Share

CHAPTER 18

Nasa likod ni Thalia ang kamay ni Earl habang naglalakad sila palabas ng domestic airport. Kahit itanggi niya sa sarili ay talaga namang natutuwa ang puso niya sa kilos na ito ng asawa.

Sinundo sila ng family driver nina Earl gamit ang mamahaling sasakyang ng mga Concha. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin siya sa pagbabagong ito sa buhay niya. Mula sa isang simpleng guro na sumasakay lamang sa tricycle at jeep upang pumasok sa trabaho, ngayon ay sa mamahaling sasakyan na siya nakasakay at may driver pa.

“Ate Thalia welcome home,” maligaya at masiglang bati ni Claire sa kanya nang makarating sila sa mansiyon ng mga ito. Sinabayan pa ito ng yakap ng dalaga.

“Thank you Claire,” she genuinely smiled and hugged her back. She’s lucky Claire is not just her friend now, she’s her sister-in-law now and she’s truly happy about that.

“Ehem, wala bang welcome hug si Kuya princess?” malambing at kunyaring nagtatampo na sabi naman ni Earl sa kapatid.

“Of course kuya love na love kaya kita,”
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status