Share

Kabanata 5

Author: eveinousss
last update Last Updated: 2024-10-24 17:10:30

Ngunit ang kanyang tattoo ay mukhang matagal na, tila'y naka ukit na talaga ito sa kanyang balat kaya masasabing hindi na talaga bagong gawa ang tattoo-ng iyon. Tila panahon na ang lumipas.

Kung tama man ang sinabi ni Sabby tungkol sa kasintahan ni Gabriel, malamang ay 0825 ang kaarawan ng babae! Napaka-espesyal naman niya.

Alam naman ni Hara kung kailan ang kaarawan ni Gabriel, buwan ng Abril iyon. Yong chairman ng Del Valle Corporation at ang asawa nito na parehong magulang ni Gabriel ay Julyo ang buwan ng kanilang kaarawan. Malamang walang kinalaman din kay Hara ang numerong iyon. Dahil November 14 ang kanyang kaarawan. Wala sa kanilang apat ang numerong 0825.

Kung iisipin nga naman, ang isang lalaking katulad ni Gabriel na napakalamig ng pakikitungo sa iba ay nakakagawa din ka-kornihan sa buhay, gaya na lamang ng pagpapa-tattoo niya ng kaarawan ng kanyang kasintahan. Talagang totoong in-love siguro siya sa babae. Hindi siya magpapa tattoo kung hindi niya mahal.

Bigla tuloy nakaramdam ng pagsisisi si Hara dahil sa padalos-dalos niyang desisyon nong isang gabi! Bakit hindi manlang sumagi sa isip niya na tanungin si Gabriel kung single ba ito? Bakit bigla na lamang siyang pumayag na may mangyari sa kanila? Nababaliw na talaga siya.

Napaisip si Hara. Kahit na maganda at may patutunguhan na kinabukasan si Sabby marami pa rin itong prinsipyo sa buhay at isa na rito ay hindi siya kahit kailanman lalandi sa lalaking may minamahal nang babae kahit gaano pa sila ka-gwapo at kagaling sa kanilang propesyon.

"Sis, alam mo ba kung sinong malapit kay Gabriel ang may kaarawan ng August 25?" Mahinang tanong niya kay Sabby. Kyuryoso lamang siya.

"Paano ko malalaman? E branch lang naman ng Dela Valle Corporation itong ORBIS e. Pero ang alam ko nasa 70% na ang occupied domestic market nito. Si Gabriel 'yong president ng buong Dela Valle Corporation! Hindi ko sinasadyang marinig tungkol sa kanya ang bagay na 'yan ha!" Pag-papaintindi sa kanya ni Sabby.

'Hindi naman importanteng malaman pero marami ring alam si Sabby ha' sambit ni Hara sa isipan.

Biglang may naalala si Sabby "Teka lang, parang si Dana Leen Hernaez iyan, siya 'yong chief lawyer ng Dela Valle Corporation e, siya lang naman 'yong may kaarawan ng August. Nakita ko kaya 'yong resume niya. Talagang totoong napaka puti, mayaman at maganda. Noong pumunta nga siya sa isang event kasama si Gabriel dati, siya talaga ang unang pinipilahan.Teka lang maghahanap ako ng picture niya para sa'yo!"

"Hindi na kailangan." Pigil ni Hara sa kaibigan. Nakaramdam siya ng labis na pagkadismaya sa sarili. Parang magiging kabit pa siya sa oras na 'to.

Base sa kwento ng kanyang kaibigan, naiisip niya na sobrang sosyal ng love story nilang dalawa. Parehong mayaman at maimpluensya. Bagay na bagay sila. Mataas ang estado sa buhay, maganda at gwapong lalaki parehas na mataas ang pinag-aralan.

Kaya ganoon na lamang siguro kasakit magsalita kanina si Gabriel, impunto at wala nang tanungan pa nang hindi lamang siya sinulyapan. Nag-aalala lamang siya baka may masabi siya na wala namang kwenta, hindi ba? Kaya naman umakto si Hara na hindi niya ito kilala at dinistansya ang sarili mula sa binata. Sabihin niya man na may mali wala pa rin namang maniniwala sa kanya.

Napaka matinik niya talaga dahil nagawa niyang umupo bilang isang CEO. Iba talaga siya sa lahat. Matalino at marunong humawak ng tiwala ng mga tao.

Nang pinatay na ni Sabby ang tawag, muling bumalik si Hara sa kanyang kwarto upang mag half bath at nagpalit ng maluwag na damit. Inumpisahan niyang buksan ang kanyang laptop para magbasa ng mga impormasyon tungkol sa bagong proyekto ng kompanya.

Ngayon, tanging ang malaking bayarin buwan-buwan sa medical expenses ng kanyang ina lamang ang kanyang nasa isipan dapat, walang panahon upang isipin ang pag-ibig na 'yan.

At kung iibig man siya hindi sa katulad ni Gabriel napaka hirap abutin. Masyadong mataas at mapanganib kaya mas gugustuhin niya na lamang na simple ang tahimik ang lalaking makakasama niya sa buhay.

Mabilis ang bawat pag-tipa niya sa keyboard dahilan para hindi niya mamalayan na ilang beses nang umiilaw pala ang selpon niyang naka-silent sa kanyang tabi.

