Hello po, maraming salamat sa pagbabasa!
“SINO ANG AMA?” Umecho sa buong kwarto ang boses ni Ben na nasa hamba ng pinto. Base sa itsura nito ay handa itong makipag-patayan sa kung sinumang umagrabyado sa kanya. “Benjamin, anak. Huminahon ka,” saad ng kanyang Tita Alice saka nito nilapitan ang anak. Pero hindi ito pinansin ni Ben, sa halip ay dumiretso ito sa kanya. “Sabihin mo sa akin, Yesha. Sino ang walang-hiyang gumawa niyan sa’yo?” saad nito sa kanya sa mataas pa ring tono. Hindi niya magawang sumagot sa pinsan dahil unang-una ay hindi niya naman talaga kilala kung sino ang kasama niya ng gabing iyon. Pangalawa ay natatakot siya sa nakikitang galit sa mukha ng pinsan. Napayuko na lang siyang bigla dahil hindi niya kayang salubungin ang galit sa mga mata nito. “Damm*t, Yesha! Answer me! Kailangang managot ang gumawa ng katarantaduhan sa’yo na yan!” asik sa kanya ng pinsan. Napa-suntok ito sa pader sa sobrang galit. Nang dahil sa ginawa nito ay napa-pisik si Yesha at napa-siksik lalo sa uluhan ng kanyang kama. “Ben!” n
Nasa bahay na sila pero hindi pa rin nakaka-recover si Yesha sa mga natuklasan. “Yesha, bakit ang tanga-tanga mo. Kilala mo si Jake Mendellin, but you don’t even recognized him nung nakasama mo siya ng gabing iyon. Now you are bearing his children, ano na ang plano mo?” tanong niya sa kanyang sarili. Habang palakad-lakad sa kabuuan ng kanyang kwarto. Simula nung dumating sila mula sa pagpapa-check up at paggo-grocery ay hindi pa siya bumababa. Nagpaalam siya sa tiyahin at sa pinsan na magpapahinga muna dahil bahagya siyang napagod sa lakad nila. Pero ang totoo ay hindi pa rin siya makapag move on sa natuklasan. “Ano na ang plano mo ngayon, Yesha?” muli niyang tanong sa sarili. “You can’t just barged in his life and tell him, na ‘hoy’ ako nga pala yung naka one night stand mo noong mahigit dalawang buwan na ang nakaraan at buntis ako ngayon. D*mn! Sinong maniniwala sayo, Yesha? Nasaan na ang utak mo? Di ba matalino ka?” pagkas-tigo niya sa sarili. Her thought was interrupted ng may ku
“Honey I was looking for you, what took you so long?” isang tinig ng babae ang siyang nagpa-hinto kay Jake Mendellin sa mga sasabihin nito kay Yesha. Kitang-kita niya ang paglambot ng ekspresyon nito ng mapa-dako ang tingin nito sa pinagmulan ng tinig. “I will be there in a sec,” sagot nito sa babae. Hindi alam ni Yesha kung bakit pakiramdam niya ay pinipiga ang puso niya. A pang of hurt shot through her heart, sa kung anong dahilan ay hindi niya alam. Here he was, ang lalaking gusto niyang makita at makausap, pero sa kung anong dahilan ay hindi niya magawang ibuka ang bibig niya upang magsalita at sabihin dito ang mga bagay na dapat ay sasabihin niya dito. “Princess,” narinig niya ang boses ni Ben na tinatawag siya. “There you are,” saad nito sa kanya ng makita siya nito sa may labas ng bathroom. Bahagya nitong tiningnan ng masama si Jake dahil nakaharang ito sa dadaanan niya. “Nice to see you here again, Sir,” saad niya kay Jake saka na niya inakay si Ben paalis sa lugar na iyon
Hindi maiwasan ni Jake ang mapatulala sa babaeng kaharap. She was still beautiful as he remembered her. Hindi niya alam kung naurong ba ang dila niya dahil walang namutawi na salita sa kanyang bibig, hindi niya masabi dito ang mga bagay na ipinangako niya sa kanyang sarili na sasambitin niya sa dalaga once na matagpuan niya ito. And yet here he was, nanatiling nakatitig lang dito. “Honey, I was looking for you, what took you so long?” narinig ni Jake ang pagtawag ni Claire sa kanya. “Honey?” tanong niya sa isip niya, “Kailan pa naging kami?” nangungunot ang noong tanong niya sa kanyang isip. Pero ng mapadako ang tingin niya sa babaeng kaharap ay biglang umaliwalas ang mukha niya. “What if–?” saad niya sa kanyang isipan. Naisip niyang gamitin ang opportunity na ito upang malaman ang totoong saloobin ng babaeng kaharap. “I will be there in a sec,” sagot niya kay Claire, sinadya niyang tumingin ng malamlam sa gawi ni Claire upang makita ang magiging reaksyon ni Yesha. “Princess,”
