Sinabi ni Mariya sa kaniyang sarili na hindi siya gagaya sa kaniyang ina. Na hindi siya papasok sa bar para maging bayaran o parausan. Ayaw niyang matulad sa ina niya na naanakan lang nang naanakan at hindi na pinanagutan. Ang hindi napapansin ni Mariya ay naging mas masahol pa siya sa kaniyang ina. Natuto siyang magnakaw para lang maibigay ang pangangailangan ng pamilya niya. Natuto siyang magpagamit sa boss niya kapalit ng malaking pera at ang mas masahol pa sa lahat, naging kabit siya ng boss niya kahit alam niyang may asawa ito na may sakit. Minahal niya si John sa kabila ng ginagamit lang siya nito tuwing kailangan nito ng parausan. Naniwala siya sa pangako ni John na iiwanan nito ang asawa para sa kaniya. Halos mabaliw si Mariya mula sa matinding pagmamahal niya kay John na umabot pa sa puntong pinilit niyang paghiwalayin ang mag-asawa para lang makaganti siya. Hanggang kailan kaya magkakasala si Mariya? kailan niya maiisip na itama ang mga mali? Ipaglalaban niya pa rin ba si John kahit na sa una pa lang ay alam niya na kung kanino ito pagmamay-ari? Hanggang saan siya dadalhin ng makasalanan niyang puso? SINNER
View MoreWalang kasing saya ang dalagang si Mariya matapos niyang matanggap bilang assistant of the assistant sa isang kumpanya. Bagamat maliit na posisyon lang 'yon para sa iba ay malaking Achievements na iyon para sa kaniya.
Panganay sa limang magkakapatid si Mariya at siya lamang ang kaisa-isang nakapagtapos ng pag-aaral kaya naman siya ang inaasahan na magtataguyod sa kaniyang mga puro bata pang kapatid. Si Mariya ay 21, ang sumunod sa kaniya ay 10, ang pangatlo ay 8, ang pang apat 6, at ang bunso naman ay 4. Puro sila babae kaya naman doble kayod si Mariya para maialis niya ang pamilya sa magulong lugar na tinitirhan nila. "Nay, huwag na po kayong mag-alala, mas gagalingan ko pa po. Basta alagaan niyong mabuti ang mga kapatid ko." Wika ni Mariya sa ina niyang abala sa pagluluto ng agahan. "Hindi ka ba muna kakain? Anong oras ba ang pasok mo? intayin mo na ito at baunin mo na lang kung nagmamadali ka." nagmadali itong hanguin ang piniritong itlog at nilagay sa isang tupperwear na may kanin. "Ito lang ang kumasya sa inabot mo noong nakaraan, mamaya problema na ang hapunan. Anak, nahihirapan na akong pagkasyahin sa atin ang kakarampot mong kita. Mamasukan na kaya akong katulong?" "Hindi na, 'Nay. Hindi mo na kaya. Huwag po kayong mag-alala, gagawa po ako ng paraan." "Paano? Anong paraan? eh, kakatanggap mo pa lang sa trabaho?" "Basta, ako ang bahala. Antayin niyo ako mamaya at may kakainin tayong masarap." Matapang at matalino sa buhay si Mariya. Hindi siya basta-basta sumusuko sa problema. Nakayanan niyang makapagtapos ng pag-aaral nang hindi kumakain ng almusal at tanghalian tuwing pumapasok. Tinatabi niya ang kaniyang baon na galing sa pagiging Scholar para ipambili ng kanilang hapunan. Kaya naman si Mariya ay sexy ang pangangatawan nang dahil na rin sa pagpapalipas niya ng kain. __________________ Mariya Maria point of View. Nagmamadali akong pumara ng jeep dahil ayokong ma-late sa trabaho. Sa lahat kasi ng pinagtrabahuhan ko ay ito na ang pinaka okay sa lahat. May libreng pagkain sa pantree at may pa rice allowanace pa. Saan ka pa 'di ba? "Manong, paki abot po." wika ko sa katabi kong pasahero rin sabay abot ng benteng buo. "Salamat!" nakangiting sabi ko pagkatapos. Ako si Mariya at masiyahin akong tao. Palagi akong nakangiti sa lahat ng tao na nasa paligid ko kahit na sa loob ko ay napakaraming lungkot na nakatago. Hindi naging patas ang mundo sa akin. Sa murang edad ay natuto na kaagad akong dumiskarte para lang mabuhay. Lima kaming magkakapatid at magkakaiba ang ama namin. Ito kasing si nanay sa bar nagtratrabaho kaya nagkaganoon at iba-iba kami ng tatay. Tatay na hindi nagpakatatay. Never napanagutan ang nanay kaya lahat kami ay walang nagsusustentong ama. Medyo nakakahiya man pakinggan pero ano ang magagawa namin, 'di ba? Basta ang sinabi ko sa sarili ko ayokong maging kagaya ni Nanay. Hindi ako magpapagamit kung kani-kanino lalo na kung hindi ko naman mahal. Mahirap kami pero hindi ko kayang magtrabaho bilang parausan ng mga lalaking nagloloko sa kanilang asawa. Nakalagay sa sampong utos yon. Huwag kang makiki-apid! Mabalik tayo sa trabaho ko, Nakababa na ako ng jeep at kasalukuyang naglalakad patungo sa mismong building ng kumpanya. Pang limang araw ko pa lang na pumapasok rito pero parang matagal na ako dahil sa dami nang bumabati sa akin. Este nang ngumingiti pabalik sa akin dahil nauuna akong ngumiti sa kanila. Ganito ang dapat na tularan ng mga empleyado. Palangiti. Tulad kong palabati. "Oh, Mariya ang aga mo ngayon, ha? kumain ka na ba? wala namang promotion kapag maaga pumasok." wika ni Dina sa akin. Di na naubusan ng tanong yan sa 'kin. Isa siya sa mga unang naka-close ko rito at sa lahat siya yung parang pinaka mapagkakatiwalaan. "Oo, kumain na 'ko kaya lang nagutom ulit ako. Gusto mo ba ipagtimpla kita ng kape?" "Sure. Ikaw talaga ang inaantay ko kasi masarap ka magtimpla ng kape." "Binola mo pa ako, ha!" Kaagad ko nang ibinaba ang bag ko sa table ko at agad na nagtungo ng pantree. Oo. masipag akong magtimpla ng kape sa kanila. Talagang nagpe-presinta ako hindi dahil gusto ko silang itimpla kung hindi dahil sa isang dahilan pa. "Ito, gusto 'to ni bunso." kaagad kong sinilid ang isang biskwit sa bulsa ko. 'ito. milo! para ito kila Andeng." sunod kong isinuksok sa bulsa ko ang 3 sachet ng Milo. "ito mamaya ko na babalikan." iginilid ko muna ang limang sachet ng Twin pack Coffee at limang cup noodles para mamaya ko balikan. Masyado kasing halatain kung pilit kong pagkakasyahin sa bulsa ng coat ko. "Salamat sa pagtitimpla mo sa amin ng kape araw-araw. Alam mo bang ikaw lang yung ganito dito? buti na lang talaga dito ka sa amin nilagay. Napakasipag mo." puri ni Dina sa akin. "Uyy, ano ka ba? Wala yun noh!" sa isip-isip ko naman ay "hindi niyo lang alam kung bakit. Masipag kasi akong mag-uwi ng pagkain galing pantree para sa mga kapatid ko." hindi ko na isinatinig. Dali-dali ko nang nilagay sa bag ang una kong nakulimbat. Hindi naman siguro ito masama dahil para sa amin naman talaga yung mga pagkain sa pantree. Iyon nga lang, bawal iuwi. Minus 10 na lang ako sa langit. Ang importante ay may kakainin mamaya ang pamilya ko. Naging mabilis kang ang maghapon ko dito. Nalibang ako sa pagxe-xerox ng pagkarami-raming papeles at pagtingin ko orasan ay uwian na. Oras na para ilagay sa bag ko ang tinabi kong mga pagkain. Dali-dali akong nagtungo sa pantree kunwari ay iinom lang ng tubig. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa, no people, sabay suksok sa bag. "Hindi naman siguro malulugi ang kumpanya dahil lang dito." sa loob-loob ko. Tagumpay ang plano ay nakauwi ako sa bahay bitbit ang mga pagkain na kinulimbat ko. Masayang masaya ang mga kapatid ko kahit na biskwit lang at Milo ang hapunan. Panay ang pasalamat nila sa akin. "Ate, ang sarap nito! magkano ang bili mo dito? uuwian mo ba ulit kami bukas?" Tanong ng sumunod sa akin na si Budang. "Oo naman. dadamihan ko pa bukas ang bili. Hindi ko alam na gusto mo 'yan, eh! Bukas niyo na kainin yung Cup noodles, ha! masarap yun, galing Japan 'yun." pagyayabang ko pa. Napangiti na lang ang inay. Alam niya kasi kung saan talaga galing yung mga pagkain na inuuwi ko. Hindi na lang niya sinasabi sa mga kapatid ko dahil wala naman may gustong kumain ng galing sa kupit. Wala lang talaga kaming choice sa ngayon.Sa isang probinsya. Sa bahay ng kaniyang lola pinili ni Mariya na mamalagi at magsimula ng bagong buhay. Sa malayong lugar, malayo sa syudad, pinili ni Mariya na buuin muli ang sarili. Sa lahat nang nakakakilala sa kaniya ay tanging si Ralph lang ang nakakaalam kung saan siya nakatira. Si Ralph na matalik niyang kaibigan. Si Ralph ang tanging tao na ibinigay ang dalawang kamay sa pagtulong sa kaniya. Hindi madali kay Mariya na magsimula ng bagong yugto ng kaniyang buhay dahil dala niya pa rin ang bigat nang pagkamatay ng halos buo niyang pamilya. Hindi madaling tanggapin na mawalan ng mahal sa buhay lalo pa kung sabay-sabay silang nawala. May mga araw na gusto na niyang sumuko. Maraming gabi na iniiyakam niya ang pagkamatay ng kaniyang buong pamilya ngunit dahil sa patuloy na paglaki ng kaniyang tiyan at matapos niyang makumpirma na siya nga ay nagdadalang tao, nagkaroon ng dahilan si Mariya para lumaban sa buhay at magpakatatag. Nawala man ang lahat sa kaniya, mayroon naman si
JOHN DOS ENRIQUEZ POINT OF VIEW Buo na ang desisyon ko na once na maging okay si Zahara ay makikipag-devorce na ako sa kaniya. Hindi ako mababaw para idahilan na dahil lang sa niloko niya ako tungkol sa pagkakaroon namin ng anak ay makikipaghiwalay na ako. No. Hindi lang 'yon. Napagod na lang akong mahalin siya at ngayon, napatunayan ko na totally nawala na ang pagmamahal ko sa kaniya. Hindi lang 'yon basta nawala. Ilang beses akong umintindi, umunawa sa sitwasyon niya, nagpatawad, nagsawalang bahala bago ko naramdaman na tama na. Ilang beses ko siyang pinili pero Ilang beses rin niyang pinatunayan na hindi siya ka-pili pili. Im not to anyone. gusto ko lang makalaya mula kay Zahara. Pagod na ako. Naroon siya ngayon sa isang kwarto sa ospital at hanggang ngayon ay hindi pa nagigising. Naaksidente kami dahil sa kaniya at mabuti na lang talaga ay minor injuries lang ang pareho naming tinamo. Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa iyon ni Zahara habang nagmamaneho ako. Hindi t
ZAHARA ENRIQUEZ POINT OF VIEW Nagising ako nang sobrang sakit ng buo kong katawan. Hindi ko alam kung ano na ang sumunod na nangyari matapos naming maaksidente ni Dos. Basta ang huli ko lang na natatandaan ay naaksidente kami habang nag-aaway kami at hanggang doon na lang. Inilibot ko ang aking paningin at sa tingin ko ay nasa ospital ako-kami ng asawa ko. Naroon siya sa kabilang kama at nakahiga at natutulog. Sa tingin ko ay mukhang minor injuries lang din ang natamo niya gaya ko. Nakahinga ako nang maluwag. "Salamat naman at walang masamang nangyari sa amin." sa isip-isip ko. Pero napakasakit talaga ng buo kong katawan at itong kalamnan ko ay ang pinaka makirot sa lahat. Napahawak ako dito. "Parang may mali." sa isip-isip kong muli. Nawala na kasi rito ang malambot na foam na nakalagay rito para magmukha akong buntis. "nasan na yon? bakit nawala? hindi kaya---hindi kaya alam na nila?" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Muli akong napatingin kay Dos. Posible kayang alam na niya
Talagang desidido si Dos na malaman ang totoo. Kahit na anong piglas ni Zahara at pagkakaila ay desidido pa rin si Dos na dalhin sa kaibigan niyang Doktor si Zahara. Galit na galit siya hindi pa man din. Isipin niya pa lang na dahil sa iniinom na si Zahara ay maaaring mapahamak ang anak nila ay halos umapaw na ang galit niya sa asawa. Naisip ni Dos na sa kaibigan na niyang doktor dadalhin si Zahara upang mas lalo siyang maliwanagan. Gustong-gusto na rin niyang malaman ang kalagayan ng anak niya sa sinapupunan ni Zahara. Habang nasa sasakyan ay patuloy pa rin sa pagtatalo ang dalawa. Patuloy pa rin ang pagsisinungaling ni Zahara sa kaniyang asawa. "Hindi. Hindi maaari. Kung ipipilit niya ang gusto niya katapusan ko na. Hindi niya pwedeng malaman na wala na ang anak namin at foam lang itong umbok sa tiyan ko." sa isip-isip no Zahara. Halos gawin niya na ang lahat ng pagsisinungaling para kumbinsihin si Dos na huwag na silang tumuloy.Ngunit desisdido talaga si Dos. Mas binilisan n
JOHN DOS ENRIQUEZ POINT OF VIEW The moment I found out that Zahara is the one who's betraying me, inisip ko na lang na kalimutan na lang ang nangyari. Masakit, oo, dahil kahit ilang ulit pa na imbestigasyon ang ipagawa ko ay siya at siya pa rin ang lumalabas na salarin. Like, ganito pala kasakit ang malaman mo na niloloko ka ng asawa mo. I gave her my whole trust, I gave her enough money pero kulang pa pala. I don't know why, oy how she got the nerve to do this to me pero isang bagay lang ang na-realize ko. Na lahat ng ginagawa mo ay may balik. Niloko ko siya at pinatawad niya pa rin ako sa kabila ng lahat. At ngayong niloko niya ako, sino ako para magalit? Oo, tao lang ako at kung tatanungin ako ay masama talaga ang loob ko. But i choose to forgive her. Its just a money. Malaking pera man pero hindi naman ako malulugi ng dahil lang sa kinuha niyang pera. At marami pa rin akong pera. Kahit anong isip ang gawin ko, hindi ako pwedeng magalit sa kaniya dahil dinadala niya a
MARIYA MARIA POINT OF VIEW Hindi madali ang pinagdadaanan ko ngayon. hindi madali ang mawalan ng pamilya. Sobrang sakit. Hindi maipaliwanag na sakit. Umuwi ako ng Maynila para sunduin ang mga nanay at ipaalam sa kanila ang nangyari sa lola at hindi ako handa sa nalaman kong pagkamatay nilang lahat. Ang totoo, parang gusto ko na lang din na mamatay na lang dahil wala na akong nakikitang dahilan pa para magpatuloy sa buhay. I lost them all. Hindi ko alam kung bakit nabubuhay pa ako. Sinisisi ko ang sarili ko. It all happens after I once become a mistress. Na pinaparusahan ako ng Diyos. Sa lahat ng pinagdadaanan ko ngayon, ipinadala ng Diyos si Ralph. Walang wala ako ngayon at hindi ko alam kung paano ako kikilos. Sa tulong ni Ralph, nakabalik ako ng probinsya namin para ipalibing ang lola. Kasama siyang umuwi at siya ang tumulong sa akin ng pinansiyal para mabigyan ng maayos na libingan ang lola. Noon pa man ay isa na siyang mabuting kaibigan sa akin. Kung sana mas nau
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments