Share

"CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"
"CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"
Author: Sailor moon 🌜

CHAP 1

last update Last Updated: 2025-03-31 10:14:25

SA LIKOD NG PAGSASAMA

"Buntis ka, Mrs. Anderson. Pitong linggo na. Kailangan pa nating magsagawa ng ilang pagsusuri, ngunit ire-refer kita sa aming espesyalista upang mapanatili ang maayos na pangangalaga. Binabati kita, Mrs. Anderson," anang doktor bago siya lumabas ng silid.

Parang sasabog ang tenga niya sa lakas ng tunog na pumapalibot sa kanya, ngunit sa kabila nito, nagawa pa rin niyang lumabas ng silid ng doktor. Hindi man lingid sa kanya ang pag-aalala ng nurse, hindi na niya iyon inalintana.

Padabog siyang lumabas, nanginginig ang mga kamay habang mahigpit na hawak ang resulta ng pagsusuri. Ramdam niya ang mabilis at malakas na tibok ng kanyang puso, na tila sasabog anumang sandali. Sinubukan niyang magmukhang kalmado sa harap ng doktor kanina, ngunit sa loob-loob niya, gulo ang lahat.

Pumunta siya sa ospital dala ang iniisip na simpleng sakit ng ulo at ilang banayad na sintomas ng panghihina. Ngunit ang balitang natanggap niya ay lubhang nakakagulat at nagpagulo sa kanyang isipan—buntis siya. Ang anak nila ni Nathaniel ang dinadala niya sa kanyang sinapupunan.

Parang isang mabigat na trak ang sumalpok sa kanya, halos hindi siya makahinga sa bigat ng sitwasyon. Nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang pilit niyang pinipigilan habang mabilis siyang naglakad sa mahabang pasilyo ng ospital.

Paano ko ito haharapin? Ano na ang gagawin ko ngayon?

Isang sandali lang ng kahinaan, isang iglap ng maling pasya—at ngayon, may isang buhay na lumalaki sa loob niya.

Nang pumasok sa isip niya si Nathaniel, bumigat lalo ang kanyang pakiramdam. Masakit alalahanin kung paanong paulit-ulit siyang hinamak ng sariling asawa. Hindi niya alam kung paano nito tatanggapin ang balitang ito, at mas lalong hindi niya alam kung may mararamdaman pa ito para sa kanya.

---

"Fuck
 gusto kaya niya ang batang ito? Masisisi niya ba ako kung bakit tuluyang gumuho ang dati naming marupok na pagsasama?"

Habang nakasandal si Elara sa malamig na dingding ng ospital, ramdam niya ang bigat ng mundo na unti-unting bumabalot sa kanya. Masyado itong mabigat, halos hindi na siya makahinga. Hindi niya alam kung paano siya magpapatuloy mula rito.

Kinasal sila ni Nathaniel—pero hindi dahil sa pag-ibig. Alam niya iyon mula pa noong simula. Kailangan lang niya ng isang taong nasa tabi niya, isang taong makakatulong sa kanya habang itinataas niya ang sariling pangalan sa industriya. At si Elara? Isa siyang pamilyar na mukha mula sa kanilang mga taon sa unibersidad, isang taong madaling mahuhulog sa kanyang patibong.

Nagpakasal sila, ngunit alam niyang hindi ito tulad ng pangkaraniwang kasal. Wala itong pagmamahal—o kung meron man, isang panig lamang.

Matagal na niyang nararamdaman na ginagamit lang siya ni Nathaniel, ngunit pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na may halaga siya sa buhay nito. Na kahit papaano, may pag-aalaga rin itong nadarama para sa kanya. Pero ngayon? Mas lalo lang niyang napagtanto kung gaano siya kahangal.

Nag-vibrate ang hawak niyang telepono, at nang tingnan niya ang screen, lumitaw ang pangalang matagal na niyang gustong kalimutan—Nathaniel.

