WARNING❗️ MATURED CONTENT❗️❗️❗️ SERIES 30 OF 50! He WAS a good son, a law-abiding citizen, and a loving boyfriend. But it was all in the past With just a blink of an eye. Everything changed when Clyde Vito found out that he was the missing son of one of the powerful mafia in Italy. He was forced to leave everything behind, including Zahra—his girlfriend. One video of Zahra marrying another man sent him to hell. He was devastated, furiously mad, and excruciating pain almost ended his life. Betrayal. Vengeance. Power. He used all his power to forge his way to Foedus Corporation— a formidable organization whose members are almost untouchable. Will he exact revenge if just a glance at his ex-lover brings back the old version of himself?
View More"SERYOSO?" Ang gulantang na tanong ni Clyde kay Zahra na malawak ang pagkakangiti habang pinagmamasdan ang gulat na gulat na mukha ng binata.
Ngayon araw kasi ay ibinigay na niya ang matamis niyang 'oo' sa binata. Bakit pa niya patatagalin? Isang buwan ay sapat na para aminin niyang may puwang na sa puso niya si Clyde. Hindi rin naman mahirap magustuhan ito lalo na at napakabait at mabuting tao ito."Ayaw mo yata, eh. Bawiin ko na lang," biro ni Zahra rito. Natawa pa siya nang bigla itong tumayo at sumigaw ng napakalakas."Yes! Yes! Yes!" malakas na sigaw ni Clyde kapagkuwan ay muling humarap sa kanya at inilahad ang isang kamay nito. Malugod naman niya itong tinanggap. Pagkatayo niya ay hindi na siya nagulat nang yakapin siya ng binata. Napangiti na lang siya na yumakap pabalik rito.Nakilala niya ito nang minsan masiraan siya sa daan at saktong dumaan ito. Tinulungan siya nitong ayusin ang kanyang sasakyan. Akala niya ay 'yun na ang huli nilang pagkikita pero naulit pa ng dalawang beses. Sa isang grocery store na sabay pa nilang nahawakan ang isang chocolate. At ang huli ay ang party ng kanyang kaibigan na si Vannessa. Isa si Clyde sa mga security na kinuha ng pamilya ng matalik na kaibigan. At doon nga ay kinuha na nito ang kanyang numero. Dalawang buwan silang magkausap at minsan ay ito na rin ang kinukuha niyang bodyguard kapag may mga lalakarin siyang malayo. Ayaw kasi siyang paalisin mag-isa ng daddy niya. Ayaw naman niyang may mga bodyguard."Pangako hinding-hindi kita sasaktan, Ahra."Nabalik sa ulirat si Zahra sa sinabi ni Clyde. Puno nang lambing at ka seryosohan ang boses nito. Mas humigpit ang yakap niya sa lalaki at naramdaman niya ang pagpulupot ng mga braso nito sa kanyang maliit na baywang. Nagsimula na rin gumalaw ang kanilang mga katawan. Sumasayaw sila sa himig lamang ng mga kulisap sa gabing 'yun.Kasalukuyan kasi silang nasa kanilang paboritong lugar. Isang burol kung saan tanaw ang buong siyudad. Kaya malaya silang sumigaw ng walang sisigaw sa kanila. Nang minsan kasi na nilukob siya ng kalungkutan ng nakaraan ay dito siya dinala ng binata at simula nun ay dito na nila gusto tumambay."You don't need to promise, just do it. I don't like promises, because the last person who promised me, did not fulfill it," diretsahan niyang tugon kay Clyde.Huminto ang masuyo nilang paggalaw kapagkuwan ay pinaghiwalay ni Clyde ang kanilang mga katawan. Sinapo nito ang kanyang mukha ng dalawang palad nito at matiim siyang tinignan sa mga mata. Hindi niya itinago