LOGIN"Isang milyon kapalit ng isang sayaw. Isang kontratang nakatali ang puso at katawan niya." Para madugtungan ang buhay ng kaniyang ina, walang pag-aatubiling ibinenta ni Kikay ang sarili bilang isang high-class entertainer sa Crimson Cloud Nine. Ang nakabili sa kaniya? Isang misteryoso, makapangyarihan, at malupit na 'VIP'. Pero ang tunay na bangungot ay nagsimula nang dumating ang lalaking inatasan ng VIP para maging 'handler' niya. Si Rhamesis Wilton. Ang bilyonaryong CEO. Ang lalaking nandurog sa puso niya limang taon na ang nakararaan. "You think he owns you now, Kikay?" paos at mariin nitong bulong habang kinukulong siya sa dilim, ang mainit nitong hininga ay sumusunog sa kaniyang balat. "He only bought your contract. Pero ako... ako ang magpapasunod sa katawan mo." Akala ni Kikay, kaya niyang tiisin ang bawat mapanuksong haplos at agresibong pag-indayog ni Rhamesis para sa perang kailangan niya. Wala siyang kaalam-alam na sa likod ng mapanganib na laro ng poot at pagnanasa, ang lalaking pilit siyang inaangkin ay ang mismong demonyong may hawak ng kaniyang kontrata. Sa muling pagtatagpo ng kanilang mga balat, sino ang unang bibigay? Ang babaeng pilit isinisigaw na pera lang ang habol niya... o ang lalaking handang sunugin ang buong mundo makuha lang siyang muli?
View More“Sayaw, Kikay… sige pa…” halos nakapikit na saad ng matanda.
Ngumiti ako nang pilit para itago ang pandidiri na umaakyat sa lalamunan ko. Nilunok ko ang lahat ng pride ko.
“Gusto mo ba 'to?” bulong ko, ginagawang malambing at mapanukso ang boses ko kahit na gusto ko nang masuka.
Tumango siya, tila na-hipnotismo. Ang mga nanginginig niyang kamay ay humigpit sa aking mga hita.
Dahan-dahan akong tumayo, sadyang idinidikit ang bawat pulgada ng katawan ko sa kanya bago muling lumayo. Panay ang paglagok niya ng laway.
I did it perfectly hot. Bilang isang highly-paid entertainer sa VIP room ng Crimson Cloud Nine, sanay na ako sa ganitong eksena. Pero hanggang sayaw at show lang ako.
Walang extra service. Walang kama.
“Gan’yan nga, baby girl…” malanding saad nito, akmang hahaplusin ang balat ko pero pilyo ko itong hinampas.
“Just stay still, Daddy. Hayaan mong ako ang gumalaw,” nakangiti kong banta para ilihis lang ang gumagapang niyang kamay.
Kung hindi lang talaga kailangan ng nanay ko ng limang daang libo para sa emergency craniotomy bukas at pangmatagalang chemotherapy hindi ako magtitiis sa ganitong trabaho.
Buhay ng nanay ko ang nakasalalay dito kaya kailangan kong lunukin ang hiya. Isang baso pa ng matapang na alak, sapat na para patayin ang kaba at manhidin ang sistema ko.
Pero bago ko pa matapos ang routine ko, biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa loob ng bar.
Namula ang mga ilaw mula sa labas ng VIP room. Isang panibagong kanta ang pumailanlang mula sa main floor. Mas mabigat, mas malakas ang bass.
Dahil sa biglaang hiyawan ng mga babae sa ibaba, awtomatikong napalingon ako sa malapad na salamin ng kwarto namin na nakaharap sa stage.
At doon, parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko.
Isang lalaki ang umakyat sa stage. Nakasweatpants. Walang pang-itaas. Tanging itim na bowtie lang ang suot.
Isang bagong macho dancer.
Nanuyo ang lalamunan ko. Pamilyar ang malapad na balikat na iyon. Pamilyar ang matalim na panga. Pamilyar ang bawat linya ng katawan na kumikinang sa ilalim ng pulang ilaw.
Si Rhamesis.
Ang ex ko. Ang lalaking limang taon kong pilit ibinaon sa limot matapos niya akong iwan nang walang paalam, ngayon ay sumasayaw sa harap ko.
Nag-init ang buong katawan ko. Pinaghalo ang kalasingan, galit, sakit, at matinding pagkabigla. Hindi siya nakatingin sa mga babaeng nagwawala sa ibaba ng stage.
Nakatitig siya nang diretso… sa akin. Kahit nasa VIP room ako sa itaas, tila tumatagos ang mga mata niya sa suot kong maskara, hinuhubaran ang buong pagkatao ko.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. He looks perfectly dangerous. Ang umbok sa ibaba ng v-line niya ay agresibong sumasabay sa bawat mapanukso niyang paggiling.
God. Bakit siya nandito?
Tulala pa rin ako nang biglang bumukas nang marahas ang pinto ng VIP room. Pumasok ang dalawang bouncer, kasunod si Sir Ayan, ang floor manager ng bar. May bitbit itong itim na briefcase.
“Anong ibig sabihin nito?!” galit na angil ni Mr. Tan.
“Nagbabayad ako ng malaki para sa oras ng babaeng ‘yan!”
Hindi sumagot si Sir Ayan. Sa halip, malamig siyang lumapit sa glass table at ibinagsak ang briefcase. Isang matunog na click ang umalingawngaw nang buksan niya ito.
Tumambad ang mga bundle ng tig-iisang libong piso na maayos na nakasalansan.
Natigilan ang matanda. Maging ako ay napigil ang hininga.
“One million pesos, Mr. Tan,” malamig na sambit ni Sir Ayan. “Bayad para sa abala, at bayad para tapusin na ang entertainment ni Miss Kikay sa kwartong ito. Makakaalis na kayo.”
Nanlaki ang mga mata ng matanda. Lumunok siya, ang galit kanina ay mabilis na napalitan ng kislap ng kasakiman.
Sinong tanga ang tatanggi sa isang milyon kapalit ng pag-alis sa isang bar? Mabilis niyang hinablot ang briefcase, hindi na ako tiningnan pa, at nagmamadaling lumabas ng VIP room kasama ang dalawang bouncer.
Naiwan kaming dalawa ni Sir Ayan. Nanginginig ang mga kamay kong inayos ang silk strap ng damit ko na kanina ay sadyang ibinaba ko.
“A-anong nangyayari, Sir A-Ayan?” garalgal kong tanong.
Humarap siya sa akin at may inilabas na isang makapal na sobreng brown mula sa loob ng kanyang coat.
“Don’t worry, you’ll still get your 500, 000 talent f*e for that client.” Panigurado nito bago inilapag ang isang maliit ng brown envelope sa parehong mesa kung saan nakapatong ang alak ko.
“And another one million in check for you, Kikay,” diretsong sabi niya.
Tiningnan ko ang sobre, at pagkatapos ay sa kanya. Halos lumabas ang puso ko sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito.
Isang milyon? Kalahating milyon lang ang usapan kanina. Isang milyon… sapat na ito para sa emergency craniotomy ni Mama at malaking tulong na para sa chemo niya.
Buhay ng nanay ko ang katumbas ng sobreng iyan.
“P-para saan?” kinakabahan kong tanong, kahit na may hinala na ako na hindi ito magiging madali.
“May isang VIP sa itaas. Isang mysterious billionaire na nakabili ng pinaka-exclusive na pwesto ngayong gabi. He specifically requested this,” paliwanag ni Sir Ayan.
Itinuro niya ang bintana na nakaharap sa stage sa ibaba.
“Gusto niyang sumayaw ka ng hot dance. Doon sa main stage. Kasama ng bagong macho dancer natin.”
Hot dance with him? After what happened five years ago? Makakaya ko ba? Para sa pera?
“Paano kung sinadya nilang itago siya?”“Kung may nagkasala, haharap siya sa batas. Hindi ako basta aatras dahil lang may taong gustong magtago sa likod ng pangalan ng kumpanya.”Napatingin ako sa kaniya. Sa unang araw, akala ko wala siyang pakialam kung ano ang mangyayari sa akin. Ngayon, siya ang nag-iisang taong handang sumama sa akin habang sinusubukan kong buuin ang mga piraso ng nakaraan ko.Hindi ko pa rin alam kung ano ang tawag sa nararamdaman ko. Pasasalamat, marahil. O baka simpleng ginhawa lang dahil hindi na ako nag-iisa.Makalipas ang halos tatlumpung minuto, pumasok ang SUV sa basement parking ng isang modernong gusaling may malalaking letrang pilak sa harapan.APEX LOGISTICS CORPORATE CENTER.Huminto si Ethan sa VIP parking slot at pinatay ang makina. Bago siya bumaba, hinarap niya ako.“Nandito na tayo. Tandaan mo ang mga patakaran natin. Walang ingay, walang paggalaw ng gamit, at huwag kang lalayo sa akin.”“Director Vance, sisikapin kong maging pinakamasunuring mult
“Alam ko.” Napabuntong-hininga ako. “Pero kung tama ako, kailangan kong malaman kung bakit niya ginawa iyon.”“Malalaman natin.”Hindi ko alam kung bakit, pero mas naniwala ako sa kaniya kaysa sa sarili kong mga hinala. Siguro dahil sa unang pagkakataon mula nang magising akong multo, may taong hindi basta nagsasabing imposible ang lahat ng ito.“Gagawa ako ng paraan para makausap ang pamunuan ng Apex Logistics bukas,” dagdag ni Ethan. “Gagamitin ko ang review ng kontrata bilang dahilan. Kailangan nating makita kung paano sila tutugon kapag inilatag natin ang mga dokumento.”“Salamat, Ethan.” Ngumiti ako. “Kahit minsan ay para kang pinatuyong ampalaya na binabad sa suka, alam kong may mabuti ka ring side.”“Huwag mo muna akong pasalamatan. Wala pa tayong nahahanap na salarin.”“Opo, boss! Bukas, magiging tahimik akong anino.”“Duda ako roon.”“Hoy!”Bumalik siya sa laptop. Ako naman ay naupo sa gilid ng kama, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod sa labas ng bintana.May lead na kami.
“Maayos naman akong multo, Ethan. Mausisa lang. Huwag kang lumapit nang ganyan, para kang may balak manghuli ng ligaw na kaluluwa. Hindi ba dapat ikaw ang matakot sa akin?”Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Yumuko siya at dinampot ang card. Saglit niyang pinagmasdan ang papel bago maingat na ibinalik iyon sa kahon.May kung anong nagbago sa mukha niya.Hindi ko alam kung dahil ba sa pangalan sa card o sa alaala ng kasal na iyon. Pero nakita kong bahagyang umigting ang panga niya. Nawala rin ang karaniwan niyang matalim na tingin sa loob ng ilang segundo.Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niyon. Ang alam ko lang, biglang bumigat ang katahimikan sa silid.At ayoko ng katahimikan kapag kasama ko ang lalaking ito. Kapag tahimik siya, lalo siyang nakakatakot.“Huy,” sabi ko, sinusubukang pagaanin ang hangin. “Invitation card ba ’yan ng kasal mo? Ikakasal ka na ba? Kaya ka ba masungit dahil stressed ka sa wedding preparations?”Tumayo siya nang tuwid at isinara ang kahon.“Wala kang
Natapos ang inspeksiyon ni Ethan sa construction site nang mag-a-alas singko na ng hapon.Pagod na pagod siyang bumalik sa kotse, samantalang ako naman ay hindi man lang hinihingal. Multo ako, kaya wala akong kailangang alalahanin tungkol sa pisikal na pagod.Pero ang utak ko?Pakiramdam ko, sasabog na iyon sa dami ng mga tanong na wala pang sagot.Pinaandar ni Ethan ang kotse at huminto sa isang tahimik na café bago kami tuluyang umuwi sa mansiyon.Pagkapasok namin, pumili siya ng mesa sa pinakasulok ng café. Umorder siya ng iced Americano at isang pirasong chocolate cake.Napatingin ako sa cake.Chocolate cake.Paborito ko iyon noong buhay pa ako.“Bakit hindi ka na lang umorder ng isa pa?” tanong ko.Tumingin siya sa akin. Sa pagkakataong ito ay may suot siyang earpods para daw kapag nag-uusap kami ay hindi siya magmukhang baliw at parang may kausap lang sa phone.“Para saan?”“Para sa akin, siyempre!”“Multo ka.”“Alam ko nga! Pero hindi naman ibig sabihin noon ay hindi ko na puwe
CHAPTER 2:“Gusto niyang sumayaw ka ng hot dance. Doon sa main stage. Kasama ng bagong macho dancer natin.”Hot dance with him? After what happened five years ago? Makakaya ko ba? Para sa pera?Nanlamig ang buong katawan ko. Tumingin ako muli sa ibaba.Sumasayaw pa rin siya sa ilalim ng madilim na p
“Sayaw, Kikay… sige pa…” halos nakapikit na saad ng matanda.Ngumiti ako nang pilit para itago ang pandidiri na umaakyat sa lalamunan ko. Nilunok ko ang lahat ng pride ko.“Gusto mo ba 'to?” bulong ko, ginagawang malambing at mapanukso ang boses ko kahit na gusto ko nang masuka.Tumango siya, tila n
CHAPTER 5:KINABUKASANNagising ako sa ingay ng mahinang ugong ng aircon. Mabigat ang aking talukap, at ang buong katawan ko ay tila bugbog sa hindi maipaliwanag na kapaguran.Ramdam ko ang kakaibang init na nakabalot sa aking likuran, isang matipunong braso ang mahigpit na nakapulupot sa aking bayw
CHAPTER 4:“Rhamesis… ahh…” Ang boses ko ay hindi ko na halos makilala. Nawawala ako sa sarili ko! Pakiramdam ko’y nilalamon ako ng init ng alak at init ng pagdamit ng labi at palad niya.Tiningnan niya ang hubad kong dibdib. Ang mga mata niya ay manghang-mangha at seryosong natingin.Ilang saglit p


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore