Share

Chapter Ten 1.2

Ano yun? May naririnig akong mga bulong na ewan. Hindi sya malinaw sa tenga ko pero sigurado akong may bumubulong talaga. Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa likod ko sa paligid lang yung bulong na yun

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid 

"Katanaya?"  

Napatingin ako kay Pia ng tawagin niya ako.  

"Hindi mo ba—"

'wag mong sabihin' 

Natigilan ako dahil sa narinig ko na yun at muling napatingin sa paligid. Hindi parin tumitigil ang mga bulong na yun pero sigurado akong malinaw ang narinig ko na wag sabihin. 

"Katanaya?"  Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Pia na nagtataka  "Ha?"  Tanong ko dito  "Ano bang nangyayari sayo?"  Napakurap ako sa tanong niya at muling napatingin sa paligid at mayroon paring bumubulong  

"W-wala tara na"  nagsimula na akong naglakad at hinayaan ko nalang ang bumubulong nayun  "Ayos ka lang ba Katanaya?"  Muli akong napatingin kay Pia at tumango  "Oo ano kaba!"  Natatawa kong sabi sa kaniya at muling naglakad

Ilang saglit na pumalibot ang katahimikan saamin  "Katanaya?"  Napatingin ako sa kaniya ng tawagin niya ako  "Bakit?" 

"Sa tingin mo nasaan ang Code?"  Natigilan ako sa sinabi niya. Bakit ba hindi ko yun iniisip nakaisang araw na ako dito samantalang yun naman talaga ang totoo kong pakay dito ang mahanap ang Code ang tanong ano ba yung Code na yun at saan makikita?

"Huy! Katanaya kanina pa kita kinakausap!"  Napakurap akong muli ng tawagin niya ako.  "Ay sorry hindi ko alam kung nasaan wala akong idea eh" nasabi ko nalang sa kaniya

"Yun ang kailangan nating mahanap Katanaya para makaligtas tayo ng buhay dito sa Peridian"  napatango ako sa sinabi niya  "Wag kang mag alala gagawin natin ang lahat para mahanap ang Code"  ngumiti lang sya saakin at nagpatuloy sa paglalakad

Hanggang sa magtakipsilim na ay gumugulo parin saakin ang mga bulong na yun. Nawala din sya kalaunan sa pandinig ko. 

Andito kami ngayon sa ilalim ng puno na tinakpan namin ng blangket sa itaas dahil may nakita kaming panibagong isang package ng mga pagkain at blangket. 

"Nakakatakot talaga dito pag gabi Katanaya"  napatango ako sa sinabi ni Pia. Nakatingin ako ngayon sa langit na mayroong dalawang buwan sa itaas at wala doon ang nagbabantay na dragon doon paniguradong may nabiktima nanaman ito ngayong gabi

"Kahapon narinig ko lahat ang mga daing ng mga namatay sa sinag ng buwan"  gulat na napatingin sya saakin at hindi makapaniwala  "N-narinig mo?"  Tumango lang ako habang nakatingin parin sa buwan.

"Hanggang ngayon may mangilan ngilan akong naririnig na mga sigaw. Kung gugustuhin ko ay maririnig ko kung hindi syempre hindi"  natatawang sabi ko  "Ang galing right? Naririnig ko samantalang hindi ko narinig ang paghingi ng tulong ng kaibigan ko"  napayuko ako dahil sa huli kong nasabi

"Wag kang mag alala Katanaya siguradong makikita natin sya"  napangiti ako sa sinabi niya  "Tama ka makikita natin sya"  magsasalita na sanang muli sya ngunit nahinto iyon ng may marinig akong ingay sa mga puno. Sa tunog niyon ay sigurado akong may tumatakbo papunta dito

"Pia maging alerto ka may paparating"  alarma kong sabi sa kaniya at pinakiramdaman ang paligid. Maya maya ay nakita ko na ang isang lalaki na napahinto rin ng makita kami dito. Ngumisi sya saamin at tinitigan kami pareho

"Akalain mong merong dalawang kuting dito"  hinarangan ko si Pia at ako ang humarap sa lalaking iyon  "Kung dadaan ka dumaan kana"  sabi ko na ikinatawa niya. Sa tawa palang niya alam ko na ang gusto niya, ang patayin kami

"Sorry kasalanan nyo yan nagpakita kayo saakin eh. Ayokong maunahan sa paghahanap sa Code lalo na kung isang Low Class na kagaya mo ang mauuna"  napakuyom ako ng kamao dahil sa sinabi niya

"Anong problema mo saaming Low Class?!" Sigaw ko sa kaniya "Problema? Kayo! Isa lang kayong b****a sa Enchanted World!"

Nakakainis na! Lagi nilang sinasabi yang bagay na yan

"Labanan mo ako"  malamig kong sabi dito  "Huh? Ano?"  Natatawa niyang tanong na tila nang aasar  "Alam kong di ka bingi"  balik kong sabi 

"Ha! Ang talas ng dila mo para sa isang Low Class! Ikaw ang natatanging low class na sumali huh anong meron sayo?! Gusto mong makalaban ang isang Middle Class then be it!"  Sigaw niya din saakin at nakita kong mabilis syang nakapunta sa may malayong puno. Speed ang kapangyarihan niya advantage niya yun lalo na ngayong gabi

"K-katanaya"  natigilan ako ng marinig ko ang tawag saakin at nakita ko doon sa likod yung lalaki at hawak sa leeg si Pia. Hindi pa ako nakaka react ng bigla niya akong tadyakan na ikinatalsik ko tumama ako sa puno na kinalalagyan niya kanina

Ang bilis niya! Baliktad na kami ngayon, sya na ang nasa pwesto ko at hawak si Pia samatalang ako asa kabila. Tumayo ako at inunat ang katawan ko

"Advantage mo ang pagiging mabilis yan din ang gagamitin ko laban sayo"  nagtaka sya sa sinabi ko at nabasa ko ang kilos niya na aalis muli doon na bitbit si Pia pero kinontrol ko sya gamit ang hangin ko kaya napatigil sya sa paggalaw

"A-anong... Paano mo yan nagawa"  gulat niyang sabi kaya ngumisi ako  "Speed laban sa hangin"  kita ko ang gulat sa muka niya pero napatalsik akong muli sa puno ng mas pinalakas niya ang speed niya kaya nabitawan ko sya kainis! 

Hindi ko na sya masundan sa paligid dahil ang bilis niya  

"Katanaya!"  

Narinig kong sigaw ni Pia kaya tinalasan ang mata ko at tinitigan sya ng mabuti nang makita kong dadaan sya sa harap ko na akala niya ay diko sya makikita ay hinawakan ko ang damit niya na ikinahinto nito at hinawakan ko si Pia at pinatamaan ko ng hangin kong kapangyarihan yung lalaki na ikinatalsik niya

Talsik sa ilalim ng sinag ng buwan. Nagulat sya sa nagawa ko at kinontrol ko sya para di sya makaalis at kitang kita ko ang pagtulo ng luha niya kaya napapikit ako at nagbilang nalamang

Twenty seconds sakto ng marinig ko ang sigaw ng dragon kaya napadilat ako at nakita ko ang pagpatay niya sa lalaking iyon. Sa pangalawang pagkakataon ay nakakita ako ng isang kapwa ko Magicians na namatay dahil sa dragon na yun ang kaibahan lang ay ako na ang may gawa nito sa kaniya.

Ang pagtulo ng luha niya

Hindi! Wag kang makonsensya Katanaya! Nasa Code Hero ka ngayon!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status