Share

Not me...

Penulis: Huan_Li18
last update Terakhir Diperbarui: 2023-11-20 10:22:34

“S-Stop, OMG!” Sigaw ko ng patuloy lang sila sa pagsusuntukan, walang gustong magpaawat sa kanila dahil pareho na silang lasing. May iilan na gustong pumigil but walang magawa, mabuti nalang ay dumating rin agad ang mga bouncer.

“F*ck you, what is your problem!” Sigaw ng lalaking kahalikan ko kanina.

“Don’t point your finger at me, how dare you lay your fucking dirty hands on her?!” Hanggang ngayon ay galit na galit pa rin siya habang sinasabi iyon, hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o ano sa ginagawa at sinasabi niya.

“Totoo po ba na asawa nyo sya, Ms.?” Tanong sa akin ng isa sa bouncer, agad naman akong napalingon sa kanila na naghihintay ng sagot.

Umiling ako, “No, sa tingin ko ay lasing lang siya. Wala akong asawa, actually mag-isa ko lang pumunta dito.”

Kita ko kung paano mamutla ang mukha niya, parang hindi makapaniwala sa narinig. “N-no, what are you saying. It’s me, your husband!”

Akmang hahawakan niya ako ng sinampal ang kamay niya, “Please don’t touch me, Mister.” Hindi ko mapigilan na magtunog nandidiri, dahilan para humarang ang bouncer sa pagitan namin.

“Sorry, Sir. Pero hindi daw po niya kayo kilala, hindi naman tino- tolerate ang gulo sa bar na ito. Please lumabas nalang po kayo, kung ayaw nyo po na tumawag pa kami ng pulis.” Magalang na pakiusap ng bouncer.

Tumingin siya sa akin, grabi ang titig niya na parang gusto niya akong tunawin.

“But I’m telling the truth, that woman is my wife---”

“Jake?!” Isang boses ng babae ang nagmamadali na tumatawag sa pangalan niya, napaka inosente ng mukha. “Anong ginagawa mo dito, bakit ka nagsisimula ng away?” Tanong niya at tumingin sa amin, “I’m so sorry, galing kasi kami sa isang party at bumili lang ako saglit ng gamot for hang over tapos nawala na sya.” Paghingi ng sorry ng babae.

“Ganoon ba ma’am, bigla nalang kasi siyang nanununtok ng customer. Ikaw po ba ang asawa niya?” Paglilinaw ng bouncer.

Sa hindi malamang dahilan ay napigilan ko ang aking paghinga, tumingin ako sa babae at naghintay ng sagot.

Unti-unting gumalaw ang ulo niya at tumango, “ako nga, pasensya na talaga sa gulo. Kung may nasira man siyang gamit we can talk it out para mabayaran, sana hindi na umabot sa police?”

Tanging mag papatunog nalang ng dila ang nagawa ng lalaking kanina ay kasama ko, “just make sure hindi na uulit ‘yang asawa mo, nakakasira sya ng araw.” Sabi niya, sino nga ba ang makakatanggi sa napaka inosente na babaeng kaharap namin.

“T-thank you.” Yumuko siya at inalalayan na palabas si Jake.

Kita ko kung paano yumakap ang mga braso niya sa bewang ng babae, pagak akong napatawa ng mahina. Paano niya nagagawang isigaw na asawa niya ako, kung makita ang mukha ng babaeng kasama niya ngayon ay mabilis niya akong nakakalimutan…

Agad akong napailing at tumingin sa lalaking kahalikan ko kanina, hinaplos ko ang pisngi niya at labi, “should we go to the hospital?” Malambing ko na tanong.

Umiling siya, “No, I should better get home.” Nawala ang malandi niyang boses, nakatingin siya sa kaniyang wallpaper, isang babae na may hawak na baby.

Oh, he already has a family…

Hinayaan ko siyang iwan ako sa gilid na parang walang nangyari, nagsialisan na rin ang mga nakikitsismis kanina at tinuloy ang kanilang ginagawa.

“Are you okay, ma’am?” Tanong ng bouncer sa akin.

