Nawala ang galit na ekspresyon sa mukha ni Ace kanina at walang pagdadalawang isip na pumayag.
“Sige.”
Walang pag aatubiling tumalikod si Ace matapos ang usapan nila ng anak nito. Mabilis na naglakad palayo.
Muli, mas pinili ang anak nito kay Belle at nakalimutan ang anak niyang si Sisi.
Pumanhik pabalik si Ashley sa silid ng kanyang anak. Kunuha ang urn at mahigpit iyong niyakap sa kanyang pagkabalisa. Tahimik at marahang hinahaplos iyon sa kanyang mga bisig.
Simula ng bumalik si Belle kasama nito ang anak nilang si Vinice ay naging pangalawang priyoridad na lang sila ni Sisy. Kahit gaano man kaabala sa trabaho si Ace o kalalim ang gabi basta may tawag mula sa mag ina niyang Belle at Vinice ay wala itong pagdadaawang isip.
Wala siyang pakialam kung hindi siya pagtuunan ng pansin ni Ace pero naawa siya sa anak niya. Matiyaga lamang naghihintay sa pagkalinga ng kanyang ama ngunit paulit-ulit lamang itong sinasaktan ni Ace.
Buti na lang hindi na kailanman masasaktan ang anak niya.
Hindi na, kailanman!
.....
Sa unang Ospital sa lungsod ng Quirino, sa pribadong silid. Marahang binuksan ni Ace ang pinto ng silid.Nagulat pa si Belle ng makita siya at napatanong. “Bakit ka nandito? Diba sinabi mo na pupuntahan mo ang anak mo kay Ashley para sa nakaraang birthday nito?”
Matapos tanungin iyon ni Belle ay makahulugang tinignan nito ang anak. “Vin, tinawagan mo pa ang papa mo-.”
“Papa…”
Patalon pang yumakap si Vinice kay Ace. Umangat ang tingin na namumula ang mga mata. Naiiyak na naglalambing na nagsalita. “Kung wala si papa sa tabi ko, matatakot si Vinvin.”
Marahan namang niyakap ni Ace ang anak. Masuyong hinahaplos ito sa likod para aliwin na nakatingin kay Belle. “Limang taon lamang si Vinice kaya natural lamang na nakakatot ito kapag may sakit. Wala akong ibang pupuntahan ngayon kaya dito lang ako sa kanya. At tungkol naman kay Sisi…Marami pang pagkakataon na mailabas ko siya.”
Dahil sa nabanggit nito si Sisi ay naisip ni Belle ang kalagayan ni Vinice. “Ace, maraming salamat. Nakahanap ka ng katugma ng bato ni Vin. Kung hindi dahil sayo, magiging… ang anak natin.”
Habang sinasabi iyon ay hindi niya mapigilan ang kanyang luha at gustong maiyak.
“Habang nandito ako ay hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa kanya.” pangako ni Ace sa mahinang tono.
“Ace, mabuti na lang talaga nandito ka.” sabi pa nito na marahang sumandal sa balikat ni Ace.
Pinayapa ni Ace sa pagtapik sa likod si Belle at ng sinubukang naman ibalot ni Belle ang kamay sa baywang ni Ace ay agad naman itong umiwas. “Kakausapin ko lang ang mga Doktor na may hawak sa kondisyon ni Vinice. Pwede mo siyang ilabas muna at pupuntahan ko na lang kayo mamaya.”
“Papa, bilisan mo.” matinis na matamis na sabi ni Vinice kay Ace bago ito lumabas ng silid na agad sumakay ng elevator na siya namang pagbukas sa kabila na lumabas doon si Ashley na nagmamadali.
Deretso siya sa opisina ng doktor ng anak niya.
“Miss Diaz, hindi ka pwedeng pumasok.”
Hindi pinansin ni Ashley ang pagpigil ng nurse sa kanya at pilit paring pumasok.
Mabilis siyang nakalapit sa doktor. Namumula ang kanyang mga matang nakiusap sa doktor. “Doktor Castro, sabihin mo sa akin. Sino ang umagaw ng kidney donor ng anak ko.”
Kung hindi dahil sa may umagaw ng kidney donor ng anak niya ay hindi sana ito mamamatay.
“Doktor Castro, nakikiusap ako.”
