Share

CHAP 2

last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-31 11:08:13

SA KABILA NG KATOTOHANAN

Bumuntong-hininga si Nathaniel, "Kailangan nating pag-usapan ang isang bagay at nagpasya akong mas madaling mag-usap dito."

Nais ni Elara na itaas ang kanyang kilay dahil sa sagot na iyon. Pagod na siya. At saka, lahat ng nangyari sa kanya sa araw na ito ay sobra-sobra na para tanggapin niya ang ganitong klaseng kalokohan.

Hindi siya kailanman nagsalita tungkol sa kanilang palaging magkasama, ngunit ang pagsakop sa kanyang apartment—ang tanging ligtas niyang kanlungan—ay masyado na para sa kanya. Hindi niya na alam kung hanggang saan niya kayang tiisin ang lahat ng ito.

Masyado silang nagiging sobra.

Ang kanyang mga kamay ay nag-ball sa mga kamao. Huminga siya ng malalim, pilit na pinapanatili ang kanyang kontrol sa sarili.

"Hindi mo ba kayang makipag-usap sa ibang lugar? Kailangan ko ring magkaroon ng kapayapaan," aniya, pilit na pinakakalma ang kanyang boses kahit na gusto niyang sumabog sa inis.

"Stop being so dramatic, Elara," malamig na tugon ni Nathaniel. "And she's here because she needed a place to stay for a night. Nagkaroon siya ng problema sa kanyang tirahan, at hindi ko siya papayagang mapunta sa isang lugar na hindi ligtas."

Ramdam ni Elara ang unti-unting paglaki ng galit sa kanyang dibdib. Ngunit kahit gusto niyang sumabog, ayaw niyang gumawa ng eksena sa harap ni Shaira. Masyado na siyang maraming pinagdaanan ngayong araw, at hindi niya kayang makipagtalo pa lalo na sa harap ng babaeng ito.

"You can book her a place, not this apartment. This is my safe space. Why would you make a decision like that without informing me?!" may diin sa bawat salitang lumabas sa bibig niya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Nathaniel, halatang hindi niya maintindihan kung bakit napakalaking bagay nito kay Elara. Para sa kanya, isa lang itong maliit na pabor para kay Shaira—walang dahilan para pag-awayan nila.

"Kailangan niya ng lugar. Bakit kailangan kong mag-book ng isa kung mayroon tayong ekstrang apartment? Tsaka, akala ko pupunta ka sa bahay natin. Hindi mo man lang sinabi sa akin na dito ka titira," may halong inis at panunumbat ang boses ni Elara.

Gusto sanang matawa ni Elara sa katangahan ng kanyang narinig. Gusto niyang umiyak, ngunit pinilit niyang pigilan ang sarili. Para bang dinurog na ni Nathaniel ang puso niya at ngayon, pinupulbos pa ang natitira pang alabok.

"Fine," sabi niya habang nagngangalit ang mga ngipin. "Punta lang ako sa kwarto ko."

Habang naglalakad siya palayo, hindi mapigilan ni Elara na makaramdam ng halo-halong emosyon—galit, sakit, at pagkalito. Hindi niya na talaga alam kung ano ang nangyayari sa kanyang kasal kay Nathaniel. Para bang isa siyang estranghero sa sarili niyang buhay.

---

Kinaumagahan, maagang nagising si Elara at lumabas ng kwarto upang uminom ng tubig. Sa kanyang pagbaba, napansin niyang si Shaira ay nakaupo sa sala. Wala itong pinapanood, tila abala lang sa kanyang cellphone.

Pinagmasdan niya ito saglit, iniisip kung nasaan si Nathaniel. Ngunit sa huli, nagpasya siyang huwag nang pansinin si Shaira at dumiretso na lang sa kusina upang maghanda para sa trabaho.

Ayaw niya nang dagdagan pa ang bigat ng kanyang dibdib. Sa ngayon, ang tanging mahalaga ay mapanatili niya ang kanyang katinuan at maisip kung paano niya haharapin ang kanyang sitwasyon—lalo na ngayong may dinadala na siyang hindi lang sarili niya ang apektado.

Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan.

Kailangan niyang maging matatag.

---

Ayaw niyang makasama si Shaira at masira ang araw niya. Mas mabuting umalis na siya bago pa siya mawalan ng pasensya.

Pero bago siya makalabas ng pinto, biglang nagsalita si Shaira, halatang ngayon na ang tamang pagkakataon para ipakita ang tunay niyang kulay. Isang mapanuksong ngiti ang lumitaw sa labi nito bago nagtanong, "Kaya kailan ka aalis sa buhay niya? Alam mo namang wala kang halaga, hindi ba? Bakit hindi mo na lang tapusin ang pagpapanggap at lumayas ka na?"

