Share

Chapter 6

Author: Switspy
last update Last Updated: 2023-03-13 03:54:25

NAPATINGIN si Zahra sa isang sasakyan na hindi pamilyar sa kanya na naka-park sa kanilang garahe.

Kakarating niya lang dahil inutusan pa siya ng kanyang daddy na dumaan sa isang restaurant upang kunin ang in-order nito. Siya pa talaga inutusan at anong meron sa Italian foods? Kailan pa naging mahilig ang ama sa pagkain ng mga Italyano.

Nang makita niya ang kotseng naka-park ay nasagot niya ang sariling tanong. Mukhang para sa bisita ang order ng ama. Bakit hindi na lang ito nagpaluto? They have one of the best chef not only in the country but in the world. So…What with his dad?

Pagkapasok niya sa malaking pintuan ng mansion nila ay sinalubong siya agad ni Manang Aiza at dalawa pang katulong.

Nag-bless siya rito. Si Manang Aiza ay para na niyang pangalawang ina. Dito siya lumaki dahil laging busy ang mga magulang.

"Ito po ang susi, nasa kotse po ang mga pagkain na in-order ni Daddy," magalang niyang sabi rito.

"Sige, kami na bahala. Umakyat ka na sa taas at magpalit. Tatawagin kita paghanda na ang hapunan." Kinuha nito ang susi sa kanya.

"Nasaan po sina Daddy at Mommy?" tanong niya.

"Nasa may garden sila at may kasamang isang binata. Napakagwapo, iha," tila kinikilig na kwento pa ni Manang Aiza kaya napangiti siya. Hindi na ito nakapag-asawa dahil sa dedikasyon nito sa kanyang pamilya lalo na sa kanya.

"Gwapo, huh," sabi niya na nangingiti saka nagpaalam na rito na aakyat na at nang makapag-ayos na siya. Hindi naman niya kailangan magpaganda dahil may nobyo na siya. Na-cu-curious lang siya sa gustong pag-usapan nila ng daddy niya. Pero may bisita ang mga magulang.

Saktong tapos na siya mag-ayos nang makarinig ng pagkatok.

"Pasok," sigaw niya upang marinig siya.

Bumukas ang pintuan at iniluwal si Manang Aiza na ang lapad nang pagkakangiti. Humakbang ito palapit sa kanya.

Nagsalubong ang tingin nila sa repleksyon nila sa salamin. Hinaplos-haplos nito ang kanyang buhok. "Ang ganda talaga ng alaga ko. Napakaswerte talaga ng lalaking mapapangasawa mo, iha," sabi nito.

"Siyempre naman po, kayo nagpalaki sa akin," buong pagmamalaki niyang sambit na ikanalambot ng mukha ng matanda at niyakap siya mula sa likuran. Nakita niya namuo ang luha sa gilid ng mga mata nito. "Manang, nagdrama ka na naman. Senyales ba 'yan na tumatanda ka na," biro niya.

Mabilis naman bumitaw si Manang Aiza saka mahina siyang tinapik. "Kasalanan mo ito. Pinapaiyak mo ako. Ang beauty ko, may gwapo pa man din sa baba," ganting biro nito.

"Matingnan nga kung gaano kagwapo 'yan pinagmamalaki mo." Tumayo siya saka pinulupot ang braso sa braso ni Manang Aiza.

"Hindi ka magsisisi, gwapo talaga. May garter ba panty mo? Baka malaglag kapag nakita mo," sabi muli nito na ikinatawa niya.

Para sa kanya ay isang lalaki lang ang gwapo at walang iba kundi ang kanyang nobyo. Napangiti siya nang maalala ang kanyang bunny.

"Tingnan mo, wala pa man nangingiti ka na. Hawakan mo mabuti ang panty mo, ah," rinig niyang sabi pa ulit ni Manang Aiza kaya naman hinila na niya ito.

Habang pababa sa kanilang grand staircase ay hindi malaman ni Zahra kung bakit bigla na lang siyang kinabahan.

"Ayos ka lang, iha?" Napansin yata ni manang ang pagbabago ng kanyang pakiramdam dahil nga nakahawak siya rito.

Tipid siyang ngumiti. "Ayos lang po ako." Bumitaw na siya rito nang tuluyan makababa. Sinalubong sila ng isa pa sa kasambahay.

Bahagya pa itong yumuko. "Senyorita, diretso na raw po kayo sa dining area, pinapasabi ng iyong ama."

