaganda pa pala ako.“Ava! Ang ganda-danda mo! Pwede ka na talagang mag-artista!” tuwang-tuwang bulalas ni Ingrid habang pinagmamasdan ang new look ko. “Baka hindi ka na makilala ng nanay mo niyan. Mamaya baka sabihin niyang isa kang impostora.”“Hindi ‘yan mangyayari, Ingrid.” nakangiting sambit ko. “Kahit mag-iba pa man ang itsura ko, makikilala at makikilala ako ng inay. Isang amoy niya lang sa akin at masasabi niyang ako ang anak niyang si Ava.”Kapagkuway natigilan ako sa sinabi ko. Isang amoy lang at makikilala na agad ako.Paano kung natandaan din ni Daniel ang amoy ko? Parang naririnig ko pa ang ibinubulong niya sa akin noong gabing iyon. “You smell so fvcking good, I can’t get enough of you.”Hindi pwede! Hindi maaari!“Oh bakit bigla kang natigilan diyan?” tanong ni Ingrid nang mapansin ang pananahimik ko. “Halika na, bumalik na tayo sa hos
-Ava-“Salamat, Ingrid.” hinawakan ko siya sa kamay at marahang pinisil ito bago ako naglakad patungo sa pinto at sumilip sa labas. Nang makita kong nandoon pa rin si Carlito at nakabantay sa labas, lalong tumibay ang paniniwala ko na hinihintay niya ako.Lumapit akong muli kay Ingrid na bumalik na sa tabi ng nanay niya. Bumulong ako sa kanya. “Busy ka ba? Magpapasama sana ako sa’yo.”“Hindi naman.” lumingon ito sa kanyang inay. “Saan tayo pupunta?”Ilang sandali lang ay naglalakad na kami palabas ng hospital, papunta sa isang salon. Dumaan kami sa fire exit para hindi ako makita ni Carlito. Nagtataka man si Ingrid, hindi na lang siya nagtanong kung bakit doon kami dumaan at hindi sa main entrance ng hospital.“Huwag ka na kayang magpagupit. Alam mo, mas bagay sayo ang mahabang buhok.” komento niya habang kumakain ng chichirya. Kasalukuyan kaming nasa loob ng salon at naghahanap ako sa isang magazine kung anong magandang hairstyle.“Mas lalo ko lang nagiging kamukha si Ada kapag mah
-Ava-Nang marinig ko ang pagtawag ng pangalan ni Ada ng driver ni Daniel, mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Napagkamalan na naman niya na ako si Ada. Bakit ba nandito na naman siya? Sinusundan niya ba ako?Nang marating ko ang ward, agad akong pumasok dito. Naglakad ako papalapit sa kama ng inay at nakita kong tulog na ulit siya. Hinihingal na napaupo ako sa tabi niya. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang hindi na sumunod sa loob si Carlito. Pero alam kong nag-aabang lang siya sa labas kaya hindi ako pwedeng basta-basta na lang umalis dito.“Ava! Panoorin mo yung nasa tv, dali!” napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Ingrid, ang anak ni Aling Mercy na katabi namin ng kama dito sa ward. Bukol naman sa matris ang sakit ng nanay niya.“Bakit anong meron?” Napatingin ako sa telebisyon kung saan nakatutok ang kanyang mga mata. Nasa gitnang bahagi ito ng silid para lahat ay makapanood, pero si Ingrid lang nakita kong nanonood dito dahil busy ang ibang pasyente, at ang mga bantay naman
-Daniel-After thirty minutes, nakarating kami sa airport at agad kaming nagcheck-in ng bagahe. Isang oras pa ang hinintay namin, kaya kumain muna kami ng almusal ni Ada sa isang chinese restaurant.“Daniel, kuha tayo ng madaming picture para marami tayong memories.” kinuha niya ang phone niya at kinuhanan niya kami ng selfie. “Smile!”When she checked the picture at nakasimangot ako, muli siyang nagpicture. She kept snapping pictures again and again. I honestly lost count of how many times she did it.Pero lahat nang iyon ay seryoso ang mukha ko. “Ano ba ‘yan, Daniel! Hindi ka ba masaya na kasama ako? Di bale, ieedit ko na lang ‘to. Ilalabas ko ang mga ngipin mo.” sabi niya bago natawa ng malakas.Pagsakay namin ng eroplano, nakahinga ako ng maluwag dahil tinanggal na ni Ada ang suot niyang sumbrero dahil nakakatama na talaga siya ng mukha ng ibang pasahero. But when I felt her head gently rest against my shoulder, I found myself unable to react. Instead, I simply closed my eyes, let
-Daniel-“Di ba nandiyan naman ang daddy mo. Maiintindihan naman siguro niya kung sakaling mag-extend tayo ng honeymoon natin.” at sumandal pa talaga siya sa balikat ko. “Alam kong hindi niya papabayaan ang company, babe.”Napailing na lang ako bago ko siya iniwan at mabilis na sumunod kay Carlito. “Hey, are you okay with that? Ibigay mo sa akin ang isa.”“Okay lang, sir. Kaya ko.” sagot niya na magkakasunod na itinulak ang tatlong malalaking maleta papasok sa maliit na elevator ng bahay ko.Pagpasok namin sa loob, humabol si Ada nang malapit nang sumara ang pinto. “Wait!” at dahil maliit lang ang espasyo at halos mapuno ng maleta niya ang loob ng elevator, isiniksik niya ang sarili papasok.Napailag naman si Carlito nang tumama sa mukha niya ang malaking sumbrero nito.“Ada, can you please take that off first? Makakaistorbo ka sa ibang passenger ng eroplano kapag suot mo ‘yan hanggang doon.” nakahalukipkip na pangaral ko sa kanya. “Tignan mo nga si Carlito oh, hindi na makatayo ng di
-Daniel-“Oh… si Ava. Siya ‘yung ano… ‘yung maid namin sa bahay. Tama siya nga!” sagot ni Ada na agad nakahagilap ng isasagot. At kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pinaghalong takot at kaba kaya hindi maiwasang mapataas ang kilay ko. “Sabi kasi ni daddy, ahm… gusto daw niyang mag-aral. I told him na huwag na siyang problemahin. Ako na lang ang magpapaenroll sa kanya next school year. And you know what? I think… the maids aren’t really necessary for you to meet, Daniel. Hindi naman sila ganun kaimportante para ipakilala ko sa'yo isa-isa, hindi ba?”I didn’t respond right away. I just watched her and studied her face. Because the more she tried to sound normal, the more it felt like she was hiding something.There was something in her tone, something subtle but unsettling, that made her seem suspicious enough for me to hesitate and not fully trust her.Tumango ako. “Okay.” Tumalikod na ako at pumasok sa kuwarto ko.Usually, hindi ako naglalock ng pinto kapag matutulog na ako. But t
-Daniel-Habang kumakain ng dinner, napansin kong nilalaro lang ni Ada ang pagkain sa plato niya gamit ang tinidor. “Ayaw mo ng pagkain dito sa bahay?” nakataas ang kilay na tanong ko.Nag-angat siya ng tingin at nagtama ang mga mata namin, bago nahihiyang yumuko.“Hindi kasi ako kumakain ng chick
-Daniel-“Private investigator? For what?” tanong ni Marcus mula sa kabilang linya. “Don’t tell me paiimbestigahan mo si Ada.”“No, of course not.” pagsisinungaling ko. “May isang tao akong pinagduduhan, and he’s involved in discrepancies and illegal activities within the company.”“Oh, okay.” mukh
-Ava-“Hoy! Huwag na huwag mo kaming pagbabantaan! Baka nakakalimutan mong ako pa rin ang nagbabayad ng mga bayarin niyo ng nanay mo diyan sa hospital!” ganting sigaw ni Kardo sa akin.“Baka nakakalimutan mo rin na dahil sa akin kaya nananatiling asawa pa rin ang tingin ni Daniel diyan sa anak mo!
-Ava-Maingat akong ibinaba ni Daniel sa ibabaw ng kama, at napalunok ako nang masulyapan ang aking cellphone na sikretong nakatago sa likod ng lamp shade. Sana lang ay hindi niya ito makita. Sana lang ay hindi niya ito mapansin dahil siguradong malalagot ako. At kapag nahuli niya ako, malalaman ni







