INICIAR SESIÓN-Ava-Alas-otso na ng gabi nang sa wakas ay umalis si Alvin kasama ang ilan sa mga kasamahan niya. Mayroon daw silang kailangang asikasuhin, pero hindi ko alam kung ano iyon. Hindi ko na rin alam kung saan sila pupunta o kung gaano sila katagal mawawala.Ang alam ko lang, naiwan akong mag-isa sa loob ng bodega kasama ang isang matandang lalaki na inatasang magbantay sa akin.Kanina, narinig ko ang pag-uusap nila ni Alvin. Siya pala ang may-ari ng bodega na ito. Kailangan niya ng malaking halaga para sa pagpapagamot ng asawa niyang may cancer, kaya pumayag siyang ipagamit ang lugar kina Alvin kapalit ng malaking halaga ng pera.Hindi ko maiwasang maalala ang Inay. Kung paano ko ginawa ang lahat kapalit ng pera. Kung paano ako nagsakripisyo para lang mailigtas ko siya.At ngayon, naiintindihan ko kung bakit pumayag ang matandang ito na makisangkot sa isang bagay na alam kong mali. Kailangan niya ng pera at kailangan niyang iligtas ang asawa niya.“Kumain ka na!” Lumapit siya sa akin at
-Daniel-“Nasaan ang asawa ko?!” mariin kong sigaw nang hindi ko pa rin binibitawan ang leeg ni Ada.Hindi ko siya pakakawalan hangga’t hindi niya sinasabi ang katotohanan. Hangga’t hindi niya inaamin kung nasaan si Ava.Pero kahit ilang beses ko siyang tanungin, nananatili siyang tahimik. Tanging mga luha lamang ang patuloy na umaagos sa kanyang mga pisngi habang nakatitig siya sa akin ang sagot niya.Akala niya maloloko niya ako. Akala niya maiisahan niya ako sa pagpapanggap niyang siya si Ava!Kilalang-kilala ko ang asawa ko. Alam na alam ko kung paano siya magsalita, kung paano siya tumingin sa akin, at kung paano siya ngumiti. Alam ko maging ang maliliit na bagay tungkol sa kanya na hindi kailanman kayang gayahin ng kahit na sino.At higit sa lahat, alam ko kung ano ang nararamdaman ko kapag siya ang kaharap ko.“Hindi ka pa rin magsasalita?” mariin kong tanong. Nang wala pa rin siyang sagot, itinaas ko ang kamao ko.“Daniel, huwag!” Malakas na sigaw ni Ada, pero hindi sa kanya t
-Ada-Pagmulat ko ng mga mata ko, ang puting kisame agad ang sumalubong sa akin. Ilang segundo akong nakatitig doon habang unti-unting bumabalik sa alaala ko ang nangyari kagabi.Dahan-dahan akong gumulong sa kabilang bahagi ng kama, umaasang makikita ko si Daniel na nakahiga sa tabi ko. Pero wala siya.Napakunot ang noo ko. Inabot ko ang bahagi ng kama kung saan sana siya nakahiga pero malamig ito.At isa lang ang ibig sabihin noon. Hindi siya natulog dito sa tabi ko.Saan naman kaya siya natulog? Bakit hindi siya bumalik dito kagabi? Alam na ba niyang hindi ako si Ava?Biglang kumabog ang dibdib ko sa naisip ko. Kung alam na niya, bakit hindi niya ako hinarap kagabi? Baka naman marami lang talaga siyang ginagawa.Iyon ang pilit kong ipinaniwala sa sarili ko habang bumabangon at naupo sa gilid ng kama. Kailangan kong kumalma at hindi ako pwedeng mataranta.Tumayo ako at naglakad patungo sa pinto pero pagkabukas ko nito, agad kong narinig ang boses ni Daniel sa hallway. Mukhang may ka
-Daniel-Paglabas ko ng kuwarto namin ng asawa ko, agad akong napahinto sa harap ng saradong pinto. Hindi ko alam kung bakit, pero ilang segundo akong nanatiling nakatayo roon habang nakatitig dito.Kahit nakasara ang pinto, pakiramdam ko ay nakikita ko pa rin si Ava. Ang asawa ko, ang babaeng minahal ko.Pero bakit parang may kung anong hindi tama? Bakit parang may kakaiba sa kanya? At bakit parang hindi siya ang Ava na nakilala ko?Napailing ako. I must be overthinking.Alam kong siya si Ava. Kilala ko ang asawa ko. Ang birthmark niya sa batok, nandoon pa rin sa batok niya. Pamilyar sa akin ang boses niya, pati ang paraan niya ng pagsasalita, ang ekspresyon ng mukha niya, at maging ang maliliit niyang kilos.Walang duda. Siya si Ava.Pero kung ganoon, bakit ako nagdududa?Muli akong napailing bago ako tuluyang bumaba ng hagdan. Dumiretso ako sa study room kung saan kami nag-usap kanina ni Daddy tungkol sa Dela Serna Group.Gusto raw itong makuha ni Ricardo.Hindi ko pa alam kung ano
-Ada-Pagsapit ng alas-nuwebe ng gabi, tapos na akong maligo at nakaupo na ako sa gilid ng kama habang hinihintay si Daniel.Excited ako sa maaaring mangyari ngayong gabi. Paulit-ulit akong napapatingin sa pinto, at inaabangan ang sandaling bumukas iyon at tuluyan nang papasok si Daniel.Ayon kay Ava, halos gabi-gabi silang magkasama at may nangyayari sa pagitan nila. Kaya umaasa akong ganoon din ang mangyayari sa amin ngayong gabi.Kanina, bago ako umakyat, tinawag ni Tito Hector si Daniel at nag-usap sila sa study room. Dahil doon, nauna na akong umakyat para maligo at maghanda.Ngayon, ang kailangan ko na lang ay hintayin siya. Ngayong gabi, kailangang may mangyari sa amin. Hindi lang dahil gusto ko siya. Kailangan kong patunayan sa sarili kong kaya kong kunin ang lugar ni Ava.Maya-maya lang ay narinig ko ang pamilyar na tunog ng pagpihit ng seradura. Agad akong nahiga at nagtalukbong ng kumot, at kunwari ay matagal na akong naghihintay sa pagtulog.Narinig kong bumukas ang pinto
-Ada-“Halika dito. May ipapakita ako sa’yo.” Hinawakan ni Daniel ang kamay ko at hinila ako papunta sa kama. Naupo ako habang siya naman ay lumapit sa bedside table at binuksan ang isang drawer.Makalipas ang ilang segundo, isang malaking kahon na nakabalot sa makintab na papel ang inilabas niya. Maingat niya itong kinuha bago bumalik sa tabi ko.“Buksan mo,” sabi niya habang iniaabot iyon sa akin. “Tapos sabihin mo sa akin kung gusto mo o hindi.”Dahan-dahan kong tinanggap ang kahon. Bahagyang nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ito, at nang makita ko ang laman, biglang nanlaki ang mga mata ko.Isang napakagandang diamond necklace ang bumungad sa akin, at sa gitna nito ay isang malaking emerald pendant na kumikislap sa ilalim ng ilaw.“Ang ganda…” Hindi ko napigilan ang sarili kong mapabulalas. Napakamahal siguro nito.“It is beautiful, just like you.” Napatingin ako kay Daniel. Marahan niyang inabot ang buhok ko at inayos iyon sa likod ng tenga ko. Simple lamang ang kilo
-Daniel-Nang matapos kaming kuhanan ng picture ng babaeng kamukha ni Ada, agad siyang tumalikod at umalis na lang ng basta-basta. I stood there, rooted to the spot, my brows slowly knitting together in confusion. Hindi ko na alam kung ano ba talagang nangyayari. She looked exactly like Ada. The s
-Daniel-Habang papunta kami ni Carlito sa ward, tinatawagan ko ang number ni Marcus pero hindi siya sumasagot. So, I decided to shoot her a message.“Marcus, where’s the private investigator’s number? Kagabi pa ako naghihintay na isend mo ito sa akin, bakit hanggang ngayon wala pa? I need it right
-Ava-Kumislap ang mga mata ko nang makita ang resulta ng magic na mga kamay ni mamang Rosa sa harap ng salamin. Hindi ko akalaing may igaganda pa pala ako.“Ava! Ang ganda-danda mo! Pwede ka na talagang mag-artista!” tuwang-tuwang bulalas ni Ingrid habang pinagmamasdan ang new look ko. “Baka hindi
-Ava-Tumingin siya sa akin at saka ngumiti. “So fvcking beautiful, baby.” at halos mapatili ako nang dampian niya ito ng halik.“Daniel!” galit na pagsita ko sa kanya, pero tinawanan niya lang ako.“You’re hot when you get angry.” komento niya at saka sinimulang kuskusin ng loofa ang parteng iyon







