Share

CHAPTER 19

Maagang pumasok sina Earl at Thalia sa kani-kanilang trabaho. Si Thalia ay inihatid muna ni Earl sa school bago siya tumuloy sa kompanya niya.

Malalim ang iniisip niya ngayon. Sino kaya ang Kent na kausap ng asawa niya? Hindi naman niya ito tinanong kagabi dahil sa parang naumid ang dila niya at natakot siya sa magiging sagot nito.

Hindi ka mahirap magustuhan Kent.

Hindi ka mahirap magustuhan Kent.

Hindi ka mahirap magustuhan Kent.

“Damn it! Sana hindi ko na lang inisip na maaaring iba naman siya kay Caroline.” Mahinang sambit ni Earl sa sarili. “Tsk pareho lang din naman pala sila, siguro napilitan din siya sa sitwasyon naming,” dagdag pa niya.

Napakuyom ang kamay niya dahil pakiramdam niya sa ikalawang pagkakataon ay naloko na naman siya. Naalala naman niya na sinabi ni Thalia na wala naman siyang nagugustuhan.

Naisip niya na, what if kausapin niya ang asawa at itanong ang tungkol dito.

Nasa malalim na pag-iisip si Earl nang bumukas ang pintuan ng opisina niya at pumasok ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status