“Thalia! Apo ay gumising ka na at alas otso na ay hindi ka pa nag-aalmusal,” dinig kong sabi ni Lola Ana.
Nag-inat ako at bumangon na din. Napangiti ako ng marinig ko ulit si Lola. Napaka-maalalahanin niya talaga. Kaya naman kahit wala na akong mga magulang ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pagmamahal ng isang magulang.
Sampung taon pa lang ako noong mawala ang mga magulang ko. Namatay sila sa aksidente kaya naman sina Lola Ana at Lolo Gibo na ang nagpalaki sa akin. Lagi nilang pinararamdam sa akin na kahit wala na sina mama at papa ay mahal na mahal naman nila ako.
Medyo tanghali akong nagising ngayon, Sabado naman kasi at walang pasok. Ganito kasi ako kapag walang pasok medyo late na talaga ako bumabangon. Well, di pa naman masyadong late ang alas otso di bah? Balak kongpumunta sa mall ngayon, may sale kasi sa SM MOA ngayon hanggang bukas lang yun, eh ayaw ko naman bukas pumunta kasi magsisimba kami nina lola at lolo. Hindi naman masyadong malayo ang MOA dito sa Makati kaya ok lang kahit late na pumasyal.
Isasama ko pala sina lola at lola ng makapasyal din naman sila. Excited akong lumabas ng kuwarto. Aba ano itong nadatnan ko.. ang lolo at lola ay napaka sweet naman.
"Lo, La good morning po. Aga ang sweet po ah.. andami tuloy langgam," bati ko na may halong biro sa kanila.
"Hay naku ikaw talaga apo, ito kasing lolo mo ay nagpapa-baby at nirarayuma na naman", sabi ng lola ko.
Hala kaya naman pala. Hayst kawawa naman ang lolo ko. Naku mukhang hindi pa yata sila makakasama sa akin sa mall.
At dahil nga nirarayuma si lolo ay hindi na nga sila nakasama sa akin sa mall. Tinawagan ko si Gina para yayaing sumama. Sa school si Gina ang pinaka-close ko sa lahat. Magkasing-edad kami at maraming mga bagay kaming mga pagkakapareho kaya naging madali para sa amin ang maging malapit na magakaibigan. Ngunit busy daw siya sa paglilinis ng bahay. Kasipag naman ng kaibigan ko ngayon, ano kayang nakain niya.
After lunch ako nagpunta ng mall. Hay naku po ang daming tao. SALE nga kasi kaya ganun. Tumingin-tingin na ako sa mga paninda na naka-sale. Hays gusto kong bilhin lahat. Haha wish ko lang.
Sa wakas nakapili na rin ako, isang bag tatak Secosana ito. Nagandahan talaga ako dito, kulay peach ito at hindi rin naman ganun kalaki pero hindi din naman maliit, in short katamtaman lang.
Lumabas na ako sa tindahan na binilhan ko ng bag at naglakad-lakad. Nakaramdam ako na kailangan kong mag CR. Buti na lang at hindi marami ang taong dito ngayon, tatlo lang kami. Napansin ko ang isang babae na nakahawak sa hindi ko sigurado kong sa tiyan o puson.. Nilapitan ko siya.
"Miss ok ka lang ba?", tanong ko sa babae.
Tinignan niya ako at napansin kong namumutla siya at may butil butil ng pawis sa noo niya.
Hala baka natatae ang babae pero nahihiya lang ito- sabi ko sa isip ko.
"Masakit kasi ang puson ko.. ganito kasi talaga ako kapag may dalaw ako.", sagot niya.
Ah hindi naman pala siya natatae.
"Ah ganun ba, gusto mo bang sumama muna sa akin? “ tanong ko sa kanya.Medyo nag-alangan siya. Kaya naman binigyan ko siya ng assurance na hindi ako masamang tao at wala akong balak na masama sa kanya.
“Ako si Thalia Fajardo Inocencio,” nakangiti at sabay lahad ko ng kamay sa kanya.
"Claire Thalia Concha,” nakangiwi niyang sagot at nakipagkamay sa akin.
Napangiti ako ng marinig ko ang pangalan niya. May Thalia din ang pangalan niya.
Nakarating kami sa Jollibee. Sakto may bottled water pa ako. Lumapit ako sa water dispenser at nilagyan yun ng mainit na tubig at bumalik sa mesa namin at binigay yun kay Claire upang idikit sa may parte ng puson niya. Turo kasi sa akin ni lola yun eh. Dapat warm water ha.. hindi naman yung mapapaso na sobrang init.
Umorder na din ako ng soup para sa kanya, at umorder naman ako ng chickenjoy meal para sa akin.Makalipas ang ilang minuto ay napansin kong medyo hindi na namumutla si Claire. Galing tlaga ng lola ko. Pinakain ko sa kanya ang soup habang mainit pa. At ako naman ay kinain ang inorder kong chickenjoy meal.
"Naku, pasensiya ka na Thalia ha, naabala pa kita at salamat ng marami dahil kung di mo ako nakita sa CR baka nahimatay na ako, umiikot na kasi tlaga ang paningin ko kanina.", pasasalamat ni Claire sa akin.
"Naku wala yun, kahit naman sino siguro gagawin din yun,” medyo nahihiya kong sabi sa kanya.
Ngumiti siya ulit at ipinagpatuloy ang pagkain. Natutuwa ako sa kanya kasi mukha naman siyang mabait. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami sa may upuan sa may gilid ng Jollibee.
“Alam mo sa tingin ko magkasing-edad lang tayo,” sabi ni Claire sa akin.
“Twenty-six years old na ako, ikaw ba?” sagot ko naman sa kanya.
“Wow tama ako, same age tayo.” Natutuwa nitong sabi at bahagya pang napapalakpak.
Maganda si Claire may hawig siya kay Angelina Jolie kumbaga nga lang eh Asian version siya. Sa unang tingin mo palang sa kanya ay halata mo na agad na mayaman siya. Branded lahat ng suot niya mula ulo hanggang paa. Nakakatuwa lang dahil kahit na mayaman siya ay kita mong mapagpakumbaba siya at marunong makisama sa kapwa kahit na anong kalagayan nito sa buhay.
Nagkwentuhan pa kami at nalaman ko na isa pala siyang fashion designer. Naramdaman ko ang paghanga niya nang sinabi ko sa kanya na isa akong guro.
Marami pa akong nalaman tungkol sa kanya. Medyo may pagka-madaldal din kasi eh. Nakakatuwa na makakilala ng isang tulad niya.
“Sana maging magkaibigan tayo Thalia,” malambing na turan nito sa akin.
“Oo naman, natutuwa nga ako sa’yo kahit na simple lang ang pamumuhay namin ay gusto mo pa rin akong maging kaibigan,” buong sinseridad kong tugon sa kanya at nagyakapan kami. Ang sarap sa pakiramdam na magkaroon ng bagong kaibigan. Pakiramdam ko magiging malaking bahagi siya ng buhay.
Naputol ang moment namin nang tumunog ang cellphone ni Claire.
“Yup kuya, andito lang ako sa may gilid ng Jollibee, ground floor sa left wing.” Narinig kong sabi niya sa kausap niya. Kuya marahil ay yun yung kinukwento niya kanina na kapatid niya. Sana may kapatid din ako.
Pagkatapos niyang kausapin yung kuya niya ay nagkwentuhan ulit kami. Kinuwento ko sa kanya na wala na akong mga magulang at lumaki ako sa lolo at lola ko. Nakita kong nalungkot siya para sa akin pero sinabi ko naman sa kanya na tanggap ko na ang pangyayari at masaya naman ako sa pagmamahala na binibigay nina lolo at lola.
Hanggang maya-maya ay may dumating na parang kamag-anak ng mga Greek gods sa Mt. Olympus. Naglalakad ito papunta sa amin ni Claire. Kung titignan para itong hari kong maglakad talaga namang kahit sino ay mapapatingin. Hindi ko na naintindihan ang ibang sinasabi ni Claire dahil nakatuon ang atensiyon ko sa lalaking papalapit sa amin.
NANLAMIG ang buong katawan ni Mathilde nang maalala ang lahat ng iyon. Tila ba pinipiga ng sampung kamay ang puso sa sobrang sakit na nararamdaman – panghihinayang, sakit ng kalooban at galit ang halo-halong nararamdaman niya ngayon ngunit mas nangingibabaw ang sakit ng kalooban.“Don’t you missed me babe?”tila nang-iinsulto na sabi ni Waldo at tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Nangilabot siya, lalong pinaalala nito ang bangungot na parte ng buhay niya, ang magalaw siya ng ibang lalaki bukod sa kanyang asawa.“Bakit ka nandito? Bawal ka dito!”matigas na sabi niya dito ngunit ramdam niya ang panginginig ng kanyang katawan.Takot na takot ang kanyang nararamdaman ngayon lalo at alam niyang nasa labas lamang si Antonio, paano kapag nakita na naman nito na magkasama sila? Pagdududahan kaya siya muli nito?Mabilis siyang lumabas ng comfort room ngunit sinundan pa din siya nito at hinablot ang kanyang kamay kaya naman napadikit ang kanyang katawan dito at tila ba sila ay magkayakap.
NANLAKI ang mga mata ni Mathilde nang makita kung sino ang nasa kanyang likuran, hindi niya naramdaman ang pagpasok nito marahil ay dahil pre-occupied pa siya kanina ng kanyang emosyon.“Long time no see babe,” nakakalokong bati nito sa kanya. Nakakapangilabot ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Tila ba ito isang ulol na aso na kahit anong oras ay sasaklamin siya. Tila bumalik sa kanyang alaala ang ginawa nito sa kanya noon.Umattend silang mag-asawa noon ng isang selebrasyon ng kaarawan ng isang kasamahan ni Antonio sa negosyo. “Hi ikaw ang asawa ni Antonio Montefalco, hindi ba?” mabait na tanong sa kanya ng lalaki. Hindi niya ito kilala, ngayon niya lamang ito nakita. Hindi din ito kaibigan ng asawa niya dahil dapat ay pumunta na ito sa bahay nila at nakita niya dapat ito sa araw ng kanilang kasal. Sapagkat nang ikasal sila ay walang absent sa mga kaibigan ni Ronaldo. Nagdiwang kasi ang mga kaibigan ng asawa niya dahil akala nila ay hindi ito magkaka-girlfriend sa sobrang kut
“NAAAWA ako kay Thalia kasi ang bata pa ng anak niya, dapat nakarecover na siya agad,” buong sinseridad na sabi ni Rosa habang nasa loob sila ng sasakyan.“Oo yan din ang panalangin ko, sana ay magksama na silang mag-anak muli,” tugon naman ni Mathilde.“Yan din ba ipinapanalangin mo para sa inyo?” pilyang sabi naman ni Rosa. Hindi naman agad nakasagot si Mathilde at napatingin kay Antonio na nakatitig pala sa kanya.“Hanep parang love team, nagkakatitigan na may nais ipahiwatig ang mga mata,” with emotion pa na sabi ni Rosa.“Go na po!”bigla namang sabi ni Victor, kaya naman unang bumitiw ng tingin si Antonio at nagmaneho na. Si Rosa ay siniko-siko pa ang kaibigan at pangiti-ngiti nang buong kapliyahan. Nanatiling walang imik naman si Mathilde.Sa totoo lang ay walang araw na hindi niya ipinagdasal na sana ay mabuo na muli ang kanilang pamilya, kahit labinlimang taon na ang nakalilipas ay umaasa pa din siya sa kaibuturan ng kanyang puso na makasama niya ulit ang kanyang mag-ama.Hind
“KUNG HINDI KO LANG ALAM na pinagpalit mo ako kay Waldo, iisipin ko na naga gwapuhan ka sa akin,”nakangiting sabi ni Antonio ngunit dama ang pait sa himig nito.“Antonio, puwede ba nating -,” hindi na naituloy ni Mathilde ang sasabihin dahil tumunog ang kaniyang cellphone, siyempre ang kaibigan niyang si Rosa, anduon na daw kasi ang mga ito sa hintayan nila.“Hello Rosa, ah oo paalis na din kami dito..ah eh kasama naming si Antonio..oo paalis nan ga,” sagot ni Mathilde sa kaibigan. Actually ang dami pang sinasabi ni Rosa pero mabilis na niyang tinapos ang usap nila. Hayst baka kasi mas matagalan pa sila.Kinarga na niya si Jacob para mas mapabilis sila, ang liit pa kasi ng mga hakbang nito kaya naman matatagalan sila. Nang makarating sila sa sasakyan ay mabilis niyang binuksan nag pintuan sa likod upang makasakay na sila ni Jacob.“Anong ginagawa mo?” napatingin si Mathilde sa nagsalitang si Antonio at tila napatigil sa pagbukas ng pintuan ng sasakyan.“Ha? Ah eh, sasakay na siyempre,
“CAROLINA, please calm down. I now your having a hard time right now, but you have to be strong. Your daughter needs you now,”Antonio calmly said to his younger sister over the phone. Tinawagan niya ito upang kumustahin ang kalagayan ng pamangkin na si Thalia. Naawa siya sa pamangkin nang marinig ang kalagayan nito ngayon. Sa totoo lang ay pumapasok sa isipan niya ang sisihin sana si Ronaldo dahil sa totoo lang ay ito talaga ang may kagagawan naman ng lahat ng mga pasakit na sarili nitong anak, ngunti pinili na lamang niyang manahimik bilang repseto sa kapatid dahil ayaw na niyang maulit pa ang nangyari noon.Pagkatapos nilang mag-usap na magkapatid ay bumaba na siya at tila ba kumabog ng kanyang puso nang makita ang nasa mesa sa kusina, si Mathilde at ang apo nila na si Jacob.“Hi honey, halika na mag breakfast ka na. Itong si baby D mukhang nagutom eh, pagkakita sa cerelac niya gusto na agad kumain,”nakangiting sambit sa kanya ng asawa. Pinilig niya nang marahan ang ulo upang buma
NAGISING si Earl nang maramdaman niyang tila gumalaw si Thalia sa pagkakahiga nito. Hindi naman siya kasi nakakatulog nang mahimbing sapagkat pinapakiramdaman niya ang kilos nito. Nakita niyang gumalaw ang kamay nito at bigla itong bumangon at umiiyak nang walang tunog.“Hey wife, kumusta ka?”malambing at medyo nanginginig ang boses niya dahil kinakabahan siya sa kung paano ito magre-react kapag nakita siya. Ngunit tila blangko itong tumingin sa kanya at tumingin sa kabilang banda.Mabilis niyang tinawag ang doctor upang matignan agad ang kanyang asawa.“To tell you honestly sir, she is not mentally healthy,” napapabuntong-hininga na sabi ng doctor sa kaniya.“What’s happening to her doctor? Bakit tulala lamang ang asawa ko? Anong puwede kong gawin?” natatarantang tanong ni Earl sa doctor na punong-puno nang pag-aalala para sa kanyang asawa.“According to the diagnosis, she si suffering from depression. Depressive disorder (also known as depression) is a common mental disorder. It invo