Share

CHAPTER 2

Author: Silvermixt
last update Last Updated: 2023-03-02 00:36:10

ELIZABETH

Pagdating niya sa bahay ay agad siyang tumungo sa itaas upang magpahinga. Sampong lalaki na ang nakaharap niya ngayong gabi, subalit wala ni isa sa kanila ang nagpaligaya sa kanya sa kama. Binato niya ang kanyang sling bag sa couch at hinubad niya ang kanyang damit upang maligo. Tinapon niya sa laundry basket ang pinaghubaran niya.

Nagtungo siya sa banyo at ini-on ang gripo para punuin ang bathtub. Naghintay siya ng ilang minuto bago ito nangangalahati at nilagyan niya ng scented castile liquid soap. Nang matapos niyang lagyan, at haluin upang bumula ito ay kumuha na siya ng panali niya sa buhok, at shower cup. Nilublob niya ang kanyang sarili upang ibsan ang pagod sa katawan niya at makapag-relax siya. Napaungol siya sa sarap na nararamdaman niya ang maligamgam na tubig sa kanyang katawan. Pinikit niya ang kanyang mga mata at ninamnam ang sarap galing sa tubig.

It’s been ten years, she is still looking for a man who can make her feel sexually aroused, but none of them can match her needs. How messed up can her life be? Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang mahanap. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nasagot ang katanungan kung bakit hindi pa rin siya nakaramdam ng init kapag nasa kalagitnaan na sila sa pakikip-gtalik.

Naudlot na lang ang pag-iisip niya nang marinig niya ang pagkatok sa pintuan ng kanyang banyo. Napabuga siya ng hininga at nagpasya na magbanlaw na ng kanyang katawan.

“Wait! Please give me five minutes!”

Nang marinig niya ang pagtugon na maghihintay si Inday ay binilisan niya ang pagbanlaw niya sa kanyang sarili.

Nang matapos siya ay inabot niya bathrobe at sinuot ito. Tinali niya muna nang maayos sa kanyang beywang ang bathrobe niya bago siya lumabas. Naabutan niya si Inday na nakatayo malapit sa pintuan.

“Bakit? Anong kailangan mo, Inday?”

“Ma’am, gusto ko sanang lumabas kasama ang friend ko. Wala kasi sina Ma’am Ellie at Sir Leo."

"Maaari ka nang umalis, Inday. Sasabihin ko kay Mama na may pinuntahan ka. Nakapagtataka lang kung bakit sa ganitong oras ka pa umalis."

Umilap ang tingin nito sa kanya. "Kasi ma'am, dumating kasi ngayon ang kaibigan ko."

“Sige na, umalis ka na baka naghintay na iyang sinasabi mong kaibigan.”

Tinalikuran na niya ito para kumuha ng damit sa closet niya. Narinig niyang nagbukas-sara ang pintuan hudyat na umalis na ito. Binuksan niya ang kanyang closet, at kumuha ng black lingerie. Nang maisuot na niya ito ay agad siyang tumungo sa kama, at umupo. Binuksan niya ang drawer para kunin ang sleeping pills niya, at inabot niya ang water bottle niya na nasa ibabaw ng bedside table, at ininom. She did suffer from sleeplessness. Her insomnia became worse, so the doctor prescribed her medication. Ilang taon na niyang dinadala ang sakit na ito. Hindi kasi siya makatulog nang maayos dahil sa masamang panaginip.

Humiga na rin siya at pinikit niya ang kanyang mga mata. Ilang minuto ay hindi na niya namalayan na nakatulog na siya.

“Ma’am Liza, tinatawag po kayo ng ama ninyo at hinintay na po kayo sa hapagkainan.”

Nakita niya mula sa salamin si Inday na nakatayo malapit sa pintuan. Binaba niya muna ang kanyang suklay at lumingon siya rito.

“Sabihin mo si Papa na bababa ako. Kailangan ko munang magsuklay,” paliwanag niya rito.

