CHASING HER: The Billionaire's Mistake

CHASING HER: The Billionaire's Mistake

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-05-12
Oleh:  ElliseBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
9.4
19 Peringkat. 19 Ulasan-ulasan
180Bab
16.8KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sampung taon na minahal ni Ashley si Ace ng walang naging tugon mula dito. At nang mamatay ang kanyang anak na isa si Ace ang naging dahilan ay doon na din tuluyang nawala ang pagmamahal niya dito at handa na siyang makipaghiwalay dito. Ngunit kung kailan handa na siyang kalimutan si Ace at magbagong bahay ng malayo dito ay ayaw naman siyang pakawalan nito at pilit siya nitong pinapanatili. At sa tuwing pilit niya itong pinapalayo ay pilit naman itong lumalapit. At minsan ipinaparamdam nito sa kanya na may pagtingin na din ito sa kanya. Maniniwala ba siya sa ipinapahiwatig nitong mahal siya o sadya lamang ginagawa lang nito ang lahat para mapanatili siya?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Kabanata 1

Mahina na ang kalusugan ng kanyang anak dahil sa sakit nito sa bato at may huli itong kahilingan bago ang operasyon. Ang samahan ito ng kanyang ama na pumunta sa panlibangang parke sa araw ng kanyang kaarawan. Ang makasama ito ng mag isa.

Lumuhod siya at nakiusap kay Ace na sana tuparin nito ang huling kahilingan ng anak niya. Hindi naman siya nabigo at pumayag ito.

Pero sa araw ng kaarawan ng anak niya ay hindi ito nagpakita. Naghintay sa kanya sa malamig na buong maghapong hanggang sa magsuka na ng dugo ang anak niya at nawalan ng malay.

Mas lumala ang kalagayan ng anak niya at hindi na naagapan pa.

Bago namatay ang anak niya ay tinanong siya nito na may luha sa mga mata. “Mama, bakit mas gusto ni papa ang anak ni tita Belle at hindi ako? Dahil ba sa hindi ako karapatdapat?”

Umalis ang anak niya ng may panghihinayang. Hawak nito ang cellphone at napanuod nito mismo kung paano ipagdiwang ng kanyang ama ang kaarawan ng anak nito kay Belle na inupahan ang buong palaruan para dito.

....

Nakasuot siya ng itim at makapal na jacket pero hindi parin iyon maitago ang manipis niyang pigura. Hindi maitago ang pamumula at pamamaga ng kanyang mga mata dahil sa matinding pag iyak sa pagkawala ng kanyang anak. Si Ashley lang ang mag isang tumunghay sa bangkay ng kanyang anak.

Inilabas niya ang isang pares ng hairpin at marahan iyong isinuot sa kanyang anak. Ang huling regalo na personal pa niyang idinisenyo para dito.

“Maligayang kaarawan, anak ko. Mahal na mahal kita.”

Niyuko ni Ashley ang anak at marahang hinalikan sa nuo. Ang maramdaman ang lamig na dumampi sa kanyang labi ay nagdala na naman sa kanya sa pagluha.

Nalalapit na ang naitakdang oras para sa pagsusunog sa bangkay nito.

Doon lumapit ang isang lalaking tauhan ng purenarya at maayos na nagpaalala. “Paumanhin, hindi pa ba darating ang ama ng bata?”

Nakasaad sa impormasyon na may biyohikal na ama ang bata kaya nito iyon natanong.

“Hindi na siya darating.”

Kalamigan ang tanging nakikita sa kanyang mga mata.

“Wala ng hihintayin?”

Isa din itong ama. At tiyak niyang pagsisisihan din nito ang hindi masilayan ang anak sa mga huling sandali.

“Maghintay?”

Mapaklang napangiti si Ashley. “Kahapon, sobrang lamig at ang aking anak ay naghihintay lamang sa pasukan sa palaruan na matiyagang naghihintay sa kanyang ama. Buong araw siyang naghintay hanggang sa hindi na kaya ng kanyang katawan. Nagsuka siya ng dugo at nahimatay. Ngunit hindi nagpakita ang kanyang ama.”

“At alam mo ba kung saan siya nagpunta? Inupahan niya ang buong palaruan para lang ipagdiwang ang kaarawan ng anak nila ni Belle.”

Hindi nakaimik ang lalaki.

Hindi niya talaga akalain na may ganun palang tao sa mundo na hindi karapatdapat maging isang ama.

Hinapalos ni Ashley ang maputla at malamig ng mukha ng kanyang anak. Bumulong na may paghikbi. “Ipagpatuloy na, huwag ng paghintayin ang anak ko sa kanyang payapang pagpapahinga.”