Nakaramdam si Hara ng labis na antok, kaya tatapusin niya na ang iba pa bukas, nakita niyang nag-send sa kanya si Gabriel ng tatlong voice message apat na oras na ang nakakalipas sa messenger. Bigla siyang nataranta sa nabasa.

'Gumising ka at mag-reply saakin' pinakinggan ni Hara ang boses nito. Kumunot ang kanyang noo.

'Ano nga bang kailangan niya saakin?' Bulong ni Hara sa kanyang isipan at nag-isip ng mga posibilidad na bagay na kailangan sa kanya ni Gabriel.

Tila naging banta ito sa kanya na wala siyang sasabihin ng kahit ano o humingi ng pera para lang manahimik siya. Kapag kinuha niya ang pera ay para niya na ring binenta ang sarili niya.

Napahinto sandali si Hara para mag-isip at kalaunan ay nag-tipa ng mensahe, "Hindi ko sasabihin kahit kanino kung anuman ang nangyari kagabi." Dahil wala naman siyang balak ipagkalat ang bagay na iyon, bukod sa nakakababa sa sarili ay wala ring maniniwala sa kanya.

Ngunit nang mai-send niya ang message kay Gabriel, agad na nagbago ang isip niya at binura ang buong convo ni Gabriel sa messenger niya.

Sa ganoong paraan ay makakampante siya. Nang mailapag ni Hara ang kanyang selpon ay agad siyang nakatulog. Ayaw niya nang mag-isip ng kung anu ano pa.

Nagising na lamang siya nang marinig niya ang tawag galing kay Mr. Molina

"Ikaw ang magbibigay ng project contract kay Lana." Panimula nitong utos sa dalaga kaya naman mabilis na napabalikwas ang dalaga.

"Mr. Molina---"

Bago niya pa matapos ang sasabihin ay pinatay na ni Mr. Molina ang tawag! Hindi manlang siya binigyan ng pagkakataon para magsalita. Bigla siyang napa-isip ukol sa kontrata.

Napilitang tumayo si Hara at hanapin ang project contract, ngunit pumunta siya sa maleta niya at hindi niya mahanap ang folder na pinaglagyan ng konrata! Nakaramdam siya ng kaba dahil hindi pwedeng mawala iyon.

Malinaw pa sa memorya niya na dala niya ito at ilang beses pang sinigurado bago siya mag check-in sa hotel! Hindi na alam ni Hara ang kanyang gagawin dahil nawawala na talaga ito!

Biglang nanlamig at nanigas si Hara sa kanyang kinakatayuan dahil may naisip siya na ayaw tanggapin ng kanyang utak.

'Hindi pwede...' nanghihinang bulong niya sa kanyang isipan.

'Naiwan ko 'yon nong nagmamdali ako nong umaga at naiwan ko 'yong kontrata sa room 1051 at napulot iyon ni Gabriel!' Sigaw niya sa kanyang isip at hindi alam kung ano ang susunod na gagawin.

Dahil isa lamang ang pumasok na solusyon sa kanyang utak at iyon ay pumunta sa room 1051. Ayaw niya nang makita pa sana si Gabriel dahil sa labis na pagsisisi at kahihiyan.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ayesha Javier
daming katanongan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 224

    "Nakakainis talaga ang pagmumukha ng isang yon! Napaka-epal. I'm irereport niya na naman ang nakita niya sa kanyang bestfriend na si---" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Sabby nang kaagad siyang pinutol ni Hara. "Sab, that's enough...." Malalim niyang saad. Nang makarating sila sa building ng pai

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 223

    Napa-igtad si Hara nang marinig si Mira kaya kaagad siyang naglakad papalayo sa kiddie park upang hanapin ang mga kasama at magpaalam na para umuwi.Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga narinig na salita mula kay Gabriel. May dumaan na sakit mula sa kanyang dibdib. Dahil labis siyang nanibago sa ug

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 222

    Gabi na at dapat sa ganoong oras ay tulog na ang mga ito. Inilibot niya ang kanyang mga mata upang humanap ng tahimik na pwesto. Nakita niya ang kiddie park sa kabilang daanan ng kompanya kaya mabilis siyang naglakad patungo roon. Pagkasagot niya ng tawag ay nakita niyang nag-aagawan na naman ang k

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 221

    Napakuyom si Hara nang marinig iyon. Masakit man ngunit kailangan niyang baliwalain ang mga narinig mula kay Gabriel. Lalo pa at kaharap niya ang babaeng nali-link ngayon sa binata, Almira Go. Napaangat ng tingin si Hara at dumapo iyon sa mga mata ni secretary Saez na nakakunot noo habang tinitign

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 220

    "No. OKay lang. Nasaktan po ba kayo? Actually may mali rin po kasi ako." Pagpapaliwanag ni Hara. Tatawagan niya na sana ang kompanya para sa insurance ng kanyang sasakyan nang pigilan siya ng lalaki. "Ma'am kunin ko na lang po ang calling card niyo para ma-settle na po ang lahat ng bayad." May pin

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 219

    Habang bumibili ng candy si Gabriel sa isang supermarket ay nakangiti siyang tinignan ni Neil na para bang natutuwa siyang tignan ang amo sa ginagawa nito. Nang makita iyon ni Gabriel ay agad niyang sinamaan ng tingin. "Sir, naghihintay pa rin po si ma'am Mira sa inyo. Hindi niya raw po uumpisahan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status