THIRD PERSON POV
“Ito na ba talaga yun? Ito kasi yung lugar na nakita ko sa online kaya siguradong dito yun. Nandito rin siguro si Daddy.” Masayang saad ng isang bata habang nakatingin sa harap ng kompanya ng Dela Vegas group.
“Where can I find him? ang lawak lawak naman nito tapos and there’s a lot of people here.” nakanguso niya ng saad, inayos niya naman ang maliit niyang bag pack saka inilibot ang paningin sa paligid. Bawat tao na dumaan sa harap niya ay tinitingnan niya baka sakaling makita niya ang taong hinahanap niya.
“I am very sure that this is the place, but how can I find them?” nakanguso pa rin niyang wika habang nakatingin na sa mataas na building sa harapan niya.
Ilang minuto na rin siyang nakatayo sa labas pero hindi pa rin niya nakikita ang mga taong hinahanap niya. Napatingin na lamang siya sa bolang hawak hawak niya.
“Paano ko sila makikita?” kausap pa niya ri
“Don’t do that again, sa ngayon naging maayos ka kahit wala kang kasama pero hindi na natin alam sa susunod. Huwag na huwag mo ng uulitin yun.” Tumango naman ng tumango ang anak niya. Napatingin naman sila sa pintuan ng bigla itong bumukas. Napatayo naman si Trina saka bahagyang binatukan si Louie na kararating lang. “Bakit mo pinabayaan yung bata? Una hindi ka nagpaalam na pupunta kayo rito, pangalawa hinayaan mong umihi ng mag-isa sa cr at pangatlo natakasan ka ng maliit at musmos lang na bata!” may diin niyang saad dito, ayaw niyang ipaalam sa anak na naiinis ito kay Louie na siyang naiwan para mag-alaga kay Chris. “Sorry naman, kasalanan ko bang masyadong matalino yang anak mo.” sagot niya naman dito. Napadaing na lamang si Louie ng kurutin siya ni Trina. “Chris, you should say sorry to your Daddy Louie. Mali ang ginawa mo.” baling niya naman na sa anak niya. Inosente namang tiningnan ni Chris si Louie. “I’m sorry Daddy, I will not do that again.
TRINA POV “Mommy kailan ko po pwedeng makita si Daddy?” tanong sa akin ni Chris habang nagkakape kaming dalawa dito sa kusina. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Paano ko ba siya maipapakilala? Maging si Daddy ay hindi niya alam ang tungkol sa apo niya. Laman ng balita ngayon si Darren dahil sa pagiging magaling niyang batang CEO lalo na ngayon na malapit ng i-turn over sa kaniya ang pagiging chairman ng kompanya. “Mommy?” muling tawag sa akin ng anak ko. “Ah, hindi ko pa alam anak. Masyado pa kasing busy ang Daddy mo, siguro kapag okay na ang lahat, kapag hindi na busy ang Daddy. Pwede ba yun?” “Oo naman po,” nakangiti niyang saad, simula ng magtanong siya tungkol sa Daddy niya ay hindi ko naman iyun inilihim. Sinabi ko na lamang sa kaniya na busy pa ito sa kompanya kaya hindi namin nakakasama. Tanging sa pictures pa lang niya nakikita ang Daddy niya. Hindi naman sila siguro magtatanong tungkol sa bata, si Chris l
Naupo naman na ulit ako para ituloy ang mga gawain ko. Ramdam ko naman ang pagpasok ulit ni Darren saka tumayo sa harap ko. “Tapos mo na ba ang report mo? kukunin ko sana ngayon.” saad niya naman, hindi naman ako umimik saka kinuha ang isang folder sa drawer ko. Iniabot ko naman iyun sa kaniya. “Nakalimutan kong ihatid sayo kanina dahil inuna ko na ito.” wika ko. “It’s okay, gusto ko lang naman basahin. Let’s have a lunch together later.” Napatingin naman ako sa kaniya sa sinabi niya. Napataas ang kilay ko sa kaniya pero nanatiling blangko ang mukha niya. Wala naman siyang imik na lumabas ng opisina ko. Naiwan pang bahagyang nakanganga ang bibig ko. Anong nakain nun? Inaya akong maglunch kasama niya? may sakit ba yung lalaking yun? Wala naman siyang nasabi na may kailangan kaming pag-usapan para magsabay kaming kumain mamaya. Napailing na lamang ako, bakit ba ako naapektuhan sa mga sinasabi ng lalaking yun? Wala namang masama kung kakain kaming dalawa
“Are you ready?” tanong sa akin ni Louie ng makapasok siya ng kwarto ko. Kanina pa ako tapos, nakaharap lang ako sa salamin habang tinitingnan ang repleksyon ng mukha ko. Iniisip ko rin yung mga sinabi sa akin ni Darren, ewan ko pero naguguluhan ako. Ang simple lang naman ng mga tanong at mga sinasabi niya pero parang ang hirap sagutin. Napabuntong hininga na lamang ako saka ko tinanguan si Louie. “Dun na tayo sasakay sa sasakyan ko, mamaya pa naman ang simula ng event.” Tanging tango na lang ang naisagot ko sa kaniya. Napatingin na lang ako sa kaniya sa salamin ng hawakan niya ang dalawa kong balikat. “You’re so beautiful Trina, kaya siguro hindi ako makahanap ng ibang babae dahil sayo.” pabiro pa niyang saad kaya inirapan ko siya. “Oo nga, hindi mo pa kasi ako sinasagot eh.” “Napag-usapan na natin ang tungkol dito Louie.” “I know pero kasal lang naman kayo sa papel ah? But don’t worry hindi naman ako nagmamadali, handa akong maghintay.
“Well, you’re right anyway. Siya nga pala, hindi ka ba busy sa susunod na araw. Palagi ka kasing busy kapag pinupuntahan kita sa kompanya niyo eh.” Parang nahihiya pa niyang saad, inisip ko naman kung marami ba akong gagawin sa susunod na araw pero hindi ko pa naman malalaman iyun ngayon.“I don’t know, why?” tanong ko sa kaniya baka kasi may gusto lang siyang sabihin sa akin.“Kung pwede ba kitang makausap kahit saglit lang.”“Itext na lang kita kapag wala akong masyadong gawa tapos sabihan mo na lang ako kung saan tayo magkikita.”“Really?” tumango naman ako sa kaniya na ikinangiti niya. Nag-usap usap pa kami tungkol sa ibang bagay habang nakamasid sa paligid namin. Palagi na lang ganito ang nangyayari kapag dumadalo kami ng party. Sa umpisa kaunting pagbati lang at pasasalamat pagkatapos naman ay bahala ka na kung sino ang kakausapin mo. Muli akong sumimsim sa hawak kong wine, naka
Muli akong napabuntong hininga. Iniisip ko yung nangyari kagabi, hindi man lang ako nakapagpasalamat kay Darren sa ginawa niya. Bigla na lang kasi akong hinila ni Louie saka inihatid sa bahay. Nakapagpasalamat man lang sana sa ginawa niya sa akin. Inalis ko naman na iyun sa isipan ko saka muling ginawa ang mga trabaho ko. Kailangan ko pang puntahan mamaya ang mga models ng kompanya. Abala ako sa ginagawa ko ng may tumawag sa cell phone ko. “Hello?” sagot ko kay Janet ng siya ang tumawag. “Trina,” mahina at parang nag-aalala niyang saad kaya napaayos ako sa kinauupuan ko. “May problema ba?” malumanay kong tanong sa kaniya. “Kasama ko kasi ngayon si Chris.” “Then?” “Eh kasi.” Hindi pa niya matuloy ang sasabihin niya kaya nakaramdaman nanaman ako ng inis. “Ano ba Janet. Diretsuhin mo na ako, bakit ba ang hilig mong mambitin sa mga sasabihin mo?” inis kong saad sa kaniya. “Daddy!” nagsalubong na lang ang kil
“Paano mo ba malalaman? Kapag ba sinabi ko sayong may anak ako ngayon maniniwala ka? kapag ba ipinakilala ko sayo si Chris bilang anak mo, paniniwalaan mo ba ako? ni wala ka ngang maalala Darren eh. Wala kang maalala sa akin kaya paano ka maniniwala na nagkaroon tayo ng anak? ayaw kong saktan si Chris, kilala ka niya pero ang sarili niyang ama ay hindi siya kilala. Ngayon, sabihin mo sa akin kung paano ko ipapakilala o sasabihin ang tungkol kay Chris? Wala kang maalala Darren.” Wika ko sa kaniya, natahimik naman siya sa sinabi ko. Totoo naman yun lahat, balak ko namang sabihin yun sa kaniya eh dahil gustong gusto na siyang makita at makilala ng anak namin pero simula ng malaman kong wala siyang maalala sa akin ay sinabihan ko si Louie na manatili na lang muna si Chris sa Paris, isama mo pa ang ugali niya.“I understand pero sana man lang sinabi mo sa akin ang tungkol sa kaniya ng malaman kong mag-asawa tayong dalawa.”“Para saan pa Darren?
THIRD PERSON POV Abala sa pagpipirma ng mga papeles at pagbabasa ng report si Trina ng may kumatok sa pintuan niya. “Come in,” anas niya rito ng hindi tinitingnan. Gusto niyang ituon ang buo niyang atensyon sa trabaho niya dahil wala siyang matatapos kung iisipin pa rin niya ang mga personal niyang problema. “Totoo ba? totoo ba talaga ang nalaman ko?” rinig niyang tanong. Napatingala naman siya at sumalubong sa kaniya ang nakakaawang itsura ng kapatid niya. “Sabihin mo sa akin Trina, totoo ba?!” inis niyang sigaw dito. Binitawan naman na muna ni Trina ang hawak niyang ball pen saka hinarap ang kapatid niyang malapit ng umiyak. “Ano bang nalaman mo?” blangko niyang tanong dito. Ayaw niya ng makipagtalo pa dahil marami pa siyang iniisip. “Totoo bang nagkaanak kayo ni Darren? Totoo bang sa kaniya talaga ang batang yun?” kagat labi niya na ang pang-ibaba niyang labi dahil sa pagpipigil niya ng luha. “Hindi ko naman iyun ik