Tumango naman ito. “Sige po, sasabihin ko po kay Sir Leo na bababa na po kayo.”

Ngumiti siya rito. “Salamat, Inday.”

“Walang anuman po, ma’am.”

Nang umalis ito ay agad niyang tinapos ang pagsusuklay sa kanyang buhok at tumayo na mula sa pagkakaupo sa harap ng salamin. Naglakad siya sa wooden cloth stand na malapit sa pintuan niya at kinuha niya ang kanyang satin robe at lumabas na sa kanyang silid. Bumaba na siya sa hagdan. Habang pababa siya sa hagdan ay rinig na rinig niyang nag-uusap ang kanyang kapatid at ang kanyang ama. Lumiko siya sa kaliwang panig ng bahay dahil nasa kaliwang bahagi ang kusina at dining room. Nadatnan niyang seryosong nag-uusap ang kanyang ama at si Kuya Enzo. Alam niya kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa tungkol na naman ito sa kompanya na nasa Maynila at ang kanyang Kuya Enzo niya ang namamahala do’n. Siguro may problema rin doon dahil base sa kanilang ekspresyon ng kanyang ama at kanyang kapatid ay halatang malaki ang problemang kinakaharap.

“Good Morning,” bati niya sa mga ito kaya napabaling ang atensyon ng tatlo sa kanya.

“Good Morning! Halika, kumain ka na. Pinagluto kita ng paborito mong breakfast at pinagawan kita ng fresh juice mo dahil alam kong gustong-gusto mong uminom ng apple tuwing umaga.” Nakangiting bungad ng kanyang ina.

Lumapit siya sa kanyang ina at hinalikan ito sa pisngi. “Thank you, Ma.”

Lumapit din siya sa kanyang ama at humalik sa pisngi nito. Seryoso siya nitong tiningnan at sinenyasan na rin siyang umupo.

Umupo siya sa katabing upuan ni Mama at nagsimula nang kumuha ng kanyang paborito niyang agahan.

“Anong atin? Bakit kay aga-aga ay iba ang pakiramdam ko na may hindi magandang nangyayari sa kompanya?” Palipat-lipat ang kanyang tingin sa tatlo at saka huminto ang kanyang tingin sa kanyang Kuya na napabuntong-hininga.

“Tinakbuhan ako ng secretary ko na malaking pera at isa na doon ay ang pera ng investor. Hanggang ngayon ay hinahanap pa namin siya,” paliwanag nito sa kanya.

Halata ngang malaki ang problema nito. Hindi pa niya nakilala ang babaeng sekretarya nito kaya gusto niyang malaman kung ano ang itsura ng babae. Hindi ito basta-bastang uuwi sa bahay kapag hindi ito nagkaaberya. Iba rin ang ugali ng kanyang Kuya. Spoiled ito ng kanilang ama kasi ito ang panganay, at ito rin ang tagapagmana ng kompanya nila. Ang kompanyang hinahawakan ng kanyang kapatid ay isang contraction company. Siya naman ay namamahala sa farm dahil simula bata pa siya ay tinuturuan siya ng kanyang mga magulang kung paano ang pamamalakad nito. Labinlimang taon pa siya ay sinasanay na siya upang paglaki niya ay siya na ang namamahala. Kaya ito siya, siya ang tagapamahala ng farm at mas lumago ito nang dahil sa kanya.

“Kuya, magkano ba ang tinakbo ng sekretarya mo?” tanong niya habang naghiwa na siya ng

“1.5 million ang itinakbo niya, Liza.”

Napataas ang kilay niya sa halagang kinuha kuno ng sekretarya nito. May iba kasi siyang pakiramdam na may tinatago ang kanyang kapatid. Siguro, girlfriend nito ang kumuha, at sekretarya pa talaga nito ang pinagbintangan. Ilang ulit ng ginawa ng nobya nito na hayok sa pera, at ewan ba niya sa kapatid niyang tanga kung ano ang nakita niya sa babaeng higad na iyon.

