Dumped by a Doctor, Chosen by a CEO

Dumped by a Doctor, Chosen by a CEO

last updateHuling Na-update : 2026-10-16
By:  YORMIIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
5Mga Kabanata
15views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Akala ni Calyxandra Alonte, nasa tamang direksyon na ang buhay niya—may maayos siyang career bilang doktor, fiancé na pinagkakatiwalaan, at pangarap na bubuuin nila nang magkasama. Pero nagbago ang lahat nang matuklasan niyang palihim na sinusuportahan ni Dr. Lucas Fontanilla ang isa pa nitong pamilya gamit ang perang inipon nila para sa bahay na pinapangarap nilang dalawa. Nang komprontahin niya si Lucas, siya pa ang binaliktad nito. Sa isang iglap, nasuspinde si Calyxandra sa ospital, napagbintangan sa kasalanang hindi niya ginawa, at nawalan ng trabaho, tirahan, at ng pagkakataong maipagtanggol ang sarili. Akala niya, tuluyan nang matatapos ang career niya bilang doktor. Pero dumating si Leander Legaspi, ang istrikto at makapangyarihang CEO ng isang bagong pribadong pasilidad medikal, na nagbigay sa kanya ng pagkakataong magsimula ulit. Sa tulong nito, determinado si Calyxandra na linisin ang pangalan niya at patunayang hindi kayang sirain ni Lucas ang lahat ng pinaghirapan niya. Pero mahahanap kaya niya ang katotohanan bago tuluyang masira ang reputasyon niya? At ngayong unti-unti nang nagiging espesyal sa kanya ang lalaking nagbigay ng pangalawang pagkakataon, kaya pa ba niyang magtiwala at magmahal muli? O mananatili siyang bilanggo ng pagtataksil na minsan nang sumira sa buhay niya?

view more

Kabanata 1

CHAPTER 1

Calyxandra POV

Nasa kaliwang palad ko ang maliit na velvet box habang nakatayo ako sa labas ng private recovery suite ni Dr. Lucas Fontanilla. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, halo-halong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Anniversary namin ngayon, at limang taon kaming nagtiis sa long-distance relationship, residency grind, at walang katapusang puyatan para lang makarating sa puntong ito. Lahat ng naipon ko, inilaan ko sa down payment ng bahay na ipinangako niyang bibilhin namin kapag na-promote na siya bilang senior consultant.

"Lucas..." bulong ko sa sarili ko habang naghahanda nang itulak ang p***o.

Pero natigilan ako nang marinig ang boses ng isang babae mula sa loob. Mahina, umiiyak, at pamilyar. Si Dra. Celine Marquez, ang dating chief resident na bigla na lang nag-abroad two years ago.

"Lucas, thank you. Kung hindi dahil sa perang inilaan mo para sa bahay ninyo ni Calyxandra, baka hindi na-operahan si Kiel," hagulgol ni Celine.

Nanigas ang buong katawan ko sa narinig.

"Huwag kang mag-alala, Celine," sagot ni Lucas. Kalmado ang boses niya, malambing, at walang kahit katiting na pag-aalinlangan. "I did what I had to do. Anak ko si Kiel. Hinding-hindi ko siya pababayaan, kahit kailangan ko pang magsinungaling kay Calyxandra."

May batang biglang tumawa sa loob. "Papa!"

Biglang bumigat sa kamay ko ang singsing na nasa loob ng velvet box. Parang gumuho ang buong mundo ko sa isang iglap. Lahat ng pinagdaanan namin sa loob ng five years, pati ang mga araw na nagtitipid kami sa pagkain para makaipon para sa future namin—lahat pala ng iyon ay walang halaga sa kanya. Ginamit niya ang perang pinaghirapan ko para sa pamilya niya sa iba habang ako ang nagpapakapagod sa ER.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Marahas kong itinulak ang p***o. Napalingon sa akin sina Lucas at Celine. Nakayakap si Celine sa isang batang lalaki, habang nanlaki naman ang mga mata ni Lucas nang makita ako.

"Calyxandra..." gulat na sambit ni Lucas habang mabilis na tumatayo.

"So, totoo?" nanginginig ang boses ko habang itinataas ang hawak kong box. "Lahat ng pinagpaguran ko, lahat ng inilaan ko para sa kasal natin... ginamit mo para sa kanila? And you have a son? Ilang taon mo na akong ginagawang tanga, Lucas?"

Nawala ang gulat sa mukha ni Lucas at napalitan iyon ng galit at pagkairita. Nang makita niyang emosyonal na ako, agad niyang ginamit ang posisyon niya sa ospital para palabasin na ako ang may problema.

"Can you stop making a scene, Calyxandra? Naghi-hysterical ka na naman!" sigaw niya, mas malakas pa sa boses ko, na para bang sinasadya niyang makuha ang atensyon ng mga taong dumaraan sa hallway. Pagkatapos, bigla siyang nagbago ng tono at humarap kay Celine.

"I'm sorry, Celine. Stable na ang patient. Kakausapin ko lang ang fiancée kong mukhang nawawala na naman sa sarili."

"Ako pa ang nawawala sa sarili?!" sigaw ko, pero tuluyan nang pumatak ang mga luha sa pisngi ko.

Pero huli na ang lahat.

Kinabukasan, hindi na mga pasyente ang pinag-uusapan sa ospital kundi ang eskandalong idinawit sa pangalan ko. Dahil sa impluwensya ni Lucas at ng pamilya ni Celine, kumalat ang balitang inatake ko ang isang pasyente sa loob mismo ng recovery room dahil sa selos. Wala man lang akong pagkakataong ipagtanggol ang sarili ko. Sa isang iglap, sinuspinde ako ng board of directors. Makalipas lang ang ilang oras, tuluyan na rin akong pinagkaitan ng access sa ospital na pinaglaanan ko ng buong kabataan ko.

Bumubuhos ang malakas na ulan habang hinihila ko ang maliit kong maleta palabas ng staff dormitory. Wala na akong natitirang pera. Pati ang apartment na dati naming inuuwian ni Lucas ay nakapangalan sa kanya, kaya wala akong nagawa nang palayasin ako ng landlord kaninang umaga matapos sabihin ni Lucas na wala na akong karapatang manatili roon.

Naka-jacket ako habang nakatayo sa gilid ng kalsada, basang-basa at walang mapuntahang masisilungan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung paano ako magsisimulang muli.

Ito na yata ang pinakamabigat na sitwasyong naranasan ko sa buong buhay ko. Wala na akong trabaho, wasak na ang reputasyon ko, at wala akong malapitan. Ayokong mag-alala ang pamilya ko sa probinsya, kaya kahit gustong-gusto kong humingi ng tulong, pinili kong sarilinin ang lahat.

Limang taon kong ipinaglaban ang future na pinangarap namin ni Lucas. Pero ngayon, wala na akong trabaho, wala nang tahanan, at higit sa lahat, wala na ang lalaking akala ko ay makakasama ko habang-buhay.

Isang itim na Land Cruiser ang marahang huminto sa tapat ko. Bumaba ang bintana nito at lumitaw ang mukha ng isang lalaking may matalim na panga at malamig na tingin. Si Leander "Andres" Legaspi, ang bagong CEO ng ospital na kararating lang mula Germany. Kilala siya sa pagiging istrikto at sa pagiging diretso sa trabaho—isang lalaking kinatatakutan at iginagalang ng lahat.

Bumaba siya ng sasakyan habang may hawak na itim na payong. Hindi siya agad nagsalita. Sa halip, tahimik niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa—mula sa namamaga kong mga mata at basang damit hanggang sa maliit kong maleta sa tabi ko.

"Dra. Alonte," tawag niya sa akin sa malalim na boses. Seryoso ang tono niya at walang halong awa, pero may kakaibang bigat sa bawat salitang binibitawan niya. "Nakita ko ang nangyari sa labas ng building kanina. Nabasa ko rin ang report tungkol sa insidente sa ER kahapon."

"If you're here para sermunan ako o palayasin dahil sa mga sinabi ni Lucas, don't bother," diretsahan kong sagot habang pinipigilan ang panginginig ng boses ko dahil sa lamig at pag-iyak. "Wala na akong trabaho. Wala na kayong mapapala sa akin."

"Hindi ako nandito para palayasin ka," sagot ni Andres habang pinag-aaralan ang mukha ko. "Kilala kita, Calyxandra. Ikaw ang resident na nanguna sa isang complicated aneurysm case noong nakaraang buwan, kahit ikaw lang ang resident on duty sa shift na iyon. Hindi ako basta naniniwala sa mga tsismis, lalo na kung galing sa mga taong takot na malamangan."

Dinala niya ako sa isang tahimik na 24-hour café malapit sa business district. Binigyan niya ako ng mainit na kape at isang basong tubig bago umupo sa tapat ko.

"Why are you doing this?" tanong ko nang bahagya nang kumalma ang paghinga ko. "Kahit ang mga dati kong kaibigan, lumayo na sa akin."

"Ayoko sa mga taong ginagamit ang posisyon nila para tapakan ang mahuhusay na doktor, just to cover up their own mess," diretsahang sagot ni Andres. Humigop siya ng kape bago ako tiningnan nang diretso sa mga mata. "I'm looking for a new chief resident para sa private trauma center at research facility na itinatayo ko sa lungsod. Ikaw ang kailangan ko, Calyxandra."

Nanlaki ang mga mata ko. "You're offering me a job? After everything that happened?"

"Yes. Pero may kapalit," seryosong sagot ni Andres. "Hindi lang basta pagbabalik-trabaho ang ibibigay ko sa iyo. Tutulungan kitang maayos ang kaso mo at maibalik ang hospital privileges mo. Kakailanganin din nating magsampa ng defamation case laban sa mga nagpakalat ng maling paratang tungkol sa iyo. At sisiguraduhin kong sa susunod na magkrus ang landas ninyo ni Lucas, ikaw na ang nasa mas magandang posisyon."

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Walang Komento
5 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status