Nahiling niya na sana ay makahanap ng magandang pamilya ang anak niya sa kabilang buhay. Ang magkaroon ng mabuting ama na magmamahal dito.

At hindi na ito maghihintay pa.

.....

Kalaliman ng gabing taglamig matapos niyang makaalis ng punerarya.

Umupo siya sa likuran ng taxi habang mahigpit na yakap ang mga urn ng kanyang anak.

Tumingin siya sa labas ng bintana na walang ibang makikitang emosyon maliban sa puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata.

Madadaan ang paluraan. Gitgitan din ang trapiko kaya bumagal ang takbo ng taxing sinasakyan niya.

Sa mismong harapan nila ay may isang malaking elektronikong screen na naglalahad ng balita.

[Ang presidente ng Mondragon Group, ay inupahan ang buong palaruan para ipagdiwang ang kaarawan ng anak nito para sa naggagandahang mga paputok.]

“Bang!”

“Bang!”

“Bang!”

Hindi mabilang ang makikinang na paputok ang namayani sa kalangitan. At pagkatapos ay may mga linyang lumitaw sa kalagitnaan ng mga iyon.

“Maligarang kaarawan, pinakamamahal kong anak!” iyon ang mababasa sa nakakasilaw na mga paputok.

Hawak ni Ace at Belle ang magkabilang kamay ni Vinice habang suot nito ang naipasadyang kasuotan ni Princess Elsa na siya namang gustong gustong maisuot ng kanyang yumaong anak na si Lesie na madalas naman tawaging Sisi.

Muling namayani ang mga paputok sa mga sumunod na sandali. Sabay na yumuko sina Belle at Ace para gawaran ng halik sa magkabilang pisngi ang kanilang anak.

Doon natigil ang larawan.

“Mas magandang makita kesa ang marinig. Talagang pinalayaw ni Mr. Mondragon ang kanyang anak.”

“Magandang pamilya at ma—-.”

Sa kanyang mga naririnig, nabuo doon ang inggit.

Namumula na ang mga mata ni Ahsley sa pinipigilang mga luha. Binalot niya sa kanyang jacket ang urn ng kanyang anak para doon itago.

Malungkot niyang naibulong dito. “Anak, huwag mo silang tingnan.”

Ayaw niyang malungkot ito kapag makita kung gaano kasaya ang isang pamilya ng ama nito.

.....

Alas diyes na ng gabi ng makabalik si Ashley sa mansyon ni Ace kung saan siya nakaitra. Sa Hacienda El Cielo.

Mabibigat ang kanyang hakbang na umakyat sa hagdanan at pumasok sa silid ng kanyang anak.

Inimpake niya ang mga gamit ng kanyang anak. Matapos niya iyong maiimpake ay magdamag siyang naupo sa kama nito habang yakap ang urn nito.

Madaling araw na siyang lumabas ng silid ng kanyang anak. Sa pagbaba niya ay nabangga siya ng isang matatag na pigura.

Si Ace.

Hindi siya nito tinignan. Napakalamig ng ekspresyon at walang pakialam tulad ng dati. Wala itong sinabi sa kanya maliban sa tanong nito.

“Nasaan si Sisi?”

“Huh!”

Napangisi si Ashley ng may panunuya.

Ngayon lang nito naalala gayong tatlong araw na ang nakakalipas mula ng mamatay ang kanyang anak.

Seryusong nakatingin sa kanya si Ace na may kasamang pagkadismaya.

“Narito ako para sunduin si Sisi para dalhin sa palaruan.” sabi nito sa malamig na tinig.

Natigilan siya ng marinig niya ang salitang palaruan. Nanikip ang dibdib niya. Hindi niya makakalimutan kung paano nawala ang kanyang anak kasabay ng kung paano nito ipinagdiwang ang anak nito kay Belle.

Nagsuka ng dugo at nawalan ng malay na walang Ace na nagpakita. Sa pagkakataong iyon ay nagreak siya ng maalala ang sinabi ng kanyang anak. “Mama, dumating si papa. Masaya akong makasama si papa, Huwag kang mag alala.”

Alam niyang isa lamang iyong kasinungalingan.

Sa unang pagkakaton ay nagsinungaling ang kanyang anak sa kanya. Malaki ang paniniwala nito na darating ang ama nito. Naghintay ang anak niya mula umaga hanggang gabi pero hindi ito sumipot at nagpakita.

