Share

CHAPTER 6

Chanela Leiz Kamunting's POV

Sabado ngayon at alas-siyete ng umaga ako ginising ni Nanay dahil mamamalengke daw kami. Kasalukuyan akong nasa loob ng kuwarto nang marinig ang sigaw niya sa labas.

"Bilisan mo, 'nak habang maaga pa!" Pag mamadali niya sa 'kin.

Naghahanap kasi ako ng maisusuot, ngunit nahirapan pa ako makapili ng plain na damit at leggings kaya ako natagalan.

Hindi kasi ako nagsusuot ng shorts 'pag nagpupunta ng palengke. Natatakot kasi ako na baka mahipuan ako nang wala sa oras, lalo na't siksikan minsan do'n.

"Opo, 'nay!" Sagot ko nang matapos na akong magbihis, kaya binilisan ko na ang pagsuklay at pagtali sa buhok ko dahil nakakairita sa palengke kung nakalugay ako tapos aabutan lang ng araw edi parang naligo lang ako sa sarili kong pawis. At isa pa, medyo masungit si Nanay baka makaltukan ako niyan kapag nagtagal pa ako.

Gusto ko na rin tuloy magpagupit dahil nanlalagkit na ako ang kaso baka hindi ako

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status