Napahinto si Elara sa sinabi nito. Dahan-dahan siyang lumingon at tiningnan si Shaira, nakataas ang isang kilay. "Anong pinagsasabi mo?" tanong niya, ramdam ang unti-unting pag-init ng kanyang dugo.

Noon pa man ay laging mukhang sweet at mabait si Shaira sa harap ni Nathaniel. Hindi nito kailanman ipinakita ang ganitong klaseng ugali sa kanya. Pero ngayon, sa wakas, nakikita na niya ang tunay na Shaira—isang babaeng punong-puno ng poot at kasinungalingan.

"Ikaw ang hadlang sa kaligayahan namin ni Nathaniel," patuloy ni Shaira, ang boses ay punong-puno ng panunuya. "Kailangan mong bumitaw. Mas maaga, mas mabuti."

Napangisi si Elara, halos matatawa sa kapal ng mukha nito. Kagabi lang, siya rin ang babaeng mukhang kawawa at walang ibang ginawa kundi umasa kay Nathaniel. Ngayon naman, siya na ang nagtatapon ng masasakit na salita, akala mo kung sinong may karapatan.

"Ako ang asawa ni Nathan," matatag niyang sagot, hindi nagpadaig sa galit na nararamdaman. "Magkasama kami, at mananatili akong asawa niya."

Napairap si Shaira bago sumagot. "Hindi lang ikaw, Elara. Matagal na kaming magkasama ni Nathan bago ka pa dumating. Alam ko kung paano nagsimula ang kasal niyo, at alam kong wala kang halaga sa kanya. Akala mo ba espesyal ka? Akala mo kaya mong palitan ako?"

Hindi naitago ni Elara ang bahagyang pagkabigla.

"Ikaw ang nabubuhay sa ilusyon," dagdag pa ni Shaira, ang tinig ay punong-puno ng kumpiyansa. "May hawak kang papel na nagsasabing asawa ka niya, pero kailanman, hindi mo nakuha ang puso niya! Mahal pa rin niya ako, at ikaw? Isa ka lang hadlang sa amin."

Mas gusto niyang tumawa kaysa umiyak sa sinabi nito. Sa isang banda, hindi siya dapat nagugulat. Alam niyang mahalaga pa rin si Shaira kay Nathan. Pero sa kabilang banda, kahit papaano, may natitira pa siyang tiwala sa asawa—o marahil, umaasa siyang hindi ito ganun kalupit para lokohin siya.

"Anong pinagsasabi mo?" mahina ngunit matigas niyang tanong.

Tumingin si Shaira sa kanya, ang ekspresyon sa mukha ay tila naaawa ngunit puno ng pagkukunwari. "Sinasabi ko lang na konti na lang, palalayasin ka na ni Nathan. Alam mong hindi ka niya gusto. Hindi mo ba naisip na baka mas mabuti pang ikaw na ang magparaya?"

Nagpanting ang tainga ni Elara sa sinabi nito. Hindi niya alam kung paano siya dapat sumagot, pero hindi niya hahayaang si Shaira ang magdikta sa kanya. Kaya sa halip na umatras, dahan-dahan niyang hinila pababa ang neckline ng kanyang blouse, sapat lang para ipakita ang mapulang marka sa kanyang balat—mga marka na hindi kayang itanggi ni Nathan.

"Sigurado ka bang hindi niya ako gusto?" malamig niyang tugon, diretsong nakatingin kay Shaira. "Dahil kung gano’n, bakit siya umuungol habang hinahawakan ako?"

Nakita niya ang bahagyang pag-igting ng panga ni Shaira. Isang patunay na kahit anong sabihin nito, nasasaktan pa rin ito sa katotohanang may bahagi pa rin si Elara kay Nathaniel.

Pero sa kaloob-looban niya, alam niyang hindi dapat siya ipinagmamalaki ang mga markang iyon. Alam niyang isang pagkakamali ang nangyari noong gabing iyon—isang gabi kung kailan lasing lang si Nathan, kung kailan hindi ito malinaw ang isip. At higit sa lahat, isang gabi kung kailan tuluyan siyang nagbuntis sa anak nilang dalawa.

At sa puntong iyon, alam niyang kahit anong sabihin niya, walang paraan para maitago ang katotohanan.

"Grabe ka! Hindi iyan ginawa ni Nathan! Hinding-hindi niya hahawakan ang isang tulad mo!"

