Ang posisyon ng public relations sa investment bank ay maganda naman, pero sa totoo lamang, lahat ay naniniwala na lugar lamang ito para aliwin ang mga bisita. Mababa ang tingin ng ibang empleyado na nasa ibang departamento sa public relations.
Napaisip si Hara. Iyon ang reyalidad. Sila talaga ang may pinakamababang posisyon sa kompanya.
‘Hindi ko inaakala na sa mata pala niya ay nabibilang ako sa ganoong kategorya bilang isang empleyado ng public relations. Naisip niya ba na ang nangyari kagabi ay kagagawan ni Manager Molina?' may pagdaramdam na isip ng dalaga. Ngunit ano nga ba ang magagawa niya isa lamang siyang hamak na empleyado.
Iniisip siguro ni Gabriel na kagagawan ni Mr. Molina ang maling pag-text ni Hara sa kaniya kagabi at ang mga bagay bagay na pinagsasabi nito sa kanya.
Ang mga salitang sinambit ni Gabriel ay naging dahilan upang uminit ang mga pisngi ni Hara. Dahil marami sila na naroon, pipilitin niya ang kanyang sarili na ignorahin muna ang kanyang pride sa sarili at pilit na huwag munang umalis sa kiinauupuan.
Kailangan niya ang trabahong ito at nangangailangan ng pera pambayad sa hospital bills ng kanyang nanay. Magtitiis na lamang siya, siguro? Hindi naman siya mapapakain ng pride niya, hindi ba?
Naramdaman ni Manager Molina na naging malamig ang timpla sa kanyang paligid, nagmadali siyang ngumiti, “Siya ay isang assistant. Nag-iisip lang po kayo ng kung ano-ano Mr. Gabriel. Ang akala ko ay parehas kayong galing sa Naga City, at may parehas kayong ideya sa bagay-bagay, kaya tinawagan ko siya. Kapag hindi ka masaya, pababalikin nalang namin siya sa company hotel ngayon na rin!”
Nang matapos iyon, nagpukol siya ng tingin kay Hara at aalis na sana ito ngunit biglang nagsalita si Gabriel, “Umupo ka.” Malamig na sambit nito at halos manginig ang mga binti ng dalaga sa lamig ng boses ng nag-utos sa kanya.
“Miss Hara, hindi mo ba narinig? Sabi ni Mr. Dela Valle ay umupo ka raw.” Pukaw na atensyon sa kanya ni Mr. Molina.
Umupo si Hara nang tuwid at tinitignan siyang maigi ni Manager Molina na para bang inuutusan niya ito na lagyan ng wine ang baso ni Gabriel. Ano bang dapat niyang gawin? Hindi ba dapat ay pupunta lang siya rito upang makipag-usap? Bakit kailangan niyang pakitaan ng motibo si Gabriel?
Nagbaba siya ng tingin at kinuha ang bote ng red wine ngunit ang wine glass na nasa harapan niya ay hawak ni Gabriel. Hindi niya iyon malalagyan ng alak dahil nakaharang ang kanyang magagandang daliri sa baso.
“Manager Molina, kung gusto mong manatili sa RCV ng mahabang panahon, walang saysay ang mga ginagawa mong pamamaraan. Mas binibigyan ko ng pansin ang proyekto ng ORBIS. Ang RCV ay walang progreso o pagbabago. Para sa pag-renew, mag-sumite kayo ng application. Bilisan ninyo at gawin ang lahat ng inyong makakaya upang makabawi sa inyong pagkalugi.”
Tila ba’y binibigyan ni Gabriel si Manager Molina ng huling pagkakataon, nakasalubong ang makapal nitong kilay na nagpapahiwatig ng pagkadismaya. Ganito siya kabagsik pag dating sa negosyo. Walang awa at mas lalong walang sinasanto.
“Opo, opo, Sir Gabriel, ito talaga ang pagkakamali ko sa pagkakataong ito. Sa susunod ay gagawin ko talaga….” biglang naging maamong tuta ang itsura ni Mr. Molina habang sumasagot kay Gabriel. Kahit sino naman ay magiging maamo kapag si Gabriel na ang kaharap.
“Wala nang susunod.” Pinal at malamig na pasunod ni Gabriel. Ito talaga ang ugali niya, malupit at may isang salita lamang.
Inalis ni Gabriel ang pagkakahawak niya sa wine glass at kinuha ang kanyang coat. Tumayo siya at umalis sa kanilang lamesa kasama ang kanyang sekretarya na hindi manlang tinitignan ang kung sino at hindi manlang pinansin si Hara sa buong diskusyon.
Napayuko ang dalaga. Ano nga ba ang iniisip niyang mangyari? Na bibigyan siya ng atensyon ni Gabriel dahil may nangyari sa kanila? Mapait na natawa si Hara sa isip. Isang napakalaking kahibangan.
Nang makaalis na ang lahat agad na lumapit si Manager Molina kay Hara at ibinuhos nito ang lahat ng galit sa dalaga.
“Anong sinabi kong gagawin mo? Ni hindi ka manlang makangiti? Pumunta ba rito si Sir Gabriel para lang tignan ang mukha mo?” Bulyaw niya sa dalaga kaya nakaramdam ito ng sindak mula sa amo.
“Mr. Molina, hindi kasama sa trabaho ng assistant ang paglalagay ng alak sa baso ni sir Gabriel at hindi rin ako naturuan sa bagay na iyan.” Paliwanag naman ni Hara. Dahil iyon naman talaga ang totoo. Hindi kasama ang bagay na iyon sa kanyang trabaho. It's beyond unprofessional lalo na't propesyonal ang tindig at kilos ni Gabriel.
“At may lakas loob ka pang sumabat? Alam mo ba kung anong pagsisikap ang ginawa ko para lang maganap ang dinner na ito?! Kala ko ba ay maganda at matalino ka pero lumalabas na wala kang silbi! Sisisantihin na kita!” Tiim bagang na bulyaw ni Mr. Molina sa kanya.
Nang matapos magpuyos, tinignan siya ng mariin ni Manager Molina at sinipa ang pinto bago umalis.
Ito ang pinaka nakakahiyang pangyayari para kay Hara simula no’ng nag-umpisa siyang magtrabaho. Nakakapanlumo at nakakapang-hina ng loob.
Akala niya ay maiiyak na siya, ngunit sa namamaga niyang mga mata ay wala nang luha ang maiiyak pa. Simula pa lamang na pumasok siya sa industriyang ito, alam niya na ang mga taong mababang lebel katulad niya ay dapat laging nagpapakumbaba palagi.
Samantala, Hindi niya inaasahan na magiging malupit si Gabriel. Akala niya…Akala niya na dahil may pinagsamahan sila at alam din niya na si Hara ‘yong babae no’ng nakaraang gabi ay bibigyan siya ng atensyon nito. Totoo nga ang mga sabi-sabi na mahirap talaga siyang pakisamahan. Napakatayog niyang tao sa lahat ng aspeto. Para bang hangin lang si Hara kanina sa kanyang tabi.
Habang naglalakad patungo sa hotel suot-suot ang itim na high heels ay tumunog ang selpon ni Hara. Si Sabby ang tumatawag. Napabuntong hininga ito.
“Bakit inalis ka ni Jarred Molina sa work group ng Group 3? Ano ba nangyari sa inyo?” Usisa ng kaibigan kay Hara.
“Wala.” Sagot ni Hara. Ayaw niyang pag-usapan ng buong detalye. Dahil masakit sa parte niya ang nangyari ngayon na tila ba'y tinapakan ng ilang beses ang pagkatao niya.
“Hindi ba gumana ang bitag na pang-aakit?” Minsan ay matalino talaga si Sabby, “Nararamdaman ko na noon pa lang na hindi uubra ‘yang bitag na ganyan sa katulad ni Sir Gabriel na isang mabait at hindi makasarili!” Pagtatanggol ng kaibigan.
Pinigilan ni Hara ang bibig at biglang gustong tumawa, “Mabait siya at hindi makasarili?” Hindi makapaniwalang tanong niya kay Sabby.
Ang taong iyon ay halos durugin siya kagabi. Halos hindi siya makalakad sa ginawa sa kanya ni Gabriel. Isang mabait at hindi makasarili? Kung hindi siya makasarili, dapat inisip niya rin ang mararamdaman ni Hara dahil sa pagiging agresibo niya.
“Sinasabi ko lang ang mga pinapakita niya sa mga tao! Si Mr. Dela Valle ay may girlfriend at ang sabi-sabi ay ilang taon na silang nagmamahalan.” Nagulat si Hara sa mga narinig. Kaya pala niyang magmahal?
Agad na natampal ni Hara ang noo. May girlfriend si Gabriel? Kung mayroon nga, ano iyong nangyari kagabi? Tawag ng laman lang ba? Sabagay, halos hindi nga siya pansinin ni Gabriel e, na parang normal lamang ang lahat.
Hindi naman na nanadya ang mga sinabi ni Sabby, ngunit may naalala si Hara sa numerong tattoo ni Gabriel sa kanyang collarbone.
"0825" mahinang bulong niya sa sarili.
'maliwag na ito ay petsa' bulong ng dalaga sa kanyang isipan.