Share

CHAPTER 21

CHAPTER 21

Hindi ko lubos maisip na yun na pala ang huling gabing gagawin sa akin yon ni Ina. Hindi ko na matutupad ang aking kagustuhan na bumawi sa kanyang sakripisyo sa akin. Unti-unti kong naramdaman ang pag-init ng aking mata. Dahan-dahang pumatak ang aking mga luha dahil muling nagbalik ang mapait na alaalang iyon sa akin.

Noon, wala akong nagawa pero ngayon, binigyan ako ng pagkakataon na makabawi. Ano pa ang saysay ng buhay ko kung wala akong pinaglalaban? Ano pa ang saysay ng aming pagtatago kung darating naman ang panahon na muli kaming lalaban? Ano ang saysay ko bilang anak ng Datu, na dapat tagapagmuno ng isang sandatahan? May pagkakataon akong maging handa, at sisiguraduhin kong makukuha ko ang nararapat na hustisya para sa pagkamatay ni Ina.

Nakapa ko naman ang kwaderno ni Selestina na nasa aking bulsa. Buti na lang hindi ito nalaglag sa ilog. Inilabas ko iyon para tingnan at buksan pero ma

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status