Tumawa si Elara. "Aba, bakit hindi mo siya tanungin? Baka ma-share din niya sa'yo kung gaano kainit ang mga gabi namin, kung paano sumusunog ang balat niya sa bawat haplos ko, kung paano niya ako niyayakap ng sobrang higpit gabi-gabi..." pang-iinis niya. Sa hindi malamang dahilan, mas gusto niyang saktan si Shaira.

Lalong tumindi ang galit ni Shaira, at lumapit ito kay Elara na may balak siyang sampalin. Ngunit mabilis na umiwas si Elara, dahilan para mawalan ng balanse si Shaira. Natamaan nito ang isang upuan bago bumagsak sa sahig.

Nagulat si Elara. Napakabilis ng mga pangyayari.

Malakas na sigaw ni Shaira, ang kanyang mga mata ay parang mga punyal.

"Anong nangyayari?!"

At iyon ang eksenang nadatnan ni Nathaniel. Kagagaling lang niya mula sa morning jogging nang marinig niya ang sigaw ni Shaira.

Mabilis siyang sumugod sa tabi ni Shaira at tinulungan itong tumayo. Pagkatapos, sinamaan niya ng tingin si Elara, ang kanyang mga mata malamig at puno ng galit. "Anong ginawa mo? Bakit mo siya tinulak?"

"Hindi ko siya itinulak!" pagtutol ni Elara. Medyo nagulat siya sa sitwasyon, lalo na nang mapansing may hawak-hawak si Shaira sa tiyan nito.

Pero mas masakit sa kanya ang katotohanang agad siyang pinagbintangan ni Nathaniel. "Sinubukan niya akong sampalin, at umiwas ako. Nawalan siya ng balanse at nahulog."

Napahawak si Shaira sa kanyang tiyan at napaungol sa sakit. "Nathan, ang baby... Ang baby..." desperado nitong sinabi habang mahigpit na kumakapit kay Nathan, na parang batang natanggalan ng kendi.

Napako si Elara sa kinatatayuan niya. Nagulat siya nang makita ang paraan ng paghawak ni Shaira sa tiyan nito.

"Okay lang, Shaira, okay lang," pagpapakalma ni Nathaniel habang niyakap ito. "I'll take care of you. Punta tayo sa ospital."

Isang matalim na tingin ang iniwan ni Nathan kay Elara bago siya tuluyang lumabas kasama si Shaira.

Tahimik lang na nakatayo si Elara, pinagmamasdan silang lumabas. Iniwan siyang mag-isa sa kanyang mga iniisip, sinusubukang iproseso ang lahat ng nangyari.

Baby... buntis si Shaira?

Nanlamig ang buong katawan niya. Hindi siya makapaniwala.

Niloko siya ni Nathaniel. At ngayon, may anak na sila ni Shaira.

Nanginginig ang mga tuhod niya at nag-umpisang mangilid ang kanyang luha.

"Paano mo nagawa sa akin ito?" bulong ni Elara, halos wala nang natitirang pag-asa sa puso niya.

Magkahalong galit, lungkot, at matinding pagtataksil ang naramdaman niya. Ibinigay niya kay Nathaniel ang lahat, pero itinapon lang nito ang lahat para sa ibang babae. Iniisip niya kung gaano na ito katagal, at kung sino pa ang nakakaalam.

---

Buntis si Shaira.

At mas lalong ironic dahil siya rin.

Pero sa halip na matuwa, parang lalo lang siyang nalulunod sa sakit. Hindi pa man niya tuluyang napoproseso ang lahat ng nangyari kahapon, heto na naman—isang bagong dagok na naman sa kanya.

Pabalik-balik si Elara sa kanyang sala, hindi mapakali. Ang isip niya ay nagliliyab sa dami ng tanong.

Ano ang posibilidad na sabay kaming buntis?

Kilala niya si Shaira. Oo mahal niya ito aminado ako, ngunit hindi niya akalaing magagawa nitong pagsabayin sila ni Nathaniel—at hindi rin niya inasahang ganito kababa si Nathan para lokohin siya.

Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang eksena kanina—si Shaira na sumisigaw habang nakahawak sa tiyan niya, ang takot sa mga mata nito, at ang malamig na titig ni Nathan sa kanya. Hindi niya maalis ang pakiramdam na parang siya ang may kasalanan. Pero alam niya ang totoo—wala siyang ginawang masama. Hindi niya itinulak si Shaira.

Kailangan niyang maiba ang iniisip.

Nagpasya siyang bumalik sa trabaho para maabala ang sarili.

Ngunit ilang minuto lang ang lumipas, biglang tumunog ang cellphone niya.

Nathan.

Nagdalawang-isip siya bago sagutin ang tawag. Hindi niya alam kung handa na siyang marinig ang sasabihin nito.

"H–hi, Callum," bati niya, pilit pinapanatili ang matatag na boses.

"Bakit hindi ka pumunta sa ospital?" tanong nito, malamig at diretso.

Napakurap si Elara. Hindi man lang siya tinanong kung ano ang nangyari. Hindi man lang nito inalam kung okay siya.

"Bakit ako pupunta sa Ospital?" sagot niya, bahagyang nanginginig ang boses.

"Anong ibig mong sabihin?" Napuno ng galit ang boses ni Nathan. "Nalaglag lang siya dahil sa'yo. Tinulak mo siya!"

Parang hinigpitan ng kamay ang kanyang puso.

Hindi siya makapaniwala.

"Bakit ko siya itutulak? Kilala mo ako, Nathan. Hinding-hindi ko gagawin 'yon."

Pero umiling lang si Nathan, nananatiling malamig ang tingin. "Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Ang alam ko lang, nawalan ng anak si Shaira—at kasalanan mo 'yon."

Ramdam ni Elara ang pag-agos ng luha niya. Hindi niya kayang tanggapin ang mga akusasyon nito.

"I told you, hindi ko siya tinulak! Ilang beses ko bang uulitin 'yon?"

Ngunit hindi siya pinakinggan ni Nathan. Sa halip, napangisi ito—isang mapait at mapanuyang ngiti.

"Gusto mong maniwala ako sa'yo? Ikaw, Elara? Na lagi kang cold-blooded at wala kang ibang iniisip kundi ang sarili mo?"

Napasinghap siya.

Hindi siya makapaniwalang lumabas sa bibig ni Nathan ang mga salitang iyon. Para bang hindi na siya nito kilala.

"How dare you..." mahina niyang bulong, puno ng sakit.

Pero hindi na niya nagawang sabihin pa ang iba.

"I-save mo na lang 'yang kasinungalingan mo sa isang taong maniniwala sa'yo," malamig na putol ni Nathaniel. At bago pa siya makasagot, ibinaba na nito ang tawag.

Nanatili siyang nakatitig sa cellphone niya, hindi makapagsalita.

Masyado nang marami.

Masyado nang masakit.

---

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • "CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"   WAKAS ❤️ [AUTHOR'S NOTE]

    KABANATA 43 “Sa Gitna ng Buhay at Kamatayan” (Narrator’s POV) Matuling umandar ang ambulansya sa gitna ng gabi. Malakas ang ugong ng sirena, sumasabay sa mabilis na tibok ng puso ni Diman. Hawak-hawak niya ang malamig na kamay ni Nathara, habang ang mga mata niya ay puno ng luha at galit. “Konting tiis, Nathara. Hindi ka pwedeng bumitaw. Hindi mo pwedeng iwan ako, hindi mo pwedeng iwan ang anak natin,” paulit-ulit niyang bulong, halos pakiusap, halos sigaw. Sa tabi niya, walang tigil ang paggalaw ng nurse na nakasama mula sa rescue team. “Sir, critical ang lagay niya. Kailangan niya agad ng operasyon.” Napapikit si Diman, mas hinigpitan ang pagkakahawak kay Nathara. Ang bawat segundo, parang taon na lumilipas. (Michael’s POV) Habang isinasakay siya sa patrol car, wala siyang ibang makita kundi ang ima

  • "CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"   Chap-42

    KABANATA 42 “Isang Pag-uwi, Isang Banta at Pagsagip" (Nathara’s POV) Pagkatapos ng lahat ng nangyari, ramdam kong kailangan ko ng bagong simula. Kaya’t pinagdesisyunan ko na… uuwi na ako ng Pilipinas. Sa loob ng sarili kong condo, maingat kong inilalagay ang mga damit sa maleta. Bawat fold ng tela, parang may kasamang alaala — sakit, pagkabigo, pero higit sa lahat, pag-asa para sa batang nasa sinapupunan ko. Hinaplos ko ang tiyan kong bahagya nang nakaumbok. “Hindi kita pababayaan,” bulong ko. “Sa Pilipinas, magsisimula tayong dalawa. Magiging ligtas ka.” At makakasama natin ang kuya Manthe mo napangiti ako. Habang abala ako sa pag-iimpake, hindi ko napansin ang isang sasakyang nakaparada sa

