Her life at 33

Her life at 33

last updateHuling Na-update : 2026-10-15
By:  KokoyIsMyLifeIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
8Mga Kabanata
7views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

As Binibini Macaraeg works as a radio disc jockey, she advices her fellow women especially young girls about self-worth, self-love and respect. Yes, she wanted to be the voice for them. She don't want any woman settle for less. For Bini, woman can not just define by having man in her life. Will meeting Adamson Ledesma, change her being an empowered woman? Will she let him win her precious trust?

view more

Kabanata 1

KABANATA 1: BINIBINI ON AIR

"Magandang gabi sa mga kapwa kong magagandang babae!" masiglang-masiglang bati ni Binibini at bahagyang inilapit ang microphone arm sa tapat ng kaniyang bibig.

"Tama kayo, nasa ere na nga ngayon ang babaeng pinatatag na nang panahon, sibilisasyon, edukasyon at sari-saring prodaksyon!"

"I'm your Dj Bini, na nanalangin sa langit na, sana lahat ng lalakeng hindi tapat," binitin pa niya ang kaniyang signature punch line.

"Lord, please, kunin ninyo na agad!" malakas at feel na feel niyang sambit kasabay nang pagtingala sa kisame.

Pininidot ni Bini, ang laughing sound para sabayan ang ilan pang background music. Banayad niyang binawasan ang ingay mula sa background.

"Before we start the show, let's check the clock!"

"It's 10 in the evening, babalik tayo matapos ang ilang patalastas. Let's just listen to this, heart breaking song."

Sandaling naghanap si Bini ng makabagbag-damdaming kanta mula sa isang banda. Nagpatikim siya nang ilang intro ng kanta bago muling inihinto ito.

"Para sa mga tanga, nagpapakatanga at pumapayag na tinatanga. Girls, it's time to do the right thing, bitaw na," seryosong dagdag niya.

"Huwag magpakatanga sa lalakeng hindi marunong magpahalaga," mahina niyang pakiusap bago muling pinatugtog ang kanta.

Sumandal si Bini sa upuan, ilang minuto pa lang nagsisimula ang late night show niya rito sa 99.2 High Vibe radio station. Napalinga siya nang bumukas ang p***o at pumasok doon si Kakay.

"Bini," Abot nito sa kaniya ng kaniyang tumbler.

"Salamat Kay," pasasalamat niya sa assistant at nakatalaga sa bawat pangangailangan ng mga nakasalang na d.j sa loob ng booth.

"Mayroon ka pang kailangan?"

"Wala na, si Dj Chum ba na nariyan na?" tanong niya at saglit na tinanaw mula sa glass wall ang kaniyang intern.

"Oo, nariyan na. Naghahanda na."

Muling binalingan ng tingin ni Bini ang may-edad na babae at ngumiti. Muli siyang nagpasalamat bago lumabas si Kakay.

Bumuntong hininga siya at inilibot ang mga mata sa booth. Simula nang magtapos siya sa college ay agad siyang nakapasok sa High Vibe radio, napunta siya sa iba't-ibang schedule, may morning, afternoon at hanggang sa nakuha na ang kaniyang pinapangarap na break, ang primetime, ang midnight show.

Kung saan maraming nakikinig na listeners. Sa terminal ng bus, sa mismong bus, sa kanto na maraming tricycle, karenderia at kung saan-saan pang sulok ng bansa ng Pilipinas.

Nang matapos ang kanta ay agad siyang umayos pagkakaupo at inabot ang mikropono at muling lumapit.

"At, nagbabalik na nga po tayo!" mas tinaasan pa niya ang energy sa muling bati para sa pagbabalik niya sa ere.

"Kumusta? Kumusta kayong lahat?" tanong ni Bini.

"Kumusta sa nakatayong babaeng nag-aabang ngayon ng jowa niya sa kanto ng Ayala?"

"Oo, ate! Ikaw nga! Huwag ka nang lumingon! Ikaw 'yon mismo!"

Napangiti si Bini dahil sa sinabi niya, madalas siyang mag-imbento na kunyari ay may nakikita siyang babae. Sabagay, ganoon naman talaga ang typical na buhay ng mga Pilipino at Pilipina matapos ang isang buong araw. Kung hindi maghihintay ng pampublikong sasakyan, kasintahan ang hihintayin.

"Ateng, umuwi ka na, hindi na iyon darating pa," payo niya.

"At bakit?" sagot niya sa sariling tanong.

"Kasi may sinundo na siyang iba!" malakas niyang dagdag kasabay nang malakas na tugtog, tunog ng pinagbanggang pompiyang.

"Kaya ateng, uwi na! Sige na! Huwag kang maghintay sa wala," malungkot ngunit mahinahong niyang saad.

"Girls! Girls! All ears here!""

Sari-saring malalakas na tugtog at kanta ng ilang female artist ang isinabay niya roon. Hinampas pa niya ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa. At nang humito ang lahat nang namamayaning kanta sa ere ay matulin siyang tumapat sa mikropono.

"Huwag ninyong hayaang lagi na lang kayo naghihintay sa lalakeng hindi kayo kayang unahin."

"Mga ateng, we deserve to be priotized."

"Hindi tayo ang dapat ang namamatay ka-hihintay!"

"At sana lagi ninyo itong tandaan, we deserve better,"

"Better man," pormal na dugtong ni Bini at tumango-tango habang nakarehistro ang matatapang na tingin sa mga mata.

Sandaling lumabas siya ng booth habang break. Naabutan niya sa labas si Dj Chum na nakikipagkwentuhan sa mga ka-trabaho.

"Magandang Gabi, Dj Chum! Ang paborito kong partner!" masayang bati niya.

Sa dinami-dami ng naging intern sa radio station nila ay si DJ Chum ang naging malapit sa kaniya. Dahil kahit na nasa katawan ito ng lalake ay pusong babae naman ito.

Katulad niya, Chum, hates jerk!

Ilang beses na rin itong naloko ng nagiging partner nito so they speak the same language!

"Dj Bini!" Awtomatikong sinalubong ni Bini ni Chum.

"Iba yata ang aura natin ngayon, ha? Anong mayroon?!" paghihinala niya habang nakasandal at hawak ang tumbler.

Nakangiting itinaas nito ang kanang kamay na para bang may ipinapakita sa kaniya. Naniningkit ang mga mata niya nang pagmasdan iyon.

"Bagong manicure ka?" walang ideyang tanong niya.

"Anong manicure?! Hindi 'no!" pikon na tugon nito at padabog na ibinaba ang kamay.

"E, ano 'yang ipinapakita mo?"

"Binigyan ako ng singsing, couple ring," Masayang-masayang tinitigan nito ang sariling kamay habang pinapagalaw ang daliring may silver na singsing.

"Nagpaloko ka na naman?" Nakangising untag ni Bini matapos tumungga ng tubig.

"Iba si Karlo, okay?"

Natawa si Bini at umakbay sa kaibigan. Nakangiti pa rin siyang inihilig ang mukha para tingnan nang malapitan si Chum.

'Paano siya naging iba?"

"Alien ba siya?"

"Saan bang planeta siya galing?" Natatawa pa rin niyang usisa.

Mabilis na lumayo sa kaniya si Chum habang inis na inis ang mukha. Matalim ang tingin ang nasalubong niya.

"O, bakit?" patay-malisya niyang tanong kasabay nang pagkibit-balikat.

"Mabait si Karlo," patuloy na pagtatanggol nito.

"Ganiyan din ang sinabi mo kay, sino nga ba iyon?" makalimutan na ni Bini ang isusunod na pangalan sa dinami-dami ng mga lalakeng nakilala at naging jowa ng kaibigan.

Humampas siya sa hangin matapos sumagi sa isipan ang ilang pangalan ng mga ex ni Chum.

"Ganiyan din ang unang sinabi mo kay, Eric, Joshua, Dan at-"

"Tama na, okay?" awat sa kaniya nito.

Pinilig-pilig ni Bini ang ulo at seryosong tinitigan ang ka-trabaho. Binasa niya ang ibabang bahagi ng labi bago muling nagpakawala ng pahinga.

"Dear, don't set yourself to another heartbreak."

"So are you telling me not to love again?" mas seryosong balik-tanong ni Chum.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Walang Komento
8 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status