Pinilit niyang pakalmahin ang sarili bago sagutin ang tawag. “Nasaan ka?” malamig na tanong ng lalaki. “May ilang dokumentong kailangan mong pirmahan. Kailangan ito agad.”

Napalunok si Elara. Ganito na lang ba palagi? Walang emosyon, walang pakialam. Para lang siyang isang empleyado sa isang kumpanya kung saan siya mismo ang produkto.

Huminga siya ng malalim bago sumagot, “Nasa labas ako.”

“Well, might as well run back here sa office. Wala akong buong araw, Elara.”

Nadurog ang puso niya sa malamig nitong tinig. Sa kabila ng lahat, bakit umaasa pa rin siyang magiging iba ito ngayon? Bakit parang pinaparusahan siya ng tadhana sa pagmamahal sa isang lalaking hindi kailanman nagkaroon ng puso para sa kanya?

Naramdaman niyang muling bumibigat ang kanyang dibdib. Sa isang iglap, ang lahat ng sakit na matagal na niyang kinikimkim ay tila gusto nang sumabog.

---

Nag-alinlangan si Elara na sabihin kay Nathaniel ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito, at mas lalo siyang natakot sa posibilidad na wala itong pakialam.

Paano kung magalit siya? Paano kung sabihin niyang ayaw niya ng batang ito—na ang nangyari sa pagitan nila ay isang pagkakamali lang, katulad ng pagsasama nila?

Napakaraming tanong ang bumabagabag sa kanyang isip, bumibigat sa kanyang dibdib na parang isang nagbabadyang bagyo. Ang katotohanang buntis siya ay sapat na para guluhin ang kanyang isipan, at ngayon, tila hindi na niya kayang isipin pa kung paano ito haharapin.

Nagsimula siyang mag-overthink, lumulubog sa isang madilim na espasyo na alam niyang delikado para sa kanya. Sinubukan niyang buuin sa isip ang tamang paraan ng pagsasalita.

“Okay ka lang ba?” tanong ni Nathaniel sa kabilang linya, bahagyang may pag-aalalang tono sa boses nito.

Nagulat siya nang bahagya. May bahagyang init sa boses nito—isang bakas ng pag-aalala na hindi niya madalas marinig mula rito. Isang mumunting pag-asa ang bumalot sa kanyang puso.

Baka pwede kong subukan? Dapat ko bang sabihin sa kanya?

Nagkaroon ng matagal na katahimikan sa kabilang linya. Pinipilit ni Elara na lunukin ng buo ang kaba, pero hindi niya pa rin alam kung paano magsisimula.

Kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol sa sanggol, tatanggapin ba niya ito? Magbabago ba ang lahat sa amin?

Isang malakas na sumpa ang gusto niyang ipataw sa sarili. Napaka-tanga mo, Elara! Masyado siyang naging pabaya. Dapat mas naging maingat siya. Alam na niya kung gaano kahirap ang buhay niya sa piling ni Nathaniel—at ngayon, madadagdagan pa ito ng isang bata.

“C’mon, Elara. Wala akong buong araw. Busy akong tao at hindi kita pwedeng hintayin mag-isang araw,” iritable nitong sabi.

Pinikit niya ang kanyang mga mata, kinagat ang kanyang labi, at nagdasal nang marahan. Kailangan niyang lakasan ang loob niya—ngayon na.

Pero bago pa siya makapagsalita, isang boses ng babae ang narinig niya sa kabilang linya.

"Nathaniel, mahal, sino ‘yang kausap mo?"

Matamis ang tono ng boses nito, masyadong pamilyar para kay Elara. Naramdaman niyang nanlamig ang kanyang katawan.

Si Shaira.

Huminto ang kanyang puso.

Ano bang inaasahan mo, Elara?

Syempre, si Shaira. Ang babaeng laging nandoon bago siya dumating sa buhay ni Nathaniel. Ang babaeng mahal nito noon, at tila mahal pa rin hanggang ngayon.