  • "CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"   Chap 41

    KABANATA 41 “Isang Katotohanang Hindi Ko Na Kayang Itanggi” (NATHARA’s POV) Hindi pa sapat ang nakita kong dalawang linya kagabi. Gusto kong makasiguro. Gusto kong marinig mula sa isang doktor ang totoo. Kaya ngayong araw, nagpunta ako sa hospital. Mag-isa. Walang ibang nakakaalam. Habang nakaupo ako sa waiting area ng OB-GYN, hawak-hawak ang maliit na numero ng aking appointment, bigla kong natanaw ang dalawang taong hindi ko inaasahang makikita. Si Michael. Kasama niya si Adriana. Halos mahulog ako sa kinauupuan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Mabilis akong tumayo at nagtago sa may gilid, pinipigilan ang sarili kong huminga nang malakas. Magkasabay silang pumasok sa loob ng clinic, magkahawak-kamay, tila ba walang ibang tao sa paligid. At ako? Nakatayo rito, nagtatago, dala-dala ang bigat ng sikreto sa sinapupunan ko. Maya-maya, lumabas sila. Sa sobrang lapit ko, narinig ko ang usapan nila. “Lalaki pala ang anak natin,” halos hindi maitago ni Mic

  • "CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"   Chap -40

    KABANATA 40“Mga Tanong na Ayaw Kong Sagutin”(NATHARA's Point of View)Ano ang gagawin ko?Yun ang tanong na paulit-ulit na umiikot sa utak ko habang tila nauupos akong kandila sa gitna ng gulo. Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi ko na alam kung ito ba'y stress, gutom, o... may iba pa.Bigla akong napabangon. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang oras. Alas-diyes na ng gabi. May bukas pa kayang botika?Wala akong pakialam.Nagbihis ako ng mabilis, nagtakip ng hoodie, at lumabas. Ilang hakbang lang mula sa apartment ay may pharmacy. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko—takot, kaba, pagkalito. Pero kailangan kong malaman ang totoo."Isa pong pregnancy test kit," mahina kong sabi sa pharmacist.Hindi siya nagtanong. Tahimik lang niyang inilagay sa paper bag at iniabot sa akin.Pagkalabas ko, humigpit ang hawak ko sa bag. Ramdam ko ang lamig ng gabing iyon, pero mas malamig ang kaba sa dibdib ko.

  • "CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"   Chap—39

    KABANATA 39“Ang Katotohanan sa Likod ng Lahat”(NATHARA's Point of View)“I’m Adriana. Ex-girlfriend ni Michael.”‘Yun lang ang sinabi niya, pero para bang binuhusan ako ng malamig na tubig. Parang tumigil ang mundo. Lahat ng ingay sa paligid, unti-unting nawala. Naging bulag at bingi ako sa kasalukuyan.“Ikaw ba si Nathara?” tanong niya kanina, bago ko pa nasabi ang kahit na ano. At ngayon, heto siya sa harap ko. Kalma. Nakangiti. Pero ang mga mata niya—may baon. May tinatago.Nakatitig lang ako sa kanya, hindi makapaniwala. Ilang minuto na ba akong hindi nakakakibo?“Okay lang kung ayaw mong makipag-usap... pero sana pakinggan mo muna ako,” ani Adriana. Napalingon siya sa pinto ng coffee shop. Walang Michael. Wala.“Hindi ko ito ginagawa para manggulo,” patuloy niya, habang inilalapag ang isang maliit na envelope sa ibabaw ng mesa. “Pero may karapatan kang malaman ang ilang bagay.”Parang t

  • "CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"   Chap-38

    Chapter38 "I'm Adriana Ex-girl friend ni Micheal"NATHARA'S point of viewnagising ako dahil sa pagbaliktad ng sikmura ko, pero naudlot ng makita ang sariling nakasuot ng silk satin dress.sa pagkakaalam ko ay napayuko nalang ako sa mesa dahil sa kalasingan, at pagkayari non ay hindi ko na alam..sino ang naghatid saakin sa bahay ko?at sinong nagpalit ng damit ko?napabalikwas ako ng higa ng muling bumaliktad ang sikmura ko, tinakbo ko ang banyo at pagbukas ko ay natakpan ko ang sariling bibig at halos malunok muli ang suka na dapat ay iluluwa ko.kadiri.WTF?!!!malapad na likod ng lalaki ang nakita ko na nakatalikod sa direksyon ko, nakabukas ang shower kaya patuloy ito sa pagbabanlaw ng sarili.malapad ang kanyang likod at maganda ang pangangatawan, bumaba ang aking tingin sa matambok nyang pwet.Sino siya?!tumagilid ang kanyang muka kaya napatulala ako ng mak

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status