Narinig niya ang pagbuntong hininga ng doktor kaya siya napaluhod. Gagawin niya ang lahat para lamang malaman ang katotohanan.
“Miss Diaz, hindi ko talaga alam.” tumayo si doktor Castro sa kinauupuan at tinulungan siya sa pagtayo.
Nakatingin sa kanya ang doktor. Nagpakawala ng malalim na paghinga ng makita ang kalagayan niya. Ang bigla niyang pagngangayat sa paglipas lamang ng ilang araw.
Naawa ang doktor sa kalagayan niya. Amg anak nito na nagihintay sa donor ng kidney nito pero ninakaw lang iyon sa mismong gabi ng operasyon nito at doon na mismo ito namatay.
Napakagandang bata at nakapakabait, namatay lang ng ganun.
Bilang isang ina ay talagang hindi katanggap-tanggap.
Pero, hindi talaga alam ng doktor.
Narinig na lang niya na ang anak ng isang mayamang negosyante ay may pagkakatugma…
Pero hindi naman niya iyon masabi dito.
Walang nakuhang kasagutan si Ashley kaya mabigat ang pakiramdam na lumabas sa opisina ng doktor.
Habang naglalakad ay hindi niya napansin ang maliit na pigurang mabilis na tumatakbo palapit sa kanya. Nais niyang abutin ito bago tuluyang matumba pero bago pa man niya ito mahawakan ay may humampas sa kamay niya.
“Huwag mong hawakan ang anak ko.”
Si Belle. Belle Pagbilao.
Binawi ni Ashley ang kamay at kalmadong tumingin dito. Nakita niya kung paano nito protektahan sa mga bisig nito na para ba siyang kaaway. “Kung galit ka, sa akin ka magalit. Huwag sa anak ko. Bata lamang siya kaya huwag kang magalit sa kanya.”
Sarili lang din nito ang kinakausap.
Dahan dahang tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. Hindi na niya kailangan tumingin sa paligid para malaman na nasa malapit lang si Ace kaya ito ngayon umaarte na para bang sasakytan niya ang anak nito.
At hindi siya nagkamali.
Pagkasabi pa lang iyon ni Belle ay agad niyang narinig si Ace mula sa likuran niya.
“Ashley, ano na namang kabaliwan ito?”
Inilang hakbang lamang ni Ace ang pagitan para makalapit sa mag ina nito. Nasa mga mata nito ang pagbabanta na nakatitig sa kanya habang nasa likuran na nito ang mag ina.
Ang makita niya kung paano protektahan ni Ace sina Belle at Vinice ay nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Mahigpit niyang naikuyom ang mga kamao.
Ang sadya lamang naman niya ay ang pagkamatay ng kanyang anak kaya hindi na siya nakipagtalo sa mga ito. Tumalikod siya at handa ng umalis pero hindi nakaligtas sa paningin niya kung paano yumakap si Vinice sa hita niya na nagpapaawa. “Papa dahil ba sa hindi ka nakadalo sa kaarawan ni Sisi kaya galit ngayon sa akin si Tita Ashley?”
Nanlamig ang pakiramdam niya sa narinig.
Ang eksena ngayon sa harapan niya ay nagpaala sa kanya kung paano unang magkakilala ang anak niya at si Vinice.
Nahulog sa pool si Vinice na agad namang sinakluluhan ni Ace. Sa oras ding iyon ay umiiyak na humihingi ng tawag si Vinice kay Sisi. “Sisi, hindi ka ba masayang kasama ako? Patawad kung hindi ako karapatdapat.”
Humihingi ito ng tawag na para ba nitong ipinapahiwatig na sinadya ni Sisi na itulak ito sa pool.
Galit na galit si Ace at hindi man lang pinakinggan ang paliwanag ni Sisi. Pinagalitan at pinaruhasan na tumayo sa labas ng mag isa para isipin ang pagkakamali.
Ilang oras itong nakatayo sa labas at wala man lang pakialam si Ace.
Sa araw ding iyon ay nagkasakit ito at mataas ang naging lagnat nito ng tatlong araw at tatlong gabi.
Nang magising ito isang gabi ay hindi ito mapigil sa pag iyak at kinumbulsyon. “Mama, naniniwala ka sa akin, diba? Hindi ko naman itinulak si Vinice. Siya mismo ang nagtulak sa akin at nalaglag siya mismo sa pool. Hindi ko talaga siya itinulak, hindi.”
“Huwag ka ng umiyak, tahan na, naniniwala ang mama sayo.”
Niyakap niya ang kanyang anak at pinakalma ito ng paulit ulit pero patuloy lamang ito sa pagiyak. “Bakit hindi naniniwala si papa sa akin?” at ang mismong nakakapagpalungkot dito ay ang pinakamamahal niyang ama ay hindi naniniwala sa kanya.
Ang mga alaalang iyon ay naging mas malamig ang naging tingin ni Ashley kay Vinice.
Dahil sa takot ni Vinice sa naging tingin niya dito ay pumalahaw ito ng iyak. Agad namang hinarang ni Belle ang mga tingin niya sa anak nito. “Ashley, kung galit ka ay huwag…”
Tumaas ang kamay niya at hindi mapigilan ang sariling sampalin si Belle ng ilang beses.
“Smack!”
“Smack!”
“Smack!”
“Ashley, nababaliw ka na ba talaga?”
"Nasaan ka, Asha?" Mahinang tanong na lumabas sa bibig ni Ace habang nakatingin sa DNA test ng bangkay na nakuha kasama ng kotse nitong sumabog. Hindi si Ashley ang sakay ng kotse pero ang tanong niya ngayon ay saan nagtago si Ashley? Hindi rin niya matawagan si Ashley at talagang pinangatawan nito na siya ang namatay sa pagsabog. Dahil hindi pa napagtanto kung sino ang may gawa ay nakisali na rin siya sa pagtatago ng katotohanan at siya na mismo ang humarap sa media para sabihin at kompermahin na si Ashley nga ang namatay. At habang wala si Ashley ay nagpatuloy ang kaso laban kay Belle hanggang sa masentensyahan na ito ng tatlumpot taon na pagkabilanggo sa mga kasalanan nitong nagawa. Nabigyan man niya ng hustisya ang mga kasalanan nito ay hindi na maibabalik ang mga taong mahal niya. Wala na ang kanyang si Sisi at wala na ang kanyang lola Astrid. "Mabubulok ka ngayon sa bilangguan." Galit na sabi pa niya kay Belle ng matapat ito sa kinatatayuan niya kasa
Napansin ni Ashley ang isang lalaki na nang nakaraan pa sumusunod sa kanya, kaya kahit na ayaw niya sanang sumama o pumayag na sunduin at ihatid siya ni Drake sa trabaho ay pumapayag siya dahil sa naramdamang takot sa posebleng gawing masama ng lalaking iyon. Pamilyar sa kanya ang lalaki na minsan na niyang nakita na kausap ni Belle, matagal na rin iyon pero hindi siya pwedeng magmakamali. At posebleng pinapasundan siya ni Belle sa lalaki bago pa man makulong ito. Pero ngayon ay hindi niya kasama si Drake dahil may business trip na naman daw ito. Nagpaiwan naman ito ng magbabantay sa kanya pero tinanggihan niya. Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa kung saan naka park ang kanyang kotse. Hindi niya madalas na dalhin ang kanyang sariling sasakyan ngunit wala siyang choice ngayon kundi ang sakyan iyon papasok. Sa pagsakay niya sa kanyang kotse ay pinaandar iyon, napansin niya sa sideview mirror na umalis na ang lalaki.
"Bitawan niyo ako, wala akong kasalanan." Paulit ulit na sigaw ni Belle ng damputin siya ng mga pulis. "Ace, tulungan mo ako. Wala akong ginawang masama, pakana lahat ito ni Ashley." Dahil sa lakas ng sigaw niya ay nakatawag iyon ng pansin sa lahat ng tao sa ospital sa bawat madaanan nila. Tahimik lamang si Ace na nakasunod ang tingin niya sa papalayong imahe ni Belle na tangay na ng mga pulis na patuloy parin sa pagpupumiglas. Sa hindi kalayuan, may isang taong nakamasid at nagtatago sa isang haligi. Seryoso na nakasunod din ang tingin kay Belle na walang magawa dahil sa pagkakaposas at hawak ng dalawang pulis ang magkabilang braso. "Hindi ka nakikinig sa akin, masyado kang nagpakampante, Belle." Sabi ng lalaking nagkukubli na sumasaksi kung paano tuluyang tangayin ng pulis si Belle. Tila nakaramdam naman si Ace at napalingon sa kung saan nagkukubli ang lalaki. Mabilis na itinago ang sarili nito ng makitang bumaling sa kinaroroonan niya si Ace. "Carlo, pabantayan ang bawat
Nalamam ni Ashley na nasa ospital si Belle dahil tinangka daw nitong magpakamatay sa pagpapahirap ni Ace dito. Bahagya siyang natuwa sa nalaman na pinarusahan ni Ace si Belle ngunit hindi siya natuwa ng malaman na dinala pa ni Ace si Belle sa ospital. Bakit hindi na lang nito hinayaan na mamatay na ng tuluyan si Belle para matapos na ang gulo na sinimulan nito. At dahil sa gusto niyang makita ang kalagayan ni Belle kung paano ito pinaparusahan ni Ace ngayon ay nagpasya si Ashley na dalawin si Belle. "Anong ginagawa niyo dito, ms. Diaz?" Tanong ng isang guard na nagbabantay sa labas ng ward ni Belle. Kunot ang noo niya, bakit kailangan pang pabantayan ni Ace si Belle? "Ms. Diaz, huwag mong pag isipan na ginagawa ni Mr. Mondragon na pabantayan si ms. Pagbilao ay may halaga pa ito kundi dahil sinisiguro lang ni Mr. Mondragon na hindi makakatakas si Ms. Pagbilao at hindi na ulit magtangkang magpakamatay para maipadala na siya sa pulisya at maipakulong." Mahabang paliwanag ng gu
Parang binagyo ang buong bahay sa ginawa niyang pagkalkal ng mga gamit ni Belle para lamamg hanapin ang kwentas na kapareha ng itinatago niya. Hindi naman siya nabigo, sa loob ng halos isang oras na paghahanap ay nahanap niya ang kwentas. Kinuha niya iyon, saka niya inilabas ang kwentas na lagi niyang dala. Isa iyon sa nakalimutan niya noon, hindi kailanman nabanggit ni Belle sa kanya o hanapin ang kapareha ng kwentas na ipinakita noon sa kanya. Dahil hindi alam ni Belle na may kapareha ang kwentas. Dahil hindi kay Belle ang kwentas na ngayon ay malinaw na nakaw lang talaga iyon ni Belle kay Ashley. "Ang galing mong guwa ng kwento, Belle. Pero sapat na ang mga nalaman ko para wakasan ko ang kasinungalingan mo." Galit na galit na sabi ni Ace habang mahigpit na hawak ang dalawang kwentas sa kanyang mga kamay. Hindi na siya nagtagal sa loob ng mansyon. Paglabas niya, ay agad niyang kinausap ang kanyang mga tauhan. "Linisin ang buong mansyon. Huwag kayong m
"Anak?" Pang uulit ni Ace sa sinabi ni Leila. "A-anak niyo si Asha, tita Leila?" "Oo, siya ang nawawala kong anak." "P-paano? Akala ko ay si Belle ang anak niyo kaya sinabi ko sa inyo na pakakasalan ko siya tulad ng ipinangako ko noon, kung ganun ay si Asha ang kasama ko noong nabulag ako at nagbigay sa akin ng kwentas?" Mahabang sabi ni Ace na hindi makapaniwala sa nalaman. "Ninakaw ni Belle ang kwentas na iyon ng mawala si Ashley sa akin. At ng hanapin ko iyon ay sinabi niyang nawala niya kaya hindi ko na iyon hinanap pa." "Asha." Muling nabaling ang tingin ni Ace kay Ashley. Mas lumalim at naging makahulugan ang naging tingin niya kay Ashley. "Ikaw ang batang babae na kasama ko noon, at nagbigay sa akin ng kwentas, sinabi mo na ako ang paborito mong tao maya binigay mo iyon sa akin. Patawarin mo ako, hindi kita nakilala dahil hindi pa kita nakita noon, ang naging basehan ko na lang ay ang kwentas na ibinigay mo sa akin at maalala kita kapag nakita ko ang kap