Share

Sino siya sa buhay ko

Hindi huminto ang kamay ko sa panlalamig at panginginig, ano pa ang hindi ko alam tungkol sa akin? Simula ba noong una ay tama akong may tinatago si Jake sa akin, at ayaw niyang malaman ko ang katotohanan?

Bakit hindi ko na gamit ang apilyido niya kahit suot ko pa ang wedding ring naming dalawa, panaginip ko lang bai tong lahat? Hanggang ngayon ba ay nakakulong pa rin ako sa isang bangungot?

Nanatili akong nakayuko at pilit pinoproseso ang isang bagay na nalaman ko, kahit luha ay ayaw ng pumatak sa sobrang halo-halo ng nararamdaman ko. Maging katawan ko yata ay naguguluhan na kung dapat ba akong malungkot o magalit, dahil ako mismo ay hindi ko alam.

Lumangitngit ang pintuan, patunay na may dumating. Pero hindi ko magawang tignan kung sino ito, dahil natatakot akong pag angat ng mata ko ay mukha ni Jake ang makita ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, natatakot ako sa kung ano ang masabi o magawa ko.

“Lorain,” halos mapaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Raziel habang naglalakad
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status