Pagkarating nila ng Manila ay agad na silang dumiretso sa apartment na kanilang tutuluyan. Pagkapasok ng sasakyan nila sa gate ay agad silang sinalubong ng isang matandang lalake. “Mabuti at nakarating kayo ng matiwasay, Sir Ben,” bungad saad sa kanila ng matandang lalaki pagkababang-pagkababa pa lang nila ng sasakyan. “Inihabilin na po kayo sa akin ni Sir Alex, heto po ang susi ng apartment niya,” dagdag saad ng matandang lalake, sabay abot ng susing hawak nito kay Ben. “Maraming salamat po, Tay,” nakangiting sagot naman ng pinsan niya sa matanda. “Siya nga po pala ang pinsan ko, si Yesha,” pagpapakilala sa kanya ni Ben sa matandang lalake. “Princess, si Tatay Ando, ang katiwala nila Alex dito sa apartment,” baling saad naman sa kanya ng pinsan. “Magandang araw po,” nakangiting saad niya sa matanda. “Magandang araw naman iha, naku napakagandang bata mo naman. Ang kaibigan ni Sir Alex ay parang mga anak ko na rin, kaya huwag kang mahiyang magsabi sa akin kung may kailangan ka,” nak
Clarisse walks on her daughter’s bedroom, nakita niya ang dalaga na nag-gagayak upang matulog. She was applying a cream on her face.“Did you watch the news?” Clarisse asked her daughter. Watching her twirl herself in the mirror, nakita niya ang pagsulyap nito sa gawi niya sa pamamagitan ng salamin.“Yeah, you did that, Mom?” tanong ni Claire sa kanya. Bahagya nitong hininto ang ginagawang paglalagay ng cream sa mukha, saka tiningnan ang ina sa repleksyon nito sa salamin. Nakataas pa ang isa niyang kilay ng tanungin ang ina.“Of course, we need to push your relationship with Jake Mendellin. It seems that you are getting nowhere with that,” saad ni Clarisse sa anak. Humalukipkip siya sa likuran nito habang nakatingin din sa repleksyon ng anak sa salamin.“I told you, Mom. The man isn’t interested in me. Ano na lang ang sasabihin nito sa akin? Na desperada na akong mapangasawa siya? Don’t you think you overstepped your boundaries, Mom?” sagot naman ni Claire sa ina. Tuluyan na nitong hi
Pagkatapos makipag-usap ni Yesha sa receptionist ay dumaan siya sa isang coffee shop malapit sa opisina ni Jake. The receptionist said that she will check a confirmation to Jake’s secretary if she could get an appointment for her. Bagamat bahagyang nadismaya na hindi niya naka-usap si Jake sa araw na iyon ay wala pa rin naman siyang magagawa. He was an important person at hindi ganoon kadaling kumuha ng appointment sa isang Jake Mendellin. Laking pasasalamat niya ng hindi na magpumilit si Ben na samahan siya papunta sa opisina ni Jake. Kahit na alam niyang nag-aalala sa kanya ang pinsan ay nirerespeto pa rin nito ang kagustuhan niya. Yesha was savoring her drinks while eating her donuts habang pinagmamasdan niya ang ka-busy-han ng Maynila. Parang ang tagal na ring panahon nung nandito siya. Pero wala pa ring pinagbago ang lugar, puno pa rin ng polusyon at busy pa rin ang mga tao sa paghahabol ng oras para sa pagpasok sa kani-kanilang trabaho. The noise of the busy street, and the hor
“I think it’s important,” saad ni Yesha kay Jake ng hindi nito agad sagutin ang nagri-ring nitong cellphone. “Mas importante ang sasabihin mo,” saad ni Jake sa kanya, saka nito nilagay sa silent mode ang cellphone. “Are you sure na hindi mo sasagutin ang tawag?” naninigurado na tanong ni Yesha sa lalaki. “You were more important than any business related call,” sagot nito sa kanya. Pakiramdam ni Yesha ay tumalon ang puso niya sa tuwa ng dahil sa sinabi nito. May hatid na kakaibang kilig sa puso niya ang binitawan nitong salita. Palihim siyang napangiti ng dahil doon. “So you were saying?” muling tanong ni Jake sa kanya habang matiim itong nakatingin sa kanya at humihigop ng kape na inorder nito. Hindi mapigilan ni Yesha ang ma-conscious sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. “Jake I was…” saad ni Yesha sa lalaki. Humigit siya ng malalim na buntong-hininga upang bahagyang paluwagin ang dibdib. Kinakabahan si Yesha na ipaalam sa lalaki ang kanyang pagbubuntis. “What is it?” matiim ang