Namula ang kanyang mga mata na nanlilisik na tumingin kay Ace. Malamig na may galit ang boses niyang sumagot dito. “Sunduin? Patay na siya. Saan mo siya susunduin ngayon? Sa kabilang buhay?”

“Tumahimik ka.” Galit na pinapatigil siya nito.

Tahimik? Ito pa ang may ganang magalit gayong hindi ito nakarating sa araw na naghihintay ang anak niya dito. Ina siya si Sisi at paano siya tatahimik kung para na siyang mababaliw dahil sa pagkawala ng anak niya.

“Hindi ka makatwiran.” Hindi na pinagtuunan ng pansin ni Ace si Ashley na tila nababaliw na sa pagkakatitig sa kanya. Binalaan niya itong umayos at huwag magwala.

Paakyat na siya para tawagin mismo si Sisi pero ilang hakbang palang ang naiakyat niya ng tumunog kanyang cellphone. Agad niya iyong kinuha sa bulsa.

Isang malambing na boses ng batang babae ang tumunog sa katamikan ng sala.

“Papa, miss na miss na kita, sasamahan mo ba si Vinvin?”
Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Joselyn Adelante
bat ganon walang nag upupdate ng story may karogtong pa ba 2 oh wala.
2025-05-08 18:55:24
1
user avatar
Ellise
Happy 12k reads guys! thank you sa patuloy na pagtangkilik.
2025-05-03 15:26:55
3
user avatar
Ludy Perez
walang update bkit?
2025-04-25 06:52:12
3
user avatar
Ellise
Happy 7.5k reads.. Wait lang po sa update. hehe.. excited kasi aq sa nalalapit kong pag uwi kaya medyo madalang aqng mag update. pero promise.. pag nakauwi na aq. palagi na aqng mag a-update. and thanks po ng marami sa tumatangkilik d2..
2025-04-15 23:29:30
3
user avatar
Ellise
happy 6k reads. hoping na matyaga lamang kayong maghintay. oo, matatapos to wag kayong mag alala. bibitinin lang para lalo kayong manggigili kay Ace @everyone.
2025-04-07 20:56:12
2
user avatar
Nhing Nhing
hula ko malalaman lang ni ace na talgang patay si sisi kung malapit ng matapos ang kwento.....ang bagal ng kwento paikot ikot lang
2025-04-05 21:17:46
1
user avatar
Jeanmarie Furigay
kailan ang next na kabanata gusto ko na makita ang pagsisisi ni ace sa pagbalewala niya sa tunay niyang anak...
2025-03-23 01:38:12
2
default avatar
AnaLyn Gupo Ramirez
...... gigil ako kay ace jusko
2025-03-11 18:54:59
5
default avatar
Bountyful Beauty
kahit na nagtagpo tau sa mundo ng BL ms. Yu. susundan parin kita straight man iyan. At sadyang mapanakit ang Ace na pangalan ng character mo Ms. Yu. Ang sarap tadyakan. at ang sarap namang sabunutan ang kontrabidan babae. Laban lang Ashley. baback up ako sayo. hehe. but at all. this is interesting.
2025-03-07 15:33:59
6
user avatar
vin ram
Great story. Ang ganda ng mga sequence ng kwento. nakakaawa si ashley parang pinagkaitan ng panahon. Tapos si belle ang sarap sampalin akala mo kung sinung babae. tas si ace?parang walang pagmamahal kay ashley at kay sisi. waiting sa mangyayare sa kwento. superb thankyou author. iwant more chapter
2025-03-06 04:06:22
6
default avatar
aeronjazelanzarote
ML: Ace Mondragon. Yaman at kagwapuhan lang ang ambag sa lipunan at hindi ginagamit ang utak. FL: Ashley Diaz. Maganda kaya hindi nakakatiis si Ace kahit na paulit ulit na sinasabing walang pakialam pero puro halik naman. =D
2025-03-05 23:15:30
7
default avatar
Quinny
kahit na red flag si Ace excited ako kung paano tuluyang malalaman ni Ace na wala na si Sisi. gusto kong makita kung paano xa magsisi sa katangahan niyang maniwala sa babae niya
2025-03-05 11:50:58
9
user avatar
Kennedeth Arambulo
good story ...
2025-03-05 02:19:56
11
user avatar
Black
kahit kailan talaga mapanakit ang pangalang Ace.
2025-03-04 13:48:28
13
default avatar
elliseyu914
sinasabi ko sa inyo na nakakainis ang ML. at nakakahighblood ang kontrabidang babae. sarap sabunutan.
2025-03-04 03:00:30
13
  • 1
  • 2
180 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status