The Scumbag’s Abandoned Wife and the Secrets He Never Knew

The Scumbag’s Abandoned Wife and the Secrets He Never Knew

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-10-30
Oleh:  Selah EverlyBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
5Bab
3Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Tatlong taon naging mag-asawa sina Kiel Vergil at Eliana Confiado, ngunit isang maling paratang ang dumurog sa kanilang pagsasama. Nang mawalan ng anak si Shiena, si Eliana ang sinisi ng lalaking buong puso niyang minahal. Hindi siya pinakinggan o ipinagtanggol. Hinatulan siya ni Kiel nang walang pagkakataong ipaglaban ang sarili. Walong buwan nang buntis si Eliana nang palihim na palitan ni Kiel ng pampalaglag ang kaniyang gamot. Habang nagdurugo at nagmamakaawang iligtas ang kanilang sanggol, nanatili itong malamig. Itinanggi ni Kiel ang sariling dugo, ipinilit ang diborsiyo, at pinalayas siya sa gitna ng ulan. Nang gabing iyon, hindi lamang ang kanilang pagsasama ang namatay, kundi pati ang pagmamahal na matagal niyang ipinaglaban. Limang taon ang lumipas. Nagbalik si Eliana bilang si Dr. Astrid, isang doktor na hindi na kayang yurakan ni Kiel. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo, bumukas ang mga sugat na pinagaling niya. Nagulo ang lahat nang mailigtas niya ang isang batang kamukhang-kamukha ng anak niyang si Liam. Hindi niya alam na si Elijah iyon, ang batang lumaki sa piling ni Kiel. Samantala, napunta si Liam sa harap ng lalaking kinamumuhian niya dahil sa sinapit ng kaniyang ina. Dalawang batang magkamukha. Isang nakaraang puno ng pagtataksil. At isang katotohanang maaaring magpabagsak sa lalaking naghari sa buhay ni Eliana. Nang makita ni Kiel ang dalawang bata, isang tanong ang hindi niya napigilan. “Ang dalawang batang iyan… mga anak ko ba? Sarili kong dugo?” Ngumiti si Eliana, ngunit malamig ang kaniyang mga mata. “Nagkakamali ka, Kiel. Matagal mo nang pinatay ang sarili mong anak.” Hindi alam ni Kiel na may dalang mga lihim ang babaeng minsan niyang pinalayas—mga lihim na kayang wasakin ang lahat ng pinaniniwalaan niya. Kapag lumabas ang katotohanan, pagsisisihan kaya niya ang lahat, o tuluyan nang mawawala sa kaniya ang pamilyang hindi niya piniling iligtas?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Kabanata 1: Sariling Anak, Kaya Mong Patayin?

“P-paano mo ‘to nagawa, Kiel?” Magkahalong sakit at pait ang kaniyang tanong sa lalaki.

Nakatayo ito malapit sa may p***o, nakatingin ng malamig sa kaniya, at walang bakas ng pagsisisi o takot ang guwapong mukha.

Gusto niyang isipin na baka masamang panaginip lamang ito. Dahil kahit gaano pa kawalang-puso ang kaniyang asawa, hinding-hindi nito magagawang saktan ang kaniyang ipinagbubuntis— ang sarili nitong anak.

“Kiel…” may pagsusumamo niyang tawag sa lalaki.

Itinaas niya ang isang kamay sa kawalan, habang ang isa’y nanghihinang kumapit sa gilid ng mababang mesa. Umaasa siyang lalapit ito at tutulungan siyang makatayo ng maayos. Nanginginig ang kaniyang tuhod at unti-unting lumalala ang kirot sa kaniyang sinapupunan.

Hindi… hindi ito magagawa ni Kiel sa kaniya.

“Ganito rin ang naramdaman niya. Ngayon maiintindihan mo na kung ano’ng pinagdaanan ni Sienna.” Malamig na tugon ng lalaki.

Umawang ang kaniyang bibig at parang kidlat na tumama sa kaniya ang reyalidad.

Tama nga siya, pinalitan ni Kiel ng abortion pills ang kaniyang gamot ngayong umaga. Kaya sumasakit ang kaniyang tiyan, humihilab, at parang naglilikot ang sanggol sa kaniyang sinapupunan.

Hindi niya matukoy kung ang nagpapahina sa kaniya ay ang gamot, o ang mga salitang binitawan nito.

“Kiel…” bago niya pa madugtungan ang sinasabi ay nalukot na ang kaniyang mukha nang parang tinusok ng patalim ang gilid ng kaniyang tiyan.

Sumasakit iyon.

Nagbaba siya ng tingin sa kaniyang tiyan at sa nanginginig na kamay ay hinawakan iyon.

“Kiel… dalhin mo ‘ko sa ospital. Pakiusap.”

Hindi niya alam kung ano ang dapat gagawin. Ilang araw na siyang nakaratay sa higaan dahil masama palagi ang kaniyang pakiramdam.

Si Nancy, ang batang katulong, ang madalas na magdala ng kaniyang almusal at gamot. Kanina, naulinagan niya ang boses ni Kiel na binilin nitong magpalakas siya, kumain ng lugaw na iniluto nito at inumin ang kaniyang gamot.

Nagkaroon pa siya ng lakas na bumangon ng kama at maupo ng ilang minuto para ubusin ang kaniyang pagkain bago inumin ang malaking puting tableta.

Noong una’y nagtaka pa siya kung bakit tila nagbago ang hitsura ng tabletang iniinom niya. Mas malaki na iyon, at parang kakaiba ang lasa. Mas mapait at parang hindi niya kayang lunukin.

Ngunit hindi na siya nag-iisip ng masama. Masyado siyang natuwa sa ideyang si Kiel pa mismo ang nagdala ng kaniyang almusal at gamot.

Ngayon, sising-sisi siya kung bakit walang pagdadalawang-isip niyang nilunok ang tabletang iyon!

“Kiel…” nanginig ang kaniyang boses ng maramdaman na mayroong malagkit at mainit na likidong naglandas sa pagitan ng kaniyang mga hita, pababa sa kaniyang mga paa.

“Kiel, dalhin mo ‘ko sa ospital!”

Nanlabo ang kaniyang mga mata sa pagkamuo ng mga luha.

Alam niyang dugo iyon. Dinudugo siya!

Hindi pwede.

Walong buwan na siyang buntis. Isang buwan na lamang ang hihintayin niya at magsisilang na siya ng sanggol.

Hindi pwedeng ngayon pa siya duduguin.

“Kiel… please. Anak mo ang dinala ko. H-hindi mo pwedeng g-gawin to sa akin.”

Naglandas ang mga luha sa kaniyang pisngi. Nanlalabo ang kaniyang paningin nang mag-angat siya ng tingin sa direksyon ng lalaki.

Ngunit para itong walang pakiramdam. Nanatili ito sa kinatatayuan, pinagmamasdan siya, at walang bakas ng kahit na anong emosyon sa mukha.

“Walong buwan nang buntis si Shiena nang utusan mo ang isang lalaki na sagasaan siya, hindi ba? She lost her child. So, you must lose yours.”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Eliana sa narinig. Hindi siya makapaniwala sa mga salitang lumabas sa bibig ng sarili niyang asawa.

“Hindi ko siya ipinahamak!” pilit niyang sagot sa pagitan ng mga hikbi. “Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa’yo na wala akong kinalaman sa nangyari sa kaniya?”

“Wala?” Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Kiel. “Umamin na ang lalaking inaresto. Sinabi niyang ikaw ang nag-utos sa kaniya. Ano pa ang itinatanggi mo?”

Lalong nanghina ang mga tuhod ni Eliana. Pakiramdam niya, unti-unting gumuho ang lahat ng pinanghawakan niya sa loob ng tatlong taong pagsasama nila.

Paulit-ulit na niyang ipinaliwanag ang kaniyang panig, ngunit tila wala nang saysay ang anumang sasabihin niya. Nakapagpasya na si Kiel. At ngayong kumbinsido itong siya ang may kasalanan, wala itong balak na bigyan siya ng pagkakataong patunayan ang kaniyang kawalang-sala.

“Hindi ako ang gumawa no’n,” mahinang sagot ni Eliana. “Kiel, tatlong taon tayong nagsama. Kahit minsan lang, hindi mo ba kayang pagkatiwalaan ang sarili mong asawa?”

Sa halip na sumagot, dumampot si Kiel ng isang dokumento mula sa mesa at inihagis iyon sa tabi niya.

“Pirmahan mo.”

Napatingin si Eliana sa papel. Kahit nanginginig ang kaniyang mga kamay, nakilala niya agad ang nakasulat sa itaas.

Kasunduan sa Diborsiyo.

Napakagat siya sa kaniyang labi. Sa kabila ng sakit sa kaniyang tiyan, mas matalim pa rin ang kirot na nararamdaman niya sa dibdib.

Kaya pala.

Hindi lamang nito gustong iparanas sa kaniya ang paghihirap na dinanas ni Shiena. Gusto rin nitong tuldukan ang kanilang pagsasama, na para bang wala silang pinagsamahan at wala siyang naging halaga sa buhay nito.

Matagal na niyang alam na darating ang araw na ito. Mula nang pagbintangan siya ni Kiel sa sinapit ni Shiena, ilang ulit na niyang inisip kung paano siya nito paghihigantihan.

Ngunit hindi niya kailanman naisip na aabot ito sa puntong pati ang sarili nilang anak ay isasakripisyo nito.

Dahan-dahang yumuko si Eliana at dinampot ang kasunduan. Mahigpit niya itong hinawakan habang pilit na inaayos ang kaniyang paghinga.

“Sige.” Itinaas niya ang matang namumula sa pag-iyak. “Gusto mo ng diborsiyo? Ibibigay ko sa’yo.”

Bahagyang kumunot ang noo ni Kiel, tila hindi nito inaasahang ganoon kadali siyang papayag.

“Pero bago ang lahat, sagutin mo muna ako.” Pinilit ni Eliana na panatilihing matatag ang kaniyang tinig. “Kahit ipagpalagay nating may kasalanan ako sa nangyari kay Shiena, ano ang karapatan mong patayin ang sarili mong anak?”

Natahimik ang lalaki.

“Anak mo rin siya, Kiel!” Halos maputol ang kaniyang boses sa tindi ng damdaming pilit niyang kinokontrol. “Hindi mo man ako mahal, hindi mo man ako paniwalaan, wala kang karapatang gawin ito sa kaniya!”

Tumingin si Kiel sa umbok ng kaniyang tiyan. Sa halip na makitaan ng pag-aalinlangan, isang mapanuyang ngiti ang sumilay sa manipis nitong mga labi.

“Paano kung sabihin kong hindi ko naman talaga siya anak?”

Natigilan si Eliana.

Ilang segundo siyang nakatitig sa lalaki, umaasang mali lamang ang pagkakarinig niya.

“Ano’ng sinasabi mo?”

“Noong gabing ipinagdiwang ang kaarawan ng Lolo ko, nilagyan ni Shiena ng pampainit ng pagnanasa ang inumin mo. Dahil sa epekto no’n, napunta ka sa silid ng ibang lalaki at nabuntis.”

Umiling si Eliana. “Hindi. Hindi iyan totoo.”

“Kung gano’n, hindi mo kailangang idamay ang pamilya Vergil. Hindi kabilang sa pamilyang ito ang batang dinadala mo.”

Napaatras siya na para bang sinampal siya ng mga salitang iyon.

Hindi maaari.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Tidak ada komentar
5 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status