“Yes, thank you.” Maikling sagot ko.

Hindi naman na ulit nila ako kinausap at tulad ng iba at bumalik sila sa sarili nilang mga ginagawa, naiwan akong mag-isa doon… Damn, I shouldn’t go here in the first place.

Walang gana akong bumalik sa kwarto ko at naligo, tinanggal ko ang naiwan na perfume sa akin ng lalaking kasama ko kanina. Bakit ba kahit saan ako pumunta ay wala akong makilalang matino, kahit ka-one-night stand ko ay may sabit pa rin.

Ntatawa akong tumingin sa repleksyon ko sa salamin at hinaplos ang kiss mark na iniwan niya, kahit anong bura ko sa amoy niya ay may bakas pa rin ng pagkakasala sa asawa at anak niya…

Napahawak ako sa aking tiyan, parang pinipilitin ang mga bituka ko. Wala pa man na isang araw ay gusto ko ng bumalik sa ibang bansa, ayaw ko ng mag-stay dito.

Kahit basa pa ang buhok ko ay binagsak ko na ang katawan ko sa kama, sa mga oras lang na iyon ako nakaramdam ng pahinga. Wala pa nga isang araw ang lumipas ay nagkita na agad ang landas naming dalawa, ganoon ba kaliit ang mundo para sa amin…

Mariin kong pinikit ang aking mata, muli kong naalala ang inosenteng mukha ng babae. Iyon ang unang beses na makita ko siya, malayong-malayo sa babaeng inaakala ko na ipapalit niya sa akin…

Tumagilid ako para yakapin ang unan na nasa gilid, hindi ko dapat sinasayang ang oras ko para isipin siya… It’s been years, kung ano man ang meron siya ngayon ay labas na ako doon.

~

“Good morning!” Masiglang bati sa akin ni Raziel paglabas ko ng building, nakasandal siya sa kotse habang suot ang shades niya.

“Grabe ang taas ng araw, silaw na silaw ka.” Biro ko, “good morning.”

“Hey, it’s called fashion.” Napasimangot niyang sabi at pinagbuksan ako ng pinto, “ready ka na ba sa meeting mamaya, bakit parang puyat na puyat ka.”

Muntik ko ng mapaikot ang mata ko, mabuti nga saan kung sa paghahanda para sa meeting ang dahilan bakit ako napuyat.

“Hindi naman, nanibago lang siguro ako sa bago ko na kwarto.” Pagsisinungaling ko.

“Oh, pero sabi mo ay hindi ka mapili sa tinutulugan mo…” Sagot niya dahilan para samaan ko siya ng tingin.

Tinawanan lang naman niya ako at nag drive na, ilang minuto lang naman ang byahe namin bago kami makarating sa meeting place. Isang restaurant kung saan may VIP reservation ng hinanda ng client namin.

Pagpasok palang namin ay masigla na kaming sinalubong ng host, “Hello, ma’am and Sir. Do you have a reservation?”

“Yes, under Ms. Lazaro.” Maikling sagot ni Raziel.

“Oh, then please come with me.” Sinamahan niya kami kung saan ang room, “nasa loob na po sila Ms. Lazaro, you can come in.”

“Okay, thank you.” Sa pagkakataon na iyon ay ako na ang sumagot.

Umalis rin naman ang host, kumatok ng tatlong beses si Raziel bago niya buksan ang pintuan. Tulad nga ng sabi ng babae ay andoon na sila, pareho kaming napatigil ng babae na nakaupo. It’s her, the woman last night.

“H-hello.” Awkward niyang bati sa amin, “come in.” Dagdag niya at tumayo.

“You don’t have to stand, Ms. Lazaro.” Pigil naman ni Raziel sa kaniya at pinaghila ako ng upuan, “sit here, Lorain.”

Hindi ako kumibo at naupo lang ng tahimik, ganoon rin naman si Raziel.

“H-Hmm, can we wait a little more? Nagpunta lang saglit sa labas ang partner ko,” Nahihiya niyang sabi.