ang sakit na lumukob sa kanya sa alaala ng nakaraan. Nakaraan na gustong-gusto na niyang kalimutan."Ahra, my cupcake…." Napangiti si Zahra sa itinawag sa kanya nito. Paborito niya kasi ang cupcake at madalas nga siyang tawagin ng binata ng ganoon. "Kapag handa ka na, nandito lang ako at handang makinig. Hindi kita iiwan. Aalagaan kita. Mahal kita." Puno ng emosyon ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.Napaawang ang bibig ni Zahra sa binigkas ni Clyde. Mahal siya nito? Inaasahan naman niya 'yun kaya nga ito nanligaw sa kanya diba? Pero ang aminin ito ngayon ay tila may kakaibang kiliting hatid sa kanyang kaibuturan. Mas lumawak ang kanyang pagkakangiti at siya na mismo ang tumawid sa pagitan nila upang magtagpo ang kanilang mga labing sabik sa isa't isa.Naramdaman ni Zahra na nagulat ang binata ngunit ilang sandali lang ay gumalaw na rin ang labi nito. Kinagat pa nga nito ang kanyang ibabang labi dahilan upang maibuka niya ang bibig at makapasok ang dila nito. Hindi niya inaasahan na lalalim ang halikan nila. Kaya naman kusa na ring pumulupot ang kanyang mga braso sa leeg ni Clyde. At sumabay ang kanyang labi sa galaw ng mga labi nito.Naramdaman ni Zahra ang pagpasok ng dila nito at pagsipsip sa kanyang sariling dila. Lumipat rin ang isang kamay ng binata sa kanyang baywang habang ang isa ay nasa kanyang batok. Naninigurado na hindi siya makakawala sa kanilang halikan."Aray!" d***g ni Clyde nang kagatin ni Zahra anglabi nito. Paano hindi niya kakagatin? Kinakapos na siya ng hininga pero ang binata parang wala pang balak na pakawalan pa ang kanyang mga labi. Paano kung mamatay siya?"Sorry, ikaw naman kasi, eh…" nahihiyang hinging-paumanhin ni Zahra. "Halatang expert ka sa halikan. Ilang babae na ba ang nagpakasawa sa mga labi mo." Bigla ay napasimangot siya sa naisip na marami na ang nakatikim sa labi nito. Tinalikuran niya ito at humalukipkip. Ilang sandali lang ay naramdaman niya ang pagyakap nito mula sa kanyang likuran. Pumulupot ang mga braso nito sa kanyang baywang saka ipinatong ang baba sa kanyang balikat, pilit isinisiksik ang ulo sa kanyang leeg."Sorry na. Sobrang nasabik lang ako at ang sarap kasi ng halik mo, nakakabaliw…ouch…cupcake naman, eh." Natawa si Zahra sa reklamo nito dahil kinurot niya lang naman ang braso nito. Akala mo naman talagang nasaktan. Siya pa nga yata ang nasaktan dahil sa mamasel nitong braso. Napaka macho naman kasi ni Clyde."Hmp! Aminin mo na kasi na marami nang nakatikim sa mga labi mo baka nga…" Natigilan si Zahra sa sasabihin at bigla ay nag-init ang kanyang mukha dahil sa naisip. Masyado na yata malayo ang narating ng kanyang isipan."Baka nga, ano? Cupcake?" May himig na panunudyo ang boses ni Clyde na mas lalong nagpa-init sa kanyang mukha."Wa-wala. Umuwi na tayo baka hinahanap na ako ni daddy," pag-iiba niya sa usapan.Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Clyde at mas humigpit pa ang pagkakayapos nito sa kanya."Aaminin ko na may mga n*******n na ako pero ang halik mo ang pinakamatamis at sigurado ako na kakaadikan ko," malambing nitong sambit na ikinangiti niya. Naisandal niya ang kanyang ulo sa dibdib ng kanyang boyfriend. Yes, he is now her boyfriend. And she was so proud of it. Hindi man sila magka estado ng buhay alam niyang hindi siya papabayaan nito. Handa rin siyang ipaglaban ito kung sakaling hadlangan sila ng kanyang pamilya."I love you, bunny.""Urgh! Stop calling me that."Natawa si Zahra. "Why? Ang cute kaya. From now on that is my endearment to you, okay," pang-aasar niya pa rito."Ah, ganun ah."Malakas na napatawa si Zahra nang simulan siyang kilitiin ni Clyde. Napuno ang buong paligid ng kanilang halakhak. Masaya siya. Sobrang saya niya. Sayang ayaw niyang matapos.SIMULA nang umalis ang mga magulang ni Zahra kasama si Clyde at ama nito ay hindi na siya napakali. Sobra ang pag-aalala ang nararamdaman niya. Natatakot siya para sa kaligtasan ng mga ito lalo pa at walang kasiguraduhan kung paniniwalaan ba ang sasabihin ng kanyang Ina. Maging siya ay hindi agad nagawang paniwalaan ang siniwalat ng mga magulang. Isa na naman katotohanan ang sumambulat sa kanyang mukha. Kapatid niya si Lorenzo. Kaya ba ganoon na lang ang gaan ng loob nang makita ito noong mga bata pa sila? At sa loob ng dalawang taon na magkasama sila ay hindi niya tuluyan magawang kamuhian ito. Oo, nagalit siya pero may parte ng puso niya ang hindi niya maintindihan. Kaya pala… A sibling connection. Masyado ba sila pinaglaruan ng tadhana o sadyang ito ang nakatakda para sa kanila. Huminga siya nang malalim habang pinagmamasdan si Lorenzo na kasalukuyan pa rin walang malay. Pinuntahan niya ito sa hospital para malaman ang kalagayan nito dahil hindi niya agad ito napuntahan dahil sa
NANG makarating sina Clyde sa Colombia ay mas naging alerto sila. Hindi nila teritoryo 'to at mas lalong wala pa siyang ka-alliance rito. Nahirapan siya maghanap sa Foedus mabuti na lang at may nakausap na ang ama niya kaya mas lumakas ang loob niya. Hindi siya naduduwag ngunit kasama niya ang mga magulang ni Zahra at ayaw niya na may mangyaring masama sa mga ito sa poder niya. Ayaw na niyang bigyan pa ng sakit ang babaeng mahal niya. Nang makalabas sila ng airport ay may nakaabang ng sasakyan na maghahatid sa kanila sa lugar kung nasaan ang ama ni Mrs.Baek. Subalit hindi nakaligtas sa kanya ang ilang kotse na nasa unahan at likuran ng kotseng sasakyan nila pati ang ilang nakaunipormadong mga kalalakihan. Nakasisiguro siya na hindi nila mga tauhan ‘yon."Don't worry son, we are safe." His father tapped his shoulder when he noticed that he was scrutinizing the area.Clyde nodded. It was his father so he was telling the truth. Sabi niya nga, siya man ang pinuno ngayon ng Draco Elites h
"CLYDE, Lorenzo… is my half-brother. Kadugo ko siya, kapatid ko siya."Nabingi yata si Clyde sa binitiwang salita ni Zahra. Ano na naman kalokohan 'to? Hindi na ba matatapos ang mga pasabog sa buhay nila? Nagtagis ang bagang niya saka sinulyapan ang kanyang mga magulang. Gusto niya marinig mula sa mga 'to ang katotohanan. Kaya ba umiiyak ang mama niya? Bigla nalipat ang tingin niya kay Mrs.Baek. Kung ganoon, ito ang tunay na Ina ni Lorenzo. Pero paano nangyari 'yon? Nasa poder nina Uncle Ergon ang tunay nitong Ina saka…Isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya kasabay ng pagsabunot sa kanyang buhok. Kung wala lang siyang sugat na iniinda baka kanina pa siya nagwala na naman. "What are you saying, Zahra? Paano mo naging kapatid si Lorenzo? Hindi mo tunay na Ina si Mrs. Baek?" tanong niya. Pwede rin naman 'yon. Namayani ang katahimikan na mas lalong nagpapainit sa ulo niya. Nabitin na nga siya kanina tapos heto pa ang isasalubong. "Wala bang magsasalita? Magpapaliwanag kung paano
SUNOD-SUNOD na katok ang narinig nina Clyde at Zahra. Nagkatinginan pa sila. Si Zahra ay bakas na nahiya ito habang si Clyde ay asar dahil hindi pa siya tapos. Humalik muna siya sa labi nito bago nagpasyang tumayo. Wala siyang hiya naglakad nang nakahubad. Pumasok siya sa banyo saka kinuha ang isang puting roba.Nang makalabas siya ay nakita niyang nakaupo na si Zahra at nakasandal sa may headboard ng kama. "Stay there, I will just check who's knocking." Pagkasabi niyon ay naglakad na siya palapit sa pinto. Bahagya niyang binuksan 'yon at mas lalo siyang nainis noong makita si Jack."What do you need?" asik niya rito saka humakbang palabas. Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ni Jack habang sinusuri siya ng tingin. 'Ang sarap bigwasan ng pagmumukha.' Kaya naman isang hampas sa dibdib nito ang ginawa niya na ikinaubo pa kunwari. Ang hina lang no'n para lang magising. "Master!""What? Don't you see you're disturbing us! Now, tell me, what do you want?" madiin niyang tanong s
MAAYOS NA NAKARATING sa Agrianthropos sina Clyde. Lorenzo was directly sent to the hospital that Jake—one of the founders owns. Wala pa rin itong malay nang mailipat sa private room. Padapa ang pagkakahiga nito dahil nga ang likod nito ang napuruhan. Bigla tuloy sumagi sa isip niya ang initiation noon. Kung saan ganoon na ganoon din ang ayos niya. At least, hindi na nito iindahin ang mga latigo kapag namilit na maging miyembro ng Foedus. Kinausap na ni Clyde si Atty. Hart para kay Lorenzo. Ipinaalam na niya na gusto nito maging parte ng Foedus at siya ang magiging backer nito. Kayang-kaya naman nito ilabas lahat ng kailangan bukod nga kasi sa initiation ay may pera pang involve.Napalingon siya nang makita ang mga magulang at magulang si Zahra na papalapit sa kanya. Palabas na kasi siya ng silid at gusto muna niya umuwi at gusto niya makita ang kanyang mag-ina."Son," bati ng kanyang ama. "How's your brother?" kapagkuwan tanong nito. Pero nagtataka siya dahil alam niya ay naka-confin
MABILIS ANG kilos nina Clyde na nilisan ang warehouse. Alam na ng mga tauhan kung ano ang gagawin sa mga bangkay. They will bomb the whole warehouse leaving no evidence."To the south," sambit ni Yuri sa tamang diretsong na kailangan nila tahakin. He was nervous and worried. Natatakot siya sa kung ano ang nangyari sa mga kinalakihang mga magulang. "F*ck! Yuri, can't you figure out the situation?" asar niyang tanong at nilingon pa ito na abala sa back seat habang hawak ang laptop. Tulad kanina ay si Jack ang nagmamaneho habang si Lia at Yuri ay nasa back seat nakapwesto. "I'm trying to locate, they are moving…" Nakita niyang ang pagbilis lalo ng mga kamay nito sa paggalaw. "They are heading to the nearest hospital." Isang malakas na mura ang pinakawalan niya. Hospital? Isa lang ang ibig sabihin. May napahamak. He closed his eyes and clenched his jaw. Kapag talaga may nangyari masama kina Nanay at Tatay ay uubusin niya ang lahat ng miyembro ng Alta Underground na 'yon. Sisiguraduhin
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments