Share

Chapter Eleven 1.1

"AYOS ka lang ba Pia?"  Lumingon ako sa kaniya at kita ko ang shock sa kaniya at nakatingin parin doon sa pwesto ng namatay na lalaki kanina.

Pagkatapos patayin nung dragon yung lalaki ay umalis na ito at naglaho narin yung lalaki na parang bula "Pia..."  Tawag kong muli sa kaniya pero tulala parin ito kaya napabuntong hininga nalang ako at nagteleport kasama sya sa pwesto namin

"Maupo kana muna Pia"  inalalayan ko pa syang maupo at tulala parin ito. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip niya basta ang alam ko nasa shock parin sya sana bumalik na sya sa katinuan

Hinayaan ko nalang muna sya at inayos ang mga pagkain na naroroon dahil nagulo iyon dahil sa lalaking Middle Class na yun. Ano kaya ang susunod na mangyayari saamin? Ano ang mangyayari bukas? Paano ko ba mahahanap ang Code gayong wala naman akong clue?

At yung bulong kanina anong ibig sabihin nun? Bakit ayaw niyang ipaalam ko kay Pia na naririnig ko sya? At bakit mukang ako lang ang nakakarinig? 

'Sa likod mo....' 

Nagtayuan ang balahibo ko ng muli kong marinig ang boses na narinig ko kanina kakaiba na ito ngayon may ihip na ng hangin na kasama. Mas lalong anong tinutukoy niyang sa likod ko eh si Pia lang naman ang nandoon.

Agad akong napatayo ng maramdaman ko ang isang aura. Malakas na aura! Sigurado akong isang High Class yun! Maya maya ay lumitaw ang isang babae mula sa kawalan. Nagulat sya ng makita ako at nanglalaki ang mata kaya nagtaka ako bakit? 

"Sa likod mo!!!" 

Napalingon ako sa sumigaw at napakunot ang noo ko ng makita ko na papunta saakin yung lalaking may Gray na buhok sya yun! Ang lalaking kinaiinisan ko! Dalawang high class ang nandito pero anong nasa likod? 

Humarap ako sa likod ko at napatigil ako ng makita ko ang madilim na muka ni Pia

"P-pia..."  Nabanggit ko nalang sa pangalan niya  "Hindi nababagay ang isang Low Class sa larong to Katanaya eto ang dapat sa mga kagaya mo"  hindi ako makakilos dahil sa nakikita ko ngayon. Eto ang tinatawag na totoong shock

Namalayan ko nalang ang sarili kong itinulak niya. Naramdaman ko ang liwanag na nagmumula sa buwan na syang pumalibot saakin at parang iniilawan pa ako ng mabuti na tila may isang malaking pagkakamali akong nagawa.

Nasa ilalim ako ng sinag ng buwan! 

"Roaaarrr!!!"  Napatingin ako sa itaas at nagsimula nang sumigaw ang dragon. Mabilis na ang ikot nito sa buwan, napatingin ako kay Pia na nakangisi saakin

"Inaakala mo bang sasama ako sayo dahil kailangan kita? Huh NO! Hindi ko hahayaan na maunahan mo akong mahanap ang Code!"  Napakuyom ako ng kamao dahil sa sinabi niya pinagkatiwalaan ko sya! Iniligtas ko sya! Ngayon eto ang isusukli niya saakin?!

Mabilis pa sa alaskwatro na nagteleport ako sa harap niya at hinawakan ko ang braso niya para sya ang ihagis sa ilalim ng buwan pero nabura lahat ng plano ko ng may makita ako ng hawakan ko sya.

"Tulong!!"  

Napatayo si Nicole ng marinig ang sigaw na iyon at nakita niya ang isang babaeng tumatakbo sa ilalim ng sinag ng buwan si Pia. Totoong nakalimutan niya ang tungkol sa dragon tuwing sasapit ang gabi sa Peridian kaya eto sya at tumatakbo upang makatakas sa dragon.

"Dito! Dito!"   Malakas na sigaw ni Nicole at inaabangan si Pia na makarating sa pwesto nila dahil buong akala nito kapag nakapunta na ang babae sa kinalalagyan niya ay aalis na ang dragon pero doon sya nagkakamali dahil kahit magtago kapa ay hindi titigil ang dragon hanggat wala syang napapatay

Lumingon si Pia sa likod niya at nakasunod parin ang dragon kaya muli syang tumingin kay Nicole na naka abang sa kaniya at isa lang ang nasa isip niya. Ang itulak si Nicole para ito ang patayin ng dragon hindi sya

"Bilisan mo!"  Sigaw pang sabi ni Nicole sa kaniya at ng makarating sya sa tabi ni Nicole ay mabilis niya itong itinulak sa labas ng kinalalagyan nila. Gulat na gulat sa Nicole dahil sa nangyari at hindi nakagalaw sa kinatatayuan niya at napatingin nalamang sa dragon na papalapit sa kaniya at doon ay pinatay sya.

Kitang kita ng dalawang mata ni Pia kung paano patayin ng dragon si Pia at kung paano ito tuluyang maglaho sa harapan niya at kusang umalis doon ang dragon at bumalik sa itaas.

NABITAWAN ko ang braso ni Pia mula sa pagkakahawak ko dahil sa pasumandaling pagkakita ko sa kaniyang nakaraan. Nakaraan kung saan may kinalaman sya sa pagkawala ni Nicole! 

Namalayan ko nalang na muli niya akong itinulak sa ilalim ng sinag ng buwan ngunit hindi na ako gumalaw mula sa aking pagkakasalampak.

Ang babaeng tinulungan ko kanina lamang ay ang syang dahilan kung bakit nawala si Nicole! Patay na!  

Sunod sunod na tumulo ang luha ko, hindi pwede! Hindi pwedeng mawala si Nicole! Hindi niya ako iiwan! Hindi naman sya pumunta sa sinag ng buwan! Nakinig sya saakin nakinig sya! 

Hindi sya pwedeng mamatay! 

"Umalis kana jan!"  Napalingon ako sa nagsalita at iyon ay ang lalaking may Gray na buhok. Nabaling ang attention ko sa itaas ng muling sumigaw ang dragon at pababa na dito

Twenty seconds. Alam ko sa loob ng Twenty Seconds ay andito na ang dragon. Hindi ko maigalaw ang katawan ko para akong natuod dito. 

One...  Two...   Three...

Tumingin ako kay Pia na ngayon ay nakangisi saakin. Ang babaeng iniligtas ko at iniligtas din ako ay ang syang dahilan kung bakit namatay si Nicole. Nakita ko kung paano niyang mabilis na itulak si Nicole kagaya ko, KAGAYA KO!

Wala kaming ibang gustong gawin kungdi ang tulungan lang sya pero sarili lang niya ang iniisip niya! Manloloko sya!  Umiiyak lang akong tumingin sa kaniya 

"Crisha kunin mo na sya ako ng bahala sa dragon!"  Rinig kong sigaw muli ng Gray na buhok

Ten...   Eleven... Twelve...

"Hindi pwede Third! Baka mapahamak ka! At isa pa nasa game tayo! Nasa Code game tayo!"  Narinig ko ang isang babaeng boses na sa tingin ko ay sya yung dumating kanina na isa ring high class sabagay magkakilala sila nung Gray na buhok

"Sundin mo na ako Crisha! Hindi sya pwedeng mapahamak!" 

Rinig ko ang usapan nila pero tulala lang akong nakatingin kay Pia na hindi ko na mawari ang expression sa muka. Hanggang sa makarinig ako ng daig ng dragon sigurado akong kinakalaban na ito nung may Gray na buhok

"Hindi! Wag mo syang tulungan! Wag nyo syang tulungan! Dapat na syang mamatay sa dragon na yan!"  Sigaw ni Pia ng maramdaman kong may umaalalay na saakin patayo  "Tumahimik ka girl! Ikaw dapat ang andoon hindi sya!"  Balik na sabi ng umalalay saakin

"Halika ilalayo kita dito kailangan pa naming matalo—sh*t kung matatalo nga ba yang nasa curse symbol na yan!" 

Wala akong nagawa at itinabi niya ako sa isang tabi. Iniupo niya ako at mabilis syang pumunta doon sa lugar kung saan kinakalaban nung Gray head guy ang dragon kung matatalo nila

Nagpalabas ng Air tornado yung lalaki at pinatama sa Dragon habang yung babae naman ay nagpalabas ng tubig sa kaniyang kamay at ipinaikot iyon sa dragon pero mas lalo lang nagwala ang dragon na ikinasigaw nito.

Malakas ang impact niyon kaya tumalsik ang dalawa at kahit ako na nakaupo dito ay napasandal sa puno. Hindi parin tumitigil ang luha ko nang hindi mo manlang iyon namamalayan. Parang matik na sa mga mata ko na tumulo iyon. 

Hindi nagpatalo ang dalawang High Class at muling kinalaban ang dragon. Sinubukan kong magsalita pero hindi ako makapagsalita siguro marahil sa nangyari kanina-nina lang. 

Iyak. Yan lang ang nagagawa ko habang pinapanood ko sila na makipaglaban. 

"Halika ditong babae ka!" Nagulat ako ng biglang may humila ng buhok ko pataas na ikinahawak ko doon dahil sa sobrang sakit

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
David Hinacyjr
ok bkt hnd tapos Ang dragon general
goodnovel comment avatar
Edgar Escorido Presco
Ganda ng plot ,,kaya lng masyado mahal Ang pag open ,,pd po ba pakibabaan Ang bayad sa pag unlock
goodnovel comment avatar
B.NICOLAY/Ms.Ash
Thank you po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status