BIANCA ISSABELLE POV
Napahinto ako sa paghakbang at muling napaiyak. Ako na yata ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Parang gusto ko na lang tumakbo sa gitna ng kalasad at magpasagasa sa mga dumadaan na sasakyan. Parang gusto ko nang tapusin ang buhay ko. Nasa ganoong kalagayan ako ng mapansin ko ang paghinto ng isang itim na sports car sa gilid ng kalsada. Itutuloy ko na sana ulit ang aking paghakbang nang marinig ko na may biglang nagsalita. “Sister in Law? Sabi ko na nga ba eh…ikaw iyung nakikita ko kanina.”Nakangiting kaagad na bigkas ng driver ng naturang sports car. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya at kaagad kong nakilala si Arnold. Ang half brother ni Daniel na bihira ko lang din makita dahil hindi naman ako umaattend sa mga mahahalagang okasyon mayroon ang angkan ng mga Buenaventura. Kung hindi pa si Lola Antonia ang mag-initiate na umattend ako malabong isasama ako n Daniel. “Saan ang punta mo? Tsaka, ayos ka lang ba? Bakit ganiyan ang hitsura mo? Bakit ka hinayaan ng baliw kong kapatid na maglakad mag isa dito sa gilid ng kalsada? Ang init ohhh?” sunod-sunod na tanong ni Daniel kasabay ng pagsapo ko sa aking ulo. Nakaramdam ako ng matinding pagkahilo at bago pa ako bumagsak sa lupa nasalo na ako ng matipunong bisig. “Sabi ko naman kasi eh…sobrang init ng panahon. Ayan tuloy. Hayaan mo na ihatid kita pabalik sa bahay niyo.”narinig kong bigkas ni Arnold. Gamit ang nanghihina kong kamay, hinawakan ko siya sa bisig sabay iling. “No! Iuwi mo nalang ako sa bahay namin.” Malungkot kong bigkas kasabay ng pagkawala ng ulirat ko. Ni hindi ko na nga napansin pa ang makahulugang ngiti na kaagad na gumuhit sa labi ni Arnold. Nagising ako na maayos na ang kalagayan ko. Kaaga kong inilibot ang tingin sa paligid at doon ko napagtanto na nandito ako sa silid na mahigit tatlong taon ko ding hindi inuwian. Ang dati kong silid! Kung ganoon sinunod ni Arnold ang pakiusap ko na iuwi niya ako dito. Mabuti na lang talaga at siya ang nakakita sa akin. Hindi ko ma-imagine sa sarili ko kung nahimatay ako sa gilid ng kalsada. Masyadong delikado iyun lalo na sa baby na nasa sinapupunan ko. Babangon sana ako ng kama nang mapadako ang mga mata ko sa mukha ng isang seryosong tao na nakatitig sa akin. . Walang iba kundi ang nag-iisa kong kapatid. Si Kuya Cyrus na labis ang pagtutol noong nagpakasal ako kay Daniel. “Kuya Cyrus?” mahina kong bigkas at muling namasa ang mga mata ko. Indikasyon na gusto ko na namang umiyak. Sa totoo lang pagod na din ako sa kakaiyak eh. Kaya lang hindi ko talaga kayang pigilin ang mga mata ko. Kusa talagang lumalabas ang luha sa aking mga mata Malamig ang mga matang tumitig sa akin si Kuya Cyrus tanda na hindi sya masaya sa mga nangyayari sa akin. “Ano ang nangyari? Bakit ka nadaanan ka ni Arnold na nasa gilid ng kalsada at naglalakad mag-isa?” seryoso niyang tanong sa akin. Bakas sa boses niya ang inis kaya napasinghot ako. Iniwasan kong lalong maiyak sa harap niya dahil tiyak na hindi niya iyun magugustuhan pero pasaway talaga ang luha ko. Gusto niya talagang lumabas. “Kuya…si Daniel…ayaw niya na sa akin. Hiniwalayan niya na ako!” Umiiyak kong bigkas. Saglit siyang natigilan kasabay ng pag-iling. “Ano pa ba ang bago? Noon pa man ayaw na sa iyo ng taong iyun pero ikaw itong mapilit. Bianca, kailan ka ba magising sa katotohanan na hindi kayo bagay ng lalaking iyun. Hindi ka niya mahal kaya tumigil ka na!” seryoso niyang sagot sa akin. Lalo namang nag-uunahan sa pagpatak ang luha sa aking mga mata. Mariin akong napakapit sa bedsheet at napatitig kay Kuya Cyrus. “Gusto ko nang bumalik sa dati. Gusto ko nang balikan ang dati kong buhay. Gusto ko na siyang kalimutan. Tulungan mo ako Kuya!.” bigkas ko. Ang kaninang malamig na pagtitig niya sa akin ay napalitan iyun ng kislap. Kislap ng tuwa na never ko nang nakita sa kanya simula noong nagpakasal ako kay Daniel. “Sigurado ka na ba sa desisyong mong iyan?” tanong niya sa akin. Kaagad naman akong tumango. “Buntis ako…at gusto kong ilayo sa kanya ang bata. Hindi siya karapat-dapat na maging ama sa anak ko dahil binastos niya ang buo kong pagkatao.” seryoso kong sagot sa kanya kasabay ng pagpunas ko ng luha sa aking mga mata. Tinitigan ko si Kuya na noon ay unti-unti nang sumilay ang masayang ngiti sa labi niya. “Thanks God! Mabuti naman at nagising ka din sa katotohanan Bianca. Wala namang ibang magdadamayan kundi tayong dalawa lang eh. Tayong dalawa lang ang naiwang magkadugo dito sa mundo kaya kahit na gaano katigas ang ulo mo pinilit kong intinidihin ka. Ngayung nagbalik ka, ibabalik ko na din sa iyo lahat ng mga ari-arian at Negosyo na nakapangalan sa iyo.” Nakangiti niyang sagot sa akin. Kaagad namang sumilay ang malungkot ng ngiti sa labi ko. Ngayung naghiwalay na kami ni Daniel…sarili ko at ang batang nasa sinapupunan ko ang aasikasuhin ko. Hindi na ako papayag na muling umiyak. Hindi na ako papayag pa na masaktang muli. Tama na ang tatlong taon na pagpapakamartir sa piling niya. Tama na ang tatlong taon na paghihirap ko sa mga bisig niya. “Thank you Kuya! Thank you so much! Pangako, aayusin ko na ang sarili ko. Muli kong ibabalik ang dating ako! Hindi na kita bibiguin. Hindi na magiging matigas ang ulo ko!” nakangiti kong sagot. Kaagad naman siyang lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap. “Welcome back my little sister! Mahal na mahal ka ng Kuya!” sagot niya sa akin. Hindi ko naman napigilan pa ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko. Kahit na papano, napatunayan ko ngayun lang na hindi pala ako nag-iisa. Na may taong handa akong tulungan na makabangon mula sa pagkakadapa ko. May taong hindi ako susukuan at itataboy. "Thank you Kuya! Sorry kung naging matigas ang ulo ko. Sorry sa lahat-lahat dahil hindi ako nakinig sa iyo." umiiyak kong bikgas. "Sshshh, tahan na! Ako ang bahala sa iyo...simula ngayung araw..hindi na ako papayag pa na may mga taong aagrabyado sa iyo!" madamdaming sagot niya sa akin.SCARLETT POV SIX YEARS LATER YES, ganoon kabilis ang paglipas ng taon! Anim na taon ang mabilis na lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat! Wala na sila Scarlett at Stephen at nandito pa rin ako ngayun! Nakatayo sa harap ng kanilang puntod at kakatapos lang mag-usal ng maiksing panalangin! Sariwa pa rin ang sugat sa puso pero kailangan tangapin ang katotohanan na wala na sila! Na kailangan nang mag-moved-on dahil iyun ang nararapat! Alam kong tahimik na din naman sila! Na masaya na sila kung nasaan man sila naroroon! Sayang nga lang dahil hindi naging masaya ang naging buhay nila noong nandito pa sila sa mundong ito pero sana, kung totoo man ang reincarnation, magiging masaya na sana sila sa susunod nilang buhay! Kahit kailan, mananatili sila sa puso ko! Hinding hindi ko sila makakalimutan! Wala sa sariling napatitig ako sa larawan ni Anyana! Napakaganda niya talaga! Buhay na buhay ang ngiti sa kaniyang labi! Sayang nga lang at hindi siya lumaban! Alam kong m
DRAKU MONTEVERDE ATIENZA RESIDENCE SCARLETT POV "YAYA, kumusta ang mga bata? Tulog na ba sila?" seryosong tanong ko sa isa sa mga yaya's ng mga anak naming dalawa ni Draku! Tanghali na at hindi ko alam kung bakit kanina pa ako hindi mapalagay. Hindi din maalis-alis sa isipan ko si Anyana! Sobra kasi talaga akong naaawa sa kalagayan niya ngayun! Alam kong masyado nitong dinamdam ang biglaang pagkamatay ni Stpehen pero hindi lang naman siya ang nagluluksa! Buong pamilya namin ay nagluksa din sa biglaang pagpanaw ng kakambal ko at hangang ngayun hindi pa rin matatangap ng mga magulang ko na wala na siya! IYun nga lang, dumagdag pa talaga sa dagok ang muling pagkakasakit ni Anyana! Sa hindi malamang dahilan, napag-alaman ng mga Doctor nito na lumulaki na naman pala ang puso ni Anyana which is hindi magandang senyales! Kaparehong kapareho ang kondisyon ng sakit niya noong bata pa siya! Wish ko lang na sana malagpasan niya lahat iyun! Hindi ko alam kung kaya pa bang tangapin nami
ANYANA POV DALAWANG linggo ang matulin na lumipas na wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa loob ng aking kwarto kapag araw at sa gabi naman makikita ako sa garden na tahimik na nagmumuni-muni! Araw-araw din ako kung dalawin ni Daddy para masiguro ang kaayusan ng kalagayan ko! Minsan na din akong dinalaw ng mga Uncles ko sa bahay na ito at masasabi ko na masaya ako dahil ramdam ng puso ko kung gaano ako kahalaga sa kanila! Nakakalungkot isipin na alam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal! Sa bawat araw na nagdaan, ramdam ko na lalo akong humihina! May mga pagkakataon pa nga minsan na nahihirapan na akong bumangon sa umaga at kaunting galaw lang naghahabol na din ako sa aking paghinga! Dinadalaw din ako ng Doctor ko pero wala na akong energy pa para magtanong kung ano na ba ang sitwasyon ko! Ramdam ko din naman na alam na nilang lahat na alam ko na din kung ano man ang sitwasyon ko ngayun pero kagaya noon, wala talagang ni isa sa kanila ang gustong mag-open up tun
ANYANA POV 'ARE you sure, ayos ka lang dito?" seryosong tanong sa akin ni Daddy! Ayaw niyang pumayag na lumabas ako ng hospital pero wala na din silang nagawa pa nang ako na mismo ang nagpumilit pa! Ayaw man nilang direktang sabihin sa akin ang kalagayan ko alam ko sa sarili ko na kaunting oras na lang ang natitira sa akin at ayaw kong sa hospital ako bawian ng buhay! Pasalamat na lang talaga ako dahil narinig ko ang pag-uusap nila ng Doctor ko dahil mukhang wala talagang balak si Daddy na sabihin sa akin ang tunay kong kalagayan! '"Okay, sasamahan ka nila Ate Divina at Manang Grasya sa bahay na ito! Kung bakit naman kasi gusto mo dito gayung mas palagay ang loob ko kung doon ka na lang muna sa bahay namin titira!:" seryosong sagot ni Daddy! Wala sa sariling inilibot ko ang tingin sa paligid! Nandito kami sa bahay kung saan ako lumaki at nagdalaga! Ang bahay na minsang tinirhan namin ni Stephen noong nagsasama pa kami! Ang bahay na ipinamana sa akin ni Lola Sylvia Buenaventura
ANYANA POV "I AM SORRY, Mr Atienza pero sa sitwasyon niya ngayun hindi namin maipapangako kung kaya niya bang mag-undergo ng another operation! May history na siya ng surgery noong bata pa siya dahil ipinanganak siyang may congenital heart disease." narinig kong bigkas nang kung sino! Ang alam ko si Daddy ang kausap niya kaya naman mas pinili kong matulug-tulugan! "Ano ang pwedeng gawin para madugtungan nang buhay niya? Willing akong gumastos ng kahit na magkano para maging maayos ulit ang puso niya, Doc!" narinig kong sambit ni Daddy! Hindi ko mapigilan ang mapakunot noo dahil sa narinig ko! "I am sorry, Mr. Atienza! Isa ito sa malaking side effect ng mga batang nagkaroon ng history ng congenital heart disease! Although, succesful ang surgery niya noon pero hindi ibig sabihin noon na kaya niya nang mabuhay hangang sa kanyang pagtanda! After so many years, dumadating talaga ang ganitong problema at hindi namin sigurado kung kakayanin pa ba ng pasyente ang mag-undergo ng another
ANYANA POV Ang kagustuhan ko pa rin ang nasunod kaya walang nagawa si Gino kundi pagbigyan ako! May kinausap lang siya na kung sino dito sa hospital pagkatapos noon pinayagan na akong makaalis sa kondisyon na kailangan kong makabalik para daw maobserbahan ako! Maraming test pa daw ang dapat gawin sa akin which is hindi ko na din pinagtoonan ng pansin! Hindi ko alam kung ano ang dahilan at kung bakit dalawang araw akong walang malay sa hospital pero dahil mas focus ang isipan ko sa mga nangyari kay Stephen, hindi na ako nagtanong pa kay Gino! Habang nasa biyahe kami, mas pinili ko na lang ang manahimik! Bago naman kami umalis ng hospital, nangako si Gino sa akin na didirecho daw kami sa kinaroroonan ni Stephen which is labis kong ipinagpasalamat! Hangang ngayun kasi pinilit kong kinukumbinsi ang sarili koo na hindi totoong wala na siya! Pero ang pangungumbinsi kong iyun sa sarili ko ay biglang naglaho lalo na nang mapansin ko na sa isang memorial chapel kami dumirecho! "Ano ang