SYEMPRE, dahil gustong gawing memorable ni Grayson at masaya ang bawat gabi ay nag-hire sila ng acoustic band naman ngayon para magperform para sa kanila habang nagkakatuwaan pa ang lahat. Masaya kasing makinig sa music habang nagkukwentuhan, nag-iinuman, at nagkakatawanan.They had a boodle fight dinner at pagkatapos naman non ay pumaikot sila sa bonfire. Ganon lang habang nag-iinom sila at nagkukwentuhan.Napansin ni Grayson na tila kanina pa nakabusangot si Felix kaya naman ay tinapik niya ito sa balikat. “O, bakit parang sasayad na yang nguso mo sa buhangin?”“Tsk. Pag ihawin mo ba naman ako buong gabi?”“E syempre, alangan naman na mambabae ka lang buong gabi? Ang gaganda pa naman ng mga babaeng crew dito.” Pagdadahilan naman ni Grayson.Agad na nagpantig ang taenga ni Rebecca sa mga sinabi nito. “Did I just hear it right? Sa iyo pa talaga nanggaling na magagnda ang mga babaeng crew dito? I am right?” Pagkaklaro pa ni Rebecca.Aba mukhang may selosan pang magaganap bago ang kasal
Nanginginig ang mga daliri ni Rebecca habang hawak ang maliit na papel na kung saan nakasulat ang wedding vow niya para kay Grayson. This man who turned her world upside down. Ang kaisa-isang lalaking nagparamdam sa kanya ng halos lahat ng pwedeng emosyon. Saya, lungkot, kilig, inis, at syempre. . .mawawala ba ang sarap? Kidding! Hindi siya makapaniwala na magkaharap na sila ngayon. Sa harap ng mga taong mahal nila sa buhay. Sa harap mismo ng pari na magkakasal sa kanila. "Grayson, my love. I promise to be honest with you. I will be loyal, loving, and faithful to you. I will cherish you everyday. I will love you with all my heart, from the lows and the highs. Kahit na ano pang pagdaanan natin, I will stick by your side kahit na minsan mainitin ang ulo mo." Pabiro pang hirit ni Rebecca sa dulo. Napangiti naman si Grayson at tila kilig na kilig din ang katawang lupa nito. "To you, Rebecca, I will still call you baby even though you don't like it often. I will continue to treat you
“Isang bilyon kapalit ng puri mo?! Hindi! Hindi ako papayag, Rebecca!” Hiterikal ang sigaw ng isang lalaki sa loob ng isang high end bar na puntahan ng mga big time na mga taong pagod, gustong maglibang o magpakasasa sa mga babae. Ang iba, marahil gusto lang magwaldas ng pera. Mabuti pa sila, pagwawaldas lang ng pera ang problema. Samantalang si Rebecca, mabigat ang desisyon na kailangan niyang gawin. “Ano bang pinuputok ng butsi mo, Alexis? Can’t you see? I am still a disgrace! Matagal nang sira ang puri ko. Mamamatay rin lang ang tatay ko kapag hinayaan ko siyang walang pampagamot. Mamamatay siya na wala pa ring kwenta ang anak niya. So might as well, sell me! Ibenta mo ako sa mga kilala mo ritong mayaman! Kapag nagawa mo ‘yon, maiaahon ko sa hirap ang mga magulang ko. Kahit mamatay ako, giginhawa ang buhay nila. Don’t you get it? I want my family to at least live. Hindi nila kaya nang sila lang. Matanda na sila pareho.” Nahabag ang binatang si Alexis kay Rebecca. Bata pa lang,
“REBECCA, anak, kailangan na ng tatay mo ng heart transplant.” Halos manginig ang buong katawan ng dalagang si Rebecca na matapos ang duty niya sa bar na pinagtatrabahuhan niya ay masamang balita agad ang sasalubong sa pagod niyang isipan at katawan. Sa Hospital na siya dumiretso dahil doon siya pinapupunta ng nanay niya. Nagkaroon na agad siya ng ideya pero hindi niya alam na magiging ganito agad kalala ang lahat. Heart transplant? Sa lalong madaling panahon? Bakit? Ganon na ba kalala ang kondisyon ng tatay ko? Aniya sa isipan. Parang panaginip pa rin sa kanya ang lahat. Napakalakas ng tatay niya. Kung kumayod nga ito ay halos kayod kalabaw. Napapansin na niya noon pa ang simpleng paninikip ng dibdib ng tatay niya at madalas nga ay nawawalan ito ng malay. Hindi niya alam na iyon na pala ay isa sa mga sensyales ng sakit nito sa puso. Bata pa siya non. At sa batang isip niya ay maraming bagay pa siyang hindi nauunawaan. Pero ngayon na dalaga na siya at nasa tamang pag-iisip niya, h
Hila hila siya ni Rebecca pababa ng VIP room na ‘yon. Nabanas agad siya dahil bumungad sa kanya ang kumikislap na party lights na talaga namang masakit sa mata. Hindi naman natinag si Rebecca sa mga ilaw na yon dahil sanay na rin siya. But this man, he seems like he just saw the world. “The heck, ang ingay naman dito? How can I enjoy in this kind of place?” Asik niya agad sa dalaga.Ngumisi si Rebecca saka mas lalo niya pang hinila si Grayson pababa. Doon talaga sila nagpunta sa gitna ng dance floor kung saan may nagsasayawang mga . Nababangga sila pero walang pakialam ang dalaga. Kahit na nagkakaapakan na o nagkakasikuhan.. “Ano ka ba, ‘wag ka ngang nega. Just trust me. Mag-e-enjoy ka rito. Masaya rito. Come on, dance!” Iginalaw ni Rebecca ang baywang niya to dance to the music. Hindi rin naman makaangal si Grayson dahil nakaposas siya sa dalaga. He just watched this beautiful woman dance in front of him at naiilang siyang pagmasdan ito lalo pa at nagse-sexy dance ito sa harap n
Nanatiling nakatitig si Rebecca sa lalaki na nasa loob bago siya napatingin muli kay Mr. Garwill. Ano bang nangyayari? “Nagtataka ka siguro kung bakit kita inimbitahan dito sa VIP room na to. Don’t worry, I have nothing to do with you, but I want my son to.” Nagitla si Rebecca. What the-- so, hindi siya ang kliyente ko kundi ang anak niya? Tama ba ang pagkakarinig ko? Aniya sa isipan pero nanatili lang iyon sa isip niya. Hindi niya na nasabi pa. “Anong ibig mong sabihin---” “I want you to know my son. Ikaw na ang bahala sa kanya, Rebecca. Change his mind.” Pagkatapos nitong sabihin ang mga katagang iyon ay umalis na ito agad. Ano raw? Change his mind? Tanong niya sa isipan. Paano niya naman iibahin ang isip nitong anak ni Mr. Garwill e hindi niya nga ito kilala? “Quit looking at me.” Inis na sita agad ni Grayson kay Rebecca nang mahuli niya itong nakatitig sa kanya. Naiilang kasi siya na tinititigan siya ng dalagang kulang na lang ay maghubad sa harap niya dahil sa iksi ng sapl
"H-Ha?” nagtataka at gulong gulo pang tanong ni Rebecca. Parang kanina lang kasi kung itaboy siya nito ay wagas. Don't tell me horny na ito ngayon kaya nagyayaya nang umuwi? Ito na ba yon? Wala na ba talagang atrasan?“Why? Don’t tell me, you’re still nervous?” sagot naman ni Grayson na tila naghahamon. Para bang nawala na agad ang kalasingan niya. Para bang ibang lalaki tuloy itong kaharap ni Rebecca. Epekto ba to ng alak? Diring diri pa siya sa dalaga kanina, e. Bilis naman magbago ng isip nito?“Of course n-not!?” bulalas pa ni Rebecca habang nauutal.“Yun naman pala e. E di walang problema.”Napatayo si Grayson dahilan para mapilitan ring tumayo ang dalaga. Nakaposas pa rin kasi sila sa isa’t isa. Wherever the other person go syempre sasama ang isa.Paalis pa lang sana sila nang ilang saglit pa ay mabilis na pumagitna sa kanila si Alexis. Pinasadahan ito ng tingin ni Grayson. Nagtatagis ang bagang nito at masama rin ang tingin. Kanina pa siya nakamasid at hindi niya yata palalampa
“WE will talk about that later, Rebecca. Just hide for now.” Mahinahong sagot ni Grayson like he is trying to negotiate with her calmly. Ganitong ganito siya sa trabaho niya. Palibhasa, sanay na siya kung paano niyang ima-manage ang lahat. He is calm in every aspect pero kapag nagalit siya, hindi rin niya kayang tantyahin ang sarili niya. Hindi magandang ginagalit ang isang Grayson Lincoln. Pilyang ngumisi si Rebecca as if hindi siya convince sa gusto nitong mangyari. Anng mamaya? Makakapaghintay pa ba ng ilang mamaya ang tatay niya? She needs the money as soon as possible pero that doesn’t mean na pwede niyang pwersahin at pilitin si Grayson. But she’ll do it in her own ways then. In a way na hindi na makakahindi pa ito. “Alright then,” nakangisi nya pang sagot saka dahan-dahang naglakad papunta sa may pintuan. Halos manlaki ang mga mata ni Grayson kasabay ng pangungunot ng noo niya. He is wondering what is this girl trying to do. "Hey? Anong gagawin mo?" He asked her na tila nag