Mabilis na pinigilan ni Ace ang kamay ni Ashley na patuloy lang sa pagsampal kay Belle. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
Ace Mondragon, isang marangal at walang pakialam sa iba na ngayon ay nagbago sa isang iglap alang alang sa kasintahan.
Namumula ang mga mata ni Ashley na napatingin kay Ace. Ang lalaking minahal niya ng sampung taon. Nakaramdam siya ng lungkot sa kanyang puso.
“Oo, matagal na akong baliw.”
Pagkasabi iyon ay itinaas naman niya ang isang kamay at ito naman ngayon ang sinampal niya,
“Ace, tapos na tayo.” mga katagang nais niyang sabihin mula pa ng namatay ang kanyang anak.
Mula ngayon, hindi na siya magpapanipula kay Ace.
Inalis ni Ashley ang pagkakahawak ni Ace sa isa niyang kamay. Namanhid ang kanyang palad sa lakas ng pagsampal niya dito.
Namumula ang pisngi ni Ace na sinampal niya. Lumaki siya na walang nagbubuhat ng kamay sa kanya, ito ang unang pagkakataong sinampal siya ng isang babae.
Nakakatakot ang naging tingin ni Ace kay Ashley na hindi mailarawan ang galit.
“Ikaw…”
Hindi na nagsalita si Ashley at tinalikuran na si Ace bago pa may masabi ito.
Alam niyang hindi naniniwala si Ace sa sinabi niyang tapos na sila.
Kasi nga, sa paningin nito, ay ginawa niya ang lahat para lamang makasama ito. At sa nakalipas na limang taon, nanatili siya sa tabi nito ng walang pangalan.
Ngayong wala na ang kanyang anak, ano pa ang silbi para makasama ito?
.....
Pagkalipas ng tatlong araw, sa mansyon.
Umuwi si Ace na pagod na pagod at walang sumalubong sa kanya ng makapasok siya sa silid nila ni Ashley.
Lumayas si Ashley kasama ang anak nilang si Sisi.
Inilabas niya ang kanyang cellphone para padalhan ng mensahe si Ashley sa unang pagkakataon at sabihan na bumalik ito.
[Bumalik ka.]
Mensahe na mapagutos.
Pagkapadala niya ng mensahe kay Ashley ay agad na nagpakita ang isang kulay pulang tandang padamdam. Kasunod din iyon ay lumitaw sa ibaba ang isang linya ng mensahe ng mga salita: [Naipadala na ang mensahe, ngunit tinanggihan ito ng kabilang partido.]
Ace: “.....”
Hindi niya maipadala ang mensahi dahil hinarang na siya ni Ashley.
Lalong lumamig ang ekspresyon ng mukha niya. Sinubukan din niyang tawagan ito ng paulit ulit pero tulad ng mensahe niya ay hinarang din siya nito. Hindi niya ito matawagan
Mahusay.
Sinundan siya nito sa hospital at hindi pa niya ito nakukompronta tungkol sa ginawa nitong kabaliwan kay Belle at sa anak niya.
.....
Bayan ng Saguday.
Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng umalis siya sa mansyon ni Ace sa Hacienda El Cielo at lumipat dito.
Bayan kung saan nakatira ang inang umampon sa kanya.
Ang inang umamapon sa kanya ay ang katulong ng pamilya Mondragon, na nag alaga sa lola ni Ace.
Walong taong gulang siyan ng makatakas sa ampunan kung saan masasama ang mga ugali ng mga tagapangalaga doon. Ng makatakas siya ay nakilala naman siya ang inang umampon sa kanya at si lola Astrid.
Iniligtas siya ng lola ni Ace na si Lola Astrid. Sa tulong at kapangyarihan ng Mondragon ay nabigyan ng hustisya ang ampunan at iba pang nandoon. Wala na siya noong mapuntuhan, doon na siya inampun ng kanyang ina.
Lagi na siyang nakasunod dito kapag pumupunta sa mansyon ng Mondragon.
Kalaunan, hindi din nagtagal ang buhay ng kanyang ina at namatay ito. At sa kanya iniwan ang bahay nito.
Natapos na ni Ashley ang paglilinis ng bahay. Bumaba siya para magtapon ng basura ng biglang may kung sinong humatak sa kanya sa malakas na pwersa. Dahil sa gulat ay nawalan siya ng balanse ng masalo naman siya nito.
Ang nagtatanong na tinig nito sa itaas ng kanyang ulo ay halatang may pagkainis. “Ashley, sino ang nagbigay sayo ng lakas ng loob na harangan ako?”
Umayos ng tayo si Ashley bago tumingin dito.
Titig na ayaw magpato. Katulad ng tubig sa pool na hindi natitinag.
Hindi niya sinagot ang tanong nito, sa halip at mahinahong sinabi dito. “Ace, bitawan mo ako.”
Hindi siya nito pinapakawalan bagkus mas hinipitan ang pagkakahawak sa kanya.
Nang makitang hindi siya nito makakawalan ay itinaas niya ang kanyang paa at malakas niya itong inapakan. Dahil sa sakit sa paa nitong inapakan ni Ashley ay unti unting nanghina ang pagkakahawak nito sa kanya.
Kinuha ni Ashley ang pagkakataong iyon para tuluyang makawala dito. Tumalikod at mabilis na umakyat pataas.
“Hindi ka makakatakas, Ashley.” Malalim ang tinig na sabi ni Ace na agad din siya nitong naabutan sa malalaki nitong hakbang at muli siyang nahawakan.
“Huwag mo akong hawakan.” pagpupumiglas ni Ashley kay Ace sa pagkakahawak nito sa kanya.
Tinignan siya nito ng may mapagmatang titig dahil sa kanyang kakaibang ikinikilos. At may sinabi sa mapaglarong tinig. “Hindi pa kita nahahawakan sa kung saan, huh!” Makahaulgan nitong sabi.
Agag na nanlamig ang mukha ni Ashley, mariing napapikit. Malamig at matigas ang boses na sumagot dito. “Ace, sinabi ko sayong tapos na tayo.”
Natigilan ito.
Matapos niya iyong sabihin ay nagmamadali siyang tumalikod at mabilis na naglakad paakyat.
Tanging tingin na lang ang nakasunod sa likod ni Ashley. Madilim ang mga mata niyang nakasandal sa gilid ng kotse na nakatingin sa inakyatan ni Ashley.
.....
Sa ikatlong palapag gusali ng marating ni Ashley ang kanyang bahay.
Binuksan niya ang pinto at pumasok. Isasara na sana niya ang pinto nang may mga kamay na humarang doon.
Si Ace. Sinundan parin siya ni Ace.
Bago pa man siya muling makapagreak ay agad siyang pumasok dala ang mga regalo nito sa kanilang anak.
“Sisi, halika. May dala si papa na mga regalo para sayo.”
Katahimkan. Wala siyang tugon na narinig mula kay Sisi kaya siya natigilan.
Bagamat hindi ito tulad ni Vinice na agad siyang yayakapin at maglalambing kapag nakikita siya ay sa tuwing naririnig siya nito at tatawagin ay agad itong sasagot at lalapit sa kanya. At tatawagin siyang “papa.”
“Hindi pa ba bumabangon si Sisi? Ako na ang gigising sa kanya.”
Ibinaba ni Ace ang mga regalo niya at naglakad ng patungo sa kwarto.
Natigilan siya. Maayos ang kama at walang Sisi na natutulog sa kama. Iginala niya ang tingin sa paligid. Wala siyang makitang tao sa kwarto pero nakita naman niya ang mga damit ni Sisi na maayos na nakasabit sa kabinet kasama ang damit ni Ashley.
“Nasaan si Sisi?” Tanong ni Ace kay ashley ng lumabas ito ng kwarto.
Nakatayo parin ito sa may pinto habang nakatingin sa mga regaling dala niya. Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito.
“Sisi?” iyon ang pinakamalamig na tinig na narinig niya mula dito. “Hindi mo na siya kailanman makikita.”
“Anong ibig mong sabihin.”
Nagdilim ang ekspresyon ni Ace.
Itinago ba nito si Lesie?
Hindi sumagot si Ashley.
Naglakad siya palapit sa lamesa kung saan inilapag ni Ace ang mga regalo nito sa anak niya. Nanginginig ang mga kamay niyang kinuha doon ang damit ni Princess Elsa sa mga regalo nito. Namumula na ang kanyang mga mata.
Ito ang pinakahihiling ni Lesie na iregalo ng ama nito.
Nangako siyang ibibigay nito iyon sa anak niya.
Ngunit sa huli ay isuot muna iyon ni Vinice. At nang matapos nitong gamitin ay saka lang nito ibibigay sa anak niya?
Ano ba ang akala niya kay Lesie?
“Ace, wala dito si Sisi!”
Natusok si Ashley, at nawalan ng kontrol.
Itinapon niya ang damit at ang kahon na parang isang basura.
Ang mga abo ng kanyang anak ay nasa lamesa sa gilid ng kama.
Ayaw niyang makita ng anak niya iyon.
Hindi na napigilan iyon ni Ace at pinanuod lang na malaglag ang kahon sa sahig at ang damit na ipinasadya pa niya para kay Sisi ay nahulog mula roon na dumapo sa upos ng sigarilyo at nasunod iyon na nagdala ng malaking butas.
“Ashley, masaya ka na ba sa ginawa mo?”
Ang mga mata ni Ace ay nabahiran ng galit. Salubong ang mga kilay at nagdilim ang mga mata na para bang may bagyong darating.
“Umalis ka na.”
Binaliwala ni Ashley ang galit ni Ace at malamig na boses na pinapalayas ito.
Bago pa lumamig ang paligid sa pagitan nila ay tumunog ang kanyang cellphone.
Si Belle ang tumatawag.
Tumingin na muna si Ace kay Ashley bago sinagot ang tawag. “Belle?” Malumanay nitong tono.
Ngunit kung makatingin siya kay Ashley ay laging napakalamig.
“Nasundo mo na ba si Sisi? Tumawag ang palaruan at tinatanong kung kailan kayo dararting para maisaayos nila ng mas maaga.” malumanay ding tinig ni Belle sa kabilang linya.
“Hindi, wala dito si Sisi.” sagot nito na nakatingin parin kay Ashley.
Habang nakatingin siya kay Ashley ay palamig ng palamig ang tingin nito sa kanya.
“Kung ganun ipapakansel ko na ang palaruan, pupunta ako upang samahan ka at si Vinvin ngayon.”