Share

Chapter 1

CHAPTER ONE

THE RAYS of the sun is perfectly hitting my tanned skin. The breeze of the morning air sways my dark brown hair alongside with the dancing of the trees.

Perfect scenery, yet a painful memory to remember.

This will be the time that I will leave my current life behind. Malayo sa buhay na kinagisnan, malayo sa buhay na naghahanap ng kalulugaran at higit sa lahat, malayo kay papà.

"Are you ready?"

Mula sa pagtanaw ng mga naglalakihang building ng Manila, nilingon ko ang kapatid na nakapamulsa habang nakatingin sa'kin. Lumayo ako sa barandilya ng condo ko saka lumapit sa kanya.

"I'm ready, kuya. Are you sure you're going to be okay here?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

He smiled and tapped my shoulder. "I'll be fine. Your brother is strong, remember?"

Bumuntonghininga ako at yumakap sa kanya. "As much as I want you to come with me, I know you have responsibilities to handle here. I will miss you, kuya..." I whispered.

"I will miss you too. Call me when you get there, hmm?"

Tumango ako. Nasa business trip sa Singapore ang papà kaya sinamantala naming magkapatid ang pagkakataon na 'to para makaalis ako. Good thing, Tita Minerva and Keziah are also out of the country. Walang makakapigil sa'kin.

Sinubukan pa akong pigilan ng mga kasambahay at tauhan ni papà sa mansyon pero wala namang nagawa nang si Kuya Keon na mismo ang humarap sa mga ito. I just hope they won't report it immediately to our father.

"Let's go," untag ni kuya.

Sinuot ko ang jacket at sinukbit ang shoulder bag. Si kuya naman ay hinawakan ang dalawang maleta ko saka sabay kaming lumabas ng condo.

He will drive me to the airport. Ang sabi niya, pagkarating ko sa destinasyon ay may nag-aabang sa'kin na magsisilbing sundo ko papunta sa isla.

It was a thirty-minute drive to the airport. Sakto at pagdating namin ay tinawag na ang flight ko.

"Please be safe. I will contact my friend para alam niyang nakaalis ka na," sabi ni kuya.

Tumango ako at niyakap siya ng mahigpit. Hindi pa man ako nakakaalis ay naiiyak na ako. Siguradong mami-miss ko siya.

Kuya Keon chuckled and caressed my hair. Nang tinawag ulit ang flight ko ay saka lang kami kumalas sa isa't isa.

"Bye..." Kumaway ako at tipid na ngumiti sa kanya. He waved cutely as he watched me enter the airport.

Pinalis ko ang luhang nakatakas sa mga mata ko. Mahigpit ang hawak ko sa maleta habang sumusunod sa ibang pasahero na kasama ko sa flight.

Please be safe, kuya...

Nakatulog ako habang nasa himpapawid na ang eroplano. Nagising lang nang makaramdam ng gutom.

I didn't sleep after that. Narinig ko kasi ang announcement ng piloto na malapit na kami.

Mainit ang dampi ng hangin sa balat nang makababa kami sa eroplano. Hawak ko sa magkabilang kamay ang dalawang maleta na dala at nakisabay sa mga pasahero sa paglalakad.

I looked for my name on the waiting area. Ilang sandali pa ang pagbabalik-balik ko ng tingin hanggang sa matagpuan ang pangalan ko.

Welcome to Caged Island, Katriel Laurencio!

Isang maliit at magandang babae ang may hawak niyon. Bahagya niya pang kinakaway ang banner para siguro makita ko ng maayos.

Lumapit ako roon habang hila-hila ang dalawang maleta.

"Hi! I'm Katriel Laurencio!" bati ko sa babae.

Her eyes widened as she stare at me. Awkward akong ngumiti dahil sa tingin niya.

"Ay sorry, hehe! Hello, ako si Mina Macarena! At ako ang tour guide mo sa araw na 'to!" Masiglang sambit niya at naglahad ng kamay.

Tinanggap ko iyon at ngumiti na rin. "Nice meeting you. How long have you been waiting here?"

"Jusmiyo mahabagin! English si anteh!" rinig kong bulong niya sa sarili. "Not naman gaano! Slight lang konti." Ngumisi siya.

Natawa na ako sa kanya. I think we will get along really well. Sana ay sa isla rin siya nananatili para hindi ako makaramdam ng boredom doon.

"Handa ka na bang makilala ang boss masungit namin?" nakataas ang kilay na tanong niya.

"Boss masungit?" kunot ang noo na tanong ko rin.

"Oo, beh. Boss masungit pero pogi!" Humagikhik siya.

"I don't know him. Siya ba ang kaibigan ni Kuya Keon?"

"Korique to the highest level! Pero teka, halika na," tarantang sambit niya. Kinuha niya ang isang maleta ko at iginiya ako palapit sa isang van.

"May iba ka pa bang susunduin bukod sa'kin? Ang laki kasi ng van," puna ko nang makapasok na kami. Ngumiti ako sa driver na magalang na yumuko.

"Wala na, beh. Ito kasi ang pinagamit ni boss masungit sa'min. Baka raw kasi... ay hehe wala," putol niya sa sasabihin.

Tumango nalang ako kahit na nagtataka. Maingay si Mina habang nasa byahe. Nawawala ang antok ko habang nakikinig sa kanya na masyadong hyper. Hindi ata nauubusan ng energy ang isang 'to.

"Malaki ang pasasalamat namin kay boss masungit noong binili niya ang isla. Ang dating may-ari kasi niyon ay masyadong malupit sa amin," kuwento ni Mina.

I shifted on my sit. Nagkaroon ng urge na tuluyan ng makinig sa kanya.

"Matagal na ba ang Caged Island?" tanong ko.

"Oo, mga sampung taon na rin siguro. Onse anyos palang ako noong si boss masungit na ang may-ari ng isla. Twenty-one na ako ngayon."

Mas matanda pala ako sa kaniya ng isang taon. Salita lang siya ng salita habang nasa byahe. Natigil lang noong marating na namin ang harapan ng isang malawak na mansyon malapit sa tabing-dagat.

"Welcome sa bahay ni boss masungit!" Malakas na sigaw ni Mina na nagpangiwi sa'kin. Pati kasi ang mga nananahimik na ibon sa paligid ay nagsiliparan dahil sa sigaw niya.

Oo, gano'n kalakas ang sigaw ng isang Mina Macarena.

Naibaling ko ang tingin sa tabing-dagat. Umawang ang aking mga labi nang makita kung gaano iyon kalinis at kaganda.

Tumakbo ako papunta roon, hindi na pinansin ang pagtawag ni Mina sa pangalan ko. I took my phone out of my shoulder bag and capture the beautiful scenery.

Ang repleksyon ng mga berdeng kahoy sa paligid ay makikita sa malinis na dagat. Inikot ko ang katawan habang ninanamnam ang pagdampi ng sariwang hangin at init ng araw sa aking balat.

"Gusto ko mo bang ikuha kita ng picture?"

Nilingon ko si Mina na nakalapit na rin pala sa'kin. Natanaw ko ang driver ng van na pinapasok sa loob ng gate ng mansyon ang mga dala kong maleta.

"Sure!" pagpayag ko.

Binigay ko sa kanya ang cellphone na hawak at naghanap ng magandang puwesto. When she show me her three fingers, telling me that it's my cue to smile, I did.

Sa muling pagbalik ko ng tingin sa mansyon, umawang ang aking mga labi nang matanaw ang isang lalaki sa pangalawang palapag na tila mala-uwak na nakatitig sa'kin.

Like he's just waiting for the right time to target his prey.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status