Share

CHAPTER 27- THE DRESS

Kasalukuyang naghahanda si Yesha ng kanyang sarili upang umattend sa celebration party ni Mike ng may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto.

“Pasok, bukas po yan,” tawag niya sa kung sinumang kumakatok.

“Yesha, Iha, may delivery kang dumating,” bungad sa kanya ni Manang Ester ng pumasok ito ng kwarto, habang tangan-tangan nito ang isang may kalakihang kahon sa dalawang kamay.

“Naku, ano po iyan, Manang? Kanino daw po galing?” tanong niya sa matandang babaeng kasama nila sa bahay.

“Inihatid ito ngayon-ngayon lang ng driver ni Sir Jake. Habilin niya ay ito daw ang suutin mo ngayon pagpunta sa kasiyahan,” saad ni Manang Ester sa kanya.

“May mga damit pa naman po akong susuutin. Ano na naman kaya itong pinadala ni Jake,” saad niya sa matanda. Saka tinulungan ito sa pag-lapag ng kahong bitbit sa kanyang kama. Agad niyang binuksan ang kahon. Bumungad sa kanya ang isang kulay royal blue na evening gown.

“Wow, napakaganda naman nitong gown na ito, Iha,” humahangang sambit ni Manang Est
itchay principio

Hello lovelies, maraming salamat po sa pagbasa. Let me know what you think of the story in the comment section.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status