Isang segundo lang ang lumipas, pero pakiramdam ni Elara, parang ilang taon ang dumaan.

At bago pa niya maiproseso ang sakit na nararamdaman niya, bigla na lang natapos ang tawag. Naiwan siyang nakatitig sa screen ng cellphone niya, nakikinig sa walang buhay na dial tone.

“Fuck
” Shit —

Napahawak siya sa kanyang noo, pilit pinipigil ang mga luha.

Ano ba ang iniisip ko? Na may pakialam siya sa akin?

Isang mapait na tawa ang kusang lumabas mula sa kanyang mga labi. Tumitig siya sa kisame at umiling.

"Napakatanga mo, Elara. Tingnan mo kung anong pinasok mo."

May ilang taong nakatingin sa kanya sa ospital, pero hindi na niya ininda iyon. Pinilit niyang itayo ang sarili at inayos ang kanyang postura. Kailangan niyang magpakatatag.

Paglabas niya ng ospital, dumiretso siya sa kanyang sasakyan. Pinilit niyang kalmahin ang sarili, ngunit ramdam niya ang bigat ng lihim na dinadala niya.

Dapat ko ba siyang pagsabihan? O dapat kong itago ito mag-isa?

Kinakain siya ng kawalan ng katiyakan.

Hindi niya namalayan kung gaano siya katagal nanatili sa loob ng sasakyan. Pilit niyang inipon ang kanyang sarili bago tuluyang umalis patungo sa opisina ni Nathaniel.

Pagdating niya roon, hindi niya nakita si Nathaniel. Sa halip, sinalubong siya ng sekretarya nito na may bitbit na makapal na stack ng mga papeles.

“Ma’am, ito po ang mga dokumentong kailangan niyong pirmahan. Sinabi ni Sir Nathaniel na kailangang matapos ito agad.”

Parang may bumara sa kanyang lalamunan. Pinilit niyang kunin ang mga papeles at hindi naglakas-loob na tumingala. Ayaw niyang may makakita sa namumuong luha sa kanyang mga mata.

Siyempre. Dapat magkasama sila ni Shaira. Hindi man lang niya ako hinintay.

Nang makabalik siya sa kanyang mesa, napakawalan niya ang isang mabigat na buntong-hininga.

Ramdam niya ang paninikip ng kanyang dibdib. Nagsisimula nang bumigat ang kanyang pakiramdam.

Napatingin siya sa mga dokumentong ipapapirma ni Nathaniel. Sa dami ng tumatakbo sa kanyang isipan, hindi na niya magawang bumalik pa sa bahay nila ngayong gabi. Hindi niya alam kung kaya pa niyang harapin ang malamig na presensya ni Nathaniel—lalo na ngayong alam niyang may ibang babae na naman sa tabi nito.

Sa huli, napagdesisyunan niyang umuwi sa apartment na ibinigay sa kanya ni Nathaniel noong ikasal sila. Hindi siya madalas doon, pero sa gabing ito, kailangan niyang mapag-isa.

Ngunit pagdating niya roon, para siyang sinampal ng mas matinding katotohanan.

Nang binuksan niya ang pinto, tumambad sa kanya sina Nathaniel at Shaira—magkasamang nakaupo sa sofa, kumakain, nagtatawanan.

Parang hindi sila nag-aalala sa mundo.

Para silang mag-asawa. Para bang siya ang hindi kabilang.

"Anong nangyayari?" tanong ni Elara, pilit pinipigilan ang panginginig ng kanyang boses. "What is she doing here? No. Scratch that. Anong ginagawa niyong dalawa dito?"

Tumayo si Nathaniel, halatang nagulat sa bigla niyang pagdating. Halos matawa si Elara sa ekspresyon nito.

Ano? Hindi ba niya inasahan na darating ako sa sarili kong apartment?

O baka naman hindi ito ang unang beses na dinala niya si Shaira dito?

Kumulo ang dugo niya sa ideyang iyon.

“Oh, Elara, akala ko late ka na uuwi,” kaswal nitong sabi, halatang sinusubukang itago ang kaba sa boses. “Hindi ko inasahan na pupunta ka rito. Akala ko uuwi ka sa bahay natin.”

Nagkatinginan sila ni Shane, ngunit agad ding bumalik ang mata niya kay Nathaniel.

"Bakit siya nandito, Nathan?"

Ito ang kanyang lugar. Ang kanyang safe space. At hindi niya ito handang ibahagi sa iba—lalo na kay Shane.

Ang apartment na ito ay regalong ibinigay ni Nathan sa kanya, pero nang oras na ibigay ito, naging kanya na ito.

Hindi kay Nathan.

At lalo nang hindi para kay Shaira.

Pero ngayon
 narito sila.

Ramdam niya ang paninikip ng kanyang dibdib.

Masakit.

At alam niyang sa mga susunod na sandali, hindi na niya magagawang itago ang sakit na iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • "CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"   Chap-27

    Kabanata 27 [Jennifer's POV] Nagising ako sa pag-ring ng telepono ko. Nitong nakaraang buwan, sunod-sunod ang tawag ng mga nagpapautang na sinasabihan akong kailangan ko silang bayaran o mawawalan ako ng lahat. Kinailangan kong ibenta ang mga alahas ko para magkaroon ng kaunting oras, pero kung hindi ko mahahanap ang pera sa lalong madaling panahon, mawawala ang lahat. Perpekto naman ang lahat hanggang sa bumalik ang malandi. Kung nanatili lang sana siya roon sa Roseville, kasal na kami ni Diman ngayon at hindi na ako mag-aalala sa kahit ano. Susuportahan niya ako at magiging masaya ako. Marami akong pinaghirapan at kinailangan kong tiisin ang mga taong nagtsitsismis sa likuran ko dahil siya ay niyaya akong magpakasal, at nang sa wakas ay pumayag na siya, bumalik ang babaeng iyon. Sana hindi na lang ako nagpumilit na pumunta siya sa estupidong pagbisita sa gallery. Pagkatapos ng araw na iyon, wala nang bumalik sa dati. Tumunog ulit ang

  • "CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"   Chap —26

    Kabanata 26 " Walang umaapi ky Darkblackheart" [Nathara's POV] “Italy,” dadalhin niya ako sa Italy. Sino sa palagay niya ang kanyang sarili? Hindi lang niya ako dinukot, dadalhin pa niya ako sa kabilang panig ng karagatan, palayo sa aking anak. Habang nasisindak ako na hawak pa rin niya ang singsing ko pagkatapos ng lahat ng ito, at sa isang sandali ay hindi ako nagsalita, hindi ibig sabihin na sang-ayon ako sa lahat ng ginagawa niya. Tinatrato niya ako na parang isang bagay na pwedeng laruan niya kung kailan niya gusto at itapon kapag nabagot na siya. Kung iniisip niyang mananahimik ako at magiging isang langaw sa dingding at sasabihing “opo sir” sa lahat ng oras, nagkakamali siya. Gagawin kong miserable ang biyaheng ito dahil makakasama ko siya sa eroplano sa loob ng maraming oras. “Gusto mo ba ang ideya ng pagbisita sa Italy? Pwede tayong pumunta sa ibang lugar kung gusto mo,” sabi ni Diman na nakatingin sa akin ng matamang-tam

  • "CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"   Chap -25

    Chap —25 -I just want him teach a lesson" [Michael POV] The moment that my phone rang and I saw Nathara's picture in it napangiti ako. Nakilala ko siya ilang taon na ang nakalilipas noong nagboluntaryo ako sa mga doktor na walang hangganan at nagkaroon ako ng instant crush sa kanya. I learned that she was healing from a break up kaya hindi na ako nagpumilit masyado sa kanya pero nung nagkita ulit kami 6 months ago akala ko tadhana na. Sabihin na natin na siya at ang kanyang anak ay nakakuha ng isang mahalagang bahagi ng aking puso. Kahit na opisyal na kaming magkasama mga 4 na buwan na ngayon ay ligtas na mapagsasabihan na ako ay lubos na umiibig sa kanya at na siya ang The One para sa akin. Tinanong ko siya kung gusto niya akong manood ng sine dahil hindi kami nanood ng pelikula noong nakaraan dahil sinira ni Diman ang gabi ko sa pagsasabi sa akin na hinalikan niya si Nathara.

  • "CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"   Chap - 24

    Chap — 24 -Second chance đŸ„€ [DIMAN POV] Tinawagan niya siya. Inaasahan ba niya na darating siya at ililigtas siya? Natatakot ba siya sa akin o sadyang hindi niya ako matiis. Alam kong hindi talaga matino ang pagkidnap sa isang tao pero sa depensa ko ay desperado na ako. Minahal ko siya at gagawin ko ang lahat makuha lang siya. Damn it now para akong baliw. O baka ako. I'm insanely in love with my sweet Nathara that right now was killing me in 100 different ways in her mind. Kinuha ko na lang ang phone niya at pinatay matapos siyang kausapin. Nilagay ko sa trunk ng kotse ang mga bag na may junk food at saka sumakay at umalis ng hindi man lang tumitingin kay Nathara. Ramdam ko ang titig niya sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin. Hayaang tumakbo ng ligaw ang kanyang imahinasyon. Matapos ang isang oras na pagmamaneho na hindi ko pa rin siya pinapansin ay sa wakas ay hindi na siya mapakali at hinampas niya ako sa aking braso. Hindi sapat para saktan ako pero sapat na para agaw

  • "CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"   Chap-23

    Chap -23 -I was kidnapped by my Ex-husband" Smack! "Idiot ihinto mo ang sasakyan!" Smack! "Kung hindi mo ititigil ang sasakyan ngayon, I swear I will kill you in your sleep and throw your body to the stray dogs." Smack! "Would you stop hitting me with your bag? Ano bang meron sa loob? You are hurting me." "What did you expect the moment that you decided to kidnap me? Akala mo ba papasukin kita ng pilikmata ko at idedeklara ang undying love ko? It doesn't work that way Diman. NOW STOP THE FREAKING CAR! SMACK, SMACK, SMACK. "Nathara itigil mo yan kung ayaw mong maaksidente tayo. Wag mong hampasin yung manabela." Tumigil ako sa paghampas sa kanya pero naaasar pa rin ako. Hindi niya talaga ako kayang kidnapin. Kung ano ano ang tumatakbo sa isip niya. 4 years ago kaya niyang maghintay na malayo sa akin tapos ngayon kikidnap

  • "CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"   Chap— 22

    kabanata 22 — Dapat ko pa bang ipaglaban?" [Diman POV] Hindi siya maaaring magseryoso. After the earth-shattering kiss that she gave me she could not just tell me that it was over before it ever finished. Hindi ko iyon papayagan. Nagtayo ako ng isang imperyo mula sa wala, nakipag-usap sa mga mayayamang matatanda na may lumang pera na inaakala na ang dugong bata ay hindi sapat, kailangan kong magtiis ng 4 na taon ng impiyerno sa pag-iisip na ang mahal ko sa buhay ay gusto ako para sa aking pera at hindi para sa akin. Ngayong muli ko siyang nahanap at baka magkaroon ako ng pagkakataong maging masaya sa piling niya ay mapapahamak ako kung hahayaan ko itong mawala muli sa akin. Sinubukan kong itago ang aking sakit at sinubukang panatilihing neutral ang ekspresyon hanggang sa maisagawa ko ang aking plano. Ang aking isipan ay tumatakbo sa milya-milya bawat segundo na nagmumula sa iba't ibang mga ideya kung ano ang gagawin at isa sa mga ito ay patuloy na lumalabas sa lahat ng oras. Kaila

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status