“Sure, no worries.” Si Raziel muli ang sumagot.

Doon palang ay alam ko na kung sino ang hinihintay namin, Why now? Bakit sa dinami-rami ng client ay sila pa…

“Babe, finally andito ka na. Sila yung napili kong kukunan ng mga textiles for our project, come on sit here!” Napakalambing ng boses niya.

Tuwing naririnig ko iyon ay sumisikip ang dibdib ko…

Inangat ko ang tingin ko sa kauupo lang na lalaki, “Hello.” Bati ko sa kaniya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • CEO's regret; wants to take her back!   Susuko na ako

    Jake’s POV“Pipiliin na samahan ka kahit anong mangyari.” Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko kung gaano kapuno ng pagmamahal ang mat ani Raziel habang nakatingin kay Loraine, gusto kong iiwas ang tingin ko.Pero may part sa akin na gusto kong panuorin sila ng mas matagal pa, masakit. Pero, kahit paano ay nakaramdam ako ng kagaanan ng loob ko. “She deserves him more.”Agad akong napayuko ng mapagtanto ang salitang pinakawalan ko, mabilis kong pinahid ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa mata ko.“I’m so lame.” Natatawa kong bulong at napailing.Huminga ako ng malalim at marahan na kumatok sa pintuan, ito na ang oras na dapat pare-pareho naming harapin ang katotohanan. Kailangan ko ng tanggapin na hanggang dito lang talaga ako sa buhay ni Lorain at si Raziel na ang bago niyang kasama sa bagong pahina.Awkward na napatayo si Raziel, napailing-iling siya na parang sinasabi sa akin na wala siyang ibang magawa kundi ang sirain ang usapan naming dalawa.Lumakad ako malapit sa kanil

  • CEO's regret; wants to take her back!   Ano nga ba tayo?

    Pinagsiklop ni Raziel ang dalawa niyang kamay at naupo ng maayos, “hindi ko alam kung tamang desisyon na sabihin ko sa’yo ang lahat, wala si Jake dito na alam ko’ng mas gusto mo na marinig ang katotohanan sa kaniya higit kanino.”May sakit na dumaan sa mata niya, gusto ko na sabihing mali siya pero hindi ko nagawa na magsalita. Kahit na gustong-gusto na tanungin siya kung bakit ganoon nalang siya masaktan tuwing babanggitin ang pangalan ni Jake.“Wala akong problema kahit sino ang magsabi sa akin, ang mahalaga ay malaman ko kung ano ang totoo.” Mabilis ko na iniwas ang tingin sa kaniya, merong part sa akin na ayaw kong makita pa ang kung anong emosyon na pwede kong makita sa mukha niya.“Is that so?” Maikling tanong niya na parang inaasahan na niya ang sagot ko na iyon, “pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang side ni Jake,” ramdam ko ang titig niya sa akin, “siya ang nakasama mo, siya lang ang nakakaalam kung paano ipapaliwanag ang lahat ng maayos.”Tumango ako bilang pag s

  • CEO's regret; wants to take her back!   Sino siya sa buhay ko

    Hindi huminto ang kamay ko sa panlalamig at panginginig, ano pa ang hindi ko alam tungkol sa akin? Simula ba noong una ay tama akong may tinatago si Jake sa akin, at ayaw niyang malaman ko ang katotohanan?Bakit hindi ko na gamit ang apilyido niya kahit suot ko pa ang wedding ring naming dalawa, panaginip ko lang bai tong lahat? Hanggang ngayon ba ay nakakulong pa rin ako sa isang bangungot?Nanatili akong nakayuko at pilit pinoproseso ang isang bagay na nalaman ko, kahit luha ay ayaw ng pumatak sa sobrang halo-halo ng nararamdaman ko. Maging katawan ko yata ay naguguluhan na kung dapat ba akong malungkot o magalit, dahil ako mismo ay hindi ko alam.Lumangitngit ang pintuan, patunay na may dumating. Pero hindi ko magawang tignan kung sino ito, dahil natatakot akong pag angat ng mata ko ay mukha ni Jake ang makita ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, natatakot ako sa kung ano ang masabi o magawa ko.“Lorain,” halos mapaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Raziel habang naglalakad

  • CEO's regret; wants to take her back!   Hilton?

    Alas-dyes na ng gabi, pero walang Jake na dumadating. Ilang beses ko na rin na sinabihan si Raziel na iwan na lang niya ako, pero hindi rin siya umaalis, nanatili siyang tahimik na nakahiga sa sofa habang ako naman ay sa kama.“Ayos ka lang ba talaga d’yan, pwede ka naman umuwi na. Mamaya lang ay may nurse naman ulit na mag check sa akin, you don’t need to stay here baka mamaya ay and’yan na rin naman si Jake.” Muli akong nagsalita.Alam ko naman kasing gising pa rin siya at hindi ko kinakaya ang katahimikan ng paligid, lalo na at paghinga lang namin ang maririnig. Naramdaman ko naman ang paggalaw niya para tumaligid paharap kung nasaan ako, “ayos lang, hindi naman ito ang unang beses na mag stay ako.”Para akong nanigas sa pagkakahiga, hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma ang pakiramdam ko simula kanina. Hindi ko maintindihan bakit ganito nalang tumibok ng mabilis ang puso ko tuwing tinitignan ako ni Raziel.Mali, Maling-mali na maramdaman ko ang ganito para sa ibang lalaki. Hin

  • CEO's regret; wants to take her back!   This is not me...

    Lorain’s POV“Dahan-dahan, ‘wag mo masyadong biglaan o pilitin ang sarili mo.” Marahan na bulong niya habang inaalalayan ako, parang mas kabado ba siyang masaktan ako.“Raziel, hindi ko pinipilit ang sarili ko. Kumalma ka lang, Hindi ko sasaktan ang sarili ko.” Natatawa kong sabi, siya ang kasama ko ngayon sa rehabilitation ko sa paglalakad. Dapat ay si Jake pero umang-umaga palang ng tumawag ang secretary niya dahil nagkaroon ng emergency sa company.“H-Hindi naman iyon ang ibig ko na sabihin, baka lang mabigla ang muscle mo. Maybe mas maayos siguro kung ang nurse ang tutulong sa’yo, kinakabahan talaga ako.” Muli niyang sabi dahilan para hindi ko mapigilan ang sarili ko na tuluyang matawa.“Raziel, hindi ko akalain na ganyan ka pala.” Tawang-tawa kong sabi, dahilan para mamula naman ang tenga niya pati ang mukha at leeg.“Natatakot lang ako na baka mas lalo ka ma-injured, anong alam ko kung tama ba ang ginagawa natin. Sabi nung nurse babalik agad siya, bakit ang tagal naman yata.” Pa

  • CEO's regret; wants to take her back!   Lihim ni Jamie

    John’s POV“What do you think you are doing here, John? Hindi ko alam kung mayroon pa bang dahilan para magpunta ka rito, tapos na ang project para sa bridal fashion show at wala na rin ang kasal namin ni Jake.” Mataray na tanong ni Jamie pagpasok niya sa kaniyang office.“Well, tama ka naman doon. Pero mag-usap tayo, may gusto akong sabihin na maging dahilan na pwedeng maging dahilan ulit para magkaroon ng meeting sa pagitan nating dalawa.” Makahulugang sabi ko habang nakangisi.Kitang-kita ko sa mukha niya ang stress, naiintindihan ko iyon. Sino nga ba ang hindi kung bigla kang iwan sa ere ng lalaking pinagkatiwalaan mo, hindi alam ni Jake kung sino ang sinasayang niya.“At ano naman iyon para maging dahilan ng pagkakaroon ulit ng dahilan para mag meeting kayo? Sa pagkakaalam ko ay wala namang kailangan talaga ang pamilya namin sa inyo, so what can you offer para hayaan kong maglabas at pasok ka ulit dito sa company ko?” Walang pakundangan saad niya sa akin, kumpara noon ay iba na a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status