CHAPTER 15
“Ginoo gising na dyan, magbihis ka na at pupunta tayo sa Intramuros” agad kong iminulat ang aking mata. Umaga na pala, mataas na rin ang sikat ng araw. Napatingin naman ako kay Selestina, iba na ang suot niya. “Nakauwi ka na?” nagtataka kong tanong. Tumango naman siya sakin, inabot niya naman ang yakap-yakap niya, isa itong barong at pantalon. “Isusuot ko to Selestina?” nagtataka kong tanong ulit. “Gusto mo bang pumunta sa Intramuros na ganyan ang suot mo, siguradong papatayin ka nila kaagad” pabiro niyang saad, pero totoong pwedeng mangyari yun.
Nagbihis ako kaagad sa likod ng mga puno para hindi niya makita ang aking buong katawan. Nang makabalik ako sa upuan ay napansin kong nakatitig lang siya sakin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, nakanganga din siya at mukhang manghangmangha ang kanyang mukha. “May kulang” saad ni Selestina dahilan upang m
Chapter 42“Kailan ang kasal nila?” “Kailan ang kasal nila?” “Kailan ang kasal nila?” Paulit-ulit kong naririnig ang tanong na iyan ni Don Arsenio sa aking isipan.Umaga na pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi mawala ang pangamba sa puso ko. Hindi ko malaman kung anong dapat kong gawin para pigilan ang pangyayaring iyon. Wala akong kayamanan o kahit na ano. At saka, sa pagkakataong ito, alam ko, hindi ako kilala ni Savanna. Ito ang pangalawang buhay niya kaya siguradong wala siyang naalala kahit na ano sa akin. Siguradong walang kahit na anong pangyayari noon ang naroon sa isipan niya.Hindi ko rin naman siya pwedeng itakas o ilayo.“Hindi ko alam!” napahawak na lamang
Chapter 41Ang gabi ay tuluyan ng natabunan ang haring-araw. At ang buwan ay muling naaninag sa kalangitan.Heto ako, nakasilip lamang sa Mansion nila Savanna dito sa tulugan malapit sa kulungan ng mga kabayo. “Selestina— Savanna… hindi ako makapaniwalang nagkita tayo muli. Hindi ako makapaniwalang nagkadaupang palad muli tayo. Pero ako, ilang daang taon nang nabubuhay, ikaw? Kaparehas ng edad mo noong una kitang makita…” sambit ko na para bang kausap ko siya habang nakadungaw sa Mansion ng mga Amor.“Totoo nga ang sinabi ng matandang iyon na nagbigay sa akin ng isang mahiwagang likido…”Isang alaala ang bumalik na pilit ko ng kinalimutan.~~~~~Walang humpay na pag-iyak na lang ang tangi kong nagagawa. Sobrang sakit. Sobrang bigat. Lumipas ang ilan
Chapter 40“Hindi po ako si Selestina. Savanna po ang pangalan ko. Anak ni Don Arsenio.”“Muli ka ng nabuhay, Selestina. Teka, nakatulala pa rin ako sa iyo. Baka matakot ka na sakin. Teka. Ayusin mo sarili mo, Pedro!” bulong ko sa aking isipan. “A-ako, ang inatasan ni Don Arsenio na, na sunduin ka dito sa barko, B-binibining Sel— Savanna,” ramdam ko ang malakas na pagtibok ng aking puso. Ramdam ko ang bawat pagpintig nito habang nakatitig sa mga mata ni Selestina. Hindi, ni Savanna. Savanna na ang pangalan niya ngayon. Savanna ang pangalan niya ngayong pangalawang buhay niya.“Ako na pong bahala sa bagahe ninyo, Binibini,” magalang kong sambit kay Savanna.Kabado pa rin ako. Akala ko hindi na ako kakabahan pag nagkita muli kami dahil ilang dekada ko na itong pinaghandaan. Pe
Chapter 39Hindi pa man sumisikat ang araw ay nakaparada na ang kalesang dala ko mula sa Hacienda nila Don Arsenio. Sa di kalayuan ay makikita na ang barkong mula sa Espanya. Dito sa daungan ay napakarami ring nakaabang na mga kartero. Ang mga kalesang nakaparada ay sadyang kay gagara ng mga itsura. Madisenyo at ang iba pa ay may mga inukit sa kahoy. Sadyang kay dami nang mayayaman dito sa lupaing ito.Ilang dekada na ang lumipas ngayon ko pa lang nakikita ang mga pagbabago. Marami na ring gusaling nakatayo dito sa Lungsod ng Manila. Marami na ring negosyo ang umusbong. Nagkalat na rin sa buong lupain ang mga Espanyol at mga Mestizo. At ang mga Indio, pawang mga trabahador o utusan lamang. Wala akong nakikitang Indio na may magarang kasuotan. Katulad ko lamang sila. Walang kayamanang taglay.Isang oras ang lumipas ng paghihintay ay tuluyan ng dumaong ang barko. 
CHAPTER 38Ilang dekada na rin ang nakalipas. At parang pagdampi lang ng hangin ang dumaan. Ngunit mabilis na nagbabago ang lahat. Ang oras ay parang agos ng tubig sa ilog na hindi na pwedeng ibalik. Iisa lang ang direksyon, iisa lang ang pupuntahan… yun ay ang kinabukasan.Dapat ay mahiya ako sa pagpasok sa bahay ng Gobernadorcillo, ngunit mas nakakahiya kung hindi ko papaunlakan ang kanyang kagustuhan. Marahil ay may masasarap din na pagkain na nakalagay na sa hapag-kainan. Halos ilang dekada na rin na hindi ako nakakakain ng masarap. Puro tinapay at isda lang ang madalas na pangtawid gutom ko. Isa pa, ginawa na niya agad akong kartero ng kanilang karwahe.Bago ako tumungtong sa kanilang bahay ay hinubad ko ang aking bakya at nagpaa na lamang. Tabla din naman ang lapag ng kanilang Mansion. Pagpasok na pagpasok ko sa pinto ay agad na bumungad sakin ang napakagandang disenyo sa loob ng kanil
CHAPTER 37~~~~~Tanging pag-agos lang ng ilog ang aking naririnig. Pinapakalma nito ang buo kong pagkatao. Sa tabing ilog na lang ako nakakaranas ng kapayapaan. Ang sariwang hangin na dumadampi sa aking balat ang nagpaparamdam sa akin na ako ay nabubuhay pa. Kahit naman gustuhin kong mamatay, ay hindi ko magawa.Dumampot ako ng bato at muling naghagis sa ilog. Nasa malalim na bahagi ako ng ilog at mas malawak ito kumpara sa pinagtatambayan namin ni Selestina. Ilang dekada na ang nakalipas ngunit napakabigat pa rin sa dibdib. Humihinga nga ako, pero araw-araw naman akong pinapatay ng sakit at pagdadalamhati. Ilang beses kong sinubukang patayin ang aking sarili. Ngunit walang nangyari.Mahirap paniwalaan, ngunit totoo. Kung ano man ang kababalaghan na dulot nito, isa pa rin itong misteryo. At ang matandang nagbigay sakin ng biyayang ito ay hindi ko na muli pang