Share

Kabanata 6

Author: eveinousss
last update Petsa ng paglalathala: 2024-10-27 20:58:08

"Sabby, importante ito! Kaya mo bang gumawa ng paraan para makuha 'yong cellphone number ni Sir Gabriel?" Nablock na kasi ito ni Hara sa messenger at nag-quit na rin siya doon sa high school group chat nila at tanging si Sabby lamang ang taong may kakayahang tulungan si Hara.

Napahilamos sa mukha si Hara nang wala sa oras tila ba'y hindi na siya nilalayasan ng problema sa buhay.

"Sino?" Gulat na tanong ni Sabby. Nahalata ni Hara sa boses ng kaibigan na halos kabubunot lang nito galing sa kama dahil garagal pa ang boses nitong sumagot.

"Gabriel Dela Valle..." alanganing ulit ni Hara na para bang ayaw niyang isipin pa ang problemang kinakaharap niya ngayon. She have so much in her plate.

"Kung uso sa'yo nagsasalita o naglalakad habang tulog, itulog mo na lang ulit, ha." Sarkastikong sagot ni Sabby. Napapikit nalang si Hara, sana nga gano'n nalang kadali, hindi ba?

"Sabby...." Paunang hayag ni Hara at gustong magdahan-dahan sa pananalita ngunit naputol ang litid ng kanyang pasensya.

"Walang nang panahon pa para ipaliwanag kung bakit kailangan ko ng cellphone number niya. Mayroon akong importanteng gagawin at seryoso ako!"

Baka masesante pa siya sa trabaho dahil nawawala iyong kontratang hawak niya. Kaya kailangan niyang makaisip kaagad ng paraan. Siya na lamang ang inaasahan ng nanay niya at kung mawawalan pa siya ng trabaho ay mas lalong magiging mahirap ang sitwasyon.

Ang direktor ng project partner nila ay nang-ibang bansa matapos pirmahan 'yong kontrata. Hindi niya naman pwedeng pabalikin dito sa Pilipinas para lang pumirma ng panibagong kontrata. Nakaramdam si Hara ng labis na stress dahil dito.

Naramdaman ni Sabby na hindi nagbibiro ngayon ang kaibigan niya. Agad siyang naupo sa kama at nag-isip ng medyo matagal, "Sa totoo lang, hindi ko kayang kunin 'yong number niya pero pwede ka namang pumunta sa room niya at hanapin siya."

Napamulagat si Hara sa ideya ng kaibigan.Tama nga siya! Bakit hindi nga ba niya naisip iyon?

Agad niyang binaba ang tawag. Nagpalit siya ng pormal na damit at walang pakundangang binagtas ang presidential suit ng hotel. Kung pwede lang siyang lumipad para makapunta na siya agad ay ginawa niya na.

Hinihingal ang dalaga nang makarating sa tamang floor, ngunit agad siyang hinarangan ng sekretarya nang makalabas siya ng elevator. Agad na kumunot ang noo ni Hara.

"Magandang umaga po, may importante lang po akong kailangang sabihin kay Sir Gabriel."

Ngunit tinignan lamang siya ng sekretarya mula ulo hanggang paa. "May appoinment ka ba?"

Huminga nang malalim si Hara bago sumagot, "Wala po."

"Then, pwede ka nang umalis." Simple at malinaw na utos sa kanya ng sekretartya, walang paligoy-ligoy iyon.

Tila parang pinagsakluban ng langit si Hara sa narinig. Kumalma ito at malumanay na hinarap ang sekretarya.

"Pwede bang kahit ito nalang ay pagbigyan mo? Kahit kayo na lamang po ang magsabi kay Sir Gabriel na importante po talaga ang bagay na ito sa kanya at kailangan ay kikitain niya agad ako."

Malinaw ang kanyang hiling sa sekretrya, ngunit hindi manlang nito sinagot si Hara at nagpanggap na hindi ito narinig. Napakagat ng labi ang dalaga dahil sa stress na nararamdaman. Ito na lang talaga kasi ang tanging paraan para makuha niya iyong kontrata na naiwan niya sa room 1501.

Napasinghap siya nang biglang magsalita si Gabriel sa intercom mula sa kanyang opisina.

"Let her in." Napalunok ulit si Hara. Simpleng utos lang iyon ngunit nakakakaba nang husto at para bang tatakasan siya ng bait.

Nang marinig ng sekretarya ang utos ni Gabriel ay pinapasok niya na rin si Hara.

Nagpakawala muna ng malaking buntong hininga si Hara at dahan-dahang tinulak ang pintuan ng suite ni Gabriel. Agad na nanlaki ang mga mata niya nang makitang naka suot ito ng itim na silk night gown at prenteng nakatayo sa harap ng malaking glass window. Kita ni Hara na may hawak itong cup na may lamang black coffee at tinitikman ito nang mabagal.

Nang dumako ang tingin ni Gabriel sakanya ay napa-awang na lamang ng labi ang dalaga dahil kahihiyan. Mabilis niya munang inisip ang kanyang sasabihin baka magkamali siya dahil sa kabang nararamdaman.

"Sir Gabriel, nakita niyo po ba 'yong kontrata noong araw na 'yon?" Maliit ang boses niya sa tanong na 'yon.

Halos malagutan ng hininga si Hara nang harapin siya ni Gabriel gamit ang mga matang walang buhay, malamlam, masikreto.

"That day?" Mababang tanong nito at inarko ang makapal nitong kilay. Mas naging doble ang kaba ni Hara nang lumakad si Gabriel papalapit sa kanya gamit ang mahahabang biyas nito.

"Which day?" May pag-uuyam sa ulit na tanong ni Gabriel.

Sa nakakakabang damdamin at sobrang tensyon na nararamdaman ni Hara mula sa kanyang puso ay hindi nito sadyang mapa-atras.

Alam niyang sinasadya ito ni Gabriel para mas lalo pa siyang magsalita kaya mas pinili niya na lamang sabihin at pag-usapan ito. Napakagat siya ng labi dahil sa kabang nararamdam.

"Sir Gabriel, alam ko pong namali ako ng send sa inyo kagabi, at pagkatapos po non wala na akong maalala pa. Gusto ko lang po talagang kunin lang 'yong kontrata ngayon--"

"I need a marriage partner, Hara Perez." Agad na naputol ang gustong sabihin ni Hara nang sumingit si Gabriel. Hindi niya agad mawari kung ano ba dapat ang magiging reaksyon niya.

"Ano po, Sir Gabriel?" Maang na tanong ni Hara dahil hindi niya alam bakit sakanya sinasabi iyon ni Gabriel.

"I said," putol na hayag ni Gabriel at naglakad ito palapit kay Hara "...marry me." Agad na tumama ang malamig nitong mga mata sa halos namumulang mukha ng dalaga.

"Sir?"

"Think about it" balik niya kay Hara

Halos mapaawang ang labi niya dahil natural at kalmadong boses lamang iyon ni Gabriel na akala mo nagtatanong lamang ng araw. Nang marinig ito ni Hara ay akala niya'y nag-iilusyon lamang siya. Malala, diba?

Makalipas ang ilang sandali na pagtunganga ay nakuha niya nang sumagot. "Sir Gabriel hindi niyo po ako kailangang subukan."

Hindi mangmang si Hara. Kung kailangan ni Gabriel ng marriage partner, dapat yong babaeng may gusto ang kausapin niya at hindi siya iyon.

Kaya pwedeng pagsubok lamang ito! Baka hinuhuli lamang siya nito dahil sa nangyari kagabi.

Siguro'y sinusubukan siya ni Gabriel kung may matayog ba siyang pangarap at balak niyang maging maimpluwensya sa daraang araw. Ngunit ni isa doon ay walang balak si Hara gusto niya lang ng tahimik na buhay.

Hindi pinansin ni Gabriel ang hinaing ni Hara bagkus ay binanggit nito ang tungkol sa ina ng dalaga.

"Diba nagpapagamot ay nanay mo sa hospital? You know, I can help her to find the best doctors kasama na rin ang lahat ng gagastusin niya. Kapag papayag ka, then we can go to register tommorow."

Hayag ni Gabriel na seryoso at hindi mo makikitaan sa kahit anong anggulo ng pagtutuya. Ang ekspresyong ito sa kanyang napakagwapong mukha ay mukha nga talagang hindi siya nagbibiro.

Pero.....

"Bakit?" Naguguluhang tanong ni Hara.

"Kasasabi ko lang na kailangan ko ng marriage partner. As for kung bakit ikaw...." napatigil si Gabriel at tinignan si Hara mula ulo hanggang paa at ibinalik ito sa mukha ng dalaga.

Parang naubusan ng hangin sa katawan si Hara sa paraan ng pagtingin sa kanya ni Gabriel.

"Because you are the most suitable." Dugtong ni Gabriel.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 251

    Nang matapos ang kanilang dinner ay kaagad na umuwi sina Hara at Sabby. Habang nasa daan ay hindi nila maiwasang pag-usapan ang nangyari. "Paano kung makahalata si Gabriel? Natatakot ako bigla, Sabby." "Ayon sa source, may babaeng pinsan si Dana sa kanyang mother side ngunit hindi pa naiimbestigah

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 250

    "Ainsley! I told to stay in your room!" Kinakabahang sermon ni Sabby at mabilis na inagaw ang bata kay Gabriel. "You are the parent of that kid?" Mariin na tanong ni Gabriel na siya namang ikinagulat ni Nico."I'm not. Anak siya ng....pinsan ko." Pagsisinungaling niya at hindi niya na hinarap ang m

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 249

    Nang matapos ang pag-uusap ng tatlo ay agad namang nag-contact ng top agents si Jessie at inassign na ang mga ito upang magbantay sa kambal. Naging mas alerto na rin sila sa paligid at naging kaonti ang schedule sa paglabas ng kambal. Bumili na rin ng tracker si Hara at nilagayan ang mga kambal. Aa

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 248

    Dahil sa kahihiyan ay napatikhim na lamang si Hara. Samantalang si Gbariel naman ay napaayos ng buhok. Hindi pa rin tumitigil sa paghagikgik si Gia. Nang makitang seryoso na ang dalawa ay naging seryoso na rin siya. "Kayo naman, masyado kayong seryoso. Loosen up the two of you, okay?" At pumalakpa

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 247

    Dahil sa siguro sa pinaghalong puyat, pagod, at inis ay hindi naiwasan ni Hara na patulan ang pagiging mahangin ni Gabriel."Lagi mo akong pinagbibentangan na nagseselos ako kay Mira. Ikaw matanong ko, nagseselos ka ba kay Axel?" Masungit niyang tanong at nakita niya na napalunok nang tatlong beses

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 246

    Nahihiya man ay piniling inubos ni Hara ang strawberry pie na binili ni Gabriel para sa kanya. Tila ba ay parang may gumaling sa kanyang mga sugat noon. Ngunit ang kasiyahan ay hindi talaga nasa puder ni Hara sa mga oras na iyon. Nag-ring ang kanyang cellphone at lumitaw sa kanyang screen ang panga

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 83

    Mariing iling lamang ang sinagot ni Dana at idinuro si Hara."Nangyari ito dahil sa kanya! Naaksidente si Gabriel dahil sa kanya!" Ngitngit niyang sisi kay Hara.Halos sumigaw na si Dana dahil sa galit na nararamdaman at kung hindi pa ito pipigilan ni Nico ay parang gusto pang makipag-away kay Hara

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 82

    Nang matapos na ihatid ni Hara ang mga magulang ni Axel sa labas ay tumingin ito sa oras. Pasado alas nuebe na pala ng gabi, magabi na at mayroon pang isang oras bago pa siya pwedeng tuluyan na bumalik sa Northwood gaya ng bilin sa kanya ni Gabriel. Dahil hindi mapakali ay binuksan ni Hara ang ka

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 81

    Papunta na si Gabriel sa Hospital? Pupunta siya? Ibig sabihin ay makikita niya ang ginagawang pagpapanggap ni Hara at Axel! Hindi iyon maaari! Kaya naman ay halos mawalan ng lakas si Hara at muntik nang mabitawan ang kanyang cellphone. Dahil hindi mapakali ay agad siyang napatayo mula sa kanyang inu

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 73

    Agad namang napatitig si Hara sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan na buong akala niya ay nananaginip lamang siya. Nang bagong opera ba si Dana ay sa tabi natulog si Gabriel buong gabi? Bakit pa nga ba iyon tatanungin ni Hara gayong halata naman na ganoon ang gagawin ni Gabriel lalo na at maha

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status