Sumubo muna siya ng kanyang sandwich na may palaman na cheese at nginunguya muna niya bago siya nagsalita. She doesn’t want to talk while her mouth is full.

“Sekretarya o baka naman girlfriend mo na naman ang kumuha? Sinasabi mo na sekretarya mo ang kumuha, pero iyon naman pala’y nobya mo ang puno’t-dulo ng lahat.” She hissed and rolled her eyes at him.

Hindi siya basta-bastang maniniwala sa sinasabi nito dahil nadala na siya sa panloloko ng higad nitong girlfriend na si Isabella. Tumaas ang dugo niya kapag nakita niya ang babaeng iyon. Hindi niya alam kung bakit nanatili pa rin ito sa girlfriend nito. Talagang bulag sa pag-ibig ang kapatid niya. Hindi marunong magkilatis ng babae.

Napataas ang gilid ng labi niya nang makita niyang binagsak nito ang kubyertos sa mesa. Umingos siya sa inaasal nito. Talagang natamaan ito sa kanyang pasaring. Totoo naman talaga ang kanyang sinabi at wala naman dagdag. Sabihan man siyang kontrabida at m*****a ay wala siyang pakialam kung totoo naman ang kanyang sinabi. Pinunasan muna niya ang gilid ng labi niya bago siya nagsalita. Tinitigan niya ito. Hindi siya takot sa kanyang kapatid at wala naman siyang masama o dinagdag na sinasabi dahil totoo naman talaga na gold digger ang girlfriend nito.

“Bakit hindi ba totoo ang sinasabi ko? Ilang ulit nang ninakawan ka ng pera subalit, patuloy ka pa rin naghahabol sa mukhang pera mong nobya. Hindi ka ba nahihiya na humingi—”

Napatigil siya sa pagsasalita nang biglang binagsak ni Papa ang kamay nito sa mesa. Kaya lumikha ng ingay ang plato, baso at kubyertos.

“Enough! Nasa hapagkainan tayo, tapos ito pa ang bumungad sa umaga? Wala ba kayong respeto sa pagkain?”

Pagak siyang natawa. Here we go again, the superman who is always rescuing his son.

“Bakit, Pa? Kinakampihan mo iyang perpekto mong anak? Pumunta lang naman iyan dito upang manghingi ng pera. Hindi iyong bumisita siya sa atin dahil na-miss niya tayo. Kaya nga gan’yan iyan dahil palagi mo siyang tinutulungan.”

Tapos na siya sa kapatid niya at ayaw na niyang tumulong dahil namumuro na ito. Palagi na lang humihingi ng tulong pero hindi ito nadala.

“Anak…”

Napatingin siya sa kanyang ina na hinawakan nito ang kaliwang kamay niya. Alam niyang pinipigilan siya nito dahil ayaw nitong magkakasagutan na naman sila ng kanyang ama. Napahinga siya ng malalim upang kumalma. Buti na lang nandito ang kanyang ina dahil kung hindi, hindi siya titigil hangga’t hindi pumapasok sa kukote ng kanyang kapatid ang pinaggagawa nito.

“I’m done.”

Nilapag niya sa mesa ang table napkin na nasa kandungan niya at tumayo na. H******n niya muna sa pisngi si Mama bago siya umalis sa hapagkainan. Nawalan na siya ng ganang kumain dahil ito pa ang bumungad sa kanya. Umagang-umaga ay pera ang problema nila. Hindi ba pwedeng mamaya na nila pag-uusapan kapag tapos na silang kumain? Doon pa talaga sa tapat ng pagkain sila nag-uusap. Nakakawala talaga ng pasensya. Hindi niya alam kung saan nagmana sa katangahan ang kanyang kapatid.

Napailing na lang siya at napagdesisyon niyang maligo upang maghanda na dahil malapit na rin ang oras para pumasok na siya sa trabaho. May meeting siya ngayon sa mga tauhan niya, at pag-usapan nila na dapat mag-overtime sila ngayong araw dahil sa nagkaaberya kahapon. Ipapadala na nila ngayon ang prutas at gulay sa customer nila. Hinubad niya ang kanyang nighties at pumasok na sa banyo upang maligo.

After twenty minutes taking a bath ay agad siyang lumabas sa silid niya na walang saplot. Ang basang buhok lang niya ay nilagyan niya ng towel. Wala naman kasing papasok sa silid niya kaya okay lang na naglalakad siya na hubot-hubad. She doesn’t care at all dahil siya lang naman ang nandito. Pati pagtulog nga ay minsan ay wala siyang damit. Minsan lang siya nakasuot ng nighties lalo na ngayon ay nakasuot siya ng nighties.

Naghanap agad siya ng kanyang damit na susuutin sa closet niya. Kumuha siya ng undergarments, red pencil skirts at white polo. Sinuot niya kaagad at nang matapos siyang magbihis ay agad siyang humarap sa salamin upang maglagay ng makeup sa mukha. Light makeup lang ang nilagay niya at red lipstick. Ang paborito niyang kulay sa lipstick ay red. Kapag ganito ay fierce na fierce siya tingnan at dagdagan pa na m*****a look niya ay mas lalong nagpatingkad sa itsura niya. Thanks to her mother dahil namana niya ang kagandahan nito.

Hindi naman siya nagtagal at lumabas na rin siya sa silid niya. Bumaba siya ng hagdan, at nakita niya sa sala ang kanyang ama at kapatid. Abala ang dalawa sa binabasa na papeles, at may bank book pa. Napailing na lang siya dahil alam niyang bibigyan ang kapatid niya ng pera. Napairap na lang siya. Hindi na sana niya papansin ang mga ito nang tinawag ng kanyang ama ang kanyang pangalan.

“Liza, do you know the grandson of Hernand Donovan?”

Kumunot ang kanyang noo dahil wala siyang matandaan na may apo si Don Hernand. Wala naman silang pinag-usapan tungkol sa pamilya nito. Don Hernand Donovan ay ang kanyang business partner at wala naman siyang narinig o bukambibig nito na may apo. Siguro hindi ito proud kaya nilihim o ayaw lang nitong isali ang tungkol sa buhay nito. Alam niyang napakaprotective nito sa pamilya nito kaya naintindihan niya.

“Nope. Why did you asked?”

“Balita ko ay uuwi iyong apo niya. Baka siya ang mamahala sa negosyo nila.”

Tumango lang siya rito, at hindi na nagkomento dahil hindi naman siya interesado na malaman.

“No response man lang? Hindi ka ba interesado na malaman ang apo niya?”

“Ano ba ang dapat kong sabihin? Hindi ko naman kilala ang apo niya.” Napatingin siya sa kanyang relo at tiningnan kung anong oras na dahil kailangan na rin niyang pumunta sa farm. “I need to leave dahil marami pa akong dapat asikasuhin, Pa.”

“Mag-ingat ka, Elizabeth.”

“Sige po, Pa.”

Umalis na siya at tumungo sa farm. Sumakay na siya sa kanyang kotse patungo sa farm nila. Habang patungo siya sa farm ay napaisip siya kung sino ang apo ni Don Hernand. Sa tagal-tagal na namumuhay siya sa Ilocos ay wala siyang nakita o kasama si Don kaya nakakapagtaka talaga. Dahil sa kuryuso siya kung sino ang apo nito ay agad siyang nag-search sa isang site. Madali lang naman kasing mahanap si Don Hernand dahil kilalang magaling sa negosyo ang matanda. Hindi lang Ilocos, pati na rin sa Maynila ay may hawak itong malaking negosyo ng isda.

Nag-type siya sa pangalan ni Don Hernand at tungkol sa pamilya nito. Napatango siya nang malaman na may anak itong namumuhay sa England at may dalawang apo. Gabriel Donovan at Pablo Donovan, ang pangalan ng mga apo ni Don. Sa kasamaang palad ay panay scroll siya ay wala siyang makitang picture na nakaharap. Panay likod o sideview lang ang kanyang nakikita. Napailing na lang siya at nakaramdam siya ng pagka-bored sa kanyang nasaksihan. Ano ba ang nakain niya? Bakit niya hinahanap ang apo ng Don? Nahihibang na siguro siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Burn In Desire   CHAPTER 28

    ELIZABETH Nakapikit na uminat na lamang si Elizabeth nang bumangon siya sa kama. Napamulat na lamang siya ng kanyang mga mata nang marinig niya ang pagkabasag, at pag-ubo sa paligid niya. Hinanap niya iyon. Nakita niya si Gabriel na napatanga sa harapan niya. Napangiti na lamang siya nang makita niya na naglalakbay ang mga mata nito sa kabuuan niya. “Enjoying the view?" nakangising tanong niya rito, at pinagkrus niya ang kanyang braso sa dibdib niya. Natawa na lamang siya nang makita niya ang paglunok nito. Napailing na lamang siya, at naglakad patungo sa banyo. Wait! Napahinto siya. Inilibot niya ang kanyang paningin sa silid. Paano siya napunta rito? Bakit siya nandito sa silid ng lalaki? Humarap siya rito, at pinameywangan ito. “Anong ginagawa ko rito?” Napailing na lamang siya sa paglalakbay ng mga mata nito sa kahubaran niya. Nakita niya na nahimasmasan na ito, at ngayon ay nasisiyahan na pinagmamasdan ang katawan niya. Natawa siya. Boys will always be boys. Kapag may n***

  • Burn In Desire   CHAPTER 27.2

    GABRIEL He deeply sighed. Napatitig na lamang siya sa papalayong si Miss Beth. Base sa nadatnan niya kanina ang pagtatalo ng dalawa ay pakiramdam niya’y may ugnayan ang dalawa. Base sa reaksyon, at sigaw ni Miss Beth kanina ay malaki ang galit nito sa Tito Ric niya. Kailangan niyang malaman ang ugnayan nilang dalawa. Nawala ang atensyon niya sa pagtanaw kay Miss Beth sa biglaang may yumakap mula sa likuran niya. “Gab, I miss you,” malambing wika sabay hilig nito sa likuran niya. Napatingin siya sa kamay ni Inday na humigpit ang pagkakayapos nito sa beywang niya. Napabuga siya ng hininga bago niya hinawakan ang kamay nito sabay kalas sa pagkakayakap nito. Humarap siya rito, at umatras siya ng ilang pulgada na malayo rito. Salubong ang kilay niya sabay na malamig niyang tiningnan ang kasambahay ni Miss Beth. “Anong ginagawa mo, Inday?” Humakbang ito

  • Burn In Desire   CHAPTER 27.1

    ELIZABETH“Tito Ric, bakit ka nandito?” Bakit ba niya nakalimutan na ito ang kapatid ni Anna? Isa pa’y pamangkin ni Enrique si Gabriel. What a small world? Napatda na lamang siya sa biglaan na pagyapos ni Gabriel sa beywang niya. Pilit niyang tinanggal ang pagkakayapos nito, pero mas lalo lamang iyon humigpit.“Gabriel,” tawag pansin niya sa lalaki. Nakatutok ang atensyon nito kay Kiko. Napatitig siya sa pagtiim ng bagang nito.“Gusto ko siyang makausap." Hinawakan niya ang kamay ni Gabriel na nasa beywang niya. Mahina niyang tinapik ang kamay nito. Ramdam niya ang tensyon ng magtiyuhin. "Pumasok ka muna sa bahay, Gabriel. Mag-usap muna kaming dalawa.” Doon na nabaling ang atensyon ni Gabriel sa kanya.“Are you sure?” paninigurado sa kanya.

  • Burn In Desire   CHAPTER 26

    Gabriel Bumaba siya mula sa kama na walang kahit na anong saplot sa katawan. Tumayo siya upang abutin ang boxer shorts niya, at white shirt niya na nakasabit sa upuan. Sinuot niya ito, at naglakad patungo sa kanyang table top wood wine rack na malapit sa balcony. Kumuha siya ng red wine, at goblet. Dinala niya ang mga ito sa balcony. Binuksan niya agad ang bote ng wine, at nagsalin kaagad ng wine sa goblet niya. Nilapag niya ang bote sa wooden table, at nagtungo sa railings. Tinukod niya ang kaliwang kamay sa railings. Pinaikot niya muna ang wine bago siya sumimsim ng wine upang mas lumabas ang sarap nito. Biglang sumagi sa kanyang isipan si Miss Beth. Habang tumatagal ang pagsasama nila ng dalaga ay mas gusto pa niyang makilala ito ng lubusan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakaramdam siya ng saya kapag kasama niya ito. Masarap itong kasama. Kahit minsan ay hindi niya ito maintindihan, at naiinis siya rito, subalit gusto pa rin niyang makasama ito

  • Burn In Desire   CHAPTER 25

    ELIZABETH"Good Morning po, Ma'am Liza!" bungad ni Inday sa kanya paglabas niya sa kanyang silid. Napatigil siya sa paghahalungkat ng kanyang bag nang marinig niya ito. Tumingin siya rito, at nakita niya ang maaliwalas na ngiti nito sa mga labi. Kumunot ang noo niya sa ngiti na pinapakita nito sa kanya. Anong nakain nito? Bakit ganito ang bungad nito sa kanya? Hindi naman sa ayaw niya na ngumiti sa kanya si Inday kaya lang ibang-iba ang pinapakita nito sa kanya. Nakakapagtaka talaga. May kolorete ulit ito sa mukha at pulang lipstick. Maganda si Inday. Hindi man ito maputi, pero tumingkad pa rin ang kagandahan nito. Batid niya’y may ibang kinahuhumalingan itong lalaki. Hindi man siya updated sa buhay ng katulong nila ay alam naman niya na wala itong pamilya o nobyo. Nasa treinta y cinco ang edad nito, at noong 20’s pa nito ay nagtatrabaho na ito sa kanila. Mas matanda pa siya rito ng dalawang taon.“Bakit gan’yan na naman ang itsura mo, Inday?” Naniningkit ang mga mata niy

  • Burn In Desire   CHAPTER 24

    GABRIEL Palipat-lipat ang tingin niya sa kanyang magulang, at papaalis na dalaga. Napahagod na lang siya ng kanyang buhok dahil sa sinabi niya rito. Hinilamos niya ang kanyang mga kamay sa mukha niya. Binabagabag siya sa nakikita niya sa mga mata ng dalaga.“Ma… Pa...” tawag atensyon niya sa kanyang mga magulang. Napahinto ang mga ito sa paglalakad patungo sa dining area. Lumingon ang mga ito sa kanya. “Kailangan ko muna siyang ihatid sa bahay niya.” Nakita niya ang pagkunot ng noo ng ina niya. “Sino siya sa buhay mo, anak? Is she your girlfriend?”“Ma, she’s not my girlfriend.” Natawa na lang siya sa tanong nito. Ano ba ang pumasok sa isipan nito upang tanungin siya ng ganoon?"So, if she's not your girlfriend, is she one of your flings?" Hinawakan niya ang kamay nito. Hindi siya nito titigilan kapag hindi niya sinasagot ang katanungan nito.“Ma, she’s one of my friends. Huwag ninyong bigyan ng malisya.” Umismid ito. “ You know what, I think I saw her before bu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status