Share

Kabanata 4

Penulis: Ellise
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-12 01:50:38

Pinutol na niya ang kanilang usapan.

Bago umalis si Ace ay nagiwan siya ng salita sa malamig na tono. “Ashley, huwag mong hayaang tawagan ako ni Sisi kung may kailangan ka.”

Matapos niya iyong sabihin, agad siyang tumalikod at umalis ng walang pagdadalawang isip.

Kalalabas lang ni Ace. At sa pagtalikod niya ay nakarinig siya ng malakas na kalabog.

Marahas siyang napalingon at nakita niya si Ashley na nakabulagta na sa sahig na kanina ay nasa maayos lang ang kalagayan.

“Ashley, pinagsabihan na kita na hindi na uubra sa akin ang pakulo mong iyan.”

Nakahiga lang si Ashley sa malamig na sahig. Hindi naman siya talaga nawalan ng malay.

At ang marinig ang sinabing iyon ni Ace ay mas lumamig ang pakiramdam niya. Napakalamig na nanuot sa kanyang katawan.

Sa katunayan, ay naisip niya na nagdadahilan lamang ito para mapanatili siya.

Sa mga mata niya, ay isa itong masamang babae na handang gawin ang lahat para sa kanya.

Limang taon na ang nakalilipas, gumawa ito ng paraan para paghiwalayin siya at ni Belle. Sinadya nitong lagyan ng droga ang inumin niya sa araw mismo ng kanilang anibersaryo para makatabi siya nito sa kama at doon pilit na pinaalis si Belle.

Hinayaang mangibang bansa kasama ang anak nito na may sakit na siyang nagdusa ng husto.

Pagkalipas ng limang taon bumalik si Belle kasama ang anak nito.

Muli siyang nainggit at nagselos at doon hinimok si Sisi na magpanggap na may sakit para mabaling ang pansin nito mula sa may sakit na si Vinice.

Hindi niya kayang makipagtalo noon kaya pinilit niya ang kanyang anak at ipinaliwanag dito ang gusto niya. Pero hindi pala kailangang magpanggap si Sisi dahil talagang may sakit din ito.

Pero hindi naniniwala doon si Ace.

Gustong tumayo ni Ashley para sabihing umalis na lang ito.

Pero nanghihina siya. Pilit man niyang gustuhing kumilos ay nakaramdam siya ng pagkahilo at tuluyan siyang nawalan ng malay.

Sa kinatatayuan ni Ace sa labas ng pinto ay natigilan siya ng makitang hindi na gumagalaw si Ashley.

Mabilis siyang lumapit dito at hinila ito patayo mula sa sahig.

“Ashley, huwag mong isipin na kahit prinuprotektahan ka ni Lola ay hindi ako mangangahas na masaktan ka.”

Bago pa man matapos ni Ace ang may galit na salita ay nakita niya si Ashey na muling pabagsak sa sahig.

Ang kanyang galit ay biglang naglaho.

At bago pa man tuluyang bumagsak ito sa sahig ay mabilis niya itong nasalo sa kanyang mga bisig.

Ang makita si Ashley na nakapikit at namumutla sa kanyang bisig ay alam ni Ace na hindi na lang ito nagpapanggap.

.....

Kalahating oras ang matuling lumipas. Si Frank Brillantes, na siyang nakatanggap ng tawag mula kay Ace ay nagmamadali siyang pumunta ng Saguday.

Pagkapasok ng bahay ay agad itong nagpunta ng pangunahing silid para tignan si Ashley.

Pagkatapos ng masusing pagsusuri, tumayo ito.

“Anong meron sa kanya?”

Bago pa man makapagsalita si Frank para maipaliwanag kung ang kalagayan ni Ashley ay naunan ng nagsalita si Ace.

Ang boses nito ay halatang hindi interasado, at kaswal lang nitong tanong iyon na walang pakialam pero hindi naman makaalma si Frank.

Siya ang family doctor ng pamilyang Mondragon. At dalawampung taon na siyang naninilbihan sa pamilyang Mondragon at nasubaybayan niya ang paglaki nito.

Noong sampung taon ito, ay nasangkot ito sa isang aksedente.

Namatay ang ginang sa aksedenteng iyon at nawawala naman ito.

Ayon sa sabi-sabi ay namatay din ito pero ang matandang Mondragon ay hindi sumuko at pilit na hinanap si Ace ng halos kalahating taon hanggang sa tuluyan itong matagpuan sa bayan ng Isabela na kalapit lang ng bayan ng Quirino.

Ngunit bulag na ng matagpuan si Ace at ang ugali nito ay hindi matanto at naging sumpungin.

Naghanap ng magaling na doktor ang matandang Mondragon para maipagamot ito na umabot ng kalahating taon bago ito tuluyang gumaling.

At ang unang bagay na ginawa nito ng maibalik ang paningin ay ang kausapin ang bodyguard na kumuha sa kanya at ihatid siya pabalik ng Isabela.

Sa anim na buwan ng kadiliman ay nagkaroon ng liwanag ang kanyang mga mata sa unang pagkakataon.

Ngunit ng bumalik si Ace galing ng Isabela ay nawala ang mga liwanag na iyon. Hindi niya nakita ang mag inang nagligtas sa kanya.

Lumipat ang mga ito at wala na siyang nakuhang balita.

Simula noon, nawala na ang sigla ni Ace.

Naging mailap siya at laging lumalayo sa mga tao.

Hanggang sa dumating si Ashley sa mansyon kasama ang matandang babae.

Siya lang ang nakakalapit kay Ace maliban sa matandang babae.

“Young Master, nahimatay si Miss Diaz dahil sa labis kalungkutan at hindi ito makahinga ng maayos. Magpahinga lang ito ng ilang araw ay magiging maayos na ulit siya.”

Nang marinig niyang dahil sa labis na kalungkutan ay naging malalim ang tingin niya kay Ashley.

“Young Master, Kailangan bang tumawag ng iba sa Mansyon para mag alaga kay Miss Diaz?” tanong ni Frank.

Noong nakaraan, ay laging pinapaburan ni Ace si Ashley. Personal pa ang pag aalala niya kapag may sakit ito.

Ngunit nang maglaon ay bigla na lang itong nagbago at ipinaramdam ang pagkadisgusto dito.

“Hindi na kailangan.” mahinang saad ni Ace.

Tumingin kay Frank at sinenyasang umalis na ito.

.....

Pabaling baling sa pagtulog si Ashley at nahulog siya sa isang banunggot.

Sa panaginip niya ay bumalik siya sa araw ng pagkamatay ni Lesie.

Lumala ang sakit ni Lesie dahil sa mataas na lagnat at kailangan na ng agarang operasyon.

Ngunit sinabi sa kanya ng doktor na bigla na lang nawala ang kidney donor at hindi maisasagawa ang operasyon.

Bumagsak sa kanya ang langit.

Sa sandaling iyon, naisip niya si Ace.

Sinubukan niyang tinawagan si Ace para makiusap na tulungan siya nitong hanapin ang nawawalang kidney.

Ngunit walang sumagot.

Hanggang sa hindi na talaga kaya ng kanyang anak.

Nang manlupaypay ang mga kamay ni Sisi na hawak niya at pumikit na ang mga mata habang nasa kanyang mga bisig, nadudurog na ang kanyang puso.

Mahigpit niyang niyakap ang kanyang anak at walang ampat ang kanyang pagiyak na hindi matanggap ang katotohanan.

Paulit ulit niyang binabanggit ang pangalan ng kanyang anak. Sinasabi kay Sisi na huwag siya nitong iiwan.

Patuloy lamang siya sa paghaplos sa maliit na katawan ng kanyang anak at sinusubukang panatilihing mainit ito.

Ngunit kahit na anong gawin niya ay unti unti paring nanlamig at tuluyang nanigas ang katawan ni Sisi sa mga bisig niya.

Wala na ang kanyang Sisi.

.....

Nagising si Ace ng marinig ang pag iyak ni Ashley.

Nitong mga nakaraang araw, ang anak niyang si Vinice ay nasa hospital habang siya ay naabala at hindi siya makatulog ng maayos.

Ito ang gigising sa akin hindi magtatagal matapos kong makatulog?

Hindi maipinta ang mukha niya ng magmulat siya ng mga mata. Kunot ang nuong inalis ang mga braso nito sa kanyang braso at naiinis niyang sinabi, “Ashley, ano bang ginagawa mo ulit-.”

Itutulak na sana niya ito ng mapansin niya ang mga luha nito sa mukha.

Natigilan si Ace na napatitig dito.

Umiiyak si Ashley ng labis na kalungkutan na para bang nawalan ito ng pinakamamahal sa buhay.

Nakaawang ang bibig at nasa tinig ang lungkot na paulit ulit na bumubulong.

Mahina ang boses nito kaya hindi niya iyon masadong maintindahan. Ngunit malinaw ang mga salitang narinig niyang… “Huwag kang umalis.” “Hindi ako mabubuhay ng wala ka.”

Nabawasan ang lamig sa mga titig ni Ace kay Ashley.

Marahang tinapik nito ang pisngi ni Ashley pero wala itong naging tugon.

Hindi din nagtagal ang masuyong pagkausap ni Ace dito at matigas na ang tonong ginising ito. “Ashley, gumising ka. Huwag kang umiyak.”

Pero hindi siya naririnig ni Ashley na tila ba may sarili itong mundo na puno ng kalungkutan.

Masagang luha ang naglandas sa mukha nito na parang perlas na naputol ang sinulid.

Nakatingin lang si Ace kay Ashley na may pagkadisgusto sa mga mata ngunit kinuha parin niya ang tissue sa kanilang ulunan at tinulungang punasan ang mga luha nito. “Okay, huwag ka ng umiyak, nandito lang ako.”

Nasa tono parin niya ang katigasan pero halatang pinakapalma niya si Ashley.

Walang tugon si Ashley. Patuloy lamang ito sa pag iyak. Pag iyak na puno ng lungkot. Hindi niya ito mapatigil sa pag iyak.

Nagsalubong ang mga kilay ni Ace, bigla na lang niyang hinawakan ito sa baba, niyuko at hinalikan.

Ang intensyon lang naman niya kaya niya ito hinalikan ay ang patahanin ito sa pag iyak na parang nagdadalamhamhati at naiinis siya doon.

Pero ang halik niyang iyon ay unti unting nagbago.

Matagal na panahon na ding hindi niya ginalaw si Ashley.

At hindi mapigilan ni Ace na palalimin ang halik niya dito.

Halik na hindi na niya mapigilan na habang tumatagal ay siya namang lumalalim.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
vin ram
manhid na ata si ace..
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   Kabanata 5

    Nagsisimula ng uminit ang hangin. Niyakap ni Ace si Ashey sa kanyang mga bisig. Nagising na din si Ashley mula bangungot at napasinghap, dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Nakatingin sa bubida na sandaling natigilan. Napakalungkot ng kanyang panaginip na hindi matukoy kung isa lamang iyong

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-20
  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   Kabanata 6

    Ang mga salita nito ay walang katapusang kasinungalingan. At lalong walang kabuluhan, ang mga damit sa shopping bag. Kompletong damit ng panlalaki ngunit ang panloob ay halata na sinadya na ilagay sa itaas. Malinaw na ang ipinapahiwatig ni Belle kay Ashley. Kagabi, nagpalipas ng gabi si Ace

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-21
  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   Kabanata 7

    Minahal ni Ashley si Ace ng sampung taon kaya pamilyar sa kanya ang amoy nito. Sa sandaling hinalikan siya nito ay nakilala niya agad ito. Nawala ang pagkagulat at takot niya. Tanging ang kalamigan lang ang natira sa naging tingin niya. Nagyeyelo ang naging tingin ni Ashley dito. Nililihis ang mu

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-23
  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   Kabanata 8

    Sa Saguday.Ang unang ginawa ni Ashley nang makabalik at makauwi sa kanyang bahay ay ang puntahan agad ang kanyang anak.Nasa silid lamang ni Ashley ang mga abo ni Sisi. Itinaas ang mga kamay at marahang hinaplos ang urn ng kanyang anak ng makalapit siya sa kinalalagyan nito, nasa tabi din nito ang

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-25
  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   Kabanata 9

    Napatigill sa paghakbang si Ashley.Marahas ang naging paglingon niya at malamig pa sa yelong napatingin kay Ace na karga si Vinice. Napaskil ang nanunuyang ngiti sa kanyang mga labi.“ Ace, simula ng maipanganak ko si Sisi hindi mo pa siya nagawang alagaan kahit minsan. At sasaabihin mo iyan ngayon

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-25
  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   Kabanata 10

    Paano ba magsinungaling ang isang mabuting bata? Sino ang tinutukoy nito? Kahit minsan ay hindi niya pinaniwalaan ang paliwanag ni Sisi at lagi niya itong inaakusahan na napakasinungaling ng anak niya. Laging pinapagalitan dahil hindi daw ito nagsasabi ng totoo. At sa murang edad ay marunong n

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-26
  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   Kabanata 11

    Sa nakitang iyon Tyron ay agad itong nakaramdam ng galit dahil alam nito kung gaano kamahal ni Ashley si Ace at malulungkot siya sa nakita. “Hayop na ‘to, hindi pa lumilipas ang pitong araw na pagkamatay ni Sisi ay lumalandi na sa kirida. Makikita niya at ipapamukha ko kung ano ang nararapat sa kan

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-26
  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   Kabanata 12

    Halos matumba si Ashley ng mabitawan siya ni Ace dahil sa paghila ni Tyron dito. At ang makitang walang laban si Tyron kay Ace ay payakap na pinigilan ni Ashley sa baywang si Ace para hindi ulit nito masaktan si Tyron. “Ace, tumigil ka na.” Bumaba ang tingin ni Ace at napatingin kay Ashley na nak

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-28

Bab terbaru

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   Kabanata 173

    Nakahinga ng maluwang sina Ace at Ashley ng sabihin sa kanila ni Frank na wala namang malubhang sakit si Lola Astrid. Ngunit hindi masasabi ni Frank kung kailan ito magigising. "Magpahinga ka na muna, kailangan mong bumawi ng lakas dahil sabi ni Frank na mahina ang katawan mo at kulang sa pahin

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   Kabanata 172

    Kuyom ang kamao. Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Iisa na lang ang naisip niyang paraan para makita si Sisi. Lumabas siya sa silid ni Sisi, nagtungo siya sa control room kung saan nandoon nakadisplay ang monitor ng cctv. Doon niya makikita si Sisi. Oo, siguradong makikita niya si

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   Kabanata 171

    Muling bumalik si Lola Astrid sa sementeryo. Nakayayo siya ulit sa harap ng puntod ni Sisi. Kay bigat ng kanyang puso. Hindi siya mapakali sa tuwing naalala ang kanyang apo na si Sisi. Tahimik na lumuluha si Lola Astrid. Naalala niya si Ace. Nang unang araw na narinig ni Lola Astrid na sin

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   Kabanata 170

    Nagising si Lola Astrid dahil binabagabag siya sa kanyang nalaman. Wala siyang matandaan tungkol sa kasal nila Ace at Ashley. Pilit man niyang balikan sa alaala kung paano iyon nangyari ay walang pumapasok sa kanyang isipan. Bumangon si Lola Astrid. Nagpakawala ng malalim na paghinga.

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   Kabanata 169

    Nakita niya ng malinaw ang larawan na nakapinta sa tasa. Isa iyong masayang pamilya. Siya, si Ashey at si Sisi na nasa gitna nilang dalawa. At nakasulat doon ang mga salitang "DAD, I LOVE YOU." Bumigat na naman ang kanyang paghinga, habang pinagmamasdan niya ang tasa ay doon siya paulit ul

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   Kabanata 168

    Isa, dalawa, tatlo? Hindi na niya pinansin ang tagal sa pagbuo niya ng tasa. "Hindi kita susukuan." Halos paulit ulit na sinasabi iyon ni Ace na ngayon ay nangangalahati na sa nabuo. Hanggang sa mabuo niya ang ang larawan na naipinta sa tasa at ang nga salitang nakasulat doon. "D

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   Kabanata 167

    Mahigpit pa rin na naikuyom ni Belle ang palad Ginawa niya ang lahat para sa marating niya ngayon ang kinalalagyan niya ngunit sinisira lang ni Ashley. Naalala pa niya nang makabalik sila ni Vinice ay ipinagpatuloy niya ang pagtatanim ng masamang imahe ni Ashley sa mga mata ni Ace habang siya ay

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   Kabanata 166

    Umupo siya sa sofa sa bahay niya sa Tres Reyes at pinanood ang surveillance footage ng El Cielo. Nakaconnect iyon sa kanya dahil kay Helen kaya nakikita niya kung ano man ang galaw sa luma at malaking mansyon. Sa sandaling pumasok ang kotse ni Ace sa El Cielo Mansyon, nakatanggap siya ng paalala s

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   Kabanata 165

    "Asha!' Ipinulupot ni Ace ang mga braso sa baywang ni Ashley na puno ng pag aalala ang mukha. Ibinaba niya ang kanyang mga mata at tumingin kay Ashley na bumagsak sa kanyang mga braso. Sa kaibuturan ng kanyang mga mata ay may kirot sa kanyang puso na hindi niya namamalayan. "Ashley." Naiwan

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status