Share

CHAPTER 2 (1.2)

Ang bilis ng oras dahil alas-singko na. Nagkayayaan na kaming umuwi na ang kaso nagtext sa amin si Alex na pumunta sa bar kung saan siya tumutugtog ng mga kabanda niya tuwing walang pasok saka sabado naman ngayon kaya, okay lang, nagtext na rin naman ako kay nanay na baka late ako makauwi at pumayag naman siya kaya, go na. At isa pa, may kotse naman si Kat kaya sabay na kaming nagpunta roon, malapit lang naman. 

Medyo inabot kami ng traffic kaya mga 6:30 PM na kami nakarating. 

Pagpasok namin ng bar ay namataan namin sina Alex at mga kabanda niya na mukhang kakatapos lang kumanta at pababa na ng stage. Sayang, hindi namin napanood kung gaano kagaling ang kaibigan namin kumanta at kung gaano kahalimaw tumugtog. 

Pagkababa niya ay nakita niya rin naman kami agad kaya dali-dali siyang nagtungo palapit sa amin. 

"Bakit ngayon lang kayo?" Bungad niyang tanong sa amin habang lumalagok ng Tequila na inabot ng waiter sa kaniya. 

"Traffic, e. May Boys ka ba diyan?" Sagot ng palinga-lingang si Kat na tila naghahanap ng lalaking mat-target landiin kaya napailing na lang ako sa ginawa niya pati na si Alex na nakangisi lang. 

"Upo muna kayo, pakilala ko kayo sa bandmate ko." Inabutan niya kami ng alak at nilagok ko naman ito agad dahil nauuhaw na ako saka, medyo sanay naman akong uminom ng alak kaya hindi na ito bago sa akin. 

"Guys, nandito na sila. Si Henry, Noglas, at si Hayme. Ito mga kaibigan ko si Chanela at saka si Kat." Pakilala niya, nakipag kamay naman kami ni Kat agad. Mukhang okay naman silang pakisamahan, hindi killjoy sa mga mukha pa lang nila halata na. 

Nakaupo lang kaming lahat dito sa nisang round table at nakapaikot ang lahat. Ilang minuto rin ay napahaba na ang pag-uusap namin ng kabanda ni Alex. Medyo napaparami na nga ako ng nainom, e. Nasa kalagitnaan kami ng pagk-kwentuhan nang magyaya si Henry na maglaro daw kami ng Truth or Dare para na din iwas ng boredom at mas makilala ang isa't isa kaya pumayag na lang kami.

"Hm, ano ba p'wedeng itanong?" Si Henry kasi magtatanong at ang tatanungin niya ay si Hayme. 

"Hm, nakipag-sex ka na ba sa ka-fling mo?" Tila nang-aasar na tanong niya dahil sa tono ng boses. 

"The fuck dude, hell no!" Sabay lagok ni Hayme ng alak. Hindi kami naglalaro ng spin the battle, paikot na lang ang nangyari dahil nakapabilog naman kami ng upo. 

Sunod naman na tinanong ay si Alex dahil siya ang katabi ni Hayme. Si Hayme naman ngayon ang magtatanong.

"Truth or dare?"

"Dare." Walang pag-aalinlangan sagot ni Alex.

"Kiss me," nagulat kami lahat sa naging utos ni Hayme kay Alex, medyo napatagal munang hindi nag-react si Alex kaya napatingin kami sa kaniya at tila siya nag-aalangan gawin ang dare. 

Inubos niya muna ang alak na laman ng baso niya pagkatapos ay tumayo siya at lumapit kay Hayme at ginawa ang Dare sa kaniya. Nagkatyawan kaming lahat sa eksenang nakita namin.

Pagkatapos gawin ni Alex iyon ay naupo na din siya ulit sa dati niyang puwesto na tila walang nangyari at iniwan si Hayme na natulala sa ginawa niya. Hindi ata nito inakalang gagawin talaga iyon ni Alex kaya tawa kami nang tawa sa naging itsura niya. 

Masaya pala silang kasama, no wonder bakit naging close 'to agad ni Alex. Feel ko rin may gusto sa kaniya si Hayme, natotorpe lang.

"Basic." Ngisi niya at nilagok ulit ang baso. Bigla na rin namang bumalik sa ayos si Hayme pero hindi nakatakas sa paningin namin ang pagpagpula ng tainga niya. Ay, kininilig? Kaya bandang huli, inasar namin siya ulit mabuti na lang at hindi naman ito napikon o naasar.

"Next na, ikaw naman Noglas."

"Truth or dare?" Tanong ni Alex.

"Dare."

"Sumayaw ka no'ng TT ng twice, bilis!" Ngisi ni Alex dito na kinaputla naman ni Noglas kaya nagsimula na namang magtawanan at mang-asar ang tropa.

"Ayaw ko nga, ano ba 'yan sa dinami-daming p'wedeng i-dare ayan pa tsk." Angal niya in a cool way pero halata sa kaniyang namumutla siya at kinakabahan pero inaasar lang namin siya at hinatak patayo kaya wala na siyang nagawa kung 'di ang sumayaw. 

Habang sumasayaw ay nakasimangot siya na tila naiinis na pero hindi niya magawang umangal dahil Dare ang pinili niya. Lalo pa kaming nagtawanan dahil sa itsura niya, si Alex ang kumakanta at si Noglas naman ang sumasayaw, lakas makamusic video sa karaoke, hahaha! Medyo may pagka-masungit itong si Noglas tignan pero hindi siya killjoy.

Nasa gitna na kami ng paglalaro nang bigla kaming natigil dahil naiihi daw si Kat kaya nagpaalam muna siya upang magtungo sa CR, kaya hinintay na lang namin siya bago ulit kami magpatuloy. 

Kaming mga naiwan ay nag-kuwentuhan muna tungkol sa buhay habang umiinom ng alak. Tatlong bote na ang naubos namin at pang-apat itong kararating lang.

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit, wala pa din si Kat. 

"Ang tagal naman ni Kat." Sabi ni Henry at tila inip na inip na ang nakaburda sa mukha niya. 

"Puntahan niyo kaya, girls?" Sabat naman ni Hayme habang iniikot-ikot ang baso niya bago nilalagok. 

Nagkatinginan kami ni Alex na tila nababasa ang nasa isip ng isa't isa. 

"Sige, teka." Sabay na sabi namin at tumayo para puntahan si Kat sa CR. Iniwan muna namin ang mga gamit namin sa table dahil andoon naman ang mga kabanda ni Alex at hindi ito mawawala. Tumango na lang sila kaya naglakad na kami paalis. 

"Asan na naman kaya 'yon?" Tanong ni Alex habang naglalakad at palinga-linga sa paligid. 

"Baka—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang muntik na kaming magkabanggaang tatlo. Sakto kasing tumatakbo si Kat palabas ng CR at saktong papasok din kaming dalawa ni Alex sa pinto kaya ayon muntik na.

Pare-parehas kaming nagulat sa isa't isa at hindi rin agad kami naka-react sa nakita naming itsura niya.

Ang gulo ng buhok niya, kalat din ang lipstick niya. May red na mantsa din sa dress niya. Kaya agad namin siyang dinaluhan dahil sa pag-aalala. 

"Oy sa'n ka galing? Bakit ang tagal mo? Ano 'yang nasa damit mo? Bakit ang gulo ng buhok mo? Tapos kalat 'yang lipstick mo? Don't tell me, nakipag chukchakan ka somewhere?" Sunod-sunod na tanong ni Alex. Hinintay namin ang sagot niya pero nakipagtitigan lang siya sa amin ng ilang minuto at umiwas din agad ng tingin. 

Nakutuban naming may nangyaring hindi maganda sa kaniya kaya naglakad kami papalapit sa kaniya at hinawakan siya pero parehas kaming nagulat ni Alex nang winaksi niya ang kamay naming nakahawak sa kaniya. 

Nakita ko rin ang sugat sa may bandang leeg niya at kung titignan mo naman ay hindi ito gaanong kalalim pero kita dito ang pagpuslit ng dugo. Akmang hahawakan ko ito nang agad siyang umiwas at napaatras.

"Anong—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magsalita siya. 

"Gusto ko nang umuwi..." namamalat na boses na sabi niya at bakas din sa boses niya ang pagod bago niya kami tinalikuran habang nakayuko. 

Natulala kami ng ilang minuto at natauhan din nang marinig namin si Kat na bumagsak sa sahig. Agad kaming tumakbo papalapit sa kaniya ngunit hindi pa man din kami nakakalapit nang tuluyan ay, nagsalita na siya na kinahinto namin.

"'Wag kayong lalapit, please. Just leave!" Sigaw niya at kahit hirap na hirap tumayo ay, pinilit niya ang sarili niya, paika-ika pa siyang naglakad paalis. Hindi na namin siya nasundan pang muli at nagkatinginan ni Alex dahil sa hindi namin maproseso ang nasaksihan naming kalagayan ni Kat. 

"Mabuti pa, hayaan na muna natin. Baka hindi niya pa kayang sabihin sa atin." Sabi ko, tumango na lang siya. Ilang beses kasi naming kinontact si Kat pero, nakapatay na ang phone niya kaya wala na kaming nagawa at napabuntong-hininga na lang.

After noon ay nagkayayaan na lang kaming umuwi. Umabot pala kami ng ilang oras kakatawag kay Kat sa labas ng CR kung saan huli namin siyang nakita at huli na nang maalala naming may naiwan pala kaming mga kasama sa loob. Ang kaso, pagkadating namin doon ay mga tulog na ang mga ito dahil sa kalasingan at mukhang hindi na magigising pa. Kaya hinayaan na lang namin sila doon. Pinakiusapan naman namin ang mga staff at binayaran na lang ang mga binili namin kanina.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status