"Sige po, salamat," tugon niya at nilingon si manang. "Tayo na po," aniya rito na tinanguan naman siya at pinauna na siya maglakad.

Isinuot niya ang kanyang pinakamatamis na ngiti. Kung sino man ang bisita ng ama ay kailangan niya magbigay galang. Pinalaki siyang maayos at may mabuting asal.

Nang makapasok sa loob ng dining area ay nakita niya agad ang kanyang ama na nakaupo sa gitnang upuan habang ang kanyang ina naman ay nasa kaliwang bahagi at sa may bandang kanan naman ang isang lalaki. Nakatalikod ito mula sa kanyang kinaroroonan kaya hindi niya mahinuhan kung ano ang itsura nito. Bata ba o matanda na? Ngunit sa hitsura ng likod nito ay masasabi niyang matikas pa ito at mukhang nasa thirties.

Nang makita siya ng ina ay ngumiti ito at tumayo. "Nandito ka na pala, iha. Come here, we want you to meet our guest." Naglakad ito upang salubungin siya. Humalik siya rito saka siya iginiya palapit sa kanyang ama. Binati niya rin ang ama at humalik sa pisngi.

"It's good you're here on time. By the way, I want you to meet, Lorenzo Costa," pagpapakilala ng daddy niya at inalalayan pa siya upang makaharap ang lalaki na tumayo naman.

Nagtagpo ang kanilang mga mata. At tila may biglang alaala ang bumalik sa kanya pagkakita sa mga mata nitong bughaw. Parang nakita na niya ang mga mata na 'yun, hindi niya lang alam kung saan at kailan.

"It's my pleasure to meet the only daughter of Mr. Baek."

Nabalik siya sa sarili nang magsalita ito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit iba ang dating ng lalaking nasa harapan.

"Are you alright, iha?" tanong ng daddy niya.

"Ye-yes dad. I'm sorry, I thought I met him already. Baka nagkamali lang po ako." Muli niyang hinarap ang lalaki at inilahad ang kanang kamay upang makipagkamay rito.

Ngunit imbes na kamayan siya ay hinalikan nito ang likuran ng kanyang palad. Tila may kilabot na gumapang sa kanyang braso kaya mabilis niyang nabawi ang kamay mula rito.

"It's nice to meet you, Mr. Costa," pormal niyang sabi upang hindi ito magtaka sa paghila niya sa kanyang kamay mula rito.

"Renzo, will be fine. Mr.Costa is too formal for like us that—"

Pinutol ng daddy niya ang iba pa nitong sasabihin. "Let's eat. The food might get cold." Akmang uupo siya sa tabi ng mommy niya nang sabihan siya ng daddy niya na sa tabi ng lalaki siya mauupo. Salungat man sa kagustuhan ay sinunod niya ang sinabi ng daddy niya.

Nagpasalamat siya nang ipaghila siya ng upuan ni Mr.Costa. Hindi siya komportable na tawagin ito sa pangalan na gusto. Para kasi hindi tama.

Nagsimula silang kumain. Pero para sa kanya ay tila napakatagal ng oras kahit kakasimula pa lang naman nila.

"You don't like the food?" Untag sa kanya ng mommy niya kaya napatingin siya rito. Doon niya lang napansin na nasa kanya na nakatutok ang tingin ng tatlong tao.

"Sorry mommy, medyo masama po kasi pakiramdam ko," pagsisinungaling niya. Mas gusto niya sanang iwanan na lang ang mga ito. Hindi rin naman niya naiintindihan ang usapan ng daddy niya at ni Mr. Costa. She didn't force herself to study that language. Para saan? Kung may English naman. Hindi niya rin akalain na ganito kagaling ang daddy niya sa lenggwahe na 'yun. Just now.

"When are you planning to tell her the truth? Time is running." Naagaw ang atensyon niya sa sinabi ni Mr.Costa kaya naman nilingon niya ito para lamang muling magtagpo ang kanilang mga mata. At hindi niya nakayanan makipagtitigan dito kaya siya rin ang unang bumawi. May nakikita siya sa mga mata nito, isang emosyon na hindi niya mapangalanan.

"We will, just give us more time," sansala ng daddy niya. Kaya naman napakunot ang noo niya.

"You know we can't. The wedding must happen before the end of the mont—"

"Lorenzo!" sigaw ng kanyang daddy.

Nabitawan niya ang hawak na kubyertos at nanlalaki ang mga mata na nagpalipat-lipat ng tingin sa tatlong kasama. Naguguluhan siya. Pero hindi siya ganun katanga para hindi makuha ang sinabi ng lalaki. Kasal? Siya ba?

