Share

CHAPTER 125

“RONALDO, please pakinggan mo ako,”nagsusumamong pahayag ni Carolina dito. Ngunit nanatiling matigas ito sa kanya. Hindi siya binigyan ng pagkakataon na masabi ang katotohanan tungkol sa kanilang anak. Binabaan pa siya ng telepono.

Sa kabilang banda, pagkababa naman ni Ronaldo ng telepono ay tila nagsisi siya. Miss na miss na niya si Carolina, kanina nang marinig ang boses nito ay may kung anong humaplos sa puso niya. Kaya lang sa tuwing maalala niya ang ginawa nitong pagtanggi na sumama sa kanya ay umahon ulit ang galit sa puso niya.

Ano kaya ang sasabihin nito sa tungkol sa kanilang anak? Nagsisi lalo siya nang maalala ang anak nil ani Carolina. Babae kaya ang anak nila o lalaki?

Nang bumaba sa hagdan si Antonio ay nakita niyang umiiyak ang kapatid na si Carolina habang hawak ang telepono. Nahulaan na niya na marahil ay hindi maganda ang naging pag-uusap nito at saka ni Ronaldo. Galit siguro ang huli sa kapatid. Ngunit dapat maintindihan ni Ronaldo na may amnesia noon ang kapatid
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status