DANIEL ARAGON BUENAVENTURA POV
"Kumain na ba si Bianca?” kaagad na tanong ko sa kasambahay naming si Thelma pagkababa ko ng dining area. Kasalukuyan kaming magkasabay na kumakain ni Jeneva nang hindi mawala-wala sa isipan ko si Bianca. Sa tatlong taon na magkasama kami sa mansion na ito never akong pumayag na makasabay siyang kumain. Sanay akong kumakain na mag -isa habang nasa tabi ko siya at pinagsisilbihan niya. Ngayung ibang babae na ang kasama ko hindi ako nakakaramdam ng tuwa. Parang may kulang sa akin na hindi ko maintindihan. Aaminin ko sa sarili ko na nakokonsensya ako sa ginawa ko sa kanya. Aware naman ako kung gaano niya ako kamahal pero hindi ko din talaga maintindihan ang sarili ko. Tuwing nakikita ko ang kanyang mukha umiinit talaga ang ulo ko. "Si Mam Bianca po? Umalis na po siya kanina Sir." sagot naman ni Thelma na labis kong ikinagulat. Ito ang kauna-unahang lumabas ni Bianca ng bahay na hindi niya ipinaalam sa akin at hindi ko siya kasama. Wala sa sariling nabitawan ko ang hawak kong kutsara at tinidor at seryosong tinitigan si Thelma. "Umalis? Saan nagpunta?" nagtataka kong tanong. "May mga dala bang gamit? Baka pumayag na siyang maghiwalay kayo Babe!" sabat naman ni Jeneva. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya. Si Jeneva! Ang childhood sweetheart ko na mula mga teenager pa lang kami nangako na ako sa kanya na siya lang ang papakasalan ko. Nagbago lang ang lahat dahil sa pakikialam ni Lola! Hindi ko natupad ang pangako ko pero sa loob ng tatlong taon na pagsasama naming dalawa ni Bianca...never din naman kaming naghiwalay ni Jeneva. May relasyon pa rin kami. Patago nga lang. Alam kong malaking kalapastanganan kay Bianca ang ginagawa kong ito pero sa tuwing tinititigan ko si Jeneva, palaging bumabalik sa isipan ko ang pangako ko sa kanya noon pa man na siya lang ang baaeng mamahalin ko. Siya lang at wala nang iba. "Ayaw niyang pirmahan ang divorce paper. Ayaw niyang mawalay sa tabi ko." sagot ko at mabillis na tumayo. Lumabas ng dining are at direchong umakyat ng hagdan. Isang kwarto lang ang gusto kong puntahan ngayun. Kwarto ni Bianca at nang buksan ko ang pintuan, kakaibang katahimikan ang kaagad na bumalot sa buo kong pagkatao. Parang bigla akong nakaramdam ng panlalamig. Inilibot ko ang tingin sa paligid at doon ko napagtanto na wala si Bianca. Maayos ang pagkakasalansan ng mga gamit niya lalo na ang mga librong paborito niyang basahin. Wala sa sariling napatingin ako sa kama at ganoon din. Maayos ang mga beddings at mukhang walang gumamit or nahiga man lang. Naagaaw ng attention ko ang papel na pilit kong pinapirmahan sa kanya. Kaagad na napakunot ang noo ko nang mapansin ko na maayos na iyung nakapatong sa bedside table. Akamng dadamputin ko sana nang mapansin ko ang isang kumikinang na bagay. Pinulot ko iyun at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko ang wedding ring ni Bianca. Yes, wedding ring niya at never kong nakita itong hinubad niya. Parang biglang nanginig ang laman ko at kaagad na dinampot ang divorce agreement at binuklat. Ganoon na lang ang panlulumo ko ng makita ko na pirmado na ito ni Bianca. Piniramahan niya na ang divorce agreement namin pero bakit hindi ako masaya? Bakit feeling ko may isang importanteng bagay ang biglang nawala sa akin! Bakit parang nasasakatan ako ngayun? Dahil ba nasanay na ako sa presensya niya dito sa mansion? Dahil ba hindi na ako sanay na wala na siya? "Umalis na ba siya? Pinirmahan niya na?" napukaw lang ako sa aking pagmumuni-muni ng marinig ko ang boses ni Jeneva at nang lingunin ko siya, nakatayo siya sa pintuan ng kwarto habang may matamis na ngiti na nakaguhit sa labi. Kaagad kong nailapag ang divorce paper at mabilis na naglakad palapit sa kanya. "Hindi ka pwede dito. Off-limits ka!" bigkas ko sabay hawak sa braso niya at halos kaladkarin ko siya paalis. Kaagad kong isinara ang pintuan ng silid at seryosong tinitigan si Jeneva. "Hindi porket pinayagan kita na pumasok dito sa mansion malaya mo nang gawin lahat ng gusto mo!" seryoso kong wika sa kanya. Napansin ko ang pagkagulat sa mga mata nito habang titig na titig sa akin. "Daniel, ano ba ang nangyayari sa iyo? Hindi ako si Bianca para pagsabihan mo ng ganiyan. Ako si Jeneva....ang chilhood sweetheart mo!" nakangiti niyang bigkas. Tinitigan ko naman siya sabay tango. "I know at kung gusto mong magtagal dito sa mansion sundin mo ang sinabi ko. Ayaw na ayaw kong pumapasok ka sa kwarto na iyan!" sagot ko sa kanya sabay turo sa kwartong nakasarado. Ang kwartong tatlong taon din na ginamit ni Bianca. "Why..d'ont tell me na nakokonsensya ka? Don't tell me biga mong na-realized na hindi mo pala kayang mawala siya sa iyo?" tatawa-tawang sagot naman ni Jeneva. Hindi ko siya pinansin bagkos mabilis akong bumaba ng hagdan. Palabas na ako ng bahay nang makasalubong ko ang aking half brother na may nakaguhit na masayang ngiti na napatingin din sa akin. "Paano ka nakapasok? Ilang beses ko bang sabihin sa iyo na bawal ka dito?" galit kong sita sa kanya. Malakas naman itong natawa sabay sulyap kay Jeneva na nasa likuran ko lang. "Mukhang may dahilan kung bakit nagpasya ang asawa mong layasan ka! I think hindi ko na kailangan pa ng confirmation mula sa iyo. Malinaw na sa akin ang lahat. Hiwalay na kayo at pwede ko nang ligawan ang babaeng matagal ko nang gusto." nakangisi nitong bigkas. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Dont dare...hindi pa napo-proseso sa korte ang divorce namin kaya wala kang karapatan na landiin ang asawa ko!" galit kong singhal kay Arnold. Tumawa lang ito ng malakas at matalim ang mga matang tinitigan ako. "Sorry Bro! Kahit na alam kong ilang beses mo na siyang pinagsawaan, handa pa rin akong tangapin siya ng buong puso. Gagawin ko siyang reyna sa aking palasyo at hindi ko gagawin ang mga kasamaan na ginawa mo sa kanya!" seryosong bigkas ni Arnold na lalong nagpakulo ng dugo ko. Ngayun pa lang.....parang gusto ko nang pagsisisihan ang ginawa kong pagpapapirma ng divorce paper kay Bianca! Maganda naman talaga si Bianca at maraming lalaki ang naghahabol sa kanya bago kami ikasal. Isa na dito ang half brother kong si Arnold na nakikita ko sa kanyang mga mata ngayun na pursigido talaga siyang maangkin ang asawa ko!SCARLETT POV SIX YEARS LATER YES, ganoon kabilis ang paglipas ng taon! Anim na taon ang mabilis na lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat! Wala na sila Scarlett at Stephen at nandito pa rin ako ngayun! Nakatayo sa harap ng kanilang puntod at kakatapos lang mag-usal ng maiksing panalangin! Sariwa pa rin ang sugat sa puso pero kailangan tangapin ang katotohanan na wala na sila! Na kailangan nang mag-moved-on dahil iyun ang nararapat! Alam kong tahimik na din naman sila! Na masaya na sila kung nasaan man sila naroroon! Sayang nga lang dahil hindi naging masaya ang naging buhay nila noong nandito pa sila sa mundong ito pero sana, kung totoo man ang reincarnation, magiging masaya na sana sila sa susunod nilang buhay! Kahit kailan, mananatili sila sa puso ko! Hinding hindi ko sila makakalimutan! Wala sa sariling napatitig ako sa larawan ni Anyana! Napakaganda niya talaga! Buhay na buhay ang ngiti sa kaniyang labi! Sayang nga lang at hindi siya lumaban! Alam kong m
DRAKU MONTEVERDE ATIENZA RESIDENCE SCARLETT POV "YAYA, kumusta ang mga bata? Tulog na ba sila?" seryosong tanong ko sa isa sa mga yaya's ng mga anak naming dalawa ni Draku! Tanghali na at hindi ko alam kung bakit kanina pa ako hindi mapalagay. Hindi din maalis-alis sa isipan ko si Anyana! Sobra kasi talaga akong naaawa sa kalagayan niya ngayun! Alam kong masyado nitong dinamdam ang biglaang pagkamatay ni Stpehen pero hindi lang naman siya ang nagluluksa! Buong pamilya namin ay nagluksa din sa biglaang pagpanaw ng kakambal ko at hangang ngayun hindi pa rin matatangap ng mga magulang ko na wala na siya! IYun nga lang, dumagdag pa talaga sa dagok ang muling pagkakasakit ni Anyana! Sa hindi malamang dahilan, napag-alaman ng mga Doctor nito na lumulaki na naman pala ang puso ni Anyana which is hindi magandang senyales! Kaparehong kapareho ang kondisyon ng sakit niya noong bata pa siya! Wish ko lang na sana malagpasan niya lahat iyun! Hindi ko alam kung kaya pa bang tangapin nami
ANYANA POV DALAWANG linggo ang matulin na lumipas na wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa loob ng aking kwarto kapag araw at sa gabi naman makikita ako sa garden na tahimik na nagmumuni-muni! Araw-araw din ako kung dalawin ni Daddy para masiguro ang kaayusan ng kalagayan ko! Minsan na din akong dinalaw ng mga Uncles ko sa bahay na ito at masasabi ko na masaya ako dahil ramdam ng puso ko kung gaano ako kahalaga sa kanila! Nakakalungkot isipin na alam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal! Sa bawat araw na nagdaan, ramdam ko na lalo akong humihina! May mga pagkakataon pa nga minsan na nahihirapan na akong bumangon sa umaga at kaunting galaw lang naghahabol na din ako sa aking paghinga! Dinadalaw din ako ng Doctor ko pero wala na akong energy pa para magtanong kung ano na ba ang sitwasyon ko! Ramdam ko din naman na alam na nilang lahat na alam ko na din kung ano man ang sitwasyon ko ngayun pero kagaya noon, wala talagang ni isa sa kanila ang gustong mag-open up tun
ANYANA POV 'ARE you sure, ayos ka lang dito?" seryosong tanong sa akin ni Daddy! Ayaw niyang pumayag na lumabas ako ng hospital pero wala na din silang nagawa pa nang ako na mismo ang nagpumilit pa! Ayaw man nilang direktang sabihin sa akin ang kalagayan ko alam ko sa sarili ko na kaunting oras na lang ang natitira sa akin at ayaw kong sa hospital ako bawian ng buhay! Pasalamat na lang talaga ako dahil narinig ko ang pag-uusap nila ng Doctor ko dahil mukhang wala talagang balak si Daddy na sabihin sa akin ang tunay kong kalagayan! '"Okay, sasamahan ka nila Ate Divina at Manang Grasya sa bahay na ito! Kung bakit naman kasi gusto mo dito gayung mas palagay ang loob ko kung doon ka na lang muna sa bahay namin titira!:" seryosong sagot ni Daddy! Wala sa sariling inilibot ko ang tingin sa paligid! Nandito kami sa bahay kung saan ako lumaki at nagdalaga! Ang bahay na minsang tinirhan namin ni Stephen noong nagsasama pa kami! Ang bahay na ipinamana sa akin ni Lola Sylvia Buenaventura
ANYANA POV "I AM SORRY, Mr Atienza pero sa sitwasyon niya ngayun hindi namin maipapangako kung kaya niya bang mag-undergo ng another operation! May history na siya ng surgery noong bata pa siya dahil ipinanganak siyang may congenital heart disease." narinig kong bigkas nang kung sino! Ang alam ko si Daddy ang kausap niya kaya naman mas pinili kong matulug-tulugan! "Ano ang pwedeng gawin para madugtungan nang buhay niya? Willing akong gumastos ng kahit na magkano para maging maayos ulit ang puso niya, Doc!" narinig kong sambit ni Daddy! Hindi ko mapigilan ang mapakunot noo dahil sa narinig ko! "I am sorry, Mr. Atienza! Isa ito sa malaking side effect ng mga batang nagkaroon ng history ng congenital heart disease! Although, succesful ang surgery niya noon pero hindi ibig sabihin noon na kaya niya nang mabuhay hangang sa kanyang pagtanda! After so many years, dumadating talaga ang ganitong problema at hindi namin sigurado kung kakayanin pa ba ng pasyente ang mag-undergo ng another
ANYANA POV Ang kagustuhan ko pa rin ang nasunod kaya walang nagawa si Gino kundi pagbigyan ako! May kinausap lang siya na kung sino dito sa hospital pagkatapos noon pinayagan na akong makaalis sa kondisyon na kailangan kong makabalik para daw maobserbahan ako! Maraming test pa daw ang dapat gawin sa akin which is hindi ko na din pinagtoonan ng pansin! Hindi ko alam kung ano ang dahilan at kung bakit dalawang araw akong walang malay sa hospital pero dahil mas focus ang isipan ko sa mga nangyari kay Stephen, hindi na ako nagtanong pa kay Gino! Habang nasa biyahe kami, mas pinili ko na lang ang manahimik! Bago naman kami umalis ng hospital, nangako si Gino sa akin na didirecho daw kami sa kinaroroonan ni Stephen which is labis kong ipinagpasalamat! Hangang ngayun kasi pinilit kong kinukumbinsi ang sarili koo na hindi totoong wala na siya! Pero ang pangungumbinsi kong iyun sa sarili ko ay biglang naglaho lalo na nang mapansin ko na sa isang memorial chapel kami dumirecho! "Ano ang