Huminto ang tingin niya sa kanyang daddy na ngayon ay hilot-hilot ang sentido habang ang kanyang mommy ay nasa tabi na nito at pinapakalma.

Napatingin siya sa lalaking katabi na parang wala lang ang sinabi at swabeng sumandal sa kinauupuan. May ngisi na tiningnan siya. Nakuyom niya ang kamao at ibinalik ang tingin sa kanyang daddy.

"Dad, what is he saying?" Naguguluhan niya pa ring tanong.

"Iha, go to your room. I will ask someone to bring your food—"

"Tell her, stop keeping her in the dark. Because no matter what you do, there's no way out to our deal. So, if I were you…I will tell her now. Or, you want me to tell her," nakakaloko pang ngumiti ito na ikinainis niya kaya pabalabag siyang tumayo. F*ck the good manners because the guy beside her doesn't deserve it.

"Go and tell me," panghahamon niya rito. Nakita niyang aawat ang daddy niya pero binigyan niya ito ng tingin na nagsasabing 'let her handle it'.

"Fierce. I like that." Hindi niya alam kung papuri ba o pang-iinsulto ang sinabi nito. Tumayo ito saka humarap sa kanya. Napaatras pa siya dahil nabigla siya sa lapit ng distansiya nilang dalawa. At aaminin niya sa tangkad niya ay tila siyang naging duwede sa mata nito.

"YOU.ARE.GOING.TO.BE.MY.WIFE."

Switspy

Hello welcome back to me!

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Narissa Malaluan
manigas ka enzo, para sya kay clyde,aagawan mo pa kapatid mo..kupal mo ah......
goodnovel comment avatar
Miche De Paris
what? wife agad. ang harsh mo naman kuya hahahaa
goodnovel comment avatar
JjArt❤️💜
Parang exciting to miss A piling ko billionaire c Cyde......
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • CLYDE VITO ROMANO (Wild Men Series #30)   Chapter 58

    SIMULA nang umalis ang mga magulang ni Zahra kasama si Clyde at ama nito ay hindi na siya napakali. Sobra ang pag-aalala ang nararamdaman niya. Natatakot siya para sa kaligtasan ng mga ito lalo pa at walang kasiguraduhan kung paniniwalaan ba ang sasabihin ng kanyang Ina. Maging siya ay hindi agad nagawang paniwalaan ang siniwalat ng mga magulang. Isa na naman katotohanan ang sumambulat sa kanyang mukha. Kapatid niya si Lorenzo. Kaya ba ganoon na lang ang gaan ng loob nang makita ito noong mga bata pa sila? At sa loob ng dalawang taon na magkasama sila ay hindi niya tuluyan magawang kamuhian ito. Oo, nagalit siya pero may parte ng puso niya ang hindi niya maintindihan. Kaya pala… A sibling connection. Masyado ba sila pinaglaruan ng tadhana o sadyang ito ang nakatakda para sa kanila. Huminga siya nang malalim habang pinagmamasdan si Lorenzo na kasalukuyan pa rin walang malay. Pinuntahan niya ito sa hospital para malaman ang kalagayan nito dahil hindi niya agad ito napuntahan dahil sa

  • CLYDE VITO ROMANO (Wild Men Series #30)   Chapter 57

    NANG makarating sina Clyde sa Colombia ay mas naging alerto sila. Hindi nila teritoryo 'to at mas lalong wala pa siyang ka-alliance rito. Nahirapan siya maghanap sa Foedus mabuti na lang at may nakausap na ang ama niya kaya mas lumakas ang loob niya. Hindi siya naduduwag ngunit kasama niya ang mga magulang ni Zahra at ayaw niya na may mangyaring masama sa mga ito sa poder niya. Ayaw na niyang bigyan pa ng sakit ang babaeng mahal niya. Nang makalabas sila ng airport ay may nakaabang ng sasakyan na maghahatid sa kanila sa lugar kung nasaan ang ama ni Mrs.Baek. Subalit hindi nakaligtas sa kanya ang ilang kotse na nasa unahan at likuran ng kotseng sasakyan nila pati ang ilang nakaunipormadong mga kalalakihan. Nakasisiguro siya na hindi nila mga tauhan ‘yon."Don't worry son, we are safe." His father tapped his shoulder when he noticed that he was scrutinizing the area.Clyde nodded. It was his father so he was telling the truth. Sabi niya nga, siya man ang pinuno ngayon ng Draco Elites h

  • CLYDE VITO ROMANO (Wild Men Series #30)   Chapter 56

    "CLYDE, Lorenzo… is my half-brother. Kadugo ko siya, kapatid ko siya."Nabingi yata si Clyde sa binitiwang salita ni Zahra. Ano na naman kalokohan 'to? Hindi na ba matatapos ang mga pasabog sa buhay nila? Nagtagis ang bagang niya saka sinulyapan ang kanyang mga magulang. Gusto niya marinig mula sa mga 'to ang katotohanan. Kaya ba umiiyak ang mama niya? Bigla nalipat ang tingin niya kay Mrs.Baek. Kung ganoon, ito ang tunay na Ina ni Lorenzo. Pero paano nangyari 'yon? Nasa poder nina Uncle Ergon ang tunay nitong Ina saka…Isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya kasabay ng pagsabunot sa kanyang buhok. Kung wala lang siyang sugat na iniinda baka kanina pa siya nagwala na naman. "What are you saying, Zahra? Paano mo naging kapatid si Lorenzo? Hindi mo tunay na Ina si Mrs. Baek?" tanong niya. Pwede rin naman 'yon. Namayani ang katahimikan na mas lalong nagpapainit sa ulo niya. Nabitin na nga siya kanina tapos heto pa ang isasalubong. "Wala bang magsasalita? Magpapaliwanag kung paano

  • CLYDE VITO ROMANO (Wild Men Series #30)   Chapter 55

    SUNOD-SUNOD na katok ang narinig nina Clyde at Zahra. Nagkatinginan pa sila. Si Zahra ay bakas na nahiya ito habang si Clyde ay asar dahil hindi pa siya tapos. Humalik muna siya sa labi nito bago nagpasyang tumayo. Wala siyang hiya naglakad nang nakahubad. Pumasok siya sa banyo saka kinuha ang isang puting roba.Nang makalabas siya ay nakita niyang nakaupo na si Zahra at nakasandal sa may headboard ng kama. "Stay there, I will just check who's knocking." Pagkasabi niyon ay naglakad na siya palapit sa pinto. Bahagya niyang binuksan 'yon at mas lalo siyang nainis noong makita si Jack."What do you need?" asik niya rito saka humakbang palabas. Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ni Jack habang sinusuri siya ng tingin. 'Ang sarap bigwasan ng pagmumukha.' Kaya naman isang hampas sa dibdib nito ang ginawa niya na ikinaubo pa kunwari. Ang hina lang no'n para lang magising. "Master!""What? Don't you see you're disturbing us! Now, tell me, what do you want?" madiin niyang tanong s

  • CLYDE VITO ROMANO (Wild Men Series #30)   Chapter 54

    MAAYOS NA NAKARATING sa Agrianthropos sina Clyde. Lorenzo was directly sent to the hospital that Jake—one of the founders owns. Wala pa rin itong malay nang mailipat sa private room. Padapa ang pagkakahiga nito dahil nga ang likod nito ang napuruhan. Bigla tuloy sumagi sa isip niya ang initiation noon. Kung saan ganoon na ganoon din ang ayos niya. At least, hindi na nito iindahin ang mga latigo kapag namilit na maging miyembro ng Foedus. Kinausap na ni Clyde si Atty. Hart para kay Lorenzo. Ipinaalam na niya na gusto nito maging parte ng Foedus at siya ang magiging backer nito. Kayang-kaya naman nito ilabas lahat ng kailangan bukod nga kasi sa initiation ay may pera pang involve.Napalingon siya nang makita ang mga magulang at magulang si Zahra na papalapit sa kanya. Palabas na kasi siya ng silid at gusto muna niya umuwi at gusto niya makita ang kanyang mag-ina."Son," bati ng kanyang ama. "How's your brother?" kapagkuwan tanong nito. Pero nagtataka siya dahil alam niya ay naka-confin

  • CLYDE VITO ROMANO (Wild Men Series #30)   Chapter 53

    MABILIS ANG kilos nina Clyde na nilisan ang warehouse. Alam na ng mga tauhan kung ano ang gagawin sa mga bangkay. They will bomb the whole warehouse leaving no evidence."To the south," sambit ni Yuri sa tamang diretsong na kailangan nila tahakin. He was nervous and worried. Natatakot siya sa kung ano ang nangyari sa mga kinalakihang mga magulang. "F*ck! Yuri, can't you figure out the situation?" asar niyang tanong at nilingon pa ito na abala sa back seat habang hawak ang laptop. Tulad kanina ay si Jack ang nagmamaneho habang si Lia at Yuri ay nasa back seat nakapwesto. "I'm trying to locate, they are moving…" Nakita niyang ang pagbilis lalo ng mga kamay nito sa paggalaw. "They are heading to the nearest hospital." Isang malakas na mura ang pinakawalan niya. Hospital? Isa lang ang ibig sabihin. May napahamak. He closed his eyes and clenched his jaw. Kapag talaga may nangyari masama kina Nanay at Tatay ay uubusin niya ang lahat ng miyembro ng Alta Underground na 'yon. Sisiguraduhin

