เข้าสู่ระบบ“Masarap ba ang asawa ko?” ito ang mga katagang binitawan ng kakambal ko na si Ada pagkatapos kong makipagniig sa kanyang asawa sa gabi ng kanilang kasal, kasabay ng pagbitaw niya ng isang malakas na sampal sa mukha ko. Ang sagot ko? Mag-asawa at mas malakas din na sampal sa magkabilaan niyang pisngi sabay ngisi. “Oo naman, Ada. Napakasarap ng asawa mo.” ***** Grade one ang kambal na sina Ava at Ada noong maghiwalay ang kanilang mga magulang dahil sa pambababae ng kanilang ama. Si Ava ay naiwan sa kanyang ina, samantalang si Ada naman ay sumama sa tatay nila. Pero pagkatapos ng labing-anim na taon, muling nagbalik ang mag-ama. Hindi upang bumalik sa kanilang pamilya, kung hindi dahil may kailangan sila kay Ava. At ito ay ang kanyang pagka-birhen. Ang kapalit nito ay ang kidney ni Ada para sa operasyon ng kanyang inang may sakit sa bato. Dahil si Ada lang ang ka-match nito, no choice si Ava kung hindi ang pumayag para madugtungan pa ang buhay ng kanyang minamahal na ina. Pero paano kung mahulog ang loob niya kay Daniel, na asawa ng kakambal niya? Paano kung kahit anong iwas niya dito ay palagi pa rin silang pinagtatagpo ng tadhana? Noong namatay ang nanay niya dahil hindi tumupad sa usapan nila si Ada na ibigay dito ang kanyang kidney, nagdesisyon si Ava na ipaghiganti ang kanyang ina. Aagawin niya si Daniel sa kanyang kakambal. Iniba niya ng kaunti ang kanyang itsura at pumasok siya bilang assistant nito, at ipinakita dito ang isang video kung saan siya ang kaniig nito noong gabi ng kanyang kasal at hindi si Ada.
ดูเพิ่มเติม-Ava-
“Masarap ba ang asawa ko?” iyon ang mga katagang bumungad sa akin pagkatapos ng isang malutong na sampal na dumapo sa mukha ko paglabas ko ng silid kung saan kakatapos ko lang makipagniig sa asawa ng kakambal kong si Ada.
Napatulak ang dila ko sa loob ng aking pisngi kasabay ng isang makahulugang pagngisi. Tumaas ang kamay ko at ginantihan siya ng dalawang mas malalakas na sampal sa magkabilaan niyang mga pisngi.
“Oo naman, Ada.” nakangising sagot ko. "Napakasarap ng asawa mo. Wala akong masabi. Ang sarap-sarap."
Halos matumba siya sa lakas ng impact ng pagkakasampal ko sa kanya, at nanlalaki ang mga matang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ang kapal ng mukha mong sampalin ako, Ava!”
Muling tumaas ang kamay niya para sana sampalin ako, pero mabilis ko iyong nasalo. “Ako pa ngayon ang makapal ang mukha? Baka nakakalimutan mong ikaw ang nag-utos sa akin na makipagsiping sa asawa mo sa gabi ng inyong kasal, Ada!” sigaw ko bago ko marahas na binitawan ang kamay niya. “Kaya huwag na huwag mong ipapamukha sa akin na ginusto ko ito! Itatak mo diyan sa kukote mo na napilitan lang ako dahil sa inyo ng tatay mo!”
“Napilitan?” pauyam niyang sagot. “Eh mukha ngang gusto mo pang umulit eh! Malandi ka!”
“Pwede ba, Ada! Wala akong interes sa asawa mo kaya huwag na huwag mo akong pagbibintangan!” singhal ko bago ko inilabas ang aking lumang cellphone at ipinakita sa kanya ang video na nakapatong sa akin ang asawa niya.
“A-ano ‘yan?” nabubulol at malalaki ang mga matang tanong niya.
“Siguraduhin mo lang na susunod ka sa napagkasunduan natin kung ayaw mong malaman ng asawa mo itong ginawa mo!” sagot ko, at napasinghap siya bago napaatras nang makita ang video namin ng asawa niya.
Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot. Humakbang na ako papalayo at iniwan siyang mag-isa sa may pinto ng kuwarto kung saan ang asawa niya ay nasa loob pa rin at natutulog. Siguradong napagod siya sa ginawa namin. Hanggang madaling araw ba naman eh hindi niya ako tinigilan.
Marahas na pinahid ko ang mga luhang namalisbis sa aking mga pisngi habang naglalakad sa hallway ng Hotel Harrison kung saan maghahoneymoon sana ang mag-asawa. Hinablot ko din ang pekeng kwintas sa leeg ko, pati na rin ang mga hikaw na pinasuot sa akin ni Ada kanina, at kasama ng bag na dala ko kung saan ko isinilid ang mumurahing wedding gown, itinapon ko ang mga ito sa nadaanan kong basurahan.
Si Ada ay kakambal ko. Isang minuto lang ang pagitan namin nang ilabas kami sa mundong ibabaw, dalawapu’t tatlong na taon na ang nakararaan. Tubong Cebu ang aming mga magulang at mahirap lang kami. Pangingisda at pagsasaka lang ang tanging ikinabubuhay ng aming pamilya.
Masaya kami noong una, pero habang lumalaki, nakikita namin ang pagbabago sa pagtrato ng itay kay inay. Dahil pagtungtong namin ng grade one, may nakilala siyang isang maganda at mayamang babae.
Nahumaling siya dito at nasilaw sa kayamanan nito. Kaya naman hiniling niya kay inay na maghiwalay na sila at palayain siya upang mapakasalan niya ang kabit niya. Noong una ay hindi ito matanggap ng inay, pero nang makitang desidido na ang itay na iwanan kami, pumayag na rin siya pero sa isang kondisyon. Maiiwan kaming magkapatid sa kanya.
Pumayag naman ang itay, pero hindi si Ada. Gusto niyang sumama kay itay dahil mas close siya dito at nasasabik din siya sa marangyang buhay. Nang malaman niyang mayaman ang ipinalit ng itay kay inay, hindi na siya nagdalawang-isip pang pumili kung sino sa amin ang sasamahan niya.
“Kay itay ako sasama! Hindi mo na ako mapipigilan, inay!” halos mangunyapit ito kay itay at ayaw nang bumitaw pa. Mas lalo pa siyang nasabik noong sunduin ng kabit niya ang itay dala-dala ang magarang kotse.
Iyak kami ng iyak ng inay habang nag-eempake ang itay. Hindi dahil sa kanya, kung hindi dahil mapapalayo na sa amin si Ada. Ang kakambal ko naman ay excited umalis at tila ba hindi alintana kahit hindi na makahinga ang inay sa sobrang pag-iyak.
Ni hindi man lang siya yumakap at humal!k bago sila umalis. “Hayaan mo inay, hinding-hindi kita iiwan kahit na anong mangyari. Dito lang ako sa tabi mo.” Ang mga katagang iyon ang binitawan ko at ipinangako ko sa kanya habang pinapanood namin ang pag-andar ng magarang sasakyan papalayo sa aming maliit na bahay.
Humihikbing niyakap ako ng nanay ko. Mula nang mga sandaling iyon, ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat upang mapasaya siya, at hindi na kailanman maalala pa ang sandaling ito ng kanyang buhay.
Pero sa pagtungtong ko ng bente-tres anyos, hindi ko inaasahan ang biglaang pagkakasakit ng inay. Sakit sa bato, at malubha na ito. Kinailangan ko nang humanap ng kamatch niya para ipalit sa kanyang nasirang kidney sa lalong madaling panahon, dahil kung hindi, hindi na siya magtatagal pa.
Agad akong nagpa-match test. Pero sa kasamaang palad, hindi nagtugma ang kidney namin ng inay. Hindi ko pwedeng idonate sa kanya ang kidney ko.
Kung saan-saan ako naghanap ng donor. Lahat ng hospital sa Cebu at sa karatig-bayang hospital ay pinakiusapan ko na kung may reserba silang kidney ay sa nanay ko na lang ibigay.
Pero wala din silang maibigay na kamatch niya, hanggang isang araw, dumating sina Ada at itay sa bahay.
-Ava-Parang huminto sa pag-inog ang mundo nang tuluyan na akong lumabas at tumayo sa gitna ng entablado. Lahat sila ay mukhang na-shock nang makita ako. Tumalon ang kanilang mga mata mula kay Ada papunta sa akin, at mula sa akin pabalik naman kay Ada.Napaawang ang kanilang mga labi habang tinitignan ang kalmado kong ekspresyon, pero napapangiwi ako sa tuwing tumatama ang liwanag ng kanilang mga camera sa aking mga mata. “Ikaw ba ‘yung nasa video?” biglang nagtanong ang isa sa mga reporter.“Oo.” hindi kumukurap na sagot ko. “Ako ‘yung babaeng nasa video.”Iyon lang ang pwede kong sabihin at wala nang iba pa. Iyon ang mahigpit na bilin ng tatay ko.Para akong robot na nakatayo lang doon at hindi gumagalaw habang hinihintay ang susunod nilang gagawin.Sunod-sunod na ang ibinabato nilang katanungan sa akin, at ang iba naman ay pang-iinsulto at panglalait ang natanggap ko, pero hindi na ako umimik pa pagkatapos kong umamin na ako ang nasa video.May narinig pa ako na minura ako at pina
-Ava-Sa mahabang mesa ay nakaupo sina Ada, Kardo at Tanya. Nagulat ang buong bansa sa kumakalat na video sa int3rnet, at base sa pagkakarinig ko kanina kay Florence habang nasa loob kami ng kotseng minamaneho niya, nagbayad ng malaking halaga si Kardo sa isang video expert para ipabura ang lahat ng mga kopya na kumalat sa s0cial media.Pero siyempre, hindi maiwasang may ibang tao pa rin na nakapag-d0wnload nito. Kaya siguro tahimik din ang mga tao sa hospital dahil naagapan ang pagkalat ng video, at wala ni isa man sa kanila ang nakapanood.Pero dahil sikat na personalidad ang asawa ni Ada na si Daniel Harrison, malaki ang epekto nito sa mga taong nasa paligid nila. Hindi ito basta-bastang issue na puwedeng balewalain lamang. Hindi rin basta-basta palalampasin ng mga reporter ang ganitong klase ng kaganapan, lalo na’t asawa ng isang maimpluwensiyang tao ang sangkot sa iskandalong ito. Siguradong magiging laman ito ng mga headlines at mabilis na papatok sa publiko, lalo na sa mga tao
-Ava-“Ingrid!” humahangos na pumasok ako sa loob ng ward, at nakita ko siyang nakaupo sa tabi ng inay. Awang ang kanyang mga labi habang may pinapanood sa kanyang cellphone.Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Agad kong inagaw mula sa kanya ang cellphone at tinignan kung anong pinapanood niya,“Ano ’to?” kunot ang noong tanong ko bago ko iniharap sa kanya ang screen ng kanyang phone.Pero unti-unti ay nakahinga ako ng maluwag dahil ibang video ang pinapanood niya.“Ano ba ‘yan, Ava! Bakit ba basta-basta ka na lang nang-aagaw ng cellphone? Ang sarap-sarap ng nood ko dito eh.” tumayo siya at muling kinuha sa kamay ko ang kanyang cellphone. “Sorry. Akala ko kasi…” kagat-labing sagot ko.“Akala mo ano?” lumipat siya sa tabi ni Aling Mercy na kasalukuyang nanonood din ng kung ano sa kanyang cellphone. Mabuti na lang talaga at walang cellphone ang nanay ko. Tahimik lang siyang nakaupo at nagbabasa ng pocketbook sa kanyang kama, pero nang makita niya ako, agad niya itong ibinaba. “Anak, a
-Ava-“Aba, matapang ka na ngayon ah. Sige. Tignan natin kung hanggang saan aabot ang tapang mo kapag nakausap ko na ang nanay mo. Hindi mo ba alam na lahat ng sinasabi ko, sinusunod ng walang kwenta mong ina!” pasalya niya akong hinila sa balikat at saka binuksan ang pinto. Bigla akong nataranta. Baka nga puntahan niya ang nanay ko at kausapin ito. Hindi pwede! Hindi maaari! Agad akong humarang sa dadaanan niya. “Anong tulong ang kailangan mo?” halos maiyak na tanong ko sa kanya.Totoo ang sinabi niyang makikinig sa kanya ang inay. Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa nanay ko at kayang-kaya niya itong pasunurin kahit ano pa man ang sabihin niya. Mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang takot ng inay sa demonyong ito, na para bang isang salita lang niya ay sapat na para mapasunod siya.Napangisi naman siya nang marinig ang sinabi ko. Naupo siya sa sofa at saka idinutdot muna ang sigarilyo bago muling nagsalita. “Tulungan mo ang kapatid mo. May kumakalat si






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
ความคิดเห็น