  • CLYDE VITO ROMANO (Wild Men Series #30)   Chapter 52

    HINDI MAIWASAN ni Zahra na mag-alala sa pag-alis ni Clyde. Lalo na kina Nanay at Tatay, alam niya kung gaano kamahal ni Clyde ang mga ito. At ngayong nasa panganib ang dalawa ay siguradong hindi matatahimik si Clyde hanggang hindi masisiguro ang kaligtasan ng mga kinalakihang magulang. Napabuntung-hininga si Zahra saka sinilip ang anak. Mahimbing na naman ang tulog nito. Nagising ito kanina at heto napagod na naman sa kakalaro sa mga lola at lolo. Mag-alas sais na rin ng gabi at wala pa siya balita kina Clyde. Habang lumalaki ang anak ay mas nagiging kamukha ito ng ama. Bigla siyang natigilan. May posibilidad na pasukin din ng anak ang mundo ng ama nito. Dahil, ito ang tagapagmana ni Clyde. Ang huling tawag sa kanya ni Clyde ay noong ipaalam nito na nakarating na raw ang mga ito sa Manila. Ang simpleng pagtawag nito ay malaking bagay sa kanya. Alam niya na hindi na niya ito maaabala dahil priority nito ang mailigtas ang mag-asawa. But she's hoping that he will call to update her. Na

  • CLYDE VITO ROMANO (Wild Men Series #30)   Chapter 51

    HINDI MAPALAGAY si Clyde habang nasa may 'di kalayuan sila, kasalukuyan sila nakahinto at naghihintay sa pagdating ni Paul sa hideout ng mga kalaban. Matapos niya ito makausap ay agad itong nagtungo sa Liege. Mabuti na lang at wala itong ibang lakad o kahit mayroon pa alam niyang hindi siya nito bibiguin. Habang naghihintay sila kay Paul ay nagkalap na ng mga impormasyon si Yuri tungkol sa boss ng mga Alta na naka-assign dito sa Pinas. Hindi gano'n kadali hanapin 'yon dahil tulad nila ay maingat din ang mga ito. Pero mukhang nabalewala rin ang ginawa ni Yuri dahil pagkarating ni Paul ay sinabi lang na napag-aralan na raw nito ang lahat ng tungkol kay Kino Larkato—pangalan ng boss ng Alta na kumalaban sa kanila.Napaayos ng upo si Clyde nang makita ang pagparada ng sasakyan kung saan sakay si Paul. Bilib na rin talaga siya rito dahil maging ang isa sa mga ginagamit ni Kino na kotse ay nagawa nitong kuhanin. Hindi talaga siya nagkamali ng nilapitan. A perks of being a Foedus member. Mar

  • CLYDE VITO ROMANO (Wild Men Series #30)   Chapter 50

    CLYDE immediately left after hearing that Zahra would stay with him. Nakaramdam siya ng saya na marinig mula sa bibig ng dating kasintahan na siya pa rin ang mahal nito. Pero ang kasiyahan na 'yon ay hindi niya tuluyan magawa dahil sa masamang balita. Naabutan niya sina Jack na naghihintay sa labas kapagkuwan ay sinulyapan si Lorenzo na tahimik lamang nakatayo habang nakapamulsa. Nang dumako ang tingin nito sa kanya ay tila may nakita siyang pangamba sa mga mata nito. Subalit hindi na niya 'yon pinansin at tuluyan pumasok sa kotse na maghahatid sa building kung nasaan ang chopper na gagamitin pabalik ng Manila."What is the status?" tanong niya agad pagkaandar ng kotse. Nakita niya pang sumakay rin si Lorenzo sa kabilang kotse."Yuri trying to track them—""Damn it!" matigas niyang mura na ikinaputol ng iba pang sasabihin ni Jack na nasa driver seat. "How did it happen? No one knows about them. Kaya nga sobrang dalang ko lang sila makita para maiwasan ang bagay